ログインNang mapansin ni Christian ang bag na hawak ni Mayumi, kusa siyang nag-abot ng kamay habang papalapit ito. Walang anumang pag-aalinlangan, ibinigay naman ni Mayumi ang bag sa kanya, parang isang likas at tahimik na kasunduang matagal nang umiiral sa pagitan nilang dalawa.“What do you feel like eating? My treat.”magaang alok ni Mayumi, halatang maganda pa rin ang timpla ng kanyang pakiramdam.Ngumiti si Christian, bahagyang nakataas ang sulok ng labi. “Alright.”“How about barbecue?” mungkahi ni Christian.Maaga siyang umalis noon at ginugol ang maraming taon sa ibang bansa. Nang bumalik siya, si Miranda ay laging umiiwas sa amoy ng usok mula sa mga inihaw sa gilid ng kalsada. Siya man ay hindi rin nagkaroon ng interes sa mga ganoong lugar noon. Kaya sa totoo lang, hindi pa niya kailanman nasubukan ang ganitong simpleng karanasan.Ngunit narinig na niya ang tungkol sa mga barbecue stall sa syudad, mga lugar na madalas nasa tabi lamang ng kalsada, malapit sa mga tao, masigla at puno ng
“Siyempre, iyong dating walong daang libo,” agad na sagot ni Peter, na para bang napakadali ng tanong.Tumango rin ang sales manager bilang pagsang-ayon. Sa kanilang pananaw, malinaw ang sagot, mas sulit kunin ang produktong dating mas mahal.Bahagyang ngumiti si Mayumi. “That is exactly the point.” Napakamot sa ulo ang sales manager. “Hindi ko pa rin lubos na naiintindihan.”Ipinatong ni Mayumi ang dalawang kamay sa mesa at mahinahong nagpaliwanag. “Ang MK Group ay matagal nang nakaposisyon sa ibang bansa bilang isang high-quality premium brand. Para tayong luxury car sa example na binigay ko.”“Pero sa maraming malalayong lugar dito, ni hindi man lang alam ng mga tao na umiiral ang MK. Kaya sa paningin nila, hindi ito premium brand na nagbaba ng presyo, isa lang itong bagong murang produkto sa merkado.”Dahan-dahang tumango si Peter. Naalala niya ang mga pagkakataong personal siyang nag-field research sa mga probinsya at liblib na lugar. Totoo nga, karamihan sa mga tao roon ay hind
Mukhang galit na galit na ang sales manager, ngunit sa kabila ng nag-aalab nitong anyo ay halatang wala rin itong magawa. Ang mga kumpanyang nangahas na makipagtulungan noon sa MK Group ay naglakas-loob lamang dahil umaasa silang magbubulag-bulagan si Mr. Valerio.Ngunit ngayong si Xavier Valerio mismo ang personal na tumawag at nagbigay ng malinaw na babala, isa-isang umurong ang mga ito. Wala nang sinuman ang may tapang na salungatin ang pangalan at impluwensyang dala niya.“Gayunpaman,” pilit na kumalma ang sales manager habang inaayos ang salamin sa ilong, “kahit paano ay tumatakbo pa rin ang benta natin sa low-end market. Hindi man ganoon kalaki, kahit paano’y napapagaan nito ang bigat ng mga naiipong inventory na hindi natin maibenta.”Sa narinig, naramdaman ni Peter ang malamig na bakas ng takot na gumapang sa kanyang dibdib. Mabuti na lamang at naipanukala ni Mayumi nang mas maaga ang estratehiyang ilipat ang target consumer group. Kung hindi, baka ngayon ay tuluyan nang nalu
“The terms of the deal can stay open for now. I will tell you when I have something in mind.”Sa huling linyang iyon ay pinatay ni Christian ang tawag.Dahan-dahan niyang ibinalik ang telepono sa bulsa ng kaniyang pantalon. Pagkatapos ay naupo nang bahagya sa gilid ng mesa, habang marahang tumutuktok ang kaniyang mga daliri sa makinis na kahoy. Ang tingin niya ay nakapako sa malayo.Bata pa lamang siya ay natuto na siyang huwag magtiwala sa mga salitang matatamis. Masyadong madaling gamitin ang mga salita, madaling pagandahin, madaling gawing sandata.Para kay Christian, ang mga sinasabi ng tao ay kadalasang kalahating katotohanan lamang o minsan ay tahasang kasinungalingan.Mas pinaniniwalaan niya ang mga bagay na hindi sinasabi. Ang pag-aalinlangan bago sumagot, ang paghigpit ng paghinga, ang mga desisyong salungat sa lohika. At higit sa lahat, ang mga panganib na kusang tinatanggap ng isang tao.Doon nasusukat ang tunay na intensyon, at sa tawag na iyon, iisang bagay ang luminaw sa
