Share

Chapter 3: EX IS EX

Parang inuntog sa matigas na bagay ang nararamdaman niyang sakit sa kaniyang ulo ng magmulat siya ng kaniyang mga mata. Baon na baon sa unan ang mukha niya ngunit nararamdaman niyang may mabigat na...something mainit na nakapatong sa tagiliran niya.

Nakahiga lang naman siyang nakaharap sa kanan. Makikita niya roon, metal accents wolf design na naka-umbok ng kaunti sa wall at marble white flooring with dark roots design. May rag lang sa sahig na kulay brown tila animal feather.

Patunay lang iyon na nasa panlalaki siyang kwarto pero hindi ito ang kwarto ni Red. Marahang umangat ang kaniyang kamay at kunot noong tumingin sa kaniyang sarili. Ang kumot ay nakatakip sa dibdib niya pero sa ilalim ng kumot may mabigat na bagay na nakapatong sa kaniya na kanina pa niya napapansin pero hindi pa niya na-check.

Kumilos siya upang tingnan kung sino itong lalaking katabi niya na tila mahimbing pang natutulog base sa paghinga. Ngunit paglingon niya, bumungad sa paningin niya ang familiar na hubog ng labi, ilong, kilay lalong-lalo na ang buhok. It's Blonde.

Napabalikwas siya ng bangon na may kasamang pagtili dahilan rin nang pagdilat ng mga mata ng lalaki. Pagtitig niya sa mukha nito, laking gulat na lang niya nang makilala ito kung sino. "Lucas?!"

Kumurap-kurap pa ito at tumingin sa kaniya. Naghuramentado sa pagtibok ang puso niya. Pagtingin nito sa kaniya awtomatikong bumababa ang mga mata nito sa dibdib niya. Napatili siya sabay hablot ng kumot pataas nang marealize na wala siyang bra.

"Anong...anong ginawa mo—" Napanganga na lang siya nang makita ang dibdib nito hanggang tiyan, wala itong damit at kitang-kita niya ang masarap nitong katawan. Kumilos ito para bumangon, at nataranta siya kaya awtomatikong kumilos ang kanang paa niya, sinipa niya ito. "Diyan ka lang!"

Nahulog ito sa kama kasama ang unan. Napadàìng ito at napamura ng, "What the fúck?!"

Nataranta siyang napatingin sa paligid. Nanlaki na lang ang mga mata niyang makita ang damit niyang nagkalat sa sahig pati ang damit panlalaki. Napalunok siya, "Hoy, anong ginawa mo sa akin?! Tarantado ka!"

Binalingan niya ito ng tingin habang kinakapa ang unan at dinala sa katawan niya. Bumangon ito at umupo sa gilid ng kama, hinila rin ang unan at ginawang pantakip sa harapan. Ang sabi nito sa kaniya, "Wow. Ginawa ko sa'yo?" sarkastikong tanong nito pero slang.

Napalunok siya nang marealize na parang mali siya ng bintang. "For your information, you forced me. You begged me to fúck you, okay?" rason pa nito.

Parang sasabog siya sa galit at gulat dahil sa sinabi nito. "Begged?!" Dinuro niya ang sarili niya. "Me? I begged you for séx?"

Tumango pa ito sabay sabing, "Yes."

"Kapal ng mukha mo, you're making up a story!" singhal niya.

Umirap ito, at tumawa nang sarkastiko, sabay sabing "Psh!" Sinamahan siya nito ng tingin at walang pakialaman na tumayo. Dahil sa ginawa nito, tumili siya sabay talikod, nakatakip pa rin ang kumot sa dibdib niya.

Naramdaman niyang nakatayo na ito, at alam niyang wala itong saplot sa katawan. Napakuyom siya ng kamao at napapikit pero nagsalita ito, "Well, if you're unwilling to believe it, that's your decision. You asked, and I provided you with an honest response, and that's enough. I don't have extensive small talk or evidence to present, okay? But here's what I can share: I aided a woman who was intoxicated at a bar last night. As she refused to tell her address, I brought her to my place. I was unaware that her intention was to engage in an intimate encounter with me and then blame me for it when she woke up, calling me tàràntàdo."

