Share

Chapter 5

"Bakit gusto niyang magtransfer, Auntie?" gulat na tanong ni Ate.

"Hindi ko rin alam, Patrice. Basta't umuwi nalang siya kanina na puno ng putik ang uniform niya at bigla nalang ako sinabihan na kausapin ka na ilipat siya ng school," paliwanag sa kanya ni Auntie.

Napabuntong-hininga nalang ako habang nakikinig sa usapan nila sa labas ng kwarto ko. Pinakiusapan ko si Auntie na siya na ang mag-convince kay Ate Patrice. Ayaw ko mang sabihin sa kanila na nabu-bully na ako sa campus pero hindi ko na matatagalan 'yong ginagawa nila saakin. 

Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok doon si ate at umupo sa kama ko. Itinuon ko ang atensiyon ko sa librong binabasa ko. Narinig ko siyang tumikhim kaya napalingon ako sakanya. Inabot niya saakin 'yong hawak niyang libro. Kinuha ko 'yon at itinabi sa gilid ng study table ko.

"I guess tapos mo nang basahin 'yan?" Tukoy niya sa librong binabasa ko.

"Almost," tipid na sagot ko.

Napatingin ako sa librong binigay niya saakin. All of my life I spend my time reading books but neither of it are mine. Never akong nagkaroon ng mga bagay na masasabi kong akin. The thought of loving a things and make it my possession was not good for me. Even my sister. 

"Sinabi sa'kin ni Auntie na gusto mong lumipat ng university," she said.

Tumigil ako sa pagbabasa at nanatiling nakayuko. "Naisip ko kasing...masyadong magastos sa Brint. Gusto ko sanang lumipat sa public na university...para 'di mo na problemahin ang tuition ko," pagsisinungaling ko.

"Kung pinoproblema mo ang pera... Kaya kong kitain 'yon. Kaya kong pagtrabahuan 'yon para mapaaral ka sa magandang University." Naramdaman kong tumayo na siya sa pagkakaupo sa kama ko at naglakad palabas ng kwarto ko. "Matulog kana. Maaga ka pang papasok bukas." Rinig kong sinabi niya bago tuluyang sumara 'yong pinto ng kwarto ko.

Parang gusto kong kutusan ang sarili ko. Inis na humiga ako sa kama ko at pinagpapalo ang ulo ko ng unan. Tanga nga naman kasi! Imbes na makombinsi ko siyang ilipat na'ko ng University ay mas lalong hindi na 'yon papayag. My last option is to tell her that I am being bullied in the campus but I can't do it. 

'But I can still help you... I will took responsibility to save you kapag may ginagawa na silang kalokohan sayo,'

Nagsalubong ang kilay ko nang maalala ang sinabi ng Jerk na 'yon. Hindi naman sa umaasa ako sa sinabi niya pero di'ba we should take the promises seriously? I don't want to be like those students na kaawa-awa dahil hindi sila tinigilan.

"Mom, Dad. I hope your still here," sambit ko bago pinikit ang mga mata ko and doze off to sleep.

Kinabukasan, late akong nagising. Pagkababa ko ng kwarto ay nadatnan ko si Ate Patrice sa Sala. She looks like she's not in her mood today. Usually at this time nakakaalis na siya pero ngayon hindi siya nakasuot ng office clothes niya. Nang mapansin niyang pababa ako ay bigla siyang lumapit saakin.

"Ba't hindi ka pa nakakaalis—"

"Bakit 'di mo sinabi na binu-bully kana sa Brint?" tanong niya saakin.

Hindi ako agad nakasagot sakanya. Kinuha niya 'yong phone niya saka pinakita sa'kin 'yong video ko sa locker. Bumalik 'yong tingin ko sakanya at mas lalong dumilim ang mukha niya.

"A-ate—"

"Hindi ka papasok ngayon. Hindi dapat tinotolerate ng campus ang ganyang behavior ng mga student. Kakausapin ko ang Dean niyo," galit na sabi ni Ate.

Hinila niya ako papasok sa kotse niya at nag-drive papunta ng Brint. Buong byahe ay tahimik lang ako at pinapakiramdaman si Ate. All of my life ngayon ko lang nakita si Ate na sobrang galit. And I never like this side of her. Pagkarating namin sa Dean's Office ay walang pasabing pumasok siya sa loob.

"Oh Miss Patrice Deceda! Long time no see. What can I do for you?" tanong ni Dean Yllona kay Ate pagkapasok namin. Nagtatakang nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

I know na dito rin nag-aral sa Brint si Ate but it was 8 years ago and I never thought that they will still remember her. 

"I want to transfer out my sister in this university," direktang sagot ni Ate.

Dean Yllona's lips rose. "We can't do that, Miss Deceda. If you want your sister to be out of Brint, she had to finish the whole semester," she said. 

I saw my sister clutched her fist and slam it on the table. Dean Yllona didn't flinched in her seat and even look straight at my sister. Is this for real? How she even look chill while there is someone that is raging in anger at her?

"As I have said, we can't grant your request. Ang faculty mismo nagdesisyon nito dahil sa mga bilang ng mga estudyanteng nagda-drop out dito. Makakasira 'yon sa reputation ng Brint," dugtong ni Dean sa sinabi niya.

"Then why don't you try to educate those bullies?" Biglang natahimik si Dean. I can feel the tension between the two of them. "You know what I can do 'pag nagpatuloy pa 'to. Hindi ko hahayaang maagrabyado ang kapatid ko dito," may diin na sabi niya.

Tinapunan niya ng masamang tingin si Dean bago ako hinila palabas ng Office. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakarecover sa nangyari. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin saakin.

