Beranda / Romance / DYING TO HOLD YOU / HOLD YOU ONE: BEAUTIFULL KARMA

Share

HOLD YOU ONE: BEAUTIFULL KARMA

Penulis: Iza Wan
last update Tanggal publikasi: 2026-05-28 23:26:06

Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Rinoah nang ianunsiyo ng piloto ang nalalapit na paglapag ng eroplanong may lulan sa kanila. Nilingon niya ang bintanang nasa kaliwang dulo, dahilan para makasalubong niya ang mga matang nagpapaalala sa kaniya sa nakaraan, na pag-aari ng batang lalaking nakaupo sa tabi ng bintana.

“Hon, are we gonna meet grandpa now?” bakas ang excitement sa mga mata at tinig ng paslit nang itanong iyon.

Tipid siyang ngumiti, “We will see, baby,” tipid niyang sagot.

Hindi nawawala ang ngiti sa mga labing muling ibinaling ng lalaking paslit ang atensiyon sa pagtingin sa tanawin sa labas ng bintanang katabi nito. Noong isang araw pa excited ang anak niya sa pag-uwi nilang iyon sa Pilipinas. Napapabuntonghininga naman niyang hinagod ang buhok ng isa pang paslit na nasa tabi niya at himbing na natutulog habang nakasandig ang ulo sa braso niya.

Sinong mag-aakalang sa isang gabing pagrerebelde niya ay dalawang bunga kaagad ang magiging karma niya?

Iyong kagustuhan niyang takasan ang sariling kasal para lumayo at magamit man lang ang pinag-aralan, pero humantong siya sa sitwasyong hindi niya alam kung pagsisisihan ba niya o tatawanan na lang.

Ngunit sa tuwing nakikita niya ang dalawang bunga ng gabing pagrerebelde, lahat ng hirap, sakit, at puyat—hindi niya magawang magsisi.

Nalampasan niya ang lahat ng problema nang mag-isa. Pero ngayon, hindi niya alam kung paano lalampasan ang panibagong pagsubok—kung saan niya hahagilapin ang ama ng kambal niya. Lalo't hinahanap ito ng anak niyang babae.

Umalis siya ng bansa matapos ang gabing iyon—tulad ng plinano niya. Everything was planned accordingly. Magpapakalasing siya hanggang sa magkaroon siya ng lakas ng loob na manghatak ng kung sino man para gumanap sa papel ng other man niya. Alma will take photos and will send to her dad anonymously.

Yes, she planned to ruin her image just for her freedom. At magwala man ang ama niya, wala na siya. Nagpapakalayo-layo na at siniguro niyang walang makakahanap sa kaniya.

Although, giving herself to a stranger was not in her plan, aminado naman siyang nagustuhan niya ang nangyari—that man could really give a woman her orgasm, a real expert gigolo.

Hindi na natapos-tapos sa oagbuntinghininga si Rinoah dahil sa laman ng isip niya. Ipinilig niya ang ulo para lang iwaksi iyon. She should focus on her goal. Wala pa sana siyang balak bumalik sa sariling bansa kung hindi lang niya nabalitaan ang pagkaka-stroke ng ama niya. Kahit naman nagpalit siya ng pangalan at hindi na nakipag-ugnayan sa kahit sinong naiwan niya, hindi pa rin maalis sa isip niya ang mag-alala para sa ama.

At nang malaman nga ng mga anak na kailangan nilang bumalik sa bansang pinanggalingan niya para bisitahin ang lolo ng mga ito, laking tuwa ng dalawa. Excited ang anak niyang lalaki na makilala ang lolo nito, habang excited naman ang kakambal nito na makita ang lalaking hindi niya alam kung saan hahagilapin.

Nag-iisip pa nga siya kung paano ipapaliwanag sa ama ang existence ng kambal, nadagdagan pa kung paano niya hahanapin ang lalaking nakabuntis sa kaniya.

“What did mommy told you?” tanong niya sa dalawang paslit. Tulak-tulak niya ang cart na laman ang dalawang maletang dala niya, nakawahak naman ang babaeng anak na si Claudine sa laylayan ng damit niya, habang hawak-hawak ito ng kakambal nitong nasa dulo.

