Share

CHAPTER 535

Penulis: dyowanabi
last update Tanggal publikasi: 2026-07-27 17:31:49

Pagkasara ng pinto ng sasakyan ay mariing napapikit si Mayumi. Humugot siya ng malalim na hininga bago marahang isinandal ang ulo sa headrest. Pakiramdam niya ay biglang naubos ang lahat ng lakas na pilit niyang ipinakita sa harap ng pamilya Valerio.

Sa wakas... Tapos na.

Akala niya, kapag dumating ang araw na iyon ay magdiriwang ang puso niya. Akala niya ay makakaramdam siya ng matinding ginhawa. Pero sa halip, isang kakaibang lungkot ang dahan-dahang pumuno sa kanyang dibdib.

Hindi dahil nami
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 542

    Parang huminto ang tibok ng puso niya. Mabilis siyang napaupo sa kama habang hindi inaalis ang tingin sa telepono.Bakit tumatawag si Mayumi? Gusto ba nitong magpasalamat dahil sa nangyari kagabi? Dahil sa wakas ay napaamin nila si Ysabel?O baka naman... Baka handa na itong bigyan siya ng isa pang pagkakataon. Baka handa na itong tanggapin siyang muli sa buhay nito.Habang nakatitig lang sa cellphone, kung anu-anong posibilidad ang pumasok sa kanyang isip. Ngayon lang ulit niya naramdaman ang ganitong kaba... ang kaba na may halong pananabik at pag-asa.Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang pinindot ang answer button at itinapat ang telepono sa kanyang tainga."Hello, Mayumi?" mahina niyang sambit. "Sorry about last night. Hindi na tayo nakapag-usap---"Pero hindi niya natapos ang sasabihin dahil agad siyang pinutol ni Mayumi."Nawawala ba si Ysabel?"Biglang natigilan si Xavier. Parang hindi niya narinig nang maayos ang sinabi nito."What?""I said, nawawala ba si Ysabel?" mal

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 541

    Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa opisina na si Mayumi. Matapos ang public apology ni Ysabel kagabi, tuluyan nang nalaman ng lahat ang katotohanan tungkol sa nangyari. Sa wakas, nabunyag na rin ang kasalanang matagal na nitong itinago.Kahit paano, nakahinga siya nang maluwag. Sa unang pagkakataon pakiramdam niya ay unti-unti nang makakamit ng kanyang anak ang hustisyang matagal niyang ipinaglaban.Pero wala siyang oras para magpahinga. Kasalukuyan siyang nasa laboratoryo ng MK Group, nakaupo sa harap ng malaking monitor habang sunod-sunod na lumalabas ang mga blueprint at data ng proyekto. Minamadali nila ang pagbuo ng tatlumpung libong intelligent robots na inorder ng isang kilalang foreign company. Anim na buwan lang ang ibinigay sa kanila para matapos ang napakalaking proyekto.Mukhang imposible man iyon para sa iba, wala silang pagpipilian kundi ang gawin ang lahat upang magtagumpay. Nakasalalay rito ang kinabukasan ng MK Group.Kailangan nilang patunayan sa kanilang mga interna

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 540

    Tahimik siyang lumabas ng condominium at dumiretso sa gilid ng kalsada. Hindi na niya dinala ang sarili niyang sasakyan. Madali iyong matutunton, mas ligtas na sumakay na lang ng taxi.Parang sinwerte siya nang may bakanteng taxi agad na dumaan. Huminto iyon sa kanyang harapan, binuksan niya ang pinto at mabilis na sumakay."Sa airport po, kuya."Tumango ang driver pero hindi agad pinaandar ang sasakyan. Sa halip ay ilang segundo muna itong nakatingin sa kanya gamit ang rearview mirror.Nanlalamig ang palad ni Ysabel. Nakilala kaya niya ako? Mabilis siyang umiwas ng tingin. Hindi... Imposible! Nakatago ang halos buong mukha niya sa hoodie at face mask.Pagkaraan ng ilang segundo ay saka lang pinaandar ng driver ang sasakyan."Sobrang aga naman ng flight mo, Ma'am," sabi nito habang nakatingin sa kalsada. "Hindi ba delikado?""Okay lang po, Kuya," kalmado niyang sagot kahit kabado ang dibdib niya. "Mas gusto ko nga po ang madaling-araw. Hindi masyadong maraming tao sa airport.""Sabaga

