MasukMinsan ko nang nakilala ang boss ng debt-collection company na ito—si Harry Garcia. Sa madaling salita may utang na loob sa akin si Harry Garcia.Dalawang taon na ang nakalipas nang biglang mawala ang lahat ng importanteng data sa computer niya. Napakahalaga ng mga data na iyon, kapag napunta sa maling kamay, maaari niyang mawala hindi lang ang kanyang kayamanan kundi pati ang buhay niya.Dahil desperado na ito, naghanap si Harry Garcia sa online ng mga computer expert na kayang i-recover ang data ng hindi inilalantad ang laman nito. Nagkataon namang nakita ko ang post niya habang wala akong ginagawa, kaya kinuha ko ang trabaho.Para sa akin, napakadali lang i-recover ng data. Ngunit para kay Harry, parang iniligtas ko ang buhay niya.Bago kami naghiwalay ng landas noon, sinabi niya pa sa akin na If I ever need anything in the future, I will contact him. Gumamit ako ng ibang pangalan noon, kaya hanggang ngayon ay wala siyang ideya na ako ang babaeng tumulong sa kanya. Wala rin siyang
Ilang beses umiwas ng tingin si Mama bago siya sumagot. “That’s right…”Napakuyom ako ng mga kamao at pumikit sandali. Sa totoo lang, gusto kong manuntok ng isang tao. Hindi man naging mabuting ina sa akon si Mama Anna, siya pa rin ang nagpalaki sa akin. At si Papa Robert naman ay tunay na nagmamalasakit sa akin, kaya hindi ko kayang tumayo lang at walang gawin.Kaya rin ayaw kong sabihin kung saan nanggaling ang malaking halaga ng perang iyon. Sa halip, pinilit kong gumawa ng loan agreement. Ayokong ituring ako ni Mama na parang walang katapusang pagkukunan ng pera.Kung sakaling may mangyari sa pamilya namin sa hinaharap, ayokong ako na naman ang kailangang sumalo sa lahat ng problema. Ayokong gugulin ang buong buhay ko bilang isang kasangkapan na ginagamit lang kapag kailangan nila. At higit sa lahat, ayokong itali nila ako gamit ang guilt o emotional blackmail.“Stop wasting our time! Pay up now, or we’re not leaving!”Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ko ang sigaw ng lider
Tumingin sa akin si Khalil, mukhang may hinihintay siyang reaction mula sa akin. Siguro inaasahan niyang magagalit ako nang malaman kong buong gabi siyang nanatili sa kwarto ni Amarah, ngunit wala akong balak makipagtalo."Seriña," tawag niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya. "What?" nakakunot ang noo ko habang sumagot. "There's something else I want to tell you." Panimula niya. "I didn't stay there because of Amarah."Bahagya naman akong ngumiti. "Didn't you already explain that?""I just don't want you to misunderstand." Marahan na sabi niya, na para bang binaba niya na ang sarili niya para sa akin. "You don't have to explain yourself to me." Dahil hindi ko na kailangang malaman pa kung bakit siya nanatili doon, may sarili siyang buhay. May sarili rin akong buhay at ayoko nang makialam sa mga bagay na wala na akong kontrol."You really don't care?" mabilis na tanong niya.Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako sumagot. "Why should I?" Ibinalik ko ang tingin ko sa mga kuko
Hinaplos ko ang dibdib ko. “Salamat sa pag-aasikaso, Auntie.”Lumapit ng kaunti si Auntie sa akin at mahinang nagsalita, “Ma'am Seriña, hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ninyo sabihin kay sir? Sigurado akong matutuwa siya kapag nalaman niya, mas magiging madali rin ang buhay ninyo sa pamilyang ito.”“Tumataas ba ang katayuan ng isang ina dahil sa anak niyang lalaki?” Pinunasan ko ang bibig ko at napangisi. “Malaki na nga ang ego ni Khalil.”May gustong sabihin si Auntie, pero pinili na lang niyang manahimik. “Nasaksihan ko mismo kung paano kayo namumuhay sa pamilyang ‘to nitong nakaraang tatlong taon. Anuman ang desisyon ninyo, susuportahan ko kayo.” Mahina siyang napabuntong-hininga. “Ang hiling ko lang, huwag kayong gumawa ng desisyon ng padalos-dalos, lalo na pagdating sa kalusugan ninyo. Huwag ninyo itong isugal.”Uminit naman ang puso ko sa sinabi niya. Inabot ko agad ang kamay ni Auntie at hinawakan iyon. “Auntie, talagang nagpapasalamat ako sa iyo.”Salamat dahil sa
Kanina pa kumakatok si Khalil sa pinto ng kwarto ko, pero wala akong balak na sumagot. Sigurado siyang galit pa rin ako dahil sa nangyari, kaya nang umalis ako kanina, hinayaan niya muna ako at binigyan ng oras para kumalma.Marahan kong dinikit ang tenga ko sa pinto upang marinig ang usapan nilang dalawa. Ramdam ko din ang sana ng loob nito, talagang mahirap pakitunguhan ang babaeng iyon. Palagi siyang nakakalamang.Pero sa pagkakataong ito, napansin kong mas nag-alala siya kay Khalil kaysa sa akin.Nang tumakbo akong umiiyak kanina, nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ni Khalil. Mahigpit ang pagkakagwak nilya sa gilid ng sofa habang halatang nag-aalala siya. Alam kong napansin din iyon ni Amarah. “Khalil, pumunta ka muna sa kwarto at magpahinga. Sigurado akong maintindihan din ni Seriña ang lahat.”“Maintindihan ang ano?” Biglang naging malamig at iritado ang boses ni Khalil. “Maintindihan niya na gusto mong makipag-divorce siya sa akin?”Nanlaki ang mga mata ko nang marini
Kahit magsalita pa ang biyenan ko. Ano pa ba ang magagawa niya?Wala nang ibang magawa si Lyra kundi ilagay ang huli niyang pag-asa kay Khalil. “Kuya…” mahinang tawag nito kay Khalil. Alam na alam kong nakaramdam ng awa si Khalil nang makita nitong umiiyak ang kapatid, mabilis siyang lumingon sa akin. Pero ng nagtama naman ang mga mata namin, nakita niya ang matatag ngunit mapanuyang tingin ko. Biglang nawala ang mga salitang gusto niyang sabihin.“Lyra, sinabi na ni Grandma na lumuhod ka. Kaya lumuhod ka na lang.”Kaagad na napa-hagulgol si Lyra, umalingawngaw ang iyak niya sa buong sala. “Ate Amarah.”Nakita kong dahan-dahang lumapit si Amarah, habang may malamig na ngiti sa gilid ng labi ko. Sa wakas, dumating na ang bida. At mukhang siya mismo ang gustong magbigay ng grand finale.Kakapanganak lang ni Amarah at maingat siyang inalagaan ng isang mahusay na postpartum nanny, kaya sariwa at mas bata ang itsura ng mukha niya. Maganda pa rin ang katawan niya at lalo siyang naging kaak







