Share

Chapter 4: TRESPASSING

Nang iwanan niya si Red sa harapan ng opisina niya, sumalubong naman sa kaniya si Stella. Huminto siya at nakipagtitigan sa babae. Sa una nakangiti ito, animo'y nang aasar at siguro balak pa siyang kamustahin kung okay lang siya pero unti-unting nawawala ang ngiti nito nang marealize na sobrang okay siya, tumaas pa ang kilay niya.

Pasimple itong nagtaas ng noo at umayos ng tayo sa harapan niya sabay pasok sa bulsa ng white gown ang mga kamay. 

"You look disappointed," puna niya rito. 

Umismid ito at umirap. "Inasahan ko nang wala kang pakialam sa breakup. Ganoon ka naman eh, manhid, player, feeling maganda."

Tumawa siya, sarkastiko at mahina lang. Nag-cross siya ng mga braso at nagsalita, "Alam mo, Stella...kung gusto mo akong pahirapan, huwag ang lovelife ko, hindi importante sa akin iyon. Mas mahalaga sa akin na kilalaning mas magaling sa lahat. Kaya ako mayabang, kasi may ipagmamayabang ako at kaya ka inggit, kasi may kinaiinggitan ka—"

"For your information, hindi ako inggit sayo," pag-agaw nito sa pagsasalita niya. Medyo mataas ang boses kaya halatang nainis niya. 

"Aws, I'm not convinced, Stella. Subukan mong gawing relevant ang words mo sa actions mo or actions mo sa words mo para mas kapanipaniwala naman," asar pa niya. 

Laglag na naman ang maskara nito. Ang kaninang kala mo hindi ito apektado sa mga pang-aasar niya ay malinaw pa sa tubig ang reaction nitong inis na inis na ngayon.

Inalis lang niya ang paningin niya rito nang mamataan niya ang kaniyang Senior, Dr. Steve Morgenthorn, na naglalakad palapit sa kanila. 

"Are you ready?" tanong nito sa kaniya. 

Kumurap siya at ngumiti. "Yes, Doc." Tumingin siya kay Stella, at binigyan ito ng nakakaasar na ngiti, saka muling kinausap ang senior niya. "But before that, I had to check on his condition first." Tumango ito at pinasiringan niya ng tingin si Stella. "Anyways, goodmorning, Dr. Morgan." 

Hindi ito nagsalita, umirap lang at umalis sa harap niya. Tumango naman siya sa senior niya at sabay silang naglakad papuntang, cardiac imaging room. "Be nice, Avery."

"I do, Uncle. But how can I alleviate it if she's jealous of me? I told her not to be, but she keep acting like that. It's not my fault that passion is to save lives and it's beyond my control," rason naman niya. 

Natawa naman ito, at tinapik-tapik ang balikat niya. Pagpasok nila sa loob ng cardiac imaging room, glass walls ang nasa paligid nito kahit ang mga partition ay ganoon din. Sa monitor screen makikita niya ang condition ng puso ng pasyente. Naroon rin ang mga medical assistants niya, handa na ang lahat. 

Napatango naman siya nang makita ang kondisyon ng puso. Lumaki ng kaunti ang anuerysm nito sa affected area. Walang problema iyon sa kaniya dahil sa laki nito mapadali ang kaniyang pag-opera. 

"It's time," aniya at tumalikod. 

Kumilos na lang ang mga medical assistants para dalhin sa operating room ang pasyente. Nag-handa naman siya ng kaniyang sarili, nagsuot ng surgical scrubs at nag-kuskos ng antiseptic solution sa kaniyang mga braso at mga kamay. 

Suot ang surgical cap and face mask, taas ang dalawa niyang kamay papuntang operating room. Alam niyang nasa loob na ang pasyente, kasama ng mga medical assistant, nurse scrubs and anesthesiologist, ngunit may isa pang huling pumasok. Ayaw niya ng late, dapat siya ang huling papasok, ngunit sino iyong pumasok? Nasa same outfit sa kaniya. 

Kumunot ang noo niyang dere-deretso lang ang lakad niya papasok, lalo na't napansin niyang hindi niya kilala ang hubog ng katawan ng lalaki. Kung baka parang hindi iyon isa sa mga assistants niya. 

Pagpasok niya sa loob ng operating room lahat ng assistant niya nakatingin sa kaniya. May lalaking nakatayo sa tabi ng pasyente, tinitingnan ang monitor ng puso nito sa screen. Kasalukuyan itong nagsusuot ng gloves dahil obviously hindi ito inasikaso ng scrub nurse. Malamang siya ang dapat asikasuhin at sa kaniya ito lumapit. 

