Beranda / Romance / DESTINED TO BE HIS BRIDE / CHAPTER 3 – The Truth That Emerges

Share

CHAPTER 3 – The Truth That Emerges

Penulis: Kxjnha Inks
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-25 16:51:22

Amoy pulbura.

Amoy dugo.

Ang dating marangyang bulwagan ng mga Villarreal ay nagmistulang gulo ng apoy at sigawan.

Nakasabog ang mga mesa, nagkalat ang mga bulaklak na dating simbolo ng kasiyahan, ngayon ay natatapakan ng mga paa ng mga nagtatakbuhan.

Sa gitna ng kaguluhan, nakaluhod si Ayesha, yakap ang duguang katawan ng lalaking tinawag niyang “Rohan.”

Ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang pinipigilan ang pag-agos ng dugo mula sa tagiliran nito.

“Rohan! Rohan, sumagot ka!” sigaw niya, halos mabaliw sa takot.

Ngunit mahina lang ang tinig ng lalaki.

“Ayesha… umalis ka rito. Huwag mo akong alalahanin…”

“Hindi! Hindi kita iiwan!” Napaiyak siya, ang boses ay nanginginig

“Sino ang bumaril sa’yo? Ano ‘tong nangyayari?”

Ngunit bago pa siya makasagot, may mga lalaking naka-itim na lumapit.

Mga armadong tauhan—hindi niya kilala. Isa sa kanila ay sumigaw,

“Hanapin ang babae! Huwag niyong hayaang makaalis!”

Bago pa siya maabot, biglang bumangon si Rohan, kahit hirap at duguan, hinila siya palayo sa mga ito.

Sa gitna ng dilim at kaguluhan, tumakbo sila palabas ng bulwagan, patungo sa likuran ng mansyon.

Humahabol ang mga yabag, may mga putok ng baril sa hangin.

Ngunit mabilis si Rohan—kahit sugatan, kahit nanghihina, tila may natitirang lakas na nanggagaling sa takot o sa tungkulin.

Pagdating nila sa likod ng mansyon, dumiretso sila sa garahe.

“Sumakay ka,” utos ni Rohan, tinuturo ang itim na kotse.

“Hindi kita iiwan dito!” mariing sabi ni Ayesha.

“Sugatan ka na!”

Ngumiti ito, mapait. “Masasanay ka rin sa ganitong klaseng panganib, Ayesha. Pero ngayon—sumunod ka na.”

Pinaharurot ni Rohan ang sasakyan palabas ng mansyon.

Sa salamin, nakita ni Ayesha ang mga ilaw ng sasakyan ng mga humahabol sa kanila. Puno ng kaba ang dibdib niya.

“Rohan, sino sila?!” tanong niya habang nagmamaneho ito sa madilim na daan.

Tahimik ang lalaki saglit bago sumagot.

“Hindi ko na dapat sinasabi ‘to sa’yo. Pero kailangan mo nang malaman ang totoo…”

Humigpit ang hawak ni Ayesha sa upuan.

“Totoo? Tungkol saan?”

Huminga nang malalim si Rohan, dumaan sa isang madilim na kalsada sa labas ng lungsod.

“Hindi ako si Rohan Santos.”

Nanlaki ang mga mata ni Ayesha.

“Anong—anong ibig mong sabihin?”

“Ang totoong Rohan Santos ay namatay labinlimang taon na ang nakalipas… sa sunog na sumira sa bahay ng mga Santos.”

Sandaling tumigil ang boses niya, parang nahihirapang ipagpatuloy.

“Ako ang batang iniligtas mula sa sunog. Inampon ako ng isang tauhan ng Villarreal.

Ako si Adrian, anak ng dating guwardiya ng pamilya ninyo. Pero ginamit nila ako—pinalaki bilang si Rohan, para maitago ang isang kasalanan.”

Tahimik si Ayesha.

Hindi niya maiproseso ang lahat ng naririnig.

“Ginamit ka? Para saan?”

“Para burahin ang pangalan ng Villarreal sa kasong iyon.

Ang sunog na pumatay sa tunay na Rohan… hindi aksidente, Ayesha. Sinadya iyon.”

Tumigil ang mundo ni Ayesha.

“Sinadya?” bulong niya.

Tumango si Adrian—ang lalaking matagal niyang inakalang kababata niya.

“Ang ama mo… siya ang nag-utos na sunugin ang bahay ng mga Santos. Dahil may lihim na nalaman si Don Federico—isang lihim tungkol sa ilegal na transaksyon ng kumpanya ninyo.”

