MasukNaalala ni Mayumi noong huling beses siyang naospital, si Patrick mismo ang taong nagpalayas sa kanya roon.Maliwanag pa sa alaala niya ang malamig nitong mukha noon, ang paraan ng pagsasalita nito na para bang isa lamang siyang istorbo na kailangang alisin.Kahit na malamang ay utos lang iyon ni Xavier, naniniwala si Mayumi na hindi lang pagsunod ang dahilan noon. Sadyang gusto talaga ni Patrick na maghiwalay sila.Mula noon pa man, halata niyang hindi boto sa kanya ang mga kaibigan ni Xavier Gayunpaman, pinili niyang manatiling magalang at hindi ito binalewala. Hindi na siya ang dating babaeng natitinag sa bawat pangmamaliit ng ibang tao.Nagpakawala siya ng tipid na ngiti at mahinahong nagsabi, “Ano pa bang gagawin ng isang tao sa hotel? Siyempre, kukuha ng kwarto.”Inasahan ni Patrick na magpapanic si Mayumi o kahit man lang makaramdam ng hiya dahil nahuli niya ito sa akto. Ngunit nang marinig ang napakakalmadong sagot nito, nanlaki ang mga mata niya sa gulat.“Mayumi, asawa ka pa
Hindi mapigilan ni Mayumi ang maramdaman na may kakaiba sa mga sinabi ni Miranda. Minsan nang nabanggit sa kanya ni Christian na close ito sa kapatid.Naalala pa niya ang kwento nito na bago tuluyang nakabalik sa pamilya Sager, silang magkapatid ay tanging isa’t isa lamang ang inaasahan para mabuhay. Sa mga panahong wala kapangyarihan, wala apelyidong masasandalan, at wala sinumang kakampi, silang dalawa lang ang nagdala sa isa’t isa patawid.Kaya ngayon, hindi niya maiwasang magtaka. Hindi nagtitiwala si Miranda sa kahit sino sa pamilya Sager para mag-alaga kay Christian, ngunit handa nitong ipaubaya ang kapatid nito sa kanya? Isang taong minsan pa lang nitong nakita?Ganoon ba talaga kalaki ang tiwala ni Miranda sa kanya? Sandali siyang nag-isip. Maaaring may kinalaman iyon sa masalimuot na away sa loob ng pamilya Sager. Maaaring wala talagang ibang taong maaasahan si Miranda. O baka naman may kung anong nalalaman ang babae tungkol sa kanya na hindi niya alam.Ngunit anuman ang dah
Doon lang napagtanto ni Mayumi na kahit magkarelasyon na sila ni Christian, napakakaunti pa rin ng alam niya tungkol dito.Sa dami ng oras na magkasama sila, sa dami ng usapan at pangyayaring pinagdaanan nila, kakaunti pa rin pala ang tunay niyang nalalaman tungkol sa lalaking nasa harap niya ngayon.Hindi niya alam kung saan ito nakatira. Hindi rin niya alam kung sino ang mga taong malalapitan nito kapag may problema. Wala siyang ideya kung mayroon ba itong malalapit na kaibigan dito o kung may taong kayang tawagan sa ganitong sitwasyon. Bigla niyang naramdaman kung gaano kababaw ang pundasyon ng relasyon nila.Matapos mag-isip sandali, yumuko siya at kinuha ang cellphone ni Christian mula sa bulsa nito. Sandali siyang nagdalawang-isip bago binuksan iyon, ngunit nanaig ang praktikalidad. Hindi ito oras para mahiya. Kailangan niyang may matawagan.Tiningnan niya ang mga contact nito. Napakakaunti lang ng nakalista. Halos imposibleng paniwalaan para sa isang lalaking tulad ni Christian
Masyadong maingay ang paligid nila. Humahalo ang malalakas na tugtog sa halakhakan ng mga tao, sa tunog ng nagbabanggaang baso, at sa sigawan ng mga lasing na halos hindi na magkarinigan.Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng bar, sandaling tumigas ang ekspresyon ni Christian bago ito muling bumalik sa dati nitong anyo.Hindi malaman ni Mayumi kung ang pananahimik nito ay isang pag-amin… o kung nabuko lang ba niya ang totoo nitong plano.Mula nang makilala niya si Christian, alam na niyang isa itong taong bihasa sa pagtatago ng tunay na nararamdaman. Kung gugustuhin nito, kaya nitong magmukhang tapat habang nagsisinungaling, o magmukhang walang pakialam kahit may tinatago palang bagyo sa loob.Kung gugustuhin nitong walang sinuman ang makakabasa sa nilalaman ng utak nito, kaya nitong gawin... gaya na lang ngayon.Tinitigan niya ang mga mata ni Christian, sinusubukang humanap ng kahit katiting na kasagutan. Isang bahagyang pagkurap, isang galaw ng labi... anumang senyales na magpapatunay sa