“Don't talk to strangers,” sagot ni Claudine na nasa kaliwa niya na panay ang linga sa paligid ng airport.

“And we will behave,” dagdag ni Claude na nasa kanan niya na deretso lang ang tingin sa harapan nila.

“Mom, is daddy picking us up?”

“No, sweetie. He doesn't know that we're back.”

“Oh, we're gonna surprise daddy! Aaah!” bulalas nito saka nito nilingon ang kakambal. “Aren't you excited to see grandpa and daddy, Claude?” usisa nito sa kakambal nang mapuna ang pananahimik nito. At nang hindi man lang umimik ang kapatid ay napapalabi na lang na muling inilibot ang tingin sa nadaraanan nila.

No one knew that she was coming back home today. Kahit ang matalik na kaibigang si Alma ay hindi niya sinabihan. Kukuha lang siya ng taxi na maghahatid sa kanila sa mansion ng mga Elizalde.

Bago sila lumabas ng airport, dinala muna niya ang kambal sa isang restaurant para sa tanghalian nila.

“Honey, I want to pee,” nahihiyang bulong ni Claude sa ina nang makakuha sila ng table. “You can just stay here with Claudine po, I can manage po,” awat niya sa ina nang akmang tatayo si Rinoah para samahan ang anak.

“You might lose your way?”

“Hmmph!” Iling ni Claude saka itinuro ang gawing kaliwa ng restaurant. “The restroom is just there po,” aniya.

“All right, go on and be careful.” Napapabuntonghininga na lang si Rinoah nang haplusin ang malagong buhok ng anak. Ever since her son became independent, he would like to do things on his own, as if he's a grown-up man, kahit pa mas matanda ng ilang minuto rito ang kakambal nitong babae, pinanindigan ni Claude ang magpaka-Kuya sa kapatid.

Nagmamadaling umalis si Claude sa mesa nila, hawak-hawak ang harapan ng pantalong suot na tinungo niya ang restroom. Hinila niya paibaba ang lever ng pinto saka itinulak iyon. Ngunit napasinghap siya nang makitang may ibang tao sa loob. Inalis niya ang pagkakahawak sa harapang pantalon at taas ang noong pumasok, saka dumaan sa likuran ng higanteng lalaki para lapitan ang bakanteng urinal na nasa kanan nito.

“Where is your companion kid?” anang lalaki nang hindi nililingon ang paslit. “You should've someone to accompany you,” sabi pa nito.

“Do you want me po to call my mom in?”

“Oh, then she should let you use the women's restroom instead.”

Nalukot ang maliit na mukha ni Claude sa narinig. Patagilid niyang nilingon ang lalaking nasa kaliwa at halos mabali na ang leeg niya nang tingalain ito.

“Can't you see I'm a man po, Mister?”

Nagpakawala ng maikling tawa ang lalaki na mas ikinainis ni Claude. Pinangunutan na niya ito ng noo habang pinapanood itong magsara ng zipper nito. Sa inis dahil minamaliit siya nito, mabilis niyang binaklas ang sinturon at inalis sa pagkakabutones ang pantalon habang tinitingnan pa rin patagilid ang lalaking hindi siya nililingon. Padabog niyang hinila pababa ang zipper ng pants niya pero natigilan siya nang hindi iyon maibaba.

Inalis niya ang tingin sa lalaki para pagtuunan ng pansin ang sariling zipper, ngunit hindi talaga niya iyon maibaba. Naiihi na siya!

“You can always ask for help, young man,” anang estranghero habang naghuhugas ng mga kamay sa lababo.

Hindi pinansin ni Claude ang estranghero. Pilit niyang hinihila pababa ang zipper ng pantalon, subalit hindi talaga niya iyon maibaba. Nangingiyak na siya sa pinaghalong inis, pagkapahiya, at takot na baka maihi siya sa pantalon niya. Natigilan na lang siya nang may humawak sa balikat niya at ipaling ang katawan niya paharap dito. Napayuko ng ulo si Claude sa hiyang nararamdaman.