Natahimik si Ayesha, tuluyang bumagsak ang luha niya.

Hindi niya alam kung ano ang mas masakit—ang malaman na niloko siya ng lalaking nasa tabi niya,

o ang katotohanang ang sariling ama niya ang dahilan ng pagkamatay ng isang inosenteng pamilya.

“Bakit mo ‘to sinasabi sa akin?” mahina niyang tanong.

“Dahil ayokong maging kasangkapan sa kasalanan nila,” sagot ni Adrian.

“At dahil gusto kong iligtas ka, bago pa man nila gamitin ka sa susunod nilang plano.”

“Plano?”

“Project Rebirth.”

Tumingin ito sa kanya, seryoso ang mukha.

“Ang dokumentong nakita mo kanina… iyon ang patunay na may ginagawang proyekto ang pamilya mo—isang planong linisin ang pangalan nila sa pamamagitan ng pag-aayos ng kasal natin. Pero sa likod nito, may mas malaking layunin: ang pag-angkin sa kumpanya ng Santos.”

Humigpit ang dibdib ni Ayesha.

Ang kasal pala nila… hindi pag-ibig, kundi kasunduan ng kasinungalingan.

“Kung gano’n…” halos hindi na niya masabi, “lahat ng ito—ang engagement, ang pagkikita natin—planado lahat?”

“Hindi ko ginusto,” mahina niyang tugon.

“Ngunit mula noong una kitang makita, alam kong hindi ko kayang ituloy ang kasinungalingan.”

Tahimik silang dalawa habang tumatakbo ang kotse sa ilalim ng ulan.

Sa malayo, umuugong ang tunog ng mga sirena—mga kotse ng pulis, mga guwardiyang nagkalat.

“Rohan—este, Adrian…” bulong ni Ayesha,

“saan tayo pupunta?”

“May ligtas na lugar sa labas ng lungsod. Doon natin pag-uusapan ang lahat.”

Ngunit bago pa sila makarating, biglang tumigil ang sasakyan.

Sumabog ang gulong.

Napakapit si Ayesha sa upuan.

“Trap!” sigaw ni Adrian.

“Bumaba ka, bilis!”

Lumabas sila, tumakbo patungo sa masukal na bahagi ng kagubatan.

Sa likod nila, dumating ang dalawang SUV—mga lalaking naka-itim muli, hawak ang mga armas.

Mabilis silang nagkubli sa likod ng mga bato.

Ulan, putik, at takot ang bumalot sa paligid.

Habang nagtatago, naglabas ng maliit na USB si Adrian mula sa kanyang bulsa.

“Ayesha,” bulong niya,

“hawakan mo ‘to. Ito ang kopya ng lahat ng ebidensiya—Project Rebirth, mga kasunduan, lahat ng nilihim ng pamilya mo.”

“Bakit mo ‘to ibinibigay sa akin?”

“Dahil kapag ako ang nakuhanan nito, matatapos na ang lahat. Pero kapag ikaw—ang anak ng Villarreal—ang nagsiwalat, may pagkakataon pa tayong baguhin ang lahat.”

Tumitig siya sa mga mata nito.

“Hindi kita iiwan dito,” matigas niyang sabi.

Ngumiti ito, mahina.

“Palagi kang matigas ang ulo, Ayesha.”

Tumawa ito sandali, kahit duguan, kahit basang-basa sa ulan.

“Ngayon alam ko kung bakit kita minahal noon pa man.”

Nabigla siya.

“Ano’ng sinabi mo—”

Ngunit bago pa man siya makasagot, isang putok ng baril ang muling umalingawngaw.

Napasigaw si Ayesha, napayakap sa kanya

Ngunit hindi bala ang tumama sa kanila—sa halip, isa sa mga kahoy sa itaas ang tinamaan,

bumagsak sa pagitan nila at ng mga kalaban.

“Tumakbo ka na!” utos ni Adrian. “Huwag kang lilingon!”

Pero hindi siya sumunod.

“Hindi ko kaya! Adrian!”

Ngunit bago pa siya makalapit, may sumabog na liwanag—isang granada, hinagis ng isa sa mga tauhan.

Lahat ay naglaho sa tunog ng pagsabog.

Sa pagitan ng usok at ulan, narinig ni Ayesha ang boses ni Adrian, paos, mahina, ngunit malinaw:

“Buhay pa ako… hanapin mo si—”

At bago niya marinig ang pangalan, muling sumabog ang paligid, at natabunan ng abo at usok ang lahat.

