MasukNakatayo si Xavier sa ilalim ng ilaw ng poste, nakasuot ng puting polo at itim na vest. Marahang bumabagsak ang liwanag dito, na tila binabawasan ang karaniwang malamig at nakakatakot nitong presensya.Ngunit ngayong gabi… iba. May kakaibang lambot sa kanyang aura. Marahil ay dahil sa pagmamadali. Bahagyang mabigat ang paghinga nito, tila hinabol ang bawat segundo para lamang maabutan siya.Nang makita nitong lumingon siya, unti-unti nitong binagalan ang mga hakbang. Mabigat, parang may dinadalang hindi nakikita.Habang papalapit si Xavier, hindi niya maiwasang mapansin.. si Xavier… ay parang isang batang nawalan ng pinakamahalagang bagay. At iyon ang unang beses na nakita ni Mayumi ang ganitong anyo ni Xavier... Isang Xavier na hindi niya kilala.Nang magtagpo ang kanilang mga mata, ang lahat ng matatalim na salitang inihanda niya ay tila nawala, parang nalunod at naiwan sa kanyang lalamunan, hindi niya iyon mailabas.“What happened?” mahina niyang tanong, at hindi niya napansin na k
Halos may sasabihin pa sana si Nora, handa na niyang dagdagan ang kanyang paliwanag at tuluyang ibaling ang sisi kay Mayumi ngunit agad siyang pinutol ni Xavier.“Hindi siya gano’n!” Tahimik ngunit matigas ang boses nito.Bahagyang natigilan si Nora. Hindi niya inaasahan na ipagtatanggol ni Xavier si Mayumi.Ngunit sa halip na umatras, tila may naunawaan siya. Biglang nag-iba ang kanyang tingin, parang may nabuong ideya sa kanyang isipan.Kaya pala… Kaya pala ilang araw nang masama ang timpla ni Ms. Ysabel. Bahagya siyang ngumiti, ngunit may halong panlilinlang ang anyo niya.“Mahihirapan po tayong sabihin iyan, Mr. Valerio,” maingat ngunit may diin niyang saad. “Pagdating po sa pera… wala pong taong kayang tanggihan iyon.”Humakbang siya nang kaunti palapit, tila mas nagiging kumpiyansa. “Hindi po ba dati ay chine-check niya pa ang mga gastusin ninyo? Sa tingin ko po… baka iniisip na niya na kanya na ang pera ng pamilyang Valerio.”*****Sa mga salitang iyon, tila may naalala si Xavi
Si Mayumi ay tila lutang buong umaga dahil sa balitang natanggap niya tungkol kay Monica. Hindi man lang niya napansin na nakalugay lang ang kanyang buhok sa kanyang mga balikat. Walang ayos, walang kahit anong effort.Habang mabilis na umaandar ang convertible, marahas na humahampas ang hangin sa kanyang mukha, pinapagulo lalo ang kanyang buhok na tila sumasalamin sa gulo ng kanyang isip.Paminsan-minsan ay napapikit siya, pilit pinapakalma ang sarili, ngunit patuloy na bumabalik ang mga iniisip niya. Sumulyap siya sa kanyang pulso, saka agad na naghalungkat sa kanyang bag. Doon niya napagtanto, wala siyang dalang pangtali ng buhok.Napabuntong-hininga siya. Sa sandaling iyon, isang kamay ang dahan-dahang umabot sa harap niya. Malinis, matikas, at halatang sanay sa kontrol. May hawak itong isang silk na scarf na marahang gumagalaw sa hangin.“Gamitin mo muna ito,” kaswal ngunit may lambing na saad ni Christian Sager.Hindi na nagdalawang-isip si Mayumi. Tinanggap niya iyon at bahagya
Biglang may naalala si Mayumi. Noong mga panahong iyon… lubos siyang nagmamahal kay Xavier.Ngunit sa kabila ng lalim ng nararamdaman niya, napakaliit lamang ng oras na naibibigay nito sa kanya. At dahil doon, hindi siya naglakas-loob na gambalain ito nang basta-basta.Sa halip, tinitiis niya. Hinahanap niya ang mga sandaling natitira sa araw nito. Kahit ilang minuto lang, kahit pahapyaw na oras, sapat na iyon para sa kanya. Tahimik siyang uupo sa tabi nito, minsan ay hindi man lang sila nag-uusap.Pero para kay Mayumi, sapat na ang presensya nito, ang makasama ito, ang makaramdam na kahit papaano, may lugar siya sa buhay nito.At ngayon, napangiti siya. Ngunit ang ngiting iyon ay mapait, masakit. Parang isang alaala na pilit niyang binubura, pero patuloy na bumabalik.Naalala niya ang sinabi ni Xavier kanina tungkol sa anak nila. Dahan-dahan siyang napatingin dito, at sa isang mahinang boses na halos bulong...“Ganito ba ang paraan mo para bumawi?” tanong niya.“Dahil sa pagkawala ng
