LOGINThank you po sa support at paghihintay ng update!
CHAPTER 138: LITTLE GIRL "Ano na?! May 100 load na 'yan, ha!" naiinip na bulalas ni mama nang muling mamatay ang tawag dahil walang sumasagot sa kabilang linya. Sinubukan ko ring tawagan si Vladimir kagabi pero 'di ko ma-contact. Laging call forwarded to voicemail. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para magtipa na lang ng message para sa kanya. Ako: Vlad, can I call? Reina 'to. I miss you so much! Pumikit ako nang mapindot ang send button. "Bukas na ulit 'yan! Matulog ka na! Lintek, nakahanap na yata ng kapalit mo!" reklamo ni mama na parang mas affected pa siya sa akin. Kinuha na niya ulit sa akin ang phone kasi nahuli niya akong nagsi-cellphone kagabi kahit ala-una na. "Baka busy lang po, ma. Baka lowbat 'yong phone," inisip ko na ang lahat ng p'wedeng maging dahilan kaya hindi ko ma-contact si Vladimir. Sana nga, simple lang 'yon. Sana, okay lang siya at walang masamang nangyari sa kanya. "Ma, ano nga ulit 'yong sinabi ni Daddy sa 'yo dati? Akala niya, nawawala ako? Si Vlad
CHAPTER 137: REGALO"Madami po bang kukuhanin?" kinakabahang tanong ko sa Med-Tech na kukuha sa akin ng dugo.Tinitignan ko pa lang ang syringe na nasa lalagyan ay parang gusto ko nang tumakbo palabas ng Hospital. "Kaunti lang, ma'am! P'wede kang pumikit para 'di ka matakot sa karayom," magaang aniya at sinubukan niyang itali ng tourniquet ang braso ko pero kaagad akong umatras."Hoy, 'nak! Umayos ka nga!" kaagad na sita ni mama at pinanlakihan niya ako ng mga mata.Napanguso ako at nalukot ang mukha ko dahil naiiyak ako lalo sa pananakot niya. Ba't kasi kailangan pa ng ganito? "Ma, ang laki kasi no'ng syringe na gagamitin sa akin!" paliwanag ko para ipagtanggol ang sarili."Lintek, e sa malaking tite 'di ka takot?!" malakas na bulalas niya kaya nanlaki ang mga mata ko at uminit ang pisngi dahil sa hiya.Narinig ko pa ang pagpipigil ng tawa ng Med-Tech na kasama namin. Napaka-bulgar naman kasi ng bibig ni mama! Nahiya ako sa pang-ri-real talk niya kaya nagpaubaya na ako. "Hingang mal
CHAPTER 136: TEST Hindi ako mapakali habang naghihintay sa resulta ng mga test ni mama para mai-discharge siya. Marami siyang kailangang maipasa para ma-declare na stable na siya at hindi na magiging bayolente sa labas. Pati ako ay in-interview kung kaya ko siyang alagaan at kung ano ang gagawin kung sakaling atakehin ulit siya. Schizoaffective Disorder–Bipolar Type. Iyon ang diagnosis sa kanya ng Psychiatrist na naka-usap ko. Malamang, dahil sa hallucination niya na buhay pa raw si Daddy Dimitri. Bipolar din kasi paiba-iba ang mood niya at minsan, sobrang extreme ng emotion niya kaya hindi na ma-kontrol lalo na tuwing iritable siya. Si Tito Noel ang nagdala sa kanya rito. Nasa chart pa raw ni mama na may history siya ng pathological gambling at overspending kapag sobrang saya niya. Nagtangka rin daw siyang bawiin ang sarili niyang buhay dahil depress siya. At noong nagkasama kami sa Visitation Room, nakita ko nga ang mga symptomg ng pagiging Bipolar niya lalo na tuwing may trigge
CHAPTER 135: LAHI"Tara sa Acute Paid Ward," anunsyo ng clinical instructor naming si Ma'am Shiela. Sumunod ako at tumingin sa mga katabi kong ka-grupo na tuwang tuwa. "Yes, 'di na mabaho!" bulong ni Naomi dahilan kaya kumunot ang noo ko. Napaka-arte niya talaga. Nakakainis nga kasi ka-group ko na naman siya. Magkalapit lang ang apilyedo namin. S siya at V ako. At saktong may apat na kaklase namin ang nasa pagitan namin kaya no choice, magka-group na naman kami. "Sana, sa male tayo ma-assign. Baka may artista do'n!" hiling pa niya. Halatang 'di nakikinig! Bawal kami sa Acute Ward.Nagkaroon na kami ng tour noong isang araw sa Charity ward, ang government mismo ang nagbabayad para sa kanila. Nakapunta kami sa mga ward ng mga bata hanggang sa mga matatanda na karamihan, dementia patient. Masasabi kong may malaki ngang kaibahan sa mga kwarto lalo na mga gamit at sa kalinisan.Nandito sa Acute ward 'yong mga bagong admit. Sobrang aggressive daw nila kaya 'di kami pwedeng magtagal rito.
CHAPTER 134: 4 YEARSHuminto ako para sana batiin sila pero mabilis silang umiwas. "Excuse me po!" nakangiting ani Sandy."Sorry, miss!" si Lei na nakasunod sa kanya. Napahinto ako ng ilang segundo bago ako lumingon sa direksyon nila nang pumila sila roon sa counter para mag-order. Naka-puting nursing uniform pa si Sandy pero nakalugay ang hanggang sikong buhok niya. Si Lei, naka-casual na longsleeve top sa ibabaw ng puting t-shirt at pants. Suot pa niya sa magkabilang balikat ang pink na backpack. Malamang, kay Sandy iyon. Sila pa rin pala! Ang tagal na nila. Ang tagal ko na rin silang hindi nakita...Nanlabo ulit ang paningin ko dahil sa pangungulila sa dating mga kaibigan ko pero kaagad na naputol iyon nang mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Francheska!Tumingala ako at kumurap ng ilang beses para tuyuin ang luha bago ko sinagot ang tawag niya. "Ate Reina! Anong suot mo ngayon? Ayun! Nakita na kita!" magkakasunod na aniya hanggang sa marinig ko mismo ang boses niya sa malapit.
CHAPTER 133: RESPONSIBILITY"Tama na, baby. Ang ganda mo na masyado..." bulong ni Vladimir mula sa likuran ko. Yumuko pa siya at niyakap ako mula sa leeg sabay sandal ng mukha niya sa balikat ko. Nanonod kasi siya habang nagmi-make up ako kaya awtimatiko akong napangiti at napahagikgik pa dahil sa kilig.Hinawakan ko ang maskuladong braso niyang nakapalibot sa akin bago ko iyon hinampas nang mahina. "'Wag ka nga d'yan, Vlad! Gusto mo na namang umisa, 'no?" nanunuksong pagtataray ko sa kanya bago ko ibinalik sa lagayan ang make up brush na ginamit ko sa powder blush. S'yempre, kinikilig ako sa puri niya. Pero dapat, cool lang at gusto ko rin siyang asarin."Nah-uh!" mabilis na tanggi niya at lumayo na habang malawak ang ngiti. "I just want to praise how gorgeous you are."Ngumuso ako nang humalakhak siya para tignan ang labi ko sa salamin. "Pero kulang pa sa lips ko, oh! Liner, lipstick at lipgloss pa," pagki-kwento ko sa kanya at binuksan ang drawer ng vanity cabinet ko para kunin ang