Nang magkamalay si Ayesha, nasa loob siya ng isang lumang bahay—hindi niya alam kung saan.

Ang paligid ay madilim, may amoy ng gamot at paso.

Sa tabi ng kama, may nakaupong matandang babae, nakaputing damit.

“Nasaan si Rohan?” agad niyang tanong, nanginginig.

Tahimik lang ang matanda.

Dahan-dahan nitong itinuro ang mesa sa tabi ng kama.

Nandoon, nakapatong ang isang USB drive—ang parehong USB na ibinigay ni Adrian.

“Wala na siya rito, hija,” mahina nitong sabi.

“Pero kung gusto mong malaman ang totoo, buksan mo ‘yan. Nando’n ang lahat.”

Napalunok si Ayesha.

Tinignan niya ang USB, at sa likod nito, may nakasulat na maliit na mensahe:

“Hanapin mo si Raine. Siya ang may hawak ng katotohanan.”

“Raine?” bulong niya.

“Sino si Raine?”

Ngunit bago siya makapag-isip, biglang narinig niya ang kaluskos sa labas ng bahay.

Isang boses ng lalaki ang narinig niya—

malalim, pamilyar, ngunit hindi niya alam kung kanino.

“Ayesha Villarreal… sa wakas, nahanap rin kita.”

Napatigi

l siya, nanlamig ang katawan.

Nang bumukas ang pinto, isang siluetang lalaki ang lumitaw sa dilim—may hawak na baril, at may ngiting hindi niya malilimutan.

“Matagal na kitang hinihintay,” wika nito.

“At oras na para pagbayaran mo ang ginawa ng pamilya mo.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 32— “Stolen Warmth”

    The tension between them hadn’t completely faded, but after the intimate honesty they shared kagabi, Ayesha woke up with a strange lightness in her chest. Hindi pa rin sila okay fully—pero may something na. Something softer. Something new. Pagbaba niya sa kitchen, naabutan niya si Rohan na nakasando at nakatalikod, nagtitimpla ng kape. The morning light hit his shoulders in a way na parang unfair. Bakit kailangan niyang magmukhang ganun ka-composed first thing in the morning? “Good morning,” she said, trying to sound neutral. Rohan turned slightly. “Oh, hey. Coffee?” “Sure.” Habang inaabot niya ang mug, dumikit ng konti ang daliri nila. Maliit lang, saglit lang—pero sapat para mapatigil silang pareho. Ayesha pretended na wala lang, pero halata sa paraan ng pag-iwas niya ng tingin na may epekto sa kanya. “You’re awake early,” Rohan commented, sipping his own coffee. She shrugged. “Couldn’t sleep. Ang daming iniisip.” “About yesterday?” he asked gently. Ayesha swallowed

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 31 — “Her Mother’s Hidden Door”

    Malalim na ang gabi nang makabalik sina Ayesha at Rohan sa apartment.Pareho silang pagod—hindi lang sa pagod ng katawan, kundi pati sa bigat ng mga nalaman nila sa mansion.Pagkapasok nila, diretso si Rohan sa kitchen para kumuha ng tubig habang si Ayesha ay nakaupo sa sofa, hawak-hawak pa rin ang lumang litrato ng kanilang mga magulang.Tinitigan niya ang mukha ng babae sa larawan—ang kanyang ina.Tahimik. Maamo. Pero may matang may tinatagong kwento.“Ma…” bulong ni Ayesha, halos hindi lumalabas ang boses.“Bakit mo tinago ‘to sa’kin?”Lumapit si Rohan, umupo sa tabi niya at ibinigay ang baso ng malamig na tubig.“You okay?” gentle niyang tanong.Ayesha sighed. “I don’t know. Parang may mas malalim pang parte nitong story na ‘to na hindi natin nakikita.”Rohan leaned forward, elbows on knees.“Tama ka. And I think your mother left something behind. Something only you would understand.”Napatingin si Ayesha sa kanya.“How do you know?”“Because my father did the same,” sagot ni Roha

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 30 — “Secrets Behind Closed Doors”