“Tumatawag nang ganito kagabi. May urgent ba?”Mula sa kabilang linya ay narinig ni Kiel ang kalmadong tinig ni Christian Sager. Gaya ng dati, relax at tila walang anumang bagay ang kayang gumulo sa kumpiyansa nito. Ngunit hindi nagpadaig si Kiel sa magaan na tono ng lalaki.Hindi siya tumawag para makipagbiruan. Hindi rin siya tumawag para makipagpalitan ng mga walang saysay na salita.“Kailangan kong kumpirmahin ang tunay mong intensyon kay Mayumi.”Bahagyang napataas ang kilay ni Christian sa kabilang linya. Halatang naaliw pa ito sa diretsahang tanong.“Masyado namang seryoso ang paratang na iyan, Mr. Blaze,” anito na may bahid ng biro. “Bakit mo iniisip na ang relasyon ko kay Mayumi ay kailangang may agenda? Hindi ba puwedeng humahanga lang ako sa kaniya?”Nanatiling tahimik si Kiel sa loob ng ilang segundo. Hindi niya sinagot ang tanong dahil para sa kaniya, walang saysay ang mga paliwanag ni Christian. Ang mahalaga lamang ay ang kaligtasan ni Mayumi.“Hindi mahalaga kung intere
Bahagyang napaubo si Christian at mabilis na kinuha pabalik ang kanyang telepono.“Nagbabasa-basa lang,” kaswal niyang sabi, na para bang walang kahina-hinala sa nahuli siya.“Nagbabasa-basa lang?” Nagpakawala ng malamig na tawa si Miranda. Halatang hindi siya naniniwala. Dumaan lamang siya kanina sa tapat ng silid nito at malinaw niyang narinig na may kausap ito sa telepono. Kung hindi siya nagkakamali, si Mayumi ang nasa kabilang linya.“May gusto ka kay Mayumi, hindi ba?”Hindi iyon simpleng tanong. Para iyong kumpirmasyong gusto lamang marinig mula mismo sa bibig ni Christian.Kilala niya nang husto ang nakababatang kapatid. Sa lahat ng tao, si Christian ang pinakamadaling magkunwari, ngunit hindi sa kanya.Hindi na nag-abalang tumanggi pa si Christian. Tahimik lamang itong tumango.Napakunot-noo si Miranda. Noong una, akala niya ay isa na namang panandaliang interes iyon. Katulad ng mga babaeng dumaan at lumipas sa buhay nito noon. Isang bagong libangan na pagsasawaan din pagkara
Nang mabuksan na ang pinto ay nanguna siya sa pagpasok. Nakahinga siya nang maluwag nang wala namang kakaiba doon sa loob. Iniimagine niya kasi na nakahandusay na si Mayumi doon at puno ng dugo... wala naman pala.At kabaligtaran iyon ng kanyang iniisip... ang silid ni Mayumi ay malinis. Maayos ang
Agad siyang nagkaroon ng pag-asa kaya napangiti siya nang malaki.“Set an appointment. I want to meet them in person,” saad niya kay Alden. “Sabihin mo rin sa kanila na kung mayroon silang mga kondisyon, basta kayang tuparin ng Valerio Group ay ibibigay natin.”“Yes, sir.” mabilis na tugon ni Alden
“Hindi na kailangan,” malamig niyang sabi. “At burahin mo ang kahit anong bakas na pumunta ako rito sa apartment!”Hindi niya hahayaang makaramdam ng tagumpay si Mayumi sa kanilang silent fight. Kung gusto nitong maglaro, maglaro itong nang mag-isa. Pero hindi niya sasakyan ang kabaliwan nito. Gust
MAYUMI’S POVKapag naging pinakamalaking investor ng MK Firm ang Valerio Group, alam ni Mayumi na hindi maiiwasang muli silang magkaharap ni Xavier. Ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit anong ugnayan sa asawa.Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Kiel. “Kung gano’n, tanggihan mo,” diretsahang sab