"Who's that?" tanong niya. 

"No idea, Doc," sagot nito at balisang kumuha ng gloves at isinuot ito sa kaniya. "He just came in out of the blue and stood in your place. Dr. Marlowe scolded him but he didn't listen, pretending not to care." 

Napatingin siya sa lalaki na ngayon nakatutok pa rin sa monitor, habang ang scrub nurse naman niya ay sinusuotan siya ng surgical gown mula sa harap. Sa nakikita niyang ginagawa ng lalaki parang may alam ito sa pag-oopera. Tinuro pa nito ang screen, ni-zoom paliit hanggang sa maging buong dibdib ng tao iyon at ni-trace gamit ang daliri kung saan gawin ang incision. Sa chest, ibig sabihin, doctor ang lalaking ito pero hindi parte ng department nila. 

Umikot siya para ma-itali ng scrub nurse ang kaniyang surgical gown sa katawan. Napatingin naman siya sa malaking screen sa itaas, saktong pumasok na ang CMO, president, ang uncle steve niya pati ang ibang doctor sa viewing gallery room upang manuod ng operasyon.

Kitang-kita niya sa mga reaction nito ang pagtataka, nag-aalala sa magaganap na operasyon. Hinawakan ng Presidente ng hospital ang intercom at mabilis naman na kumilos ang nurse hinawakan ang intercom sa loob ng operating room.  Nakipag-usap ito sa President. Siya naman kinausap niya ang lalaki. "Who are you?"

Hindi ito sumagot. Inulit niya ang tanong, "I'm talking to you. Who are you?" Hindi pa rin ito sumagot. Nagkatinginan lang silang mga doctor sa loob ng operating room. 

Naiinis na siya kaya hindi na niya maiwasang talakan ito, "Don't you know that what you're doing is a indeed violation of medical standards? If you're Doctor, your license could be revoked because of your actions. He's my patient, it is my responsibility to lead the surger. Please don't jeopardize your professional standing. Remember you took an oath to fulfill this duties, but it is not part of your oath to take the responsibility that wasn't yours especially in leading the operation."

Tinuro niya ang pintuan. "Please leave," nagtitimpi niyang pakiusap. 

Kumuha ito ng scalpel, nataranta ang lahat, kaniya-kaniya tayo ang mga ito sa pwesto na para bang wala nang magagawa ang mga ito kundi mag-aassist. Ang aura kasi ng lalaki, mahirap rin labanan. Mahirap hindi-an kaya hindi niya masisisi ang mga kasama niya sa loob ng operating room na mataranta. Buhay ng pasyente ang nakasalalay at bilang mga doctor, kahit anong mangyari kailangan nilang isalba ang pasyente. 

Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Puro naka-face mask ang lahat kaya sa mga mata ng mga ito niya lang makikita ang emotion. Napatingin siya sa taas, nakikipag-usap pa rin ang Presidente sa scrub nurse. 

Pagtingin niya sa lalaki, nakatitig na rin ito sa President sa screen. Maya-maya ang intercom ay nidikit ng scrub nurse sa tenga ng lalaki. Nagulat siya sa sinabi nito, "I will kíll the patient if you don't let me lead the operation." 

Napalunok siya, familiar sa kaniya ang boses at nakaramdam siya ng takot sa sinabi nito. Titig na titig pa rin ito sa screen, siya naman napakuyom ng kamao. Lahat sila sa loob ng operating room kabado, iisang tao lang naman pero parang lahat sila walang magagawa. 

Hawak ng lalaki ang scalpel at kapag hindi sila sumunod sa gusto nito, isang saksak lang nito sa pasyente dilikado na ang buhay nito pati ang hospital nila madedehado. 

Maya-maya tinulak ng ulo nito ang intercom na hawak ng scrub nurse. Binalik naman ng scrub nurse sa tenga iyon at nakinig sa sinasabi ng Presidente. Then tumingin ang scrub nurse sa kaniya, dinikit ang phone sa tenga niya. "Sir," frustrated niyang sambit. 

"Let him," anito sa kabilang linya. 

Napatingala siya sa taas, "What?"

"He's a skilled doctor, he's not just part of the hospital but if we don't give him what he wants he'll kíll the patient, we have no choice," anito, ramdam niya sa boses nito ang tensiyon. 