"May pupuntahan lang ako. Huwag kang aalis ng campus. Sasabay ka sakin uuwi," bilin niya saakin.

Tumango nalang ako sakanya. Hindi niya sinabi saakin kung saan siya pupunta basta't umalis na lang siya. Wala masyadong estudyanteng gumagala since class hours ngayon. Ayaw ko rin namang tumambay sa mga bench dito so I decide to stay in the rooftop. 

As I expected, wala rin nakatambay doon pagkadating ko. Tinanggal ko ang pagkakasuot ng hoodie ko sa ulo ko. Humampas sa nakalugay kong buhok ang hangin. Bigla kong na-miss ang pagtambay dito kahit ilang araw lang no'ng hindi na ako nakapunta dito dahil sa mga lalaking estudyante na tumambay rin dito. Agad akong pum'westo sa pinakagilid ng rooftop para mas madama 'yong daloy ng hangin. Yari sa makapal na semento ang gilid ng rooftop kaya pwedeng umupo doon.

"Ano ba meron sayo, Ate?" wala sa sariling tanong ko. Kanina pa 'to bumabagabag sa isip ko.

Habang naglalakad kami papuntang Dean's Office ay napapansin ko ang ibang estudyante na nakatingin saamin. 'Yong iba ay umiiwas pa sa dinadaanan namin ni Ate. May mga bulong-bulungan rin ako na narinig tungkol sakanya bago kami makapasok sa Office. I don't have any idea on what my sister will do about my bullies. Ate ko siya pero parang hindi ko siya kilala ng lubusan. 

A small drop of tears drop on my cheeks. Hindi ko na namamalayang umiiyak na pala ako. Kasalanan ko naman kung bakit hindi ko na masyadong kilala ang ate ko. Simula no'ng namatay sina Mommy at Daddy nilayo ko na 'yong sarili ko sa mga taong nagmamahal saakin. Ayaw ko na ulit maramdaman ang naramdaman ko no'ng araw na 'yon. Kaya hangga't maaari ilalayo ko nalang sarili ko sa kanila.

My phone suddenly rung while I'm in the middle of thinking. I wiped my tears before answering the call.

"Hello?"

[Phitrice, nasaan kana? Kanina pa ako naghihintay sa'yo dito sa parking lot,] tanong agad saakin ni Ate.

"Nasa rooftop ako. Paalis na rin naman ako. Hintayin mo nalang ako dyan." Binaba ko na ang tawag.

Tatayo sana ako para makaalis sa pagkakaupo nang nagkamali ako ng pagkakatuntong at nadulas ang isang paa ko. Mahigpit ang pagkakapit ko sa sementong railings ng rooftop dahil parehong binti ko na ang nakalaylay at kapag hindi ako kumapit ay tuluyang mahuhulog na ako sa anim na palapag na building na 'to.

May naririnig akong sigawan ng mga estudyante sa ibaba pero nakatuon kung paano ko itataas 'yong katawan ko. Dumudulas na rin 'yong kapit ko. Humahapdi na 'yong mga palad ko kaya hindi ko alam kung kaya ko pang kumapit ng matagal. Kung sa ganitong paraan matatapos ang buhay ko sana hinayaan man lang ako magpaalam sa Ate ko.

Susuko na sana ako nang may kamay na humawak sa braso ko at pilit akong hinihila pataas.

"Phitrice! Kumapit ka saakin! Dali!" isang pamilyar na boses ang sumigaw saakin. 

Pagkatingala ko ay 'di ako makapaniwalang ang mukha ni Santi ang makikita ko. Mag-iisang linggo na nang huli ko siyang nagpakita saakin at 'di ko lubos maisip na nasa ganitong sitwasyon ako ulit siya magpapakita.

"Alam kong gwapo ako pero please kumapit kana saakin!" nag-aalalang sabi niya pero nagawa niya pa ring magbiro. 

Kumapit ako sa braso niya at unti-unti niya akong hinila pataas. Nang mailapag na niya ako sa sahig ng rooftop ay doon na siya nakahinga ng maluwag. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko dahil akala ko 'yon na ang katapusan ng buhay ko. 

"Magpapakamatay ka ba?!" sigaw siya saakin. 

Halos malaglag ang panga ko sa klase ng tanong niya. "Tanga ka ba? Sa tingin mo kakapit pa ako doon kung magpapakamatay ako?!" sabat ko sa kanya.

"Pa'no ka napunta doon?! Ano? Napag-trip-an mo lang kumapit doon? Delikado 'yong ginawa mo!" bulyaw niya.

Hindi na ako sumabat at niyakap ang sarili ko. Wala akong makukuha kong makikipagsagutan lang ako sakanya. Muntik na ako mamatay kanina pero malaki ang pasasalamat kong dumating siya.

"Okay ka na ba?" tanong niya saakin. 

Naramdaman kong tumabi siya ng upo saakin kaya napalingon ako sa kanya. Tagaktak 'yong pawis niya na parang tumakbo pa siya para makarating dito sa rooftop. Bigla akong nakonsensya sa pambabara ko sa kanya kanina.

"T-thank you," nauutal na sambit ko. Namimilog ang mga mata niya nang mapalingon siya saakin. Agad ko namang binawi ang tingin ko nang mapansin kong ngumisi siya. 

"Marunong naman pala mag-thank you 'e! Next time dalasan mo na a!" nakangising sabi niya at ginulo pa 'yong buhok ko.

"Lumayo-layo ka nga sa'kin! At anong dalasan? Wala ng next time," pagsusungit ko sa kanya.

Lumayo naman siya saakin pero andoon pa rin ang ngisi niya. "May next time pa kasi simula ngayon nakabuntot na ang boyfriend mo sa'yo,"

                                    ***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status