مشاركة

CHAPTER 2

مؤلف: Valezka
last update تاريخ النشر: 2026-09-21 11:35:31

SERIÑA POV

Umupo si Khalil sa sofa na nasa tapat ko.

Kumuha siya ng sigarilyo at inilagay iyon sa pagitan ng kanyang mga labi. Gamit ang mahaba niyang mga daliri, sinindihan niya ito.

Hindi naman na maikakaila na gwapo talaga si Khalil.

Matapang ang features niya at may mature na dating. Sa likod ng gold-rimmed glasses niya, mas lalo siyang nagmumukhang kaakit-akit at kalmado.

Pero sa mga mata ko, wala nang dating ang gwapong mukha na iyon. Dahil alam ko na ang totoo. Ang anak na ipinanganak ni Marah… ay anak ng sarili kong asawa.

Noong una, naengganyo ako sa ganitong ideya. Pero ngayon, kapag naaalala ko iyon, hindi ako makapaniwala kung gaano ako naging tanga sa lahat.

Humithit ng sigarilyo si Khalil at dahan-dahang lumabas ang usok sa kanyang ilong at bibig. Bahagyang napakunot ang kanyang noo. “Si Marah ang nakiusap sa akin. Pagkatapos humingi ng permiso sa mga nakatatanda, pumayag ako.” Ani nito, “Hindi ko na sinabi sayo agad dahil baka hindi ka pumayag at baka lalo lang maging komplikado ang lahat.”

Seryoso ang bawat salitang binitawan niya, walang halong pag-aalinlangan. “Kailangan mong maintindihan na malaking dagok kay Marah ang pagkamatay ni Kaleb. Noong mga panahong iyon, parang nade-depress siya at hindi na niya kayang harapin pa ang ibang problema.” Ani nito na parang inaasahan niyang tatanggapin ko ang lahat agad. “Ang gusto lang niya ay magkaroon ng anak. Kung may taong mabuhay para sa kanya, magkakaroon siya ng dahilan para magpatuloy at makabangon sa sakit na nararamdaman niya. Para sa akin, maliit na pabor lang naman iyon.”

Isang maliit na pabor?

Hindi ko kailanman maririnig mula sa ibang tao na may kayang tawaging maliit na pabor ang isang bagay na ganito kalala.

Ang galing niya talaga.

Mukhang maayos at kapani-paniwala ang paliwanag niya—halos wala akong maipipintas. Matagal akong nanahimik, hindi dahil wala akong masabi. Ayaw ko lang talagang magsalita.

Natatakot akong kapag isa-isa kong inilabas kay Khalil ang lahat ng maruruming detalye, baka tuluyan akong mawalan ng kontrol sa sarili ko.

Tinitigan ko ang mukha niya. Gwapo siya at may kakaibang dating. Pero sa mga mata ko, wala na akong nakikitang dahilan para hangaan pa iyon.

Nang sasabihin na sana niya ang isang bagay, biglang tumunog ang cellphone niya.

Alam kong si Marah iyon.

Agad niya itong sinagot at biglang naging mas malambing ang boses niya. “Yes, I'm home.”

(“I ate on the way.”)

(“Maligo ka muna at magpalit ng damit bago ka pupunta rito. Ayokong makita ka ni Camilo na magulo ang itsura mo.”)

(“Okay. Magpahinga ka rin. Pupunta ako mamaya.”)

Pagkababa ng tawag, basta na lang nagsalita si Khalil, “Si Grandma ang pumili ng pangalan ng bata. Camilo. Noong una, gusto niyang gamitin ang pangalan ni Kaleb, pero naisip niyang hindi iyon maganda lalo na’t wala na ang ama nito. Kaya Camilo na lang ang pinili niya.”

Kaagad akong tumayo, “Magpatuloy ka na sa ginagawa mo. Naghihintay sa’yo ang hipag mo at ang anak mo.” Matalim ang bawat tono ko kaya agad uminit ang ulo ni Khalil.

“Seriña, hindi mo ba kayang pigilan ang pagiging sarcastic mo?” Sabi nito, “Mas mabuti nang sperm ko ang ginamit kaysa sa ibang lalaki, hindi ba? Dugo pa rin siya ng pamilya natin.”

Bahagya kong itinagilid ang ulo at ngumiti. “Curious lang talaga ako. Paano mo ba talaga ipinasa ang sperm mo?” Saglit kong nakita ang kaba sa mga mata niya, pero mabilis din niya iyong itinago.

“What do you mean? Sinabi ko na sa’yo. Nag-freeze ako ng sperm ko sa sperm bank. Alam mo naman iyon.”

Alam ko iyon. Nagpa-freeze ng sperm si Khalil bago pa niya ako naging asawa. May halong paninisi ang tono niya, pero parang wala talaga siyang ginawang mali.

“Seriña, paano mo ako nagawang pagdudahan?”

Dahan-dahan kong inayos ang buhok na nahulog sa noo ko. Bahagya akong ngumiti. “Curious lang naman ako. Bakit ka nagagalit agad?”