Napamulagat siya ng kaniyang mga mata at nagpahabol pa ito ng linya, "That's all."

Hindi siya nakakilos, nilalamon siya ng hiya at inis. Pinakiramdaman lang niya itong nagbihis at lumabas ng kwarto. Tila brief and short lang ang sinuot dahil ang bilis nitong makaalis. Pagsara nito ng pinto, kahit nasa sistema niya ang hiya, natawa pa rin siya. Ayaw raw ng extensive small talk or evidence to present pero nagpaliwanag.

Ngunit napawi ang sarkastikong tawa niya nang maalala ang pinggagawa niya kagabi at hindi kayang aminin ng pride niya iyon. Lalo na't natatandaan niya na kaya niya ito inaya na gawin ang ganoong bagay dahil si Lucas ang nakikita niya rito. Hindi naman niya akalain na si Lucas nga talaga ito. Ang dami pa naman niyang sinabi kagabi at naiinis siya sa sarili niya dahil doon.

Mabilis niyang pinag-hahablot ang mga damit niya sa sahig. Dali-dali niyang sinuot ang mga ito at mabilis na kinuha ang bag niyang nasa paanan lang ng kama saka lumabas ng kwarto. Bungad sa kaniya ang sala na may mga wolf design sa bawat wall na nakikita niya. May mga wolf frame rin na para bang adik sa wolf ang lalaking ito.

"Coffee?" Napasinghap siya nang marinig ang boses nito. Tila galing ito sa kusina at may dala itong dalawang baso ng kape.

Sinamaan lang niya ito ng tingin at mabilis na humakbang patungong pintuan. Pagalit niya itong binuksan at lumabas saka pabalibag ring sinara.

Patakbo siyang tumungo sa elevator, at apurado pa niya itong pinindot. Pagbukas nito, walang tao na ikinahinga rin niya nang maluwag. Pagpasok niya sa loob at pagsara nito, napatampal siya sa noo at mínúrá ang sarili, "Tángá-tángá. Bakit mo binigay ang sarili mo doon?"

Ngunit bukod sa inis, bumalik rin ang sakit na kaniyang nararamdaman. Naalala niya ang mga araw na kasama niya ito noon. Biktima siya ng rápé, 17 years ago pero nagpursige siyang hanapin ang hustisya after 5 years noon at doon niya nakilala si Lucas, that was 12 years ago.

Tinulungan siya nitong makuha ang hustisya, at talagang hindi ito sumuko hangga't hindi nakukulong ang mga may sala. Iyon ang dahilan kung bakit mas minahal niya ang lalaki, dahil noon pinaramdam nito sa kaniya na hindi siya ang babaeng dapat sinasaktan. Kung sino man ang manakit sa kaniya ay magbabayad.

Dati rin siyang may Haphephobia, takot siya sa hawak ng mga lalaki dahil sa hindi kaaya-ayang karanasan, ngunit si Lucas ang kauna-unahang humawak sa kaniya na hindi siya inaatake ng takot. Malaki ang ambag ni Lucas sa buhay niya at talagang tiniis nito noon kung gaano siya kámáldítá. Hindi naman niya akalain na kung kilan minahal niya ito saka siya iniwan agad-agad na hindi man lang pinaalam sa kaniya ang dahilan. Naglaho na lang basta at ngayon lang sila nagkita ulit. Sa kama pa.

Nagpunas siya ng mga luha, parang kahapon lang siya nito sinaktan. Huminga siya nang malalim at lumabas ng elevator nang bumukas ito.

Ngunit bigla niyang naalala niya, ngayon pala ang araw ng operasyon ng apo ng Chairman ng Naiara Airlines. Kailangan niyang mag-concentrate dahil sa kaniya nakasalalay ang buhay ng pasyente.

