Share

Chapter 6

Author: KhioneNyx
last update Last Updated: 2022-05-20 22:07:08

Chapter 6

"Okay ka lang ba?"

Napasulyap si Marina kay Hendrix nang ibalik nito ang atensyon sa kanya, hindi pa rin alam ng dalaga kung paano siya makakaalis sa sitwasyon na iyon. Hindi rin mawala ang titig ni Hendrix sa suot na jacket ni Marina.

"Yeah, I'm fine, bakit naman hindi?" naiilang na napatawa si Marina.

Napasulyap ang dalawa at sinundan ng tingin si Filan nang maglakad na ito palauo sa kanila na para bang walang nangyari, pero hnd mawala sa isipan ni Marina ang pag-aalala nito kay Filan.

Saka naman biglang dumating ang mga magulang ni Marina. Kaya parehas naman humarap sila Hendrix at ang dalaga sa ina nito.

"Where have you been? Ang tagal mo atang bumalik, kanina ka pa namin hinanap," nag-aalalang wika ng ina ni Marina pero halata ring nainis ito sa matagal na pagkawala.

"I'm sorry, ma, kinuha ko lang ang phone ko and beside-"

"Pasensya na po, nakasalubong ko po ang anak ninyo kaya kinumusta ko po sandali medyo napasarap ang usapan namin…"

'And now, bakit naman pinagtatakpan ako ng isang 'to?' tanong ni Marina sa kanyang isipan.

Ngumiti na lamang at nagkunwaring iyon nga ang nangyari kung bakit siya natagalan. Napabuntong-hininga na lamang ang vice mayor at walang nangyaring masama sa kanyang anak.

"Mabuti kung ganu'n, sumunod ka na at may unting salo-salo sa loob," sumulyap ang ina ni Rina kay Hendrix. "Pasensya ka na, mother instinct," sabay tawa nito.

"Ayos lang po, pasensya na po talaga."

"Mauna na ako, Marina, sumunod ka agad."

"Opo."

Tuluyang naiwan sila Marina at Hendrix doon. Isang nakakabinging katahimikan bago basagin ito ni Hendrix, gusto sanang umiwas ni Marina ngunit alam niyang magtatanong si Hendrix sa kanya.

"Anong ginagawa ninyo ni Sanchez?"

Namilog ang mga mata ni Rina at iba ata ang dating ng tanong na iyon sa kanya. Napaharap siya kay Hendrix. "Anong ibig mong sabihin?" nakataas pa ang isa niyang kilay na nakatingin sa binata. "Eh, hindi ko nga kinakausap ang tao, issue ka," gustong light at biro ang pag-uusap nila as much as possible ni Rina para hindi makahalata ang binata.

Huminga ng malalim si Hendrix. "Nag-alaala lang ako, baka kasi may ginawa siya sayo na ayaw mo lang magsabi ng totoo. Alam mo na tuso ang mga Sanchez kaya kailangan mong mag-ingat."

Hindi umimik si Rina, alam niya simula noong magkakilala sila ni Hendrix na anti-Sanchez ito lalo na nang maupong Mayor sa bayan nila.

"Sige na, bumalik ka na sa loob alam kong hinihintay ka na ng mama mo, kita na lang tayo sa school sa Lunes."

"Salamat."

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Hendrix sa kanya, kalaunay nakarating din siya sa bulwagan kung saan sila lang pamilya at ang mga nasa politika ang naroon para sa maliit na salo-salo. Nagkalat ang mga pulis, tagapagbantay ng kada-politician at ang pamilya nito. May nag-iinuman at kumakain ng sabay habang nagkwento ng mga bagay tungkol sa mga plano nila susunod na eleksyon.

Pagdating ni Rina sa upuan niya mabilis na napansin ng kanyang kapatid ang suot niyang jacket na para bang pinandidirihan siya.

"Yak, ang pangit ng suot mo, saan mo naman yan nakuha, ate?"

Mabuti na lamang at abala ang mga magulang nila sa kanilang kasamahan sa lamesa kaya hindi siya pinansin.

"Wala kang pakealam, fashion ko 'to."

"Mukhang wala ka namang ganyang damit, mukhang panlalaki."

"Nilalamig ako, bakit? May angal ka, kumain ka na nga lang dyan, mag-banyo lang ako," pero sa totoo niyan nililinga niya ang paligid para malaman niya kung na saan si Filan.

