Share

Chapter 83: RUNNING AWAY

Naalis na ang bala sa balikat ni Peter, ginagamot na ito ng mga doctor, nang biglang narinig niya ang boses ni Fatima sa speaker.

Nanlaki ang mga mata niya na napatingala roon. Maging ang mga doctor na nag-aasikaso sa kaniya ay nagtataka. Halos lahat nawindang sa narinig at napatingin sa kaniya.

Hindi na siya mapakali, hindi niya alam kung saan siya titingin o kung ano ang gagawin niya. "What's going on?" tanong ng isang doctor na lalaki.

"He's not the Chairman," takot na sabi ng isang doctor.

"Peter Cohen?" takang puna naman ng isa at nagkatinginan ang mga ito.

Naratanta siya kaya kahit na hindi pa okay ang sugat niya, sinikap niyang bumaba.

"Sir, just a moment, you're not okay yet," pigil sa kaniya ng isang doctor na babae.

"Don't touch me!" Hinawi niya ito at bumangon siya.

Nataranta naman ang iba. "But sir, your wound hasn't been fully stitched yet, it might open up," awat naman ng isa sa kaniya.

Tinulak niya ito gamit ang kamay. "I said don't touch me! Stay away from me!"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status