Napabuntong-hininga si Khalil. “Wala talagang namamagitan sa amin ni Marah. Hindi naman kita niloko. Atsaka bukod doon, sobrang nasaktan sina Grandma at Mommy sa pagkamatay ni Kaleb. Ngayong nandito na si Camilo, makakatulong ang bata para gumaan ang sakit na nararamdaman nila dahil sa pagkawala ng kapatid ko. Hindi ba magandang bagay iyon?”

“Tatlong taon na tayong kasal. Kung sana lang…”

Tatlong taon na akong kasal sa kanya, pero hindi pa rin ako nagkaroon ng anak. Madalas akong pagtawanan ng biyenan kong si Luise kapag wala ako. Tinatawag niya akong baog at palagi niya akong minamaliit.

Palihim pa akong nagpa-checkup sa ospital. Mabuti na lang at wala akong problema sa pagkakaroon ng anak. Sa totoo lang, dahilan lang ang hindi ko pagbubuntis.

Ang tunay na dahilan ay ang problema sa pera ng pamilya ko. Dahil sa maling payo ng ibang tao, natalo kami sa dalawang sugal at nagkaroon ng napakalaking utang.

Hindi na katulad ng dati ang buhay ng pamilya namin. Unti-unti na kaming bumabagsak.

“Puntahan mo rin si Marah sa ospital bukas,” patuloy ni Khalil. “Huwag mong hayaan na mag-isip siya nang kung anu-ano. Ayokong isipin niyang galit ka sa kanya kaya ayaw mong pumunta. Alam mo naman kung gaano siya ke sensitibo.” Pagkasabi niyon, umalis na agad si Khalil.

Bumalik ako sa kwarto ko at binuksan ang isang drawer. Mula roon, kumuha ako ng isang litrato. Isang buwan na ang nakalipas ng ipadala iyon sa akin ng isang hindi kilalang tao.

Sa litrato, makikitang magkatabi at sobrang lapit sa isa’t isa ang isang lalaki at isang babae sa labas ng isang five-star hotel.

Sina Khalil at Marah ang dalawang taong iyon.

Tinitigan ko ang litrato. Biglang nanlamig ang mga mata ko. Siguro ito talaga ang paraan ni Khalil para ipasa ang sperm niya.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 90

    Seriña POVNang akmang sasakay na ako sa kotse, tumawag si Mama.“Nagkataon lang na napadaan ako rito, kaya naisipan kong dumaan at bisitahin ang mga biyenan ko.”Nagulat ako. “Ano'ng ibig mong sabihin?”“Ano pa ba? Malapit na kami sa bahay ninyo.”Natigilan ako. “Bakit kayo pupunta sa Mansyon?”“Bakit ka naman masyadong nag-aalala? Normal lang naman na bumisita ang magkamag-anak, hindi ba? Bukod pa roon, napakalaki ng naitulong ng asawa mo sa amin. Dapat lang na pasalamatan ko siya nang personal.”Nagmamadali akong sumakay sa kotse at pinaandar ang makina. Kapag nabunyag ang katotohanan tungkol sa 600 million peso, magkakaproblema ako. Sa sobrang kaba ko, muntik na akong makalusot sa pulang traffic light habang nagmamaneho pauwi.Pagdating ko, nakaupo na si Mama sa sala. Katabi niya si Santi, habang sinasamahan naman sila ni Grandma.Nang makita ako ni Grandma, bahagya niyang itinaas ang mga talukap ng mata at naging malumanay ang boses.“Speak of the devil! Seriña, ikaw lang ang pin

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 89

    Seriña POV: Diretso kong sinagot ang tawag sa harap mismo ni Paolo.Medyo mahina ang boses ni Khalil. Naiintindihan ko naman, kahit sino ay mawawalan ng gana kapag maraming mahahalagang empleyado ang biglang umalis sa kumpanya sa loob lang ng maikling panahon.“Sa makalawa na ang charity auction. Hindi mo naman nakalimutan, 'di ba?” tanong niya.“Babalik ako bukas.”“Mabuti. At least hindi mo nakalimutan.”“Kung wala ka nang ibang sasabihin, ibababa ko na.”“Ayaw mo na talaga akong kausapin?”Pinilit kong pigilan ang pagkasuklam ko. “Hindi naman sa ganoon. Medyo pagod lang ako at gusto ko munang magpahinga.”“May nangyari sa kumpanya.”Sinadya kong magtanong, “Ano'ng nangyari?”“Naalala mo pa ba si Paolo? 'Yung lalaking nakilala ko noong nakaraan?”Napatingin ako sa lalaking tahimik na nakaupo sa sofa habang elegante at walang kahirap-hirap na humihigop ng gatas. Hindi ko napigilang pigilan ang ngiti ko.Dahil nagsisimula pa lang ang kasiyahan. Hindi pa oras para matuwa. “Parang naaa

