LOGIN
“Sir Xavier, delikado pa ang lugar ng aksidente. Hindi po kayo puwedeng pumasok! Nakipag-ugnayan na po kami sa rescue team. Darating na ang ambulansya anumang sandali.”
“Sir Xavier…” “Umalis kayo sa harapan ko! Kapag may nangyari sa kanya dahil sa pagkaantala, sisiguraduhin kong mananagot kayong lahat!” ***** Sa gitna ng nag-uumapaw na ingay, isang galit na sigaw ang dahan-dahang gumigising kay Mayumi Santillan mula sa kawalan ng malay dulot ng car accident na kanyang kinasasangkutan. Pinilit niyang imulat ang mga mata at nakita ang isang pamilyar na pigura na tumatakbo palapit sa kanya, para itong diyos na bumababa mula sa kalangitan. Napuno ng luha ang kanyang mga mata dahil sa galak. Naipit siya sa nakataob na sasakyan, hindi niya alam kung ilang minuto o oras na siyang naroon. Akala niya ay hindi na darating si Xavier. Bago ang aksidente, nagkaroon sila ng pagtatalo. May plano sana silang magkita sa kumpanya noong gabing iyon, pero biglang kinansela iyon ni Xavier matapos makatanggap ng tawag sa telepono kinaumagahan, at simula noon ay hindi na nito sinasagot ang lahat ng tawag niya. Nang mangyari ang aksidente, ginamit niya ang huling natitirang baterya ng kanyang cellphone upang ipaalam kay Xavier ang nangyari sa kanya. Inakala niya, gaya ng dati, na babalewalain na naman nito ang message niya… but he is here now, ready to save him. “Hang on, baby. Daddy is here…” sabi niya habang hinihimas ang umbok sa kanyang tiyan. Napatingin siya sa dugong patuloy na umaagos sa mga binti niya. She is scared, of course, pero konting panahon na lang ay mare-rescue na siya. Nahihilo na siya sa pagkawala ng maraming dugo sa kanyang katawan, pero konting minuto na lang ang hihintayin niya. Gusto niyang sumigaw at tawagin ang pangalan ni Xavier, pero natuyot na ang kanyang lalamunan kaya’t walang tunog na lumalabas.Pero hindi na iyon mahalaga, ang importante ay natagpuan na siya ni Xavier. Marahan niyang inangat ang braso at pilit na kumaway… Ngunit sa kanyang pagkabigla ay nilampasan siya ni Xavier. Ni hindi man lang ito huminto at nagpatuloy sa paglalakad. Naguluhan siya, napagkamalan ba ni Xavier na ibang tao siya? Hindi niya kasi minamaneho ang kotseng pag-aari ng pamilyang Valerio sa araw na iyon. Ginamit iyon ng hipag niya. Ang kotseng dala niya ay regalo ng kanyang ina. Bihira niya iyong gamitin kaya normal lang na hindi ito nakilala ni Xavier. Wala na siyang oras para mag-isip ng kung ano-ano. She tried calling his name to get his attention… pero wala. At dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng dugo sa kanyang binti, naubos na ang kanyang lakas. Maging ang pagsasalita ay hindi na niya magawa. Hindi siya narinig ni Xavier. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa marating ang puting kotse na naging sanhi ng aksidente. Bago pa man siya makapag-react, binuksan nito ang pinto at kinarga ang isang nanginginig na babae. Ang babae ay nakasuot ng mahabang coat, payat at sopistikada, may nakakabighaning ganda na agad na makukuha ang atensyon ninuman. Nang makita niya ang mukha nito, pakiramdam niya ay nahulog sya sa isang nagyeyelong bangin. The girl is no other than Xavier’s first love… Ysabel Cortez! Bigla niyang naalala kung paano biglang lumiko ang kotseng sakay nito kanina. Hinahabol siya na parang baliw. Ni hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makaiwas. Ang kotse nito ay nasa gilid ng kalsada, samantalang ang sa kanya ay nakataob. Pero bakit parang ito pa ang mukhang kawawa? At ang sarili niyang asawa ay yakap-yakap ang ibang babae, samantalang siya ay halos nag-aagaw-buhay na! Hindi nya lubos maisip kung bakit biglang umuwi ng bansa si Ysabel, ang alam niya ay nasa abroad ang dalaga. At bakit tila nagkataon naman na si Ysabel pa ang bumangga sa sasakyan niya? Iwinaksi niya ang mga naisip. Ang mahalaga ngayon ay ma-rescue siya at ang kanyang anak. Habang