    Ang liwanag ng umaga ay dahan-dahang sumilip sa apartment ni Ayesha.Ngunit hindi niya naramdaman ang init ng araw.Hindi pa rin kasi nawala ang malamig na panginginig mula sa nakaraang gabi.Si Rohan ay nakaupo sa tabi niya sa sofa, hawak ang litrato ng kanyang ama at ng ina ni Ayesha.Tahimik.Parang nagbabalak ng mga hakbang bago magsalita.“Ayesha…” malumanay niyang binitiwan ang salita.“Alam mo, ang lahat ng nangyari… hindi lang basta coincidences.”Huminga si Ayesha, pilit pinapakalma ang sarili.“Then tell me, Rohan. Tell me everything you know about him. About your father.”Tumango si Rohan.“My father… he was complicated. And what I found out last night—this photo… may mga bagay siyang tinago from everyone. Not just from me, but from you as well.”“Ako rin?” nagulat si Ayesha.“Why would he hide anything from me?”“It’s not about you. It’s about what he did. And what someone else did after him.”His eyes darkened, full of pain, frustration, and something else she couldn’t qu

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   CHAPTER 29 — “The Secret That Should've Stayed Buried”

    Tumigil ang mundo ni Ayesha nang bumagsak sa sahig ang picture.A single photograph—old, yellowing, parang mula pa noong 90’s. But the faces were unmistakable:Her mother.And beside her… the same man she saw in her nightmare-like hallucination inside the mansion—pero ngayon, totoong-totoo. Clearly alive. Clearly young. Clearly part of her mother’s past.At ang lalaking iyon?Si Alejandro Villarreal.Ama ni Rohan.Her breath hitched.Parang may humila sa baga niya papalabas.“Rohan…” tinawag niya, pero hindi lumabas ang boses.“Why… why was my mom with—?”Pero bago pa niya matapos, mabilis na kinuha ni Rohan ang picture. Hindi marahas—pero halatang nabigla.His jaw tightened.May panic sa mata niya.At may halong sakit na parang siya mismo, nasaktan sa nakita.“Ayesha, this isn’t—”Pero umurong si Ayesha, one step back, shaking her head.“Don’t tell me this is nothing. This is them. My mom and your father. Magkasama sila sa isang lugar na hindi ko alam. And you’re telling me… wala lan

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   Chapter 28 – The Patriarch’s Letter || The Message No One Should Have Seen

    Tahimik ang opisina ng Villarreal Estate habang pinagmamasdan ni Ayesha at Rohan ang lumang envelope na natagpuan sa ilalim ng mesa. Ang papel ay matagal na, bahagyang dilaw na sa edad, at may marka ng waks na tila lumipas na ang dekada bago ito binuksan. “Rohan… tingnan mo ito,” bulong ni Ayesha, hawak ang liham. “Parang… importante.” Tumango si Rohan, iniabot ang isa niyang kamay. “Oo. Lumang liham ng Villarreal patriarch… ang tatay ng pamilya. Siguro, may paliwanag kung bakit kami naipit sa ganitong sitwasyon.” Pinaghiwalay nila ang waks at dahan-dahang binuksan ang papel. Ang sulat ay malinaw na isinulat, may halong pag-aalala at awtoridad sa bawat linya: “To the next generation of Villarreal, You will inherit power, but power always comes with responsibility. The arrangements we make are not just for wealth, but for the legacy of the family. Yet… love should not be forgotten. Whoever is chosen to stand beside a Villarreal must hold loyalty, honesty, and courage. Secrets wil

  • DESTINED TO BE HIS BRIDE   Chapter 27 – Destined Secrets

    Tahimik ang opisina ng Villarreal Estate sa hatinggabi. Ang lamig ng hangin mula sa bukas na bintana ay nakapagtanggal ng kaunting init mula sa katawan ni Ayesha.Hawak niya pa rin ang lumang dokumento na lumabas sa misteryosong drawer kanina. Ang tinta at papel ay mabaho, parang panahon mismo ang humihingal sa bawat letra.Hindi niya maalis sa isip ang mga tanong na bumabalot sa kanya nitong nakaraang mga linggo: Bakit lumitaw ang lumang singsing sa kanyang daliri?Sino ang nagplano ng ganitong kabalintunaan? At higit sa lahat… bakit parang alam ng bawat sulok ng Villarreal Mansion ang bawat hakbang nila?Lumapit si Rohan, tahimik, ngunit ang presensya niya ay parang apoy na nag-iinit sa paligid. “Ayesha,” mahinang boses niya, “nahuli mo ba lahat ng dokumento?”“Tinatangkang intindihin ko,” sagot ni Ayesha, medyo nanginginig pa rin sa excitement at kaba. “Parang… may lihim na matagal nang itinago ng pamilya mo. At… parang connected ito sa… lahat. Sa kasal natin… sa singsing… sa man

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status