CHAPTER 94: WAR Kumunot ang noo ko. "Ano po?" "Nakita ko si Sir Vladimir sa may walk in closet mo!" pasigaw na bulong niya. "Nagka-usap ba kayo no'n dito? Hindi ako nagsumbong kay Master Dimitri kasi akala ko, pinuntahan ka ni Sir Vladimir dito kasi nag-aalala siya sa 'yo!" Napatitig ako sa kanya. Si Vladimir ba iyong inakala kong magnanakaw na nakita ko dati? Paulit-ulit akong umiling. "Hindi po kami nag-usap. Akala ko, magnanakaw siya! Hindi siya nagpakilala sa akin!" halos hindi ko pa rin ma-absorb iyon. Ibig sabihin, una pa lang, alam na ni Vladimir na nandito ako? Alam niya kung nasaan ako. Pero bakit hindi niya ako pinupuntahan dito? Talagang sa South Korea pa siya nagpakita! Gano'n ba siya ka-takot kay Daddy Dimitri? "Ate Dessa, gusto ko pong umalis dito..." kwento ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya habang nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. "Gusto kong sumama kay Vladimir." "Naku, ma'am!" Kaagad siyang napangiwi at para siyang napaso sa hawak ko kaya binawi ni
CHAPTER 93: DISOBEY"Ahh... damn, baby!" daing ni Vladimir nang kagatin ko ang kamay niya habang isinusubo niya sa akin ang natitirang protein bar na meryenda ko. "Wanna eat me too?" alok pa niya sa sarili niya.Humagikgik ako dahil nanliliit ang mga mata niya at nakangisi siya. Nangaakit na naman siya! "Gutom pa ako, Vlad!" reklamo ko at kinuha sa tabi ng laptop iyong iced matcha latte na pinabili ko sa kanya kanina. On time niya kasi ako pinapameryenda. Kahit busy na madalaas ay humahanap pa rin siya ng tiyempo para hindi ako malipasan ng gutom. Ibinalik ko ang mga mata ko sa screen at nanood ng Zoom presentation ng Export Director ng Tsarskaya Vodka sa Russia. Kumagat ako nang maramdaman ang pagkain sa labi ko. Napa-ungol ako at nginuya ang donut. Hinarap ko pa si Vladimir para hawakan ang kamay niya. "Kain ka na rin!" utos ko sa kanya at umawang din ang labi ko nang kumagat siya roon. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang malagyan ng powder iyong sulok ng labi niya. "Want more?
CHAPTER 92: LAST CHANCE "Mahirap ba 'yong hulaan?" bulalas ko habang nanlalaki ang mga mata. Bumaba ang titig ko sa labi ni Vladimir nang kagatin niya iyon na parang nagpipigil ng tawa. "Nah! I can actually feel like you can guess it right!" aniya at tumitig din siya sa labi ko bago ibinalik ang mga mata sa akin. Napanguso ako. "Business pa rin? May sarili ka na sigurong Company!" hula ko at kaagad na nag-iwas ng tingin nang uminit bigla ang sulok ng mga mata ko. Kumirot ang dibdib ko dahil naalala ko iyong panahon na bata pa lang ako tapos proud na proud ako sa kanya kasi mayaman siya dahil sa trabaho niya! Alam ko kung paano niya binuhos yung oras at panahon niya para sa posisyon na bigla na lang mapapasa-akin! "Are you on your period, Reina?" biglang tanong ni Vladimir kaya umurong ang luha ko. "Ano?!" gulat na ulit ko dahil napaka-random ng sinabi niya. Iniharap niya ang swivel chair sa akin at isinandal ang braso sa gilid sabay inilagay niya ang daliri sa ibabang labi
CHAPTER 91: WORK"I'll be your secretary?" Umiling ako sa tanong ni Vladimir. Hinarap ko siya nang walang salitang lumabas si Trina. "Hindi lang secretary, Vlad. Tuturuan mo kung paano maging CEO! 'Di ba sabi mo, gagawin mo lahat ng gusto ko?" pabalik na tanong ko sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay para magtaray.Pero imbes na magreklamo ay ngumisi siya na parang natutuwa siya. "Sure! I can be anything you want, baby!" ayan na naman siya! Sa sobrang saya, nakakalimutan niya iyong banta ko kagabi.Matalim ko siyang tinitigan at pinanliitan ng mga mata. "'Di ba sabi ko, 'di na kita papansinin kapag—"Napatigil ako nang itapat niya ang hintuturong daliri sa labi ko. Kunot noo ko siyang tinignan dahil sa ginawa niya. "You can't do that for now, baby. I'm your mentor. You can't ignore me!" pagmamayabang niya ang lumakad siya palapit sa swivel chair na nasa likuran ng lamesa. Hinawakan niya ang itaas na bahagi at hinila iyon ng kaunti. "Come and sit to your throne, my queen!" magalang
CHAPTER 90: SECRETARY"Sige na!" bulong ko sa sarili nang mabuksan ko ang convo namin ni Vladimir. Huling chat niya ay noong kinukulit niya ako kung saan niya p'wedeng i-send ang picture ko noong nanggaling kami sa South Korea. Hindi rin siya online! Pero wala naman akong ibang way para ma-contact siya! Reina: Hi! Dalawang letra lang iyon pero grabe na iyong kaba sa dibdib ko nang mai-send iyon. Pumikit pa ako at tinabunan ng unan ang phone dahil sa matinding hiya. Ganito siguro 'yong feeling kapag nag-first move ka sa crush mo! Sobrang nakakakaba! Sinilip ko ang phone ko nang tumunog iyon at dali dali kong tinignan ang notification. Lei: Goodnight, Rei! Pahinga ka na rin. Nakahinga ako ng maluwag at nagtipa ng ire-reply kay Lei. Quarter to eleven na pero wala pa akong balak matulog. Nag-scroll ako para hanapin ang convo namin ni Vladimir sa gamit niyang account dati noong Daddy ko pa siya. Iyong Dim Montenegro ang name. Pero mukhang deleted na iyon! Napanguso ako at akmang bi
CHAPTER 89: REPLACE "What's your plan, princess?" nag-aabang na tanong ni Daddy Dimitri sa akin nang makapagdesisyon akong puntahan siya sa Library dito sa bahay namin. Naka-uwi na kami dito sa Pilipinas. Pero hindi pa rin ako nakakalabas para puntahan ang mga kaibigan ko. Mas may iba akong gustong unahing gawin. "Gusto ko pong magpatulong kay Vlad. Gusto kong matuto sa kanya kung paano maging CEO sa VITC," banggit ko sa pangalan ng Kompanya ni Daddy. Sumilay ang ngisi sa sulok ng labi niya at napahawak pa siya sa gilid ng salaming suot niya. "Finally, you're getting smarter, princess!" puri pa niya dahilan para maalala ko ang mga binanggit niya noon sa akin. "Use that pretty head of yours! You are Vladimir's weakness. You have the power to control him. Wrap him around your fingers! Trust me... he’ll fall willingly under your trap!" Gagamitin ko si Vladimir. Titignan ko kung mahal pa niya ako! Sa ngayon, kailangan ko munang mapaniwala si Daddy Dimitri na kakampi niya ako. Gaga