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 539

    Samantala...Nagmamadaling isinilid ni Ysabel sa malaking maleta ang lahat ng mahahalagang gamit niya. Halos magkandaugaga siya sa pagkuha ng mga passport, credit cards, mamahaling alahas, at mga dokumentong maaaring kailanganin niya sa pag-alis ng bansa.Kasalukuyan siyang nasa condo unit na lihim niyang tinutuluyan. Kanina pa siya pabalik-balik sa sala at silid habang paulit-ulit na tinitiyak na wala siyang maiiwang ebidensiya.Kailangan niyang makaalis, ngayon na, hindi siya maaaring mahuli, hindi siya papayag na mabulok sa kulungan habang buhay.Mariin niyang isinara ang zipper ng maleta bago ito sinipa dahil sa sobrang galit. "Damn it!"Namumula ang kanyang mukha habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari ilang oras pa lang ang nakalilipas... nag-backfire ang buong plano nila.Siya sana ang dapat na kinakampihan ng publiko, siya sana ang kinakaawaan, siya sana ang dapat na lumalabas na biktima... Pero bakit siya ngayon ang kontrabida? Bakit sa halip na simpatya ay

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 538

    VALERIO MANSION:Binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong sala ng Valerio Mansion. Nakaupo silang lahat sa mahabang sofa, pero walang sinuman ang naglalakas-loob na magsalita. Nakayuko ang iba, habang ang ilan ay tulalang nakatingin sa kawalan. Para bang sabay-sabay silang nawalan ng lakas.Wala na ang mga media at mga cameraman. Tapos na ang live broadcast… tapos na rin ang mahabang pagbabalatkayo ni Ysabel.At kasabay noon ay tuluyan ding nalantad ang kabulukan ng kanilang pamilya sa harap ng buong Maynila. Ang pamilyang matagal nilang ipinagmamalaki ay isa na ngayong sentro ng usap-usapan at pangungutya.Tahimik na pumatak ang luha ni Estrella. "What now, Xavier?" nanginginig nitong tanong. "Ano na ang gagawin natin? Sinayang lang natin ang tiwala kay Ysabel... Pinaniwalaan natin siya sa lahat ng sinabi niya." Napatakip ito ng mukha habang patuloy ang pag-iyak. "At si Mayumi... Diyos ko... ano bang ginawa natin sa batang iyon?"Napasinghap naman si Andra habang pinapahid ang

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 537

    Napailing na lang si Christian habang napapangiti, pero si Mayumi ay napansin ang kakaibang ngiti ni Miranda. Ngumiti ito, ngunit hindi umabot sa mga mata nito.Parang may malalim itong iniisip... Parang may itinatago.Saglit lang iyong dumaan sa isip ni Mayumi bago niya iyon isinantabi."Ako na rito, Ate Miranda," malumanay niyang sabi habang lumalapit kay Christian. "Ako na ang mag-aalaga kay Christian."Sandaling pinagmasdan sila ni Miranda. May kung anong kislap na dumaan sa kanyang mga mata bago siya marahang tumango. "Sige."Kinuha niya ang tray na may mga gamot at benda."I'll leave you both alone. May pupuntahan pa kasi ako."Huminto siya sandali sa pintuan at bahagyang lumingon sa kanilang dalawa. Pagkasabi niyon ay tuluyan na siyang lumabas ng silid.Tahimik na nagsara ang pinto. Naiwan sina Mayumi at Christian na magkatitigan. Napalabi si Mayumi nang mapansin ang benda sa balikat nito."Dahil talaga sa'kin kaya ka nasugatan..." mahina niyang bulong.Napangiti lamang si Chri

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 46

    “Nabalitaan mong magbabakasyon kami at sinundan mo kami rito nang sadya, hindi ba?” inis na sabi ni Stephanie sa kanya. Maaaring wala na itong maisip na dahilan kung bakit naroon rin siya sa airport.Sa loob ng maraming taong nanirahan siya sa bahay ng Valerio na parang ibong nakakulong sa hawla. W

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-21
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 169

    Ang pagsasalita sa isang malaking product launch at mapansin ng industriya ay pangarap ng maraming designer. Ngunit karamihan sa kanila ay hindi kailanman nabibigyan ng ganoong pagkakataon.At kung sakaling may dumating na ganitong oportunidad, halos walang sinuman ang tatanggi. Kaya nang sabihin n

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-05
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 170

    Bahagyang ipinikit ni Xavier ang kanyang mga mata at naglabas ng mahinang “hm,” tila walang interes sa kung ano man ang nangyayari sa labas ng sasakyan.Sa harap, walang nagawa si Alden kundi muling itaas ang mga bintana ng kotse. Bahagya siyang sumulyap sa rearview mirror, nag-aalinlangan kung dah

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-05
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 167

    Sa Valerio Mansion...Nagmadaling bumalik si Xavier sa mansyon. Mabigat ang kanyang hakbang habang binubuksan ang pinto, tila may kung anong gumugulo sa kanyang isipan mula pa kanina.Ngunit pagpasok pa lamang niya sa sala ay agad siyang napahinto. Sa mahabang sofa malapit sa fireplace, nakita niya

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-05
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status