"If he's a doctor he wouldn't kíll the patient," rason niya at sinamaan ng tingin ang lalaki. Ngunit ang scalpel na hawak nito, at inangat nito para sàksàkin ang pasyente.

"But that's not what's happening now. He can kíll, trust me. Give him the patient, he'll save him."

Wala siyang magagawa kundi ang sumunod. Lumabas siya ng operating room, na nag-aalburoto sa galit. Nag-alala rin siya sa pasyente, what if palpak mag-opera ang lalaking iyon? 

Nagbihis lang siya, at dali-daling tumungo sa viewing gallery. Kasalukuyang nasa loob ang mga senior, bigla niyang binuksan ang pintuan awtomatikong pumutak papasok, "Who's that man trespassing in the operating room? How can we assure the patient's safely in his hand?! He didn't monitor the patient's condition adequately!"

Lahat tumingin sa kaniya, dismayado at nag-aalala sa mga nangyayare pero ang isa ay nagsalita, "I think he can save the patient. Don't worry, Dr. Abernathy." 

Lumapit siya sa mga ito, tumayo siya sa tabi ng Presidente at tumingin sa monitor. Nanlaki na lang ang mga mata niya na sa incision palang nito, nag-bleed lang ng kaunti. At sa mga kilos nito, para bang nakikita niya ang sarili niyang kakayahan. Natahimik siya, at nag-cross ng braso saka nanonood na lang pero ang isipan niya nagtatanong kung sino ang lalaking iyon. 

Ngunit sa kabila nang maayos na performance nito, alam niya nasa labas ng operating na nag-aabang ang hospital securities. Lumabas rin siya ng viewing gallery. Nagdadabog siyang naglalakad, dinig na dinig ang echo ng takong ng sapatos niya sa sahig patunay na siya ay galit. Kumuha siya ng dalawang infusion bottle sa stock room. Bitbit iyon ng dalawa niyang kamay at pasimpleng nag-abang sa labas ng operating room. 

Nagtago lang siya para hindi makita ng mga security. Nang tapos na ang operation, nakahinga siya nang maluwag nang naging successful ang performance nito. Pero hindi pa rin niya papalagpasin ang pang-aagaw nito sa pasyente niya. 

Nakalabas na ang pasyente pati ang mga doctor. Pero tila naiwan ang lalaki sa loob. Parang hinintay lang nito ang pasyente na makalayo saka ito lumabas. 

Nakasuot pa rin ito ng mask and surgical cap. Nagsuot pa ng sunglasses, naging bubuyog tuloy ito sa paningin niya. Nahagip naman niya ang hibla ng buhok nito. Napakunot siya ng noo sa kulay dahil blonde.  

Paglabas ng lalaking iyon, nang hulihin ito ng mga security, pumalag ito. Nanlaki ang mga mata niya dahil ang bilis nito kumilos. Walang binatbat ang mga security at lahat napatumba nito. Napahawak na lang siya sa bibig niya. 

Tumakas naman ang lalaki, dumaan ito sa harap niya kaya hinampas ito ng infusion. "Hoy!" singhal niya. Umiwas lang ito at nagpatuloy sa pagtakbo. 

Humabol siya, dumaan ito sa hagdan pababa, sumunod siya. Sumunod din ang mga security. Paulit-ulit niya itong mínúmúra. "Mang-aagaw ka ng pasyente, alam mong bawal iyon! Hospital pa talaga namin ang ginawan mo ng kalokohan at talagang sinakto mo na apo ng Chairman ng Naiara Airlines ang pasyente! Bumalik ka dito nang mabasag ko iyang bungo mo! Tapang-tapang mo kanina tapos ngayon tatakbo-takbo ka? Balik! Ako harapin mo búwísit ka!" 

Wala siyang pakialam kung naintindihan man nito o hindi ang sinasabi niya. Nakarating sila sa basement sa parking lot at huminto ito sa tabi isang ng sasakyan. Hiningal naman siya, saka lang niya narealize na ang taas ng hagdan na tinakbo nila. Lumapit siya rito, at akmang hampasin ng infusion, pero sinalo nito ang kamay niya. 

Nagtanggal ito ng face mask at surgical cap at nanlaki ang mga mata niya nang makilala ito. "L-Lucas?!" 

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Thank you for chasing but you are important to the President, so I'm afraid to consider the idea of kidnaping you," anito, at bigla siyang binuhat. 

Napatili siya at nagpumiglas. "Hoy! Saan mo ako dadalhin?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status