Hello, sorry po late update. Happy reading and thank you po sa support :) Abangan kung ano ang kahihinatnan ng plano nina Reina at Vladimir! Makakatakas kaya sila?
CHAPTER 63: DID YOU MISSED ME? "Kapag nakatakas na tayo, saan tayo pupunta?" hindi ko mapigilang itanong sa kanya. "Uuwi ako kay mama o sasama ako sa 'yo, Vlad?" dagdag ko. Nae-excite ako at motivation ko na rin 'yon para 'di ako kabahan lalo. Dalawang beses niyang hinaplos ang balikat ko na akbay niya. "Let's think about that later, baby. We need an escape plan first," pagtatama niya kaya napakamot ako ng gilid ng noo ko. Oo nga pala! Lumawak ang ngiti niya at humalik pa siya sa noo ko. "Sorry! Game na, gawin na natin agad!" pagseseryoso ko at tumitig din sa laptop niya. Inilagay pa niya ang kamao sa baba niya na parang malalim ang iniisip niya. "Option A, we'll take the Garden Route. Mas kaunti lang ang nagbabantay ro'n. Pero masyadong liblib at madilim. Is it fine with you?" nag-aalalang paliwanag niya. Mabilis akong tumango. "Mas okay 'yon kaysa harapin ko 'yong mga bodyguard sa Main Gate, 'di ba?" sagot ko dahilan para mapatango siya ng dalawang beses. "Right! So, you wi
CHAPTER 62: ESCAPE PLAN Kumirot ang dibdib ko at umiling ako sa huli niyang sinabi. "Ano bang sinasabi mo?!" mas lalo akong nainis at nagsalubong ang kilay ko habang umiiyak pa rin kahit nauubos na ang luha ko. "'Wag ka ngang gan'yan, Vlad! Akala mo ba, natutuwa ako?" singhal ko dahil natatakot akong mawala siya sa akin. P'wede bang normal na lang ulit ang buhay namin? Bakit ba kasi kami naipit sa mga sindikato na ganito? Mas gusto ko na lang na mahirap ang buhay kaysa magkaroon ng yaman pero galing naman sa kasamaan. Sumilay ang ngiti sa labi niya at gumalaw ang mga mata niya na parang mine-memorya ang detalye ng mukha ko. "I can do that! And if I did, I'm not worrying 'cause I know someone will still protect you even if I failed." "Vlad!" kaagad na pigil ko sa kanya at binawi ko ang kamay sa kanya para punasan ang luha ko. Ano ba 'tong sinasabi niya? Parang namama-alam na siya! Ayaw ko ng ganito! "There's this boy who always visit our Condo unit and my office since I brough
CHAPTER 62: I'D DIE JUST TO PROTECT YOU "Reina..." tawag sa akin ni Vladimir pero hindi ko siya hinaharap kasi nagsisisi ako sa ginawa ko. Mali 'yon! Hindi ko dapat siya hinalikan! Parang ginamit lang si Dessa na sign para tumigil na ako sa kahibangan ko! Baka tadhana talaga na mahuli kaming naghahalikan para hindi ako mahulog lalo kay Vladimir. Baka kapag 'di dumating si Dessa, baka mas malala pa ang nangyari. Napatakip ako ng mukha dahil sa hiya bago ako bumuntong hininga. "Vlad, sabi mo gusto mo akong maging masaya..." panimula ko at tiningala ko siya habang naka-upo siya sa harap ko. Nasa kama kasi ako at napasandal sa headboard para magpahinga. Pero pumasok siya at ginulo ako. "Itakas mo na lang ako. A-ayaw ko rito, Vlad!" nabasag ang boses ko sa huli at nagsimula nang manlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Lumapit siya pero mabilis akong umiling para patigilin siya. Niyakap ko ang binti kong natatabunan ng comforter. "Kahit ibalik mo na lang ako kay mama!
CHAPTER 61: SINGHAP AT PAGKABASAG 'Di ko alam kung uutusan ako ni Victoria ngayon na maglinis pero mas guto ko na lang sumama kay Vladimir kaysa mapagod sa gawaing bahay. Quota na ako sa pagiging alila! "Maraming bathing suit dito, ma'am!" ramdam ko ang excitement sa boses ni Dessa nang ibalita niya sa akin iyon. Hinatak niya ako sa walk-in closet at isa-isa niyang inilabas ang mga summer vibes na skirts at magkakaibang disenyo ng one hanggang three piece na swimsuit. Itinapat niya ang issng set ng two peice sa akin. "Ito ma'am, pula, bagay sa 'yo! Sexy ka rito!" namamanghang bulalas niya kaya naalala ko si Erica. Siya pa naman ang mahilig sa mga sexy na style ng damit. Iyong seductive ang atake! "Ito na lang, ate!" Kaagad kong kinuha ang kulay yellow na three piece. Pares ng swimwear at skirt. Pakiramdam ko ay papatungan ko pa ng damit ang pang-itaas. Nahihiya ako! "Ayan, cute rin 'yan, ma'am!" nakangiting sang-ayon niya at iniligpit ang mga inilabas niya. Nagpahinga ako
CHAPTER 61: SWIM WITH ME "What happened to your hair, Reina?" kunot noong tanong ni Vladimir nang makabalik siya sa kwarto ko. Nagbihis pa kasi siya. "I just noticed it by now," pagki-kwento niya at sinubukang haplusin ang buhok ko. Mabilis ko iyong hinawi patalikod para itinago. Hindi na kasi pantay ang dulo ng buhok ko dahil ginupit iyon ni Victoria gamit ang kutsilyo. "Ginaya ko lang 'yong sa trend," pagsisinungaling ko at itinali na ang buhok para maging ponytail. "Tara na! Gutom na 'ko!" anyaya ko para palitan ang topic at hinila siya palabas. "Good morning po, Sir Vladimir!" siya ang kaagad na binati ng mga kasambahay nang makababa kami. Nakangiti sila at magalang na yumuko. Bumitaw na ako sa braso niya nang hawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya pa akong bumaba ng hagdan. Binawi ko agad ang kamay ko nang hindi niya ako agad pinakawalan. "Is our breakfast ready?" wala mang lang ngiti na tanong niya sa mga kasambahay. Seryosong seryoso ang mukha niya, hindi
CHAPTER 60: I JUST WANT TO... Nakahiga na ako sa kama nang lumabas si Vladimir. Kaagad kong naamoy ang preskong bango ng milk at strawberry. Gano'n kasi ang amoy ng sabon at shampoo ko. Sobrang tumatagal pa ang kapit no'n. Bumangon ako para tignan siya at kaagad na napalunok nang makitang itim na shorts lang ang suot niya. "Bakit wala kang damit?" reklamo ko at muling lumobo ang labi ko. Ang lamig kaya rito! "It's in my bag, Reina. Don't worry, I'm not planning to sleep topless," depensa niya at dumiretso siya roon sa couch kung nasaan ang bag niya. Pinanood ko siyang magsuot ng itim na sando at hindi ko mapigilang mapakagat labi nang bumaba ang titig ko sa mga bitak sa dibdib at tiyan niya. Nakakainis! Bakit pakiramdam ko, sinasadya niyang ibalandra ang sexy na katawan niya? Napakurap ako at kaagad na nag-iwas ng tingin nang tumikhim siya. "Let's sleep," aniya sa malalim na boses at pinindot ang switch ng ilaw na malapit sa kanya. Binuksan ko ang lampshade na nasa tabi ng kama