登入“Where's my mom?” Nahimasmasan si Rinoah sa kinatatayuan nang marinig ang boses na iyon ni Claude na hinahanap siya. And knowing her son hadn't seen her after Joaquin left her in this room... nagmamadali niyang inayos ang sarili. Sinapo niya ang magkabilang pisngi dahil pakiramdam niya ay nangangamatis ang mga iyon. Hinagod niya ng mga daliri ang buhok saka siya bumuga ng hangin bago niya nilapitan ang pinto. Paglabas niya, agad niyang nasalubong ang nag-aalalang tingin ng anak niyang lalaki na akala mo ay na-murder siya kahit naroon lang ang mga ito sa labas. Nilampasan lang nito si Joaquin na yapos-yapos ang babae niyang anak at tumakbo palapit sa kaniya. “Mommy!” bulalas nito sabay yapos sa baywang niya. “Hey, what's wrong?” “Did he make you cry?” balik tanong ng paslit. “Hmmm, no. Why would he?” “Why is your face so red then?” “Maybe your mom feels hot,” si Joaquin ang sumagot na ikinanlaki ng mga mata ni Rinoah dahil iba ang dating ng sagot ni
Wala nang maatrasan si Rinoah, pero panay pa rin ang hakbang ni Joaquin palapit sa kaniya. Isang huling hakbang, halos magdikit na ang mga katawan nila. Nandidilat ang mga mata niya at halos hilingin niyang tumagos na lang siya sa pader na kinasasandalan habang ginigitgit pa ang sakong makalayo lang sa lalaking gusto na yatang okupahin ang personal space niya.“Do you want me to do something for you to remember it, Noah?” Mula sa mariing boses ni Joaquin kanina, bigla naman iyong lumambing na may halong babala.Itinaas na ni Rinoah ang mga kamay hanggang dibdib para ipangharang iyon sa katawan nang mas lumapit pa ang binata. “J-Joaquin,” nanginginig ang boses na awat niya rito.“Say my name properly, Noah.”“Ano bang problema mo?”“My problem? You are my problem, Rinoah Margarette Elizalde.”Iniiwasan niyang magtaas ng mukha para iwasang magdaiti ang mga mukha nila, kaya ang nandidilat niyang mga mata ay nasa leeg nito nakatingin. Panay ang galaw ng adam's apple ni Joaquin, habang siy
Is he the father?Paanong hindi niya nalaman?He paid someone to secretly watch Rinoah for three months before letting her live her life. Three fvcking months. So how could he possibly not know she was pregnant—and that now she has twins!Parang may patalim na gumuguhit sa dibdib niya na sinundan ng tila kadenang sumasakal sa puso niya habang nakatitig sa batang babaeng nakatingala sa kaniya. Ang batang ilang beses siyang tinawag na daddy, ngunit hindi niya nakikilala. Ang batang nag-viral sa black app dahil ipinagsigawang siya ang ama.How could he—“Daddy? Why are you crying?” inosenteng tanong ni Claudine nang may bumasa sa pisngi niya galing sa mga mata ng daddy niya.Mabilis na iniiwas ni Joaquin ang mukha rito at pinahid ang mga luhang hindi niya namalayang pumapatak na pala sa mga mata niya. Napabuga siya ng hangin para lang alisin ang bigat na nararamdaman sa dibdib.“Daddy, sorry na po. Don't cry na.” Lumamlam ang mga mata ni Claudine sa pag-aakalang naiiyak sa galit ang dadd