Diretsong bumaba ng hagdan si Mayumi, mabagal ngunit matatag ang bawat hakbang, parang bawat tunog ng sapatos niya sa marmol ay isang malinaw na desisyon na hindi na siya lilingon.Matapos niyang tanggihan ng dalawang beses si Xavier, kumbinsido siyang hindi na ito magpapahiya sa sarili niya. Hindi ito ang tipo ng lalaking hahabol, lalong-lalo na kung nasaktan na ang pride nito.Kaya nang marinig niya ang mahihinang yabag mula sa likuran ay napahinto siya. Unti-unti siyang lumingon at doon niya nakita si Xavier... Nakatayo ito sa hindi kalayuan, sapat lang ang distansya para hindi maging halata ang pagsunod, pero sapat din para hindi mawala sa paningin sa kaniya.Nang magtama ang mga mata nila, bahagyang nagbago ang postura ni Xavier. Parang nahuling gumagawa ng mali. Agad itong tumingin sa gilid, nagkunwaring abala sa mga halaman sa paligid, para bang biglang naging interesado sa simpleng dekorasyon ng lugar.Bahagyang kumunot ang noo ni Mayumi. Hindi niya ito maintindihan. Tahimik s
Diborsyo?... Boyfriend?Sa loob ng ilang segundo, tila paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isipan ni Xavier.Kung dati, iisipin niyang sinasadya lang ni Mayumi na inisin siya, na isa lamang itong laro ng emosyon upang makuha ang gusto nito, ngunit matapos ang lahat ng nangyari kahapon, isang mapait na katotohanan ang unti-unting luminaw sa kanya.... Hindi niya pala talaga kilala ang sariling asawa.Hindi niya alam kung kailan nagsimulang mabuo ang desisyon nitong makipagdiborsyo. Hindi niya alam kung kailan ito tuluyang napagod, kung kailan ito sumuko sa kanilang pagsasama. At lalong hindi niya alam kung kailan siya napalitan, kung kailan nito piniling ibigay ang puso sa ibang lalaki.Ngunit sa kabila ng lahat… isang bagay ang malinaw sa kanya... Ayaw niyang makipag divorce!Ayaw niyang tuluyang mawala si Mayumi sa buhay niya. Ayaw niyang maramdaman ang distansyang unti-unting lumalaki sa pagitan nila. Ayaw niyang makita ang malamig na pag-iwas nito… at higit sa laha
Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita ang pangalan ni Xavier sa screen. Sandali siyang nag-atubiling sagutin, iniisip nya kung ano na naman ang sasabihin nito sa kanya.Akmang sasagutin na niya nang tumigil ang pag-ring. Mabilis niyang tinawagan pabalik, pero dalawang segundo pa lang ay bigla
STEPHANIE’S POV:Hindi niya inaasahan na sasagot si Mayumi sa kanya kaya namula siya sa pagkapahiya, pero hindi siya pwedeng magpatalo sa bruhang si Mayumi!“Sino naman ang gugustuhing maging kapareho ang dugo mo, aber?” nakangising sabi niya at naghalukipkip pa. Hindi siya pwedeng mapahiya sa harap
Bago pa man sila ikasal ay malinaw na ayaw sa kanya ni Xavier at madalas na ito’y ginagabi sa pag-uwi. Gayunpaman, iginiit ni Estrella na kulitin niya ang kanyang asawa at gumawa siya ng paraan para magkalapit silang mag-asawa.Alam niyang kapag kinukulit niya si Xavier ay lalo lamang itong mapapa
Muling dumilim ang ekspresyon ni Johnny Santillan.“Talaga palang final na?” tanong ni Amalia na halatang nagulat din sa binalita sa kanila ni Stephanie.“Hindi pa, mom” Umiling si Stephanie. “Nagtanong ako sa staff. Hindi pa tapos ang mga papeles, may thirty-day marriage annulment cooling-off perio