“It's not bad to ask for a little help...” Saglit na natigilan ang lalaki nang makita nang lubusan ang mukha ng batang paslit. Nangunot ang noo niya nang pagmasdan ang maliit nitong mukha, at ang mga mata nitong nanunubig na habang natitigilang tumitig din sa kaniya. There's something in this kid that reminds him of someone.

Bumuntonghininga siya bago itinuon ang tingin sa pantalon nito, inabot niya ang zipper nito na nakagat ang bahagi ng tela ng damit na naka-tuck in, dahilan para mahirapan ang paslit na ibaba iyon. Maingat niyang tinanggal ang kapirasong tela ng damit nitong nakaipit sa zipper bago tuluyang i-unzip iyon.

“There you go,” aniya, saka siya tumayo para hayaan ang paslit na agad namang tumalikod at tumapat sa urinal para umihi doon. “This is the reason why you should have someone with you.”

Hindi pinansin ni Claude ang lalaki, at ipinagpatuloy lang ang ginagawa hanggang sa matapos. Isinara niya ang zipper at lumapit sa pinakamababang lababo para maghugas ng mga kamay.

“I can manage po.”

Matunog na bumuntonghininga ang estranghero nang magpamaywang paharap sa batang pilit kumikilos bilang matanda. “Not because you can manage, you've to do it alone, especially when you're not in your home.” Inalis nito ang mga kamay sa magkabilang baywang saka iyon hinalukipkip sa dibdib. Humarap naman dito si Claude nang matapos sa paghuhugas, at nakipagtitigan dito.

“You are still a kid that your mom and dad should protect,” anang estranghero. Nakatuon ang tingin sa paslit. Puno ng intensidad ang mga mata, ngunit may pag-aalala, na para bang gustong protektahan ang bata mula sa magulong mundo.

Kumibot ang mga labi ni Claude. Binawi niya ang tingin sa lalaki at bahagyang niyuko ang ulo saka mahinang sumagot, “I don't have a dad,” aniya sa mababang tinig. Nag-angat ulit siya ng tingin at matiim nang nakipagtitigan ulit sa kaharap. “And my mom had been through a lot during her pregnancy with us until now. I just want to protect her and my sister.” Mariing naikuyom ni Claude ang mga kamay na nasa magkabila niyang gilid.

Napatuwid ng tayo ang lalaking estranghero, at naibaba rin niya ang nakahalukipkip na mga kamay. Lumamlam din ang mga matang kanina lang ay puno ng intensidad na nakatingin sa paslit. Gusto niya itong lapitan pero pinigil niya ang sarili at pinanatili ang distansiya nila.

“I can see that your mom raised you well, kid. She must be proud of you. But don't forget that she's a mother. I'm sure, she will be upset and worried once something bad happen to you. You better go back to her now.”

Tumango naman si Claude bilang pagsang-ayon dito. Nagpaumuna na siyang lumabas habang nakasunod naman ang estranghero.

Sinundan ng lalaki ng tingin ang paslit para masigurong makakarating ito sa mga kasama nito. Nakita niyang nilapitan nito ang dalawang babaeng magkaharap na nakaupo sa mesang nasa hindi kalayuan. Nakatalikod sa gawi nila ang babaeng sa tingin niya ay ang mommy ng paslit. Nakita niyang itinuro ng paslit na babae ang paparating na batang lalaki dahilan para lumingon ang mommy ng mga ito. Pero bago pa ito tuluyang makalingon ay tumunog ang cellphone niya na nagpawala sa atensiyon niya sa tatlo.

Sinagot ng estranghero ang tawag sa phone at naglakad na sa kabilang direksiyon, palabas sa restaurant na iyon.

“What took you so long?” usisa ni Rinoah sa anak nang lingunin ito. Susundan na nga sana niya ito pero itinuro na ito ng anak na babae.

“May iba pa pong gumagamit, e,” magalang na tugon ni Claude, wala sa planong sabihin ang pakikipag-usap niya sa estranghero dahil sigurado siyang mapagsasabihan siya ng mommy niya.

“I see. Did you wash your hand?”

“Yes po.”

“Good. Let's eat then. I ordered your favorite.”

“Thank you, honey.” He sat next to his sister.

“You're welcome, sweety.”