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 88

    Seriña POVNatigilan si Ante nang marinig iyon. Dahil alam ni Paolo ang tungkol sa pagbubuntis ko.“Ante, sa Golden residence ka na titira simula ngayon. Kapag maayos ko na ang lahat sa mga Sarmiento, lilipat na rin ako roon,” sabi ko sa kanya. Pero mukhang mas inaalala pa rin ni Ante ang tungkol 300,000 peso.“Madam, pagsisilbihan na lang kita mula ngayon. Hindi mo na kailangan na bayaran ako ng sweldo. Bigyan mo lang ako ng sapat na pagkain.”Napangiti ako ng alanganin. “Sigurado akong kaya kitang pakainin, pero hindi ko pa maipapangako na mababayaran kita ng sweldo. May utang pa akong 300,000 sa isang tao.”Muli naman siyang naantig sa sinabi ko. Pagkatapos ay tinulungan ko siyang makapag-ayos sa Golden residence. Ako mismo ang naghuhugas ng buhok niya at tumulong sa kanya na maligo.Marahil ay hindi pa siya nakaranas ng ganitong pag-aalaga noon, lalo na mula sa taong dati niyang pinagsisilbihan. Sobra siyang naantig kaya muntik na naman siyang lumuhod sa harap ko.Pero nang maalal

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 87

    SERIÑA POV: Halata namang nahiya si Ante Inday. “I... Nabali ang braso ko, kaya hindi ako nakapaghugas nang maayos ng buhok nitong mga nakaraang araw. Pasensya na kung hindi kayo komportable.”Marahan lang na ngumiti si Paolo. “It's alright.”Tiningnan ni Ante Inday ang gwapo at maayos manamit na lalaking nakatayo sa harapan niya. “At ikaw naman?”“Kaibigan ko siya,” sagot ko.Tumango si Ante Inday at hindi na nagtanong pa. Pagkatapos, nagsimula siyang magpunas ng mga luha. “Pasensya na at kailangan ninyong makita ang ganitong sitwasyon. Kasalanan ko rin naman. Wala akong silbi bilang ina dahil hindi ko nagawa na palakihin ng maayos ang anak ko.”Biglang pumasok sa kwarto ang lalaki. “Bakit ka umiiyak sa harap ng mga bisita? Hindi mo ba alam na hindi dapat pinag-uusapan sa ibang tao ang mga problema ng pamilya?”May plano na ako sa isip ko, pero bago ako magdesisyon, gusto ko munang malaman kung ano ang gusto ni Ante Inday, “Ante, gusto n'yo bang sumama sa akin?” tanong ko.Napakuno

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 86

    Seriña POVTapat na sumagot si Paolo. “Yes. I know a little.”Luma, sira-sira, at mamasa-masa ang bahay na pinuntahan namin. Sinabi sa akin ni Paolo na nasa second floor nakatira si Ante Inday.Habang umakyat kami sa lumang hagdan, lalo akong nabibigatan. Maging ang handrail ay mukhang hindi na matibay. Hindi ko inakalang sa ganoong lugar nakatira si Ante Inday.Maayos naman ang sahod na ibinibigay ni Khalil sa kanya sa loob ng maraming taon. Dapat ay kaya niyang makahanap ng mas maayos na tirahan.Paano humantong sa ganitong sitwasyon ang lahat?Pagdating namin sa tapat ng pinto, biglang may malakas na ingay na nagmula sa loob. Itinaas ni Paolo ang kamay niya at kumatok. Maya-maya ay dahan-dahang bumukas ang bakal na pinto kasabay ng langitngit nito.Isang lalaking halos singkwenta anyos na ang edad ang bumungad sa amin. Magulo ang balbas niya at gusot ang suot niyang damit. Malaki rin ang pagkakahawig niya kay Ante Inday.Hula ko, siya ang walang-kwentang anak ni Ante Inday. Halos s

  • Pregnant by the wrong man’s baby   Chapter 85

    Seriña POVThree days later, kumalat sa buong industriya ang isang nakakagulat na balita.Sa loob lamang ng tatlong araw, sunod-sunod na nag-resign ang mga pangunahing technical staff ng Sarmiento Technology at mabilis na lumipat sa A-crown Technology, isang bagong kumpanyang halos hindi pa kilala.Kaya maraming tao ang nagtaka, dahil bakit naman aalis ang mga top technical experts sa isang listed company para sumali sa isang bagong tatag na kumpanya sa Cagayan?Halos nawalan ng dalawang pinakamahalagang tauhan si Khalil. Kasalukuyan pang ginagawa ang bagong model ng Sarmiento Technology, kaya ang biglaang pag-alis ng mahahalagang technical personnel ay naging dahilan para tuluyang matigil ang buong research and development process.Habang ako ay nasa bahay at kausap si Paolo sa telepono. “So, Khalil will probably see you as his enemy from now on,” sabi ko.“What he thinks of me doesn't matter,” sagot niya.Natawa agad ako. “That's true.”“I've found the person you've been looking for

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status