Se connecterNagdilim na ang kalangitan. Ang maitim na ulap ay tila unti-unting nilamon ang natitirang liwanag ng dapithapon, kasabay ng pagbigat ng hangin sa paligid.Kanina, may kalayuan pa siya kay Christian kaya hindi niya napansing may kakaiba sa lagay nito. Ngunit ngayong halos yakap na niya ang binata, doon lang niya tuluyang nakita ang tunay nitong kalagayan.Namumutla na ang mukha ni Christian. Halos wala na itong kulay, na para bang unti-unti nang nauubos ang dugo sa kanyang katawan. Maging ang mga labi nito ay maputlang-maputla, at ang dati nitong matatag na paghinga ay naging napakahina. Biglang kumabog ang dibdib ni Mayumi, mabilis na sinakmal ng takot ang kanyang puso."Christian?"Mahina ngunit nanginginig niyang tawag. Wala siyang natanggap na tugon."Christian... tingnan mo ako."Marahan niyang tinapik ang pisngi nito, nanatili itong walang malay. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib."Ano'ng tinitingnan n'yo riyan?" matalim na sigaw ni Miranda. "Dalhin n'yo na siya sa ospit
"Click."Ang matalim at malamig na tunog ng gatilyo ay umalingawngaw sa buong bulwagan. Sa isang iglap, tila tumigil ang paghinga ng lahat.Ngunit... walang putok na sumunod.Nanatiling nakatayo si Kiel Blaze sa kanyang kinatatayuan. Hindi man lang ito napaatras kahit isang hakbang.Mula sa simula hanggang sa huli, nanatiling kalmado ang kanyang ekspresyon. Walang bakas ng takot, kaba, o kahit katiting na pagsisisi sa kanyang mga mata. Para bang hindi ito ang katatapos lang humarap sa kamatayan. At para bang hindi ito ang mismong humila ng gatilyo ng baril na maaaring pumatay sa kanya.Dahan-dahan niyang ibinaba ang rebolber at malamig na tumingin kay Steven Sager. "Pakawalan niyo siya."Tahimik na bumalot ang ilang segundong katahimikan, pagkatapos ay dahan-dahang pumalakpak si Steven. Ang bawat palakpak ay tila panunuya sa katatagan ni Kiel. Isang mapanganib na ngiti ang unti-unting sumilay sa kanyang mga labi."Tunay ngang nakakaantig sa puso."Bahagya nitong ikinumpas ang kanyang
Nawalan ng kulay ang mukha ni Mayumi. Mistulang naubos ang lahat ng dugo sa kanyang katawan. Namutla siya nang husto at bahagyang nanginig ang kanyang mga balikat.Mukha siyang napakarupok, tila isang marahang ihip lamang ng hangin ang sapat upang tuluyan siyang matumba. Ang mga matang dati'y matatag ay ngayon ay nababalot ng takot at panghihina.Natural na hindi iyon kayang panoorin ni Kiel. Bahagya pa lang siyang hahakbang upang harangin si Steven nang may biglang sumingit."Steven," mariing tawag ni Christian. "Ako ang nagbigay sa kanya ng baril. Ako ang responsable sa pananakit sa iyo. Kung may gusto kang parusahan... sa akin mo ibaling."Sinubukan niyang lumapit, ngunit mabilis siyang hinablot ni Miranda at mariing pinigilan. "Christian, huwag!" mahina ngunit mariin nitong sabi.Alam ni Miranda ang ibig sabihin ng ginawa ni Christian. Hindi lang iyon simpleng pag-ako ng kasalanan. Isa iyong lantad na pagtataksil kay Steven.Sa organisasyong kanilang kinabibilangan, ang pagtataksi
Hindi na niya kailanman mababayaran ang lahat ng ginawa ni Christian para sa kanya. Paulit-ulit siyang iniligtas nito. Paulit-ulit nitong isinugal ang sariling buhay. At ngayon... ito naman ang mamamatay dahil sa kanya.Kung may susunod mang buhay, ipagdarasal niyang muli silang magkita. At sa pagkakataong iyon... siya naman ang magpoprotekta rito, siya naman ang magbabayad sa lahat ng kabutihang natanggap niya.Ngunit bago pa tuluyang makalabit ni Steven ang gatilyo... isang malamig ngunit nagmamadaling boses ang biglang umalingawngaw sa buong lugar."Hindi siya patay! Buhay pa si Monica."Biglang natigilan ang lahat. Kasabay ng paglamig ng hangin sa paligid, napahinto ang daliri ni Steven sa gatilyo.Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mayumi. Dahan-dahan siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Sa ilalim ng nakakasilaw na ilaw ng poste, dalawang pamilyar na pigura ang mabilis na naglalakad palapit... Si Kiel Blaze kasama si Miranda Sager.Pareho silang hinihingal na tila nagmada