pilit niyang kinakatok ang bintana, napansin ng isa sa mga bodyguard ni Xavier ang paggalaw sa loob ng sasakyan niya. Mukhang nakilala nito ang kotseng gamit niya. Muli siyang sumigaw, pero wala pa ring boses na lumalabas sa bibig niya. “Sir, may tao pa po sa loob ng sasakyang iyon!” narinig niyang sigaw ng bodyguard ni Xavier. ***** Napalingon si Xavier Luis Valerio sa kotse na itinuro ng kanyang bodyguard. Ang babaeng nasa loob ay puno ng dugo at patuloy pa sa pagdurugo. Pero sa kabila ng dugong bumabalot sa mukha nito ay tila pamilyar ang babae sa kanya. Natigilan siya, akmang lalapitan ang kabilang kotse, nang biglang umungol sa sakit ang babaeng hawak-hawak niya… si Ysabel Cortez. Bigla siyang nataranta. “Nasugatan si Ysabel! Dalhin natin siya sa ospital!” sigaw niya sa kanyang mga bodyguard. “Pero, sir… paano ang babae sa kabilang kotse?” Hindi na nito tinuloy ang sasabihin dahil sa takot sa kanyang mga titig. Wala itong nagawa kundi sumunod sa utos nya. “Sige po, sir… tara na po sa ospital…” sambit nito. **** Walang habas na tumutulo ang mga luha ni Mayumi. Wala siyang nagawa kundi panoorin si Xavier na sinulyapan lang siya bago muling naglakad pabalik sa kotse nito at buhat-buhat si Ysabel. “Xavier! Iligtas mo ako! Iligtas mo ang anak natin!…” Inubos niya ang buong lakas sa pagsigaw, pero hindi pa rin iyon sapat. Walang kahit sinong pumansin sa kanya. Mabilis na umarangkada ang sasakyan ni Xavier, karga si Ysabel sa loob. Wala na siyang nagawa kundi panoorin habang unti-unting naglalaho ang kotse papunta sa malayo. Pilit niyang nilalabanan ang pag-pikit ng mga mata kahit pa matinding sakit at kirot na ang nararamdaman sa buo niyang katawan. Nang hindi na niya nakayanan, dumilim ang lahat sa paligid at muli siyang nawalan ng malay.STEPHANIE’S POV:Hindi niya inaasahan na sasagot si Mayumi sa kanya kaya namula siya sa pagkapahiya, pero hindi siya pwedeng magpatalo sa bruhang si Mayumi!“Sino naman ang gugustuhing maging kapareho ang dugo mo, aber?” nakangising sabi niya at naghalukipkip pa. Hindi siya pwedeng mapahiya sa harap ng kanyang kaibigan.“Right…,” tipid na sagot ni Mayumi sabay tango. “Magkaiba nga naman ang dugo natin. Yung iba kasi d’yan, dugo ng ama ko at ng kabit niya.”Nanlamig siya sa sinabi ni Mayumi. “How dare you, Mayumi! How dare you say that about my mother?! Are you crazy?!”Akmang sasampalin niya ito nang mabilis nitong hinawakan ang kamay niya at winaksi iyon palayo. Muntik pa siyang matumba sa lakas ng pagwaksi ni Mayumi.“Ano bang sinabi ko? May sinabi ba akong kabit ang nanay mo?” ngumisi ito nang nakakaloko. “Hindi ba’t ikaw mismo ang umamin?” dagdag pa nitong kalmado ang tono.Hindi siya makapagsalita. Nakita niyang nagulat din ang kaibigan niya at nag-iba ang tingin sa kanya. Ang al
Noong una, naunawaan pa niya ang muling pag-aasawa ng kanyang ama. Para din daw naman yun sa kanyang kapakanan. Pero sa kalaunan ay nagiging target na siya ng pambubully ni Stephanie, madalas nitong kunin ang mga laruan at damit niya. Ang kanyang ama ay palaging kampi kay Stephanie, sinasabi pa nitong ibigay na lang niya ang mga iyon.Kahit hindi siya masaya, at labag sa kanyang kalooban ay inintindi at tinatanggap pa rin niya. Umaasa siyang sa kanyang pagpapakumbaba ay magdadala sa pamilya ng pagkakaisa.Limang taon ang nakakalipas, nang madulas si Stephanie sa isang pag-aaway nila, nalaman niya ang totoo… hindi pangalawang asawa ng kanyang ama si Amalia, kundi kabit ito. Ang babaeng matagal nang tinatago sa kanyang ina.At si Stephanie, hindi anak ni Amalia sa ibang lalaki, kundi illegitimate child ng kanyang ama at totoong kapatid niya. Nang malaman niya ang katotohanan, labis siyang nagalit at nagwala. Histerikal niyang ipinagsisigawan na paalisin ng ama ang kabit at anak nito s
Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita ang pangalan ni Xavier sa screen. Sandali siyang nag-atubiling sagutin, iniisip nya kung ano na naman ang sasabihin nito sa kanya.Akmang sasagutin na niya nang tumigil ang pag-ring. Mabilis niyang tinawagan pabalik, pero dalawang segundo pa lang ay bigla na itong namatay. Ilang sandali pa, may natanggap siyang message.“Sorry, Mayumi, it’s me, Ysabel. Ako ang tumawag kanina. Hihiram sana ako ng pajama mo, pero hindi na kailangan. Pinahiram na ako ni Xavier ng pajama niya.”Tiningnan niya nang maigi ang message ni Ysabel. Tila para itong inosenteng mensahe pero alam niyang iba ang motibo nito kung bakit siya minessage ng ganoon… para i-provoke.Hindi siya nakahuma ng ilang minuto. Sa huli ay napangiti na lang siya ng pait. Maraming beses ng nagpadala si Ysabel ng mga mensahe sa kanya noon, lahat may pare-parehong tono. Mukhang normal, pero ang totoo ay ginagalit lang siya , na parang nang-iinggit.Minsan nang niyang sinubukang kausapin si Xa
Lalo pang ikinagulat Xavier nang makita niyang pumapayag talaga si Mayumi.Naalala niyang matapos pumanaw ang ina ni Mayumi, nag-asawa muli ang ama nito, at kailanman ay hindi naging mabuti ang ama at madrasta nito kay Mayumi.Nang mapansin nitong nag-iisip siya, hindi na nagbigay ng paliwanag si Mayumi... tumango lang ito.“Napagdesisyunan na, kaya hindi na kailangang patagalin pa.” malamig na sagot ni MayumiMuli siyang napaisip... tapos na ang usapin nila tungkol sa divorce at hindi na siya muling kinukulit ni Mayumi tungkol doon. Marahil ay nakapag-isip-isip na rin ito at napagdesisyunang tigilan na ang kahibangan.Kaya ba lahat ng ginagawa nito lately… dahil dito? Naalala niya ang kakaibang kilos ni Mayumi nitong mga nakaraang araw. Kaya pala nagplano ito ng kung ano-anong playing hard-to-get. Nagkunyari pa itong magfile ng divorce... yun pala natatakot ito na baka tanggihan niya ang hiling na puhunan para sa negosyo ng mga Santillan?Napatawa siya, tila naaliw.*****Sandaling h
Sa loob ng library… nakatayo nang tuwid si Alden, ang kanyang executive assistant, at magalang na nag-uulat ng sitwasyon.“Sir Xavier, as you predicted, the Wellington Group, which was bidding against our company, has failed and declared bankruptcy. An hour ago, I proposed an acquisition strategy to them as you had instructed in advance. But their CEO said they want you to increase the acquisition price by an extra hundred million.”Nakasandal siya sa kanyang swivel chair, tamad na naglilipat ng mga pahina ng dokumento. Halatang inasahan na niya ang ganitong demand.“Hindi ako magtataas,” malamig niyang tugon. “Hayaan n’yo silang maghintay pa nang dalawang araw. Sila rin mismo ang lalapit sa atin para humingi ng approval.”*****Tumango si Alden habang pinanood ang kanyang boss na si Xavier Valerio, kaedad niya ngunit nag-uumapaw sa lakas ng presensya at awtoridad. Wala siyang naramdaman ni katiting na pagdududa rito.Simula nang magtapos siya ng pag-aaral, personal siyang kinuha ni X
“Magluto ka ng sabaw para sa hangover at dalhin mo rito.” Utos ni Xavier sa kanya habang nilalapag nito si Ysabel sa ibabaw ng kama nila.Ang sakit mula sa pagkakabangga niya kanina ay humupa na at naging manhid, kaya’t hindi na gaanong masakit. Pero ang nakita niyang pag-aalaga nito ng sobra kay Ysabel ay mas masakit. akala nya ay sanay na siya, hindi pa din pala. Hindi siya nagsalita at tumungo sa kusina. Pagkatapos ihanda ang sabaw para sa hangover ay bumalik siya sa kwarto.Pagpihit pa lang niya sa doorknob ay narinig niya ang boses ng babae mula sa loob… gising na si Ysabel.Pagkatapos magdalawang-isip ng limang segundo, inilapag niya ang sabaw sa labas ng pinto at kumatok nang marahan.“Iniwan ko ang sabaw sa pinto.” sambit niya.“Hmm.” sagot lang ni Xavier sa kanya. Walang mababasa sa tono nito.*****Sa loob ng kwarto…Nakita ni Xavier na gising na si Ysabel. Nilibot nito ang tingin sa paligid na tila naguguluhan.“Andito ka sa bahay ko. Dinala muna kita dito dahil tinapon mo







