Share

CHAPTER 94

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-02-13 18:45:28

Natigilan si Torres sa kalagitnaan ng paglakad nang makita si Xavier Valerio. Agad na nawala ang kumpiyansa niya.

Nang makita niya si Mayumi sa harap ni Xavier, nakaramdam siya ng parehong pagkadismaya at panghihinayang. Kaunti na lang sana, kaunting hakbang pa, at makukuha na sana niya ang babae.

Ngunit gustuhin man niyang makuha ang dalaga, hindi siya naglakas-loob na lumapit. Alam niya ang sitwasyon nina Mayumi at Xavier, alam niyang mag-asawa ang dalawa kahit pa nababalitang walang gusto si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Rosario Alebango Parilla
mabagal yong kwento parang sayang yong pera wlang kaexcite sa story
goodnovel comment avatar
LOVE
api din sya s trabaho..tapos ang ending sa kabila ng pag ka api nya babalik lang pla s walanghiyang asawa...o diba..prang nagbasa lang ako nang novels na ikaiistress ko..imbes na mawawala ung stress ko..prang nag ka stress and depression pa ako s sobrang OA na pag ka api nya at hindi lumalaban...
goodnovel comment avatar
LOVE
nakukunsumi ako sa sobrang aping api ni mayumi..gustong gustong inaapi..namatayan n ng anak ..naagawan n ng asawa..kinawawa na ng asawa at pamilya ng asawa..pati sailing pamilya inaapi sya..anu ba yan walang katapusang pag ka api...ung divorce inabot n ng 100 years... hindi marunong lumaban..hays
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 252

    Naalala ni Mayumi noong huling beses siyang naospital, si Patrick mismo ang taong nagpalayas sa kanya roon.Maliwanag pa sa alaala niya ang malamig nitong mukha noon, ang paraan ng pagsasalita nito na para bang isa lamang siyang istorbo na kailangang alisin.Kahit na malamang ay utos lang iyon ni Xavier, naniniwala si Mayumi na hindi lang pagsunod ang dahilan noon. Sadyang gusto talaga ni Patrick na maghiwalay sila.Mula noon pa man, halata niyang hindi boto sa kanya ang mga kaibigan ni Xavier Gayunpaman, pinili niyang manatiling magalang at hindi ito binalewala. Hindi na siya ang dating babaeng natitinag sa bawat pangmamaliit ng ibang tao.Nagpakawala siya ng tipid na ngiti at mahinahong nagsabi, “Ano pa bang gagawin ng isang tao sa hotel? Siyempre, kukuha ng kwarto.”Inasahan ni Patrick na magpapanic si Mayumi o kahit man lang makaramdam ng hiya dahil nahuli niya ito sa akto. Ngunit nang marinig ang napakakalmadong sagot nito, nanlaki ang mga mata niya sa gulat.“Mayumi, asawa ka pa

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 251

    Hindi mapigilan ni Mayumi ang maramdaman na may kakaiba sa mga sinabi ni Miranda. Minsan nang nabanggit sa kanya ni Christian na close ito sa kapatid.Naalala pa niya ang kwento nito na bago tuluyang nakabalik sa pamilya Sager, silang magkapatid ay tanging isa’t isa lamang ang inaasahan para mabuhay. Sa mga panahong wala kapangyarihan, wala apelyidong masasandalan, at wala sinumang kakampi, silang dalawa lang ang nagdala sa isa’t isa patawid.Kaya ngayon, hindi niya maiwasang magtaka. Hindi nagtitiwala si Miranda sa kahit sino sa pamilya Sager para mag-alaga kay Christian, ngunit handa nitong ipaubaya ang kapatid nito sa kanya? Isang taong minsan pa lang nitong nakita?Ganoon ba talaga kalaki ang tiwala ni Miranda sa kanya? Sandali siyang nag-isip. Maaaring may kinalaman iyon sa masalimuot na away sa loob ng pamilya Sager. Maaaring wala talagang ibang taong maaasahan si Miranda. O baka naman may kung anong nalalaman ang babae tungkol sa kanya na hindi niya alam.Ngunit anuman ang dah

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 250

    Doon lang napagtanto ni Mayumi na kahit magkarelasyon na sila ni Christian, napakakaunti pa rin ng alam niya tungkol dito.Sa dami ng oras na magkasama sila, sa dami ng usapan at pangyayaring pinagdaanan nila, kakaunti pa rin pala ang tunay niyang nalalaman tungkol sa lalaking nasa harap niya ngayon.Hindi niya alam kung saan ito nakatira. Hindi rin niya alam kung sino ang mga taong malalapitan nito kapag may problema. Wala siyang ideya kung mayroon ba itong malalapit na kaibigan dito o kung may taong kayang tawagan sa ganitong sitwasyon. Bigla niyang naramdaman kung gaano kababaw ang pundasyon ng relasyon nila.Matapos mag-isip sandali, yumuko siya at kinuha ang cellphone ni Christian mula sa bulsa nito. Sandali siyang nagdalawang-isip bago binuksan iyon, ngunit nanaig ang praktikalidad. Hindi ito oras para mahiya. Kailangan niyang may matawagan.Tiningnan niya ang mga contact nito. Napakakaunti lang ng nakalista. Halos imposibleng paniwalaan para sa isang lalaking tulad ni Christian

