Season 2 is waving next chapter! Abangan ang mga bagong characters at desisyon na makapagbabago sa buhay ng main characters! Thank you for reading!
CHAPTER 54: LONG LOST PRINCESS "Finally, the long lost princess is awake!" iyon ang una kong narinig nang imulat ko ang mga mata ko. Para bang kanina pa niya ako pinapanood kaya alam niyang gising na ako. Dahan-dahan akong bumangon at kunot noong binalingan ang matandang lalakeng nagsalita. Sobrang estranghero ng malalim at matigas na boses niya. Napaawang ang labi ko at inilibot ang paningin nang makitang walang pamilyar sa akin. Nasa kwarto ako na gaya sa mga disney princess dahil sobrang elegante ng lahat ng bagay. Kulay light pink ang halos lahat ng gamit, maraming bulaklak na disenyo at may bed curtain pa! Parang kwarto lang ni Sandy na babaeng babae ang tema. Muling bumalik ang titig ko sa lalake nang umupo siya sa tabi ko. Pinakatitigan ko siya at kinilala ko ang mga detalye ng mukha niya. "D-daddy..." bulalas ko nang mamukhaan ko siya. Nakikita ko ang sarili kong kulay asul na mga mata sa kanya. Kulay abo na ang karamihan sa buhok niya at bakas ang katandaan sa mga lin
CHAPTER 53: TRUE COLOR "Vlad, please, natatakot ako..." paki-usap ko sa kanya sa gitna ng paghikbi habang pinapanood kung gaano siya ka-tutok na tutok at galit na galit na nakatuon sa pagmamaneho. Pero hindi niya ako nililigon kahit kanina ko pa siya kinaka-usap. Rinig ko ang pagbusina ng ibang kotse sa kanya dahil sa bilis niyang magpatakbo. Wala akong magawa kun'di kumapit sa upuan ko dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. May apat na itim na kotse akong nakikita mula sa side mirror. Nakasunod pa rin sila sa amin. Hindi ko alam kung bakit! Pakiramdam ko ay sasaktan nila kami. Napatakip ako ng mukha para humagulgol. Wala akong magawa kasi baka kung pinigilan ko si Vladimir, baka mas madisgrasya lang kami! Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa maramdaman kong bumalik sa normal ang pagpapatakbo niya ng kotse. Humikbi ako at pinunasan ang luha para pakalmahin ang sarili nang makita ang hindi pamilyar na lugar. Sobrang lawak ng bakanteng lote. Kulay berdeng damo at matatay
CHAPTER 52: GAME OVER "Dimitri will disown you once he learned about your secret, Vladimir! Do you want everything we have and those that we planned to vanish?" umalingawngaw sa isip ko ang banta sa akin ni mama. I'm a sin of her affair with another man because she was too broken about Dimitri, cheating on her with different women. Gustong gusto kong mawala lahat sa akin! Wala akong pakealam sa pera! Pero hindi ko kayang mawala ang babaeng nagpalaki sa akin. My mother is imperfect but she's loving and selfless. I will use Dimitri to have the same power that he has. Kapag meron na ako no'n, itataga ko sa batong ilalayo ko si mama sa kanya. He ruined my mother's life! Humigpit ang kapit ko sa hair stick na hawak at inangat ko ang kamay para alisin ang kutsilyo sa takip nito. Maingat ang paghawak ko dahil takot ako sa matalim na bagay pero nataranta ako nang umiyak 'yong bata. "Ahh!" I gasp as I saw blood coming out of the side of my index finger as I got a cut by just a slight
TRIGGER WARNING: VIOLENCE! CHAPTER 52: VLADIMIR'S POV "Shit..." I cussed under my breath while gripping the stirring wheel on my left and a fucking Desert Eagle handgun on my other hand. Never in my previous fights and flights did my heart beats this loud and fast! Tangina, ngayon lang ako kinakabahan at natatakot na mahabol at mahuli dahil sa babaeng kasama ko. Bakit ba kasi ang hirap niyang hindi protektahan? Literal na para siyang anghel na pakiramdam ko, responsibilidad ko siyang iligtas para hindi siya makuha ng demonyo! "V-vlad. B-bakit ka... may g-gan'yan?" Kinontrol ko ang paghinga ko para hindi magpadala sa emosyon dahil ramdam ko sa boses ni Reina na natatakot siya. Ni hindi ko siya matignan kasi putangina, hiyang hiya ako! And I hated it! I hated how she still affects my damn system. Mas lumala pa yata no'ng pinahintulutan ko ang sariling mahalin siya. Ngayon, hindi na ako makawala. Hulog na hulog ang gagong puso ko! Nanlambot na! Ang hirap na ulit patigasin! I
CHAPTER 51: BARIL Ibinaba pa niya ang hawak sa kamay ko sabay ipinagdaop ang daliri namin kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at uminit ang pisngi ko. Napakagat labi ako para pigilan ang kilig pero pinisil niya pa ang pisngi ko gamit ang kaliwang kamay niya. "Sakay tayo ro'n sa Star Flyer!" excited na sagot ko at itinuro iyong roller coaster kung saan maraming sumisigaw dahil sa bilis ng pag-ikot pataas at pababa ng ride na 'yon. Natawa ako nang umawang ang labi niya. "Are you sure, Reina?! You can ride on that one?" gulat na tanong niya at muling bumilog ang labi nang tumango. "Oh damn!" mahinang bulong niya kaya niyakap ko ang bewang niya. "Takot ka?" hindi ko mapigilang ngumisi at tuksuhin siya. "No, of course not, baby!" sagot niya habang namumutla ang mukha kaya lumakas ang halakhak ko. "I'm scared you'll fall in there!" "Gusto kong i-try! Tabi naman tayo!" dagdag ko pa at hinila na siya palapit doon para pumila. Dahil VIP ang ticket ay may iba kaming pila, m
CHAPTER 51: SUGAR DADDY Kumirot ang dibdib ko dahil hindi ako makapaniwalang mangyayari 'to. Kanina lang kasi ay pinag-iisipan kong makipaghiwalay na sa kanya pero isu-surpresa niya pala ako rito! Kaagad akong umupo sa tabi niya at tinitigan ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng puting longsleeves button up shirt at itim na necktie, pants, at leather shoes. Ibig sabihin, galing siya sa trabaho. "Pupunta tayo sa Enchanted Kingdom?" nag-aalalang tanong ko at hinaplos ang pisngi niya nang manatiling inaantok ang mga mata niya. "Pagod ka na yata, Vlad." Hinawakan niya ang kamay ko at masuyong hinaplos ng daliri niya ang palad ko. "I can drive," kaagad na sagot niya at kumunot ang noo. "Or should I call Roel?" dagdag pa niya. Mabilis akong umiling. Gusto ko, kami lang dalawa pero ayaw kong mapagod siya sa pagdi-drive. Ni hindi ko alam kung anong oras siya natulog kagabi at nagising kaninang umaga. "Sa Star City na lang kaya tayo? Mas malapit 'yon!" paliwanag ko dahil gusto ko talag