Ayaw na niyang pag-usapan si Xavier sa likod nito. Magmumukha lang na sinisiraan niya ang lalaki. Anuman ang nangyari sa pagitan nila, tapos na iyon. Hindi niya kailangang siraan ang isang relasyong wala na para lang mapagaan ang sariling loob.Ang gusto lang niya ay isang malinis at tahimik na pagtatapos. Walang sisihan. Walang paninira. Walang pagbabalik sa mga sugat na matagal nang tinakpan.Bahagyang ngumiti si Christian. “Hindi na ako magtatanong tungkol sa kanya.” Sa isip ni Chrisitan, alam na niya ang sagot, kaya wala nang saysay na ulit-ulitin pa.Inayos niya nang kaunti ang kanyang salamin at saka bahagyang sumandal sa upuan bago itanong ang bagay na kanina pa niya gustong malaman. Ang tanong na matagal na niyang hinihintay na mabigyan ng tamang pagkakataon.“Where is Monica Blaze?”Sa unang pagkakataon matapos ang ilang tagay, tila luminaw nang bahagya ang mga mata ni Mayumi. Nag-angat siya ng tingin at tumingin kay Christian nang kalmado.“That’s the main reason you approac
Nag-isip si Mayumi sandali, ngunit sa huli ay minabuti niyang itago na lang ang tunay niyang iniisip.Ang totoo, malinaw ang sagot niya sa sarili. Ngunit pakiramdam niya ay masyado iyong makasarili para sabihin nang malakas. At kung maririnig man iyon ni Christian, baka makasakit lang siya nang hindi sinasadya.Kaya sa halip na magsalita, kinuha ni Mayumi ang baso sa mesa at ininom ang laman nito. Malamig ang alak sa una, ngunit mabilis ding nag-iwan ng init sa kanyang lalamunan.Nang makita ni Christian ang ginawa ni Mayumi, bahagyang tumigas ang ngiti sa mga labi niya. Hindi man siya nagsalita agad, may bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya. Isang maliit na senyales ng pagkadismaya. Masyado bang mahirap ang tanong niya? O ang sagot ba ni Mayumi ay si Xavier?Nang makita ang malinaw na pagkadismaya sa mukha ni Christian, nakaramdam ng kaunting pagkailang si Mayumi. Ayaw niyang manatili sa ganoong tensyon ang usapan, kaya agad niyang inilihis ang usapan.“Ilan na naging girlfriend mo
Noong una, naunawaan pa niya ang muling pag-aasawa ng kanyang ama. Para din daw naman yun sa kanyang kapakanan. Pero sa kalaunan ay nagiging target na siya ng pambubully ni Stephanie, madalas nitong kunin ang mga laruan at damit niya. Ang kanyang ama ay palaging kampi kay Stephanie, sinasabi pa ni
Sa mga pinaggagawa ng kanyang pamilya kay Xavier ay isa sa dahilan kung bakit nanliliit siya sa kanyang sarili kapag kasama ang asawa... Hiyang-hiya siya.“’Wag mo nang ituloy, Pa. divorce na kami kay Xavier, wala na tayong koneksyon sa mga Valerio.” mariin nyang sabi sa ama“Ano’ng sinabi mo???” N
Muling dumilim ang ekspresyon ni Johnny Santillan.“Talaga palang final na?” tanong ni Amalia na halatang nagulat din sa binalita sa kanila ni Stephanie.“Hindi pa, mom” Umiling si Stephanie. “Nagtanong ako sa staff. Hindi pa tapos ang mga papeles, may thirty-day marriage annulment cooling-off perio
Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita ang pangalan ni Xavier sa screen. Sandali siyang nag-atubiling sagutin, iniisip nya kung ano na naman ang sasabihin nito sa kanya.Akmang sasagutin na niya nang tumigil ang pag-ring. Mabilis niyang tinawagan pabalik, pero dalawang segundo pa lang ay bigla