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 249

    Masyadong maingay ang paligid nila. Humahalo ang malalakas na tugtog sa halakhakan ng mga tao, sa tunog ng nagbabanggaang baso, at sa sigawan ng mga lasing na halos hindi na magkarinigan.Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng bar, sandaling tumigas ang ekspresyon ni Christian bago ito muling bumalik sa dati nitong anyo.Hindi malaman ni Mayumi kung ang pananahimik nito ay isang pag-amin… o kung nabuko lang ba niya ang totoo nitong plano.Mula nang makilala niya si Christian, alam na niyang isa itong taong bihasa sa pagtatago ng tunay na nararamdaman. Kung gugustuhin nito, kaya nitong magmukhang tapat habang nagsisinungaling, o magmukhang walang pakialam kahit may tinatago palang bagyo sa loob.Kung gugustuhin nitong walang sinuman ang makakabasa sa nilalaman ng utak nito, kaya nitong gawin... gaya na lang ngayon.Tinitigan niya ang mga mata ni Christian, sinusubukang humanap ng kahit katiting na kasagutan. Isang bahagyang pagkurap, isang galaw ng labi... anumang senyales na magpapatunay sa

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 248

    Ayaw na niyang pag-usapan si Xavier sa likod nito. Magmumukha lang na sinisiraan niya ang lalaki. Anuman ang nangyari sa pagitan nila, tapos na iyon. Hindi niya kailangang siraan ang isang relasyong wala na para lang mapagaan ang sariling loob.Ang gusto lang niya ay isang malinis at tahimik na pagtatapos. Walang sisihan. Walang paninira. Walang pagbabalik sa mga sugat na matagal nang tinakpan.Bahagyang ngumiti si Christian. “Hindi na ako magtatanong tungkol sa kanya.” Sa isip ni Chrisitan, alam na niya ang sagot, kaya wala nang saysay na ulit-ulitin pa.Inayos niya nang kaunti ang kanyang salamin at saka bahagyang sumandal sa upuan bago itanong ang bagay na kanina pa niya gustong malaman. Ang tanong na matagal na niyang hinihintay na mabigyan ng tamang pagkakataon.“Where is Monica Blaze?”Sa unang pagkakataon matapos ang ilang tagay, tila luminaw nang bahagya ang mga mata ni Mayumi. Nag-angat siya ng tingin at tumingin kay Christian nang kalmado.“That’s the main reason you approac

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 247

    Nag-isip si Mayumi sandali, ngunit sa huli ay minabuti niyang itago na lang ang tunay niyang iniisip.Ang totoo, malinaw ang sagot niya sa sarili. Ngunit pakiramdam niya ay masyado iyong makasarili para sabihin nang malakas. At kung maririnig man iyon ni Christian, baka makasakit lang siya nang hindi sinasadya.Kaya sa halip na magsalita, kinuha ni Mayumi ang baso sa mesa at ininom ang laman nito. Malamig ang alak sa una, ngunit mabilis ding nag-iwan ng init sa kanyang lalamunan.Nang makita ni Christian ang ginawa ni Mayumi, bahagyang tumigas ang ngiti sa mga labi niya. Hindi man siya nagsalita agad, may bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya. Isang maliit na senyales ng pagkadismaya. Masyado bang mahirap ang tanong niya? O ang sagot ba ni Mayumi ay si Xavier?Nang makita ang malinaw na pagkadismaya sa mukha ni Christian, nakaramdam ng kaunting pagkailang si Mayumi. Ayaw niyang manatili sa ganoong tensyon ang usapan, kaya agad niyang inilihis ang usapan.“Ilan na naging girlfriend mo

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 58

    Napatigil siya at muling tiningnan ang mensahe ni Xavier. Bago pa siya makapag-isip nang mas malalim, may boses ng estranghero mula sa labas ng pinto.“Hello, delivery. Puwede po bang lumabas kayo para pumirma?”Kasabay niyon, nag-message din sa kanya si Kiel. Doon na niya naintindihan ang lahat. N

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 55

    "Go back."Nabaling ang tingin ni Alden sa kanya... “Saan po, boss? Sa mansion?”Akmang tatango siya nang biglang sumagi sa kanyang isip ang isang alaala. Noong umuwi siya at nakitang nababalot ng dilim ang mansion ay mukhang malungkot. Ano pa kaya ngayon na lumipat na si Mayumi ng tirahan... sigur

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 52

    Napansin ni Ysabel ang biglang pagbabago ng mood ni Xavier.Kunwari’y hindi sinasadya, sumulyap siya sa screen ng phone nito at nakita ang pangalan ni Mayumi sa chat.Si Mayumi na naman! inis na sabi niya sa sarili.Kampante siyang kaya niyang alisin ang kahit sinong humaharang sa pagitan nila ni X

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 56

    Mabilis siyang bumalik sa realidad. “Yakap lang naman pala, ibig bang sabihin nun mag-jowa na agad? Anong kalokohan naman ’yon?”At hindi niya maintindihan kung bakit bigla niyang iniisip si Mayumi nang wala sa oras. Nang makita niya ito kanina na may kasamang lalaki, aaminin nyang naalarma siya pe

    last updateLast Updated : 2026-03-22
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status