Dumaan lang siya sa unit niya para maglinis ng sarili. Sinikap niyang hindi magmukhang hagard na hindi halatang broken. Ayaw niyang ipakita kay Stella na nasasaktan siya at isa pa, parang hindi naman si Red ang dahilan kung bakit nasasaktan siya ngayon.

Pagdating niya sa hospital deretso siya sa opisina. Nag-commute lang siya dahil pagbaba niya kanina sa building kung saan naroon ang unit ni Lucas wala doon ang sasakyan niya. Ayaw niya nang bumalik para magtanong pa, for sure naman naiwan lang iyon sa bar na pinuntahan niya kagabi.

Kumuha siya ng white gown closet, at sinuot ito. Humarap siya sa salamin at tinitigan ang sarili. Sa suot niyang white gown ng pang-doctor, makikita sa kaniyang aura ang karipe-ripestadong babae. Dahil sa white gown na iyon, kuhang-kuha niya ang tiwala ng mga pasyente niya. Walang pagdadalawang isip, sasandal ang mga ito sa kaniya at siya naman kahit anong mangyari tatayo siya nang matuwid para sa mga ito.

Pinasok niya sa bulsa ng white gown ang dalawa niyang kamay. Umalis siya sa harap ng salamin at tumingin sa labas. Crystal wall ang nasa harapan ng opisina niya, kaya makikita niya ang ibang doctor and nurses na dumadaan. Ngunit nakita niya si Red nakatayo sa mismong pintuan, nakatingin rin sa kaniya kaya napakunot siya ng noo.

Para malaman ang pakay nito nagpasya siyang lumabas upang harapin ito. Ang una niyang tanong, "What are you doing here?"

Napansin niya itong lumunok. "I want to talk to you."

Tumaas ang kilay niya. "Talk? Why?"

Kitang-kita niya sa mukha nito ang depression. Hinawakan nito ang kamay niya kaya napilitan siyang ilabas ito mula sa bulsa at tumingin sa kaniyang mga mata. "I wasn't serious about what I said yesterday. I don't want to end our relationship, Ave. What Stella mentioned was just a tactic. I wanted to gauge if I hold any significance to you because it seems like you're always preoccupied and don't have time for me."

Hinila niya ang kamay niya at binalik ito sa bulsa ng white gown niya. "If that was your intention, you shouldn't have come here now because you already know the answer," sagot naman niya. Mahinahon lang pero prangka iyon.

Napatigagal ito. Nagulat sa sinabi niya pero bumawi din agad at hinawakan ang mukha niya. "But it's okay. I realize I was mistaken. I should have understood that your job is your profession. You have a sworn duty, a vital responsibility. The lives of your patients rely on you and I comprehend that now. Ave, please, let's not further strain our relationship. I want you to stay."

Tinitigan niya ang mga mata nitong namumuo ang mga luha. Tila totoo ito sa mga sinasabi pero hindi niya matanggap ang ginawa nito lalo na't hinayaan pa talaga nitong insultuhin siya ni Stella. Nakakulong sa mga palad nito ang mukha niya at bilang pagtanggi sa gusto nitong mangyari humakbang siya paatras para maalis ang mukha niya sa mga kamay nito.

"I'm sorry, but I find it challenging to retract my words. What I said will stand. You broke up with me, and I accepted it. We're done," huling lintaya at iniwan itong nanlulumo sa kinakatayuan.

Katulad nang inaasahan niya, babalik ito sa kaniya. Ngunit dahil may pinanindigan siyang salita, kapag ex na, ex na talaga, kaya wala nang pag-asang bumalik pa. Naniniwala kasi siya na ang lalaki na minsan na siyang sinaktan kapag binalikan niya masasaktan siya ulit. Saklap lang para sa mga naging boyfriend niyang gustong makipagbalikan sa kaniya dahil hindi siya ganoon kátàngà katulad ng inaakala nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status