“Ahm, mom... I saw a man... and he has the same eyes as Claudine,” nag-aalangang sabi ni Claude matapos ang ilang pagsubo.

Natitigilang mas bumagal ang pagnguya ni Rinoah sa narinig. Tinitigan niya ang anak na naupo sa tabi ng kakambal nito. She still remembered those eyes, but she really couldn't remember his face—the face of the man on that special night—six years ago.

“Is he handsome like you, Kuya?” usisa ni Claudine sa kakambal na tinanguan ni Claude. Nilingon ni Claudine ang ina at siya naman ang inusisa. “Is he our dad, mom?”

Bumaling ang tingin ni Rinoah sa babaeng anak, hindi tulad ni Claude na nakuha ang mga mata niya, Claudine's mysterious yet expressive eyes got from his unknown father. But she was so sure that Claudine got her feature. The small diamond shape of her face, her pointed nose, and her bow-shaped lips, it's all hers. Claude and Claudine are twins but they're not identical. Hindi niya sigurado kung may nakuha ba sa kaniya ang anak na lalaki maliban sa kulay ng mga mata. Magkaiba man kasi ang kulay ng mga mata ang magkambal, pareho naman ng paraan kung tumingin—nanunuri.

“I don't think so. He didn't recognize me, so I guess, he's not dad,” sagot ni Claude na nagpabalik ng tingin ni Rinoah dito mula sa paninitig sa babaeng anak.

Bumuntonghininga siya at kinuha ang pagkakataong iyon para ilihis ang kambal sa topic nila. “Finish your food na so we can go to your lolo's house,” utos niya sa dalawa na agad sinunod ng mga anak.

Paano ba niyang sasabihin sa kambal na hindi talaga sila makikilala ng sarili nilang ama, dahil hindi naman alam ng lalaking iyon na nagbunga ang isang gabing namagitan sa kanila.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FIVE: DADDY

    Nasa 7th floor ng building ang swimming pool area. Indoor swimming pool iyon na nagmukhang outdoor swimming pool dahil salamin ang bubungan, kitang-kita ang malinis na kalangitan. Kompleto rin sa amenities ang lugar: isang infinity pool paras sa adults, at dolphin-shaped pool with twin slides naman ang para sa mga bata. Namamasa na ang tiled floor dahil sa mga nagsu-swimming na rin doon. Plant boxes at mabababang puno ang nakapalibot banda sa railings sa buong area, lumilikha ng maginhawang pakiramdam. Tulad ng sinabi ni Alma, mayroon doon boutique na kasinlaki ng isang silid, sa kaliwang gawi ng entrance, katabi ang hallway papunta sa shower at changing room. Maayos na nakapalibot sa pool area ang mga reclining bench; Sa likod ng mga ito ay ang mga steel table and chair with umbrella, and some of it was occupied by the resident of the condominium who wants to chill with their someone. “Is that even possible? I m

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FOUR: SPECIAL ABILITY

    “Miii! OMG, you're back for reaaaal!” Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na nasa harapan siya nito. “Surprised?” “Leche! Bakit hindi ka nagpapa... sabi...” papahina ang boses na sabi nito nang mapansin ang dalawang paslit na nasa likurang gilid ni Rinoah. “Hi, fairygod mom!” malawak ang ngiting naunang bati ng paslit na si Claudine na kinawayan pa ang kaibigan ng mommy niya. “Oh... my... aaahhhh! Ang mga fairy babies ko!” tili na naman ni Alma na halos itulak ang kaibigan patabi para lang malapitan ang mga inaanak na sa video call lang noon nakakausap. “Aaah! Fairygodmom!” hindi papatalong tili rin ni Claudine, habang tahimik lang at nakangiting nakamasid si Claude. Hal

