Mag-log inMalinaw na ngayon ang sagot, hindi na kailangan pang ulitin. Hindi na kailangan pang itanong. Sa isang iglap, naramdaman iyon ni Ysabel.Bahagyang umangat ang kanyang mga labi, dahan-dahan, tila isang lihim na tagumpay na siya lamang ang nakakaalam. Hindi man iyon lantaran, sapat na upang ipakita kung gaano siya katiyak sa kanyang posisyon.Nanatiling tahimik si Xavier. Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi kawalan ng sagot, kundi isang kumpirmasyon.Nang unang bumalik si Ysabel sa bansa, kapwa sina Doc Patrick at Andra ay paulit-ulit siyang hinikayat na balikan ito. Paulit-ulit nilang binanggit ang nakaraan, ang mga alaala, ang mga pagkakataong hindi dapat nasayang.Ngunit hindi siya natinag noon. Para kay Xavier, ang nakaraan ay nanatiling nakaraan. Hanggang sa unti-unting nagbago ang lahat.Sa muling pagpasok ni Ysabel sa buhay niya, hindi bilang isang alaala, kundi bilang isang puwersang hindi maikakaila.Pinamunuan nito ang bagong proyekto ng Valerio company, at sa loob lamang ng
Lubusang nalunod si Mayumi, at sa tuwing binubuka niya ang kanyang bibig, rumaragasa ang malamig na tubig papasok sa kanyang ilong at baga. Tila walang habas na kinukuha ang bawat natitirang hangin sa kanyang katawan.Hindi siya makatawag ng tulong. Kahit gustuhin niyang sumigaw, tubig lamang ang pumapasok sa kanyang lalamunan.Sa gitna ng kumikislap ngunit mapanganib na ilalim ng lawa, pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata. Ang tanging nakita niya... si Xavier, inaalalayan si Ysabel habang mabilis na lumalangoy papunta sa pampang.Parang muling bumalik ang nakaraan, isang eksenang hindi na bago sa kanya. Parang noong aksidente sa sasakyan isang buwan na ang nakalipas... ang sandaling muli siyang hindi pinili.Kahit naninikip ang kanyang dibdib, kahit unti-unting nawawala ang kanyang lakas, malinaw na sa isip ni Mayumi ang magiging wakas.Ngunit hindi siya pwedeng sumuko, hindi ngayon! Hindi pagkatapos ng lahat. Ngayon pa lamang niya natagpuan ang direksyon ng kanyang buhay. Unti
Mariing itinulak ni Mayumi si Xavier. At sa isang iglap tumalon siya sa lawa.Nanunuot sa buto ang tubig ng gabi. Sa sandaling tumama ang kanyang katawan sa ibabaw, napasinghap siya sa ginaw. Parang piniga ang kanyang dibdib, sabay-sabay na umatake ang lamig at takot.Mula nang halos malunod siya noon sa pool, nagsimula siyang matutong lumangoy.Ngunit ang pool ay kontrolado. May sahig, may hangganan. Pero ang lawa… walang kasiguraduhan. Walang hahawakan, walang kasiguraduhan kung gaano ito kalalim.At sa gitna ng kadiliman ng tubig, mabilis na umusbong ang kaba. Ngunit nang pumasok sa isip niya ang singsing, ang huling alaala ng kanyang ina, nilamon niya ang takot.Sumisid siya diretso sa kailaliman. Pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata kahit na mahapdi, kahit na halos wala siyang makita. Iginagalaw niya ang kanyang mga kamay, hinahalughog ang tubig, desperadong hinahanap ang maliit na bagay na iyon.*****Samantala, napatingin si Xavier sa lawa. Wala na si Mayumi. Parang bigla
Nahagip ni Mayumi ang bahagyang panginginig sa boses ni Xavier, isang kahinaan na pilit nitong itinatago sa likod ng matigas na tindig. Ngunit sa halip na maantig, isang malamig na aliw lamang ang sumagi sa kanya.Dapat ba siyang magpasalamat? Dahil handa siyang hayaan nitong manatili bilang Mrs. Valerio? Parang isang biro.“Hindi na kailangan,” mahinahon niyang sabi, may bahagyang ngiti na halos hindi umabot sa kanyang mga mata. “Ang kabayaran ay para maibigay kung ano ang tunay na kailangan ng isang tao. At ngayon… ang pinaka-kailangan niya ay ang kasal mo.” Isang saglit na katahimikan ang bumalot sa pagitan nila.“Handa akong iwan si Ysabel para sayo” Diretso, walang paligoy-ligoy ang sagot ni Xavier. Ngunit sa likod ng mga salitang iyon, may kung anong pilit na kinikimkim, isang emosyon na kahit siya mismo ay hindi maunawaan.Akmang aalisin ni Mayumi ang kamay nito, ngunit bago pa niya magawa biglang sumikip ang hawak ni Xavier. Parang may sumiklab sa kanya.Hinawakan nito ang isa