Unti-unting namula ang kanyang mga mata. Mahigpit niyang kinuyom ang kamay sa loob ng bulsa. Doon... naroon ang malamig na bakal na ibinigay ni Christian... ang huling alas, ang huling pag-asa."Nasaan si Monica?" Mababa, malamig at mapanganib na tanong ni StevenMariing nagtagpo ang kanilang mga mata. Huminga nang malalim si Mayumi. Mahigpit niyang itinikom ang kanyang mga labi bago tuluyang nagsalita."Patay na siya."Isang iglap. Biglang nanigas ang mukha ni Steven."Kung hindi ka naniniwala..." Dahan-dahang isinuksok ni Mayumi ang kanyang kamay sa bulsa. "May ebidensya ako ng pagkamatay niya."Hindi niya inalis ang tingin kay Steven. Hindi siya kumurap, hindi rin siya nagpahalata. Sa unang pagkakataon... nakita niyang nabasag ang malamig na ekspresyon nito.Sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Monica, laging nawawala ang pagiging maingat ni Steven... at iyon mismo ang hinihintay niya."Ano'ng ebidensya---"Hindi na niya hinayaang matapos pa ito. Sa isang mabilis na galaw... binun
Malakas na bumagsak ang kanyang katawan sa malamig na sahig. Napangiwi siya sa sakit, ngunit wala siyang pakialam. Ang mga mata niya ay nakapako lang kay Christian.Samantala, dahan-dahang ikinuyom ni Christian ang kanyang mga kamao. Kumikirot ang bawat ugat sa kanyang katawan. Isang suntok lang... alam niyang kaya niyang gumanti, ngunit nang marinig niya ang sigaw ni Mayumi at makita itong nakaluhod sa sahig, unti-unti niyang niluwagan ang kanyang mga kamao.Hindi siya maaaring magsimula ng laban ngayon... hindi habang nasa panganib pa si Mayumi. Bahagya siyang ngumiti kahit may dugo na ang kanyang mga labi."Steven..." paos niyang sambit. "Matagal na tayong hindi nagkita. Kailangan ba talagang sa dahas agad magsimula?"Walang anumang emosyon ang mukha ni Steven. Hindi ito sumagot, sa halip isa na namang napakalakas na suntok ang dumiretso sa mukha ni Christian... mas mabigat, mas malupit at puno ng galit.Tuluyang nawalan ng balanse si Christian. Napasuray siya paurong bago bumagsak
XAVIER'S POV:Sa library… prenteng siyang nakaupo sa sofa, marahang tumatambol ang mga daliri sa ibabaw ng tabletop.Sa tapat niya ay ang kanyang amang si Lucio Valerio na tahimik at kanina pa nagbabasa ng mga dokumento ng kompanya.“Dad, hindi mo naman ako pinatawag para lang panoorin kang magtrab
"Mayumi… apo ko… andito ka na ba? Parang ang tagal mo nang hindi bumibisita sa akin, apo. Nasaan ka na ba?” masiglang boses ni Donya Corazon habang papasok ng mansion. Napatingin ang lahat sa matanda.Nakaupo lang siya sa sofa ng marinig ang boses ni Donya Corazon na tinawag ang pangalan niya. Hind
MAYUMI'S POV:Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kanyang kotse. Ayaw niyang gumawa ng ingay na mapansin ng lahat. Mas maiging tahimik siyang umalis. Total, wala namang pakialam ang mga tao doon kung nandoon man siya o wala.Papasok na sana siya sa sasakyan nang makarinig ng mga yabag mula sa l
Bahagyang ipinikit ni Xavier ang kanyang mga mata at naglabas ng mahinang “hm,” tila walang interes sa kung ano man ang nangyayari sa labas ng sasakyan.Sa harap, walang nagawa si Alden kundi muling itaas ang mga bintana ng kotse. Bahagya siyang sumulyap sa rearview mirror, nag-aalinlangan kung dah







