공유

CHAPTER 232

작가: dyowanabi
last update 게시일: 2026-04-09 14:43:50

Sa ibaba ng bahay, si Johnny ay maingat na nagbuhos ng tsaa para kay Sir Torres. Ang bawat galaw niya ay kalkulado, mula sa paghawak ng tsarera hanggang sa marahang pag-abot ng tasa, na para bang bawat kilos ay bahagi ng isang mas malalim na plano.

Ngunit sa kabila ng kanyang pormalidad, may malamig na intensyon na hindi niya kayang itago.

Sumulyap si Sir Torres sa kanya, ang mga mata’y tila sumusukat, tila hinahanap kung hanggang saan ang kayang gawin ng lalaking nasa harapan niya.

“Ginoong Sa
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (6)
goodnovel comment avatar
Helen Benis
Anong klaseng ama Yan si Johny grrr
goodnovel comment avatar
Ana Lovelyn Barrete
grabe sakit n ng Mata ko
goodnovel comment avatar
Jocelyn Sahibul
Ang haaaabaaaaa nman ng episode na to .sino Ang nkatapos Hanggang last part??
댓글 더 보기

최신 챕터

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 626

    Napakunot-noo si Mayumi. “Meron pa?”“Oo!” sagot ni Patricia. “Matagal na nating binili ’to.”Isa-isang inilabas ni Grace ang mga bote at inilapag sa mesa. Matagal na ngang nakatago ang mga iyon sa refrigerator. Ilang beses na rin nilang napag-usapang uminom, pero nauuwi lang sa pagod at pagtulog. Hindi naman talaga sila palainom. Sa katunayan, halos hindi pa nila nababawasan ang mga iyon.Binili lang iyon ni Grace noon dahil baka sakaling magkaroon sila ng gabing bored sila at kailangan nila ng kaunting pamparelax o gaya ng biro nito, pampatulog.Pero ngayong gabi mukhang iyon na ang panahon na mauubos nila iyon. Isa-isang inayos ni Grace ang mga bote sa ibabaw ng mesa habang nakangiti nang malapad.“Mayumi, mukhang ngayon natin mauubos lahat ’to.”Napatingin siya sa dami ng inilabas nito. “Lahat?”“Oo.”“Grace, tatlo lang tayo!“So? Naplano mo nang aabsent ka di ba?” Wika ni Grace. "Pero kami hindi pwedeng mag absent. HIndi naman kami boss katulad mo, may boss kami at hindi kami p

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 625

    Natigilan siya. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Para bang may kung anong dumampi sa puso niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya ngumiti na lamang siya habang pilit na pinipigilan ang panibagong pagluha.Sa huli, hindi na napigilan nina Grace at Patricia ang kanilang emosyon, isa-isa nila siyang niyakap. Parang ayaw nilang basta-basta matapos ang sandaling iyon.“Mag-ingat ka rito, Mayumi,” bulong ni Grace. “Hindi mo na rin naman kami kailangan dito dahil wala nang banta sa buhay mo.”Tumango si Patricia. “At saka… nagbago na rin si Sir Steven.”Bahagyang napakunot ang noo ni Mayumi. “Si Sir Steven?”“Oo.” Ngumiti si Grace. “Nagbago na siya. Binago na rin siya ng pag-ibig.”Napakurap si Mayumi. “Kilala n’yo rin si Steven?” Tila nagulat siya.“Syempre naman.” Napatawa si Patricia. “Lahat ng nasa Sager family, kilala namin.”Napailing siya habang natatawa. Hindi niya akalaing pati ang mga taong inakala niyang simpleng kasama lang niya sa apartment ay may koneksiyon pala s