“Good morning, Miss Gonzales, Miss Elizalde. Kindly wait for Mr. Alonzo and Mr. Rivero inside. They just attended a meeting, but they're about to adjourn,” anang receptionist na si Cha. Lumabas ito sa reception table para pagbuksan ng pintuan ang dalawang bisita kasama ang dalawang paslit. “Please have a seat. Do you want something to eat or drink?” “No. Thank you, we're fine.” “Do you have vanilla cookies and guava juice, Pretty Miss? Please?” as usual, hindi na naman napigilan ni Claudine ang sabihin ang gusto kahit kakakain lang nila. “Claudine...” may babala sa boses na saway ni Rinoah sa anak. Pinaupo niya ito sa dulo ng mahabang couch. “I'm sorry about that. We'll just wait for Mr. Alonzo here.” “No worries, Miss. Maiwan ko muna po kayo.” “Go ahead. Thank you.” “Mommy, we will meet daddy here?” Hindi pa man nakalalabas si Cha ay narinig na niya ang tanong na iyon mula sa batang babae, nanlalaki tuloy ang mga mata niya habang papalabas ng opi
Ang bigat ng pakiramdam ni Rinoah nang bumaba siya sa sasakyan at isara ang pinto no'n. Umikot siya sa driver's seat at kinatok bintana. “Ingat sa pagda-drive,” bilin niya nang ibaba ni Joaquin ang bintana. Tumango si Joaquin. “Take a rest.” Inaasahan ni Rinoah na isasara na ni Joaquin ang bintana at aalis na ito, pero nanatili lang ang binata roon habang nakatingin sa kaniya. Tatlong beses siyang humakbang paatras bago tumalikod. Nasa bukana na siya ng entrance/exit door ng condominium nang lingunin ulit niya si Joaquin. Nandoon pa rin ito. Nakapatong ang kaliwang siko sa nakabukas na bintana habang nasa bibig nito ang hintuturo. Kinawayan niya ito bago niya tuluyang itinulak pabukas ang glass door. Hindi na niya nilingon pa ang labas, dahil baka balikan lang niya si Joaquin sa sasakyan at aluking umakyat muna sa unit ni Alma. Naghihintay siya sa pagbukas ng elevator nang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang binuksan ang bag para hagilapin ang telepono.
“Alam ba ni Alma na nandito ako?” Tumango si Joaquin dahil may laman pa ang bibig niya. “She called your phone and I answered it. My apology, I opened your bag to answer her call.” “It's okay. Hindi mo kailangang mag-apology. For sure, mag-aalala sila kung hindi mo sinagot ang tawag at hindi sila na-inform kung nasaan ako. Actually, I owe you a thank you. And, yeah, an apology too. Sorry, if I became a burden to you.” Hindi umimik si Joaquin, tahimik lang siyang ngumunguya habang nakatingin kay Rinoah. Naubos na niya ang sariling pagkain. Tumayo siya bitbit ang pinagkainan, binanlawan iyon bago inilagay sa dishwasher saka siya kumuha ng tubig at uminom. Kumuha ulit siya ng panibagong bottled water, lumabas siya sa kitchen, at huminto sa gilid ng countertop, binuksan ang takip, at nilapag ang bote ng tubig malapit kay Rinoah. “You will never be a burden, Noah.” Ipinatong ni Joaquin sa ulo ni Rinoah ang kaliwang palad, bahagya niyang ginulo ang buhok ng dalaga—isang habit niya
“GOOD AFTERNOON, SER!” “Good afternoon, sir.” “Hi, Sir!” “Hala, 'di ba si Joaquin Alonzo 'yan? Why is he here?” Sunod-sunod na pagbati ang natanggap ni Joaquin na sinusuklian niya ng pagtango, at mga bulungang nakaabot sa pand
“Miii! OMG, you're back for reaaaal!” Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na
Regina Elizalde was Rinoah's mother, died when she was fifteen. Na-diagnose na may stage 4 liver cancer dahil sa klase ng pamumuhay. Sikat na actress at modelo noong kabataan. Exposed sa nightlife parties. Nagtayo ng sariling acting and modelling agency, hanggang sa pasukin na r
“M-Miss Noah! Ikaw nga, Miss Noah. Nagbalik ka na!” Gulantang ang guard na sumilip mula sa bintana ng guardhouse nito. Nagmamadali itong lumabas para pagbuksan sila ng gate. Tipid na ngumiti si Noah, “Ako nga po, Mang Estong. Mabuti at nandito pa rin kayo. Kumusta po?