May sagot na si Xavier sa kanyang puso bago pa man niya tuluyang itanong ang tanong. Alam niyang hindi basta-basta bibitawan ni Mayumi ang titulo bilang kanyang asawa.Minsan na siyang minahal nito nang lampas sa sarili, isang pagmamahal na handang isugal ang lahat, kahit pa ang dangal, kahit pa ang kapayapaan. Ginawa nito ang lahat para lamang mapangasawa siya. Ang kasal nilang iyon ay hindi basta seremonya lamang, isa iyong pangako na nabuo sa gitna ng sakripisyo, isang alaala na may kasamang buhay na nawala… ang ina ni Mayumi.Kung bibitawan niya iyon, parang sinabi na rin nitong walang halaga ang lahat ng pinagdaanan ng kanyang ina.Bukod pa roon, kilala niya ang pamilya Blaze... matalino, maingat, at higit sa lahat, praktikal. Hinding-hindi nila papayagan si Kiel na magpakasal sa isang babaeng dati nang may asawa, lalo na kung ang kasal na iyon ay konektado sa pamilya Valerio.Walang matinong tao ang pipili ng ganoong komplikadong landas. Kaya bago pa man niya marinig ang sagot,
“Paano nangyari ‘to…?”Parang may malamig na tubig na biglang ibinuhos sa likod ni Mayumi. Nanlamig ang kanyang buong katawan. Isang malamig na pawis ang dahan-dahang dumaloy sa kanyang batok, pababa sa kanyang gulugod.Biglang nanghina ang kanyang mga tuhod. Kung hindi agad umalalay si Kiel, tiyak na bumagsak siya sa sahig.“Mabuti na lang at nahawakan kita,” mabilis nitong sabi, hawak siya sa braso. “Sa beach property ng pamilya Blaze sa Maynila ‘to nakita. Baka… baka aksidente lang na nawala ni Monica.”Ngunit mariing umiling si Mayumi. “H-Hindi…” nanginginig ang boses niya. “Imposible ‘yon…”Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata, parang pilit tinatanggihan ang katotohanan.“Mahalaga kay Monica ang hikaw na ‘yon kaysa sa buhay niya. Kahit mawala pa niya ‘yon… hahanapin niya ‘yon. Hindi niya basta-basta iiwan!”Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Ngunit sa pagkakataong iyon may takot na nakapaloob doon.“Maliban na lang kung…”Hindi niya naituloy ang kanyang sinab
Sa mga pinaggagawa ng kanyang pamilya kay Xavier ay isa sa dahilan kung bakit nanliliit siya sa kanyang sarili kapag kasama ang asawa... Hiyang-hiya siya.“’Wag mo nang ituloy, Pa. divorce na kami kay Xavier, wala na tayong koneksyon sa mga Valerio.” mariin nyang sabi sa ama“Ano’ng sinabi mo???” N
Noong una, naunawaan pa niya ang muling pag-aasawa ng kanyang ama. Para din daw naman yun sa kanyang kapakanan. Pero sa kalaunan ay nagiging target na siya ng pambubully ni Stephanie, madalas nitong kunin ang mga laruan at damit niya. Ang kanyang ama ay palaging kampi kay Stephanie, sinasabi pa ni
Sa loob ng library… nakatayo nang tuwid si Alden, ang kanyang executive assistant, at magalang na nag-uulat ng sitwasyon.“Sir Xavier, as you predicted, the Wellington Group, which was bidding against our company, has failed and declared bankruptcy. An hour ago, I proposed an acquisition strategy to
Lalo pang ikinagulat Xavier nang makita niyang pumapayag talaga si Mayumi.Naalala niyang matapos pumanaw ang ina ni Mayumi, nag-asawa muli ang ama nito, at kailanman ay hindi naging mabuti ang ama at madrasta nito kay Mayumi.Nang mapansin nitong nag-iisip siya, hindi na nagbigay ng paliwanag si M