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 624

    “Alam din naming nabubuking mo na kami,” natatawang sabi ni Patricia. “Pero hindi ka lang nagsasalita dahil alam mong papagalitan kami ni Boss Christian kapag nalaman niyang sinabi namin sa iyo.”Napangiti siya nang bahagya. Typical Christian. Kahit wala na ito, parang naririnig pa rin niya ang boses nito sa paligid… Take care of her.“May isa pa kaming ibibigay sa iyo,” sabi ni Patricia.Napatingin siya rito. “Ano?”Tumayo si Patricia at kinuha ang isang brown envelope mula sa ibabaw ng mesa, iniabot iyon sa kanya.“Sa iyo ang building na ito, Mayumi.”Nanlaki ang kanyang mga mata. “What?”“Nakapangalan na ito sa iyo.”Hindi agad niya kinuha ang envelope.“Binigay ito ni Boss Christian sa iyo.”Unti-unti niyang tinanggap ang mga papeles.“Ako mismo ang nag-asikaso ng papers nito,” pagpapatuloy ni Patricia. “Alam ni Boss na hindi mo tatanggapin ang mansion.”Napayuko siya. Totoo iyon, hindi niya kayang tumira sa mansion ni Christian nang wala na ito. Masyadong maraming alaala roon, ma

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 623

    Hindi na siya hinintay pa ng dalawa na magbago ang isip niya. Lumabas na siya ng bahay. Pagkasara ng pinto sa kanyang likuran, huminga siya nang malalim, wala namang sumunod sa kanya. Mabuti na rin iyon.Pagdating sa labas, agad siyang nag-abang ng taxi. Hindi naman siya naghintay nang matagal dahil may taxi ring dumaan at agad siyang nakasakay.Pagkapasok niya, sumandal siya sa upuan at tuluyan nang hinayaan ang sarili na makapagpahinga. Napapikit siya sandali. Ngayon… Okay na ang love life ni Kiel… sigurado siya roon. Hindi na magiging bugnutin ang kaibigan niya araw-araw dahil sa pagiging single nito. At least, hindi na niya kailangang makinig sa walang katapusang reklamo ni Kiel tungkol sa pagiging malas nito sa pag-ibig.Napangiti siya. Thanks to her, napadali niya ang paglapit nito kay Miranda. At kahit papaano, ipinagmamalaki niya ang sarili niya.“Achievement unlocked,” mahina niyang bulong, saka napangiti.Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas, unti-unting nawala ang ngiti

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 622

    Pagkapasok nila sa loob ng bahay, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng air-conditioning. Maaliwalas ang buong sala, malinis at elegante ang pagkakaayos ng mga muwebles. Simple lamang ang disenyo ngunit kapansin-pansin ang bawat detalye na nagpapakitang pinag-isipan at inalagaan ang bahay.Hindi rin niya maiwasang mapansin ang mga rosas na nakalagay sa iba’t ibang bahagi ng bahay. May mga bouquet sa ibabaw ng center table, mayroon sa gilid ng bintana, at may ilan ding maliliit na paso ng mga namumulaklak na rosas sa mga sulok. Halatang paborito ni Miranda ang mga rosas.Napangiti siya nang bahagya. Naalala niya tuloy ang mansion ni Christian. Marami ring mga rosas na nakatanim doon. Dati, hindi niya gaanong binibigyang-pansin ang mga iyon, pero ngayon, hindi niya maiwasang isipin kung sino ang may gusto sa mga bulaklak na iyon. Marahil si Miranda rin ang nagpatanim ng mga rosas doon.Kung si Christian lang, malamang ay hindi niya iyon pagkakaabalahan. Hindi naman mahilig sa mg

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 621

    Pagsakay nila sa kotse, agad napansin ni Mayumi ang kakaibang kilos ni Kiel.Para itong asong hindi mapakali at gustong umihi, panay ang paggalaw sa kinauupuan, paulit-ulit na humihinga nang malalim, at ilang beses ding napapahawak sa manibela na para bang pinag-iisipan kung itutuloy ba talaga ang kanilang pupuntahan.Habang papalapit sila sa bahay ni Miranda, lalo itong kinakabahan. Kanina lamang ay halos kaladkarin siya nito papunta roon, pero ngayon, tila unti-unti namang nawawala ang tapang nito. Ilang beses pa nitong sinulyapan ang kalsadang kanilang tinatahak na para bang nag-iisip kung maaari pa silang lumiko at bumalik.Ngayon lang nakita ni Mayumi si Kiel nang ganito. Palagi itong sigurado sa mga desisyon nito sa buhay. Kapag may gusto itong gawin, ginagawa nito. Kapag may napagpasyahan, pinaninindigan nito hanggang dulo. Hindi ito iyong tipong basta-basta uurong dahil lamang sa kaba o takot.Pero ngayon... Dahil lang sa isang babae, tila biglang nagdadalawang-isip ang lalaki

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status