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU THREE: INHERITANCE

    Regina Elizalde was Rinoah's mother, died when she was fifteen. Na-diagnose na may stage 4 liver cancer dahil sa klase ng pamumuhay. Sikat na actress at modelo noong kabataan. Exposed sa nightlife parties. Nagtayo ng sariling acting and modelling agency, hanggang sa pasukin na rin ang film industry bago nakapag-asawa sa edad na thirty-five. Rinoah witnessed her mother's hardwork as she grew up. As the Chairman of RME Productions, a mother, and a wife, para kay Rinoah, wonderwoman ang mommy niya. Kahit abala sa kompaniya, hindi siya iniiwan sa pangangalaga ng kasambahay. Lumaki siyang walang yaya, kaya rin nakundisyon ang isip niya na dapat palagi siyang behave. Palagi siyang bitbit ng ina sa opisina. Ihahatid siya papasok sa eskuwela, susunduin pagkatapos ng klase niya at sa opisina na ni Regina maglalagi. Madalas din siya nitong isama sa production set. And that's how Rinoah got fascinated in directing a film. Ayaw niyang magpatakbo ng kompaniya,

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU TWO: HARSH GRANDPA

    “M-Miss Noah! Ikaw nga, Miss Noah. Nagbalik ka na!” Gulantang ang guard na sumilip mula sa bintana ng guardhouse nito. Nagmamadali itong lumabas para pagbuksan sila ng gate. Tipid na ngumiti si Noah, “Ako nga po, Mang Estong. Mabuti at nandito pa rin kayo. Kumusta po?” “Naku, ayos lang naman, Miss. Ang tagal ninyong nawala. Pasok ka—” Natigilan si Mang Estong nang mapansin ang dalawang paslit na bahagyang nagtatago sa likuran ni Rinoah. “Mga anak ko ho.” “Pasok kayo, pasok. Maiinitan kayo. Kagaganda't guwapong bata! Manang-mana sa ina!” Maluwang nitong binuksan ang maliit na tarangkahan para sa tao saka kinuha kay Rinoah ang maletang bitbit. “Maraming salamat po. Si Daddy?” Binalingan muna ni Mang Estong ang kasamahan para bilinan ito bago sinagot ang dalagang amo. “Nasa loob, Miss. Paniguradong masosorpresa ang Don at ang Madam sa pagdating ninyo.” Halata sa guard na si Man

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU ONE: BEAUTIFULL KARMA

    Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Rinoah nang ianunsiyo ng piloto ang nalalapit na paglapag ng eroplanong may lulan sa kanila. Nilingon niya ang bintanang nasa kaliwang dulo, dahilan para makasalubong niya ang mga matang nagpapaalala sa kaniya sa nakaraan, na pag-aari ng batang lalaking nakaupo sa tabi ng bintana. “Hon, are we gonna meet grandpa now?” bakas ang excitement sa mga mata at tinig ng paslit nang itanong iyon. Tipid siyang ngumiti, “We will see, baby,” tipid niyang sagot. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labing muling ibinaling ng lalaking paslit ang atensiyon sa pagtingin sa tanawin sa labas ng bintanang katabi nito. Noong isang araw pa excited ang anak niya sa pag-uwi nilang iyon sa Pilipinas. Napapabuntonghininga naman niyang hinagod ang buhok ng isa pang paslit na nasa tabi niya at himbing na natutulog habang nakasandig ang ulo sa braso niya. Sinong mag-aakalang sa isang gabing pag

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU PROLOGUE: SWEET REBELLION

    Napapalabi si Rinoah habang tinitipa sa search engine ang buong pangalan ng lalaking nakatakda niyang pakasalan next week. CLAUDIO RIVERO... Limang personalidad ang binigay na resulta sa kaniya. Ang una ay isang football player from Uruguay, kaya inalis na niya ito sa listahan ng posibilidad. Sumunod ay 80-year-old bald man, at isang business tycoon. May possibility, pero duda siyang ipakakasal siya ng mommy niya sa mas matanda pa rito. Doble na nga ng edad sa daddy niya ang profile na tinitingnan niya, kaya erase. The third one is a... Nangunot ang noo niya, para kasing ang bata pa nito para maging Chairman? The third profile she's looking at belongs to a 33-year-old man. Una kaagad niyang napansin ang mga mata nito. Almond-shaped iyon na may maninipis na talukap. Matiim itong nakatitig sa camera, at sa sobrang expressive ng mga mata, para iyong may sinasabi sa kung sino man ang nasa likod ng lente. And... wow! Hindi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status