Hindi mahagilap ng dalaga ang binatang Sanchez kahit sa mga kaalyado ng ama nito, nililibot niya ang paligid na wala na siyang pakialam sa mga kasama niya. Hindi nagtagal napansin niyang umiinom ng tubig sa isang sulok si Filan. Pinapanood lang niya mula sa kanyang direksyon si Filan na halatang nahihirapan sa kanyang sarili.

Hindi niya alam kung paano niya lalapitan ang binata lalo na't sa lahat ng taong naroon siya lang ang nakakaalam kung anong nararamdaman at kalagayan nito. Naglakad ito na iika-ika at para bang matutumba ito, mabuti na lamang at nagagawa pa rin Filan na balansehin ang katawan. Gustong lumapit ni Rina sa binata na walang makakapansin sa kanilang dalawa, na hindi siya makakagawa ng issue o pag-uusapan sa buong bayan at hindi sila pag-iisipan ng kung ano-ano ng mga magulang.

Nang mapansin ni Rina na pumasok ito sa silid na may takip na mahaba at makapal na kurtina. Hinantay na muna niya kung may susunod kay Filan bago siya pasimpleng umalis sa lamesa nila, pero hindi mawala ang kaba ni Rina habang papalapit siya roon. Sinilip niyang muli ang paligid bago siya tuluyang lumusot din sa awang. Pagpasok niya sinalubong siya ng malamig na lugar, bahagyang madilim at napapalibutan ng mamahaling sala set ang buong silid kung saan madalas nag-meeting ang mayor doon kasama ang mga kasamahan nito.

"Filan, yohoo," pa simple niyang tawag sa binata dahil parang nawala ang binata. Napansin ni Rina na may umuungol sa mahabang sofa kaya agad siyang lumapit doon, nakatalikod ang sofa sa pintuan kaya hindi niya ito agad napansin dahil malaki at mataas ang harang ng sofa.

Nakita lang niyang nakahiga si Filan doon at nagtama ang mga mata nila nang dumilat ito na para bang nagpapahinga.

"Kumusta ka na? Hindi ka pa ba uuwi?"

"Ikaw, hindi mo ba ako titigilan?"

'Bwisit naman 'tong lalaking 'to,' bulong ni Rina sa kanyang isipan. "Pasalamat ka na nag-aalala ako sayo, witness ako kung ano ba talaga nangyari sayo sa parking lot, malay ko bang gawin mo pa akong-" hindi natuloy ang sasabihin ni Rina nang magsalita si Filan.

"Hindi pa ako pwedeng umalis, ayoko rin na mahalata nila and beside hindi bagay sa akin na mukha akong mahina."

"But you look like one."

Natigilan si Filan at napabuntong-hininga. "Hindi ba magseselos ang boyfriend mo?" Saka naupo si Filan.

"Sinong boyfriend?" Saka naupo rin tabi ni Filan ang dalaga.

"I don't know that guy."

"Ah si Hendrix, hindi ko jowa yon."

"Baka hanapin ka na naman ng-"

"Mr. Sanchez!" may papalapit na boses sa silid.

Nagkatitigan ang dalawa, tatakbo sana si Rina para magtago nang mas mabilis pa sa kanya si Filan nang kunin ang kamay niya at saka ito humiga muli sa sofa kaya nahatak si Rina nang hindi niya inaasahan. Pumaibabaw si Rina kay Filan, namimilog ang mga mata niya at lumalakas ang kalabog ng dibdib nang mapagtanto niyang magkadikit ang mga labi nila ng hindi nila inaasahan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dangerous Love   Chapter 63

    Chapter 63“Ang anak lang po niya at ang asawa lang po ang nakita namin, patay na po ang asawa,” wika ng lalaking katabi ng batang konsehal na si Alfonso Sanchez.Nanginginig ang kamay ni Alfonso habang tinatapos ang trabaho na inuutos sa kanya ng kanyang ama na ngayo’y mayor na ng Castilla na siyang bayang kinalakihan niya. Gulong-gulo ang mansyon na pinuntahan nila, hindi rin alam ni Alfonso kung bakit siya napapayag ng ama ngunit gusto niya ang kapalit ang posisyon at kayamanan na ipagkakaloob sa kanya.“Ano na pong gagawin namin sa kanya?” tanong muli sa kanya.“Dalhin ninyo sila sa akin.”Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng iyak na papalapit galing sa itaas na bahagi ng mansyon. Nagmamakaawa, natanaw niya ang ginang na hindi nalalayo ang edad sa kanya.“Huwag ninyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo, ako na lang! Huwag lang ang anak ko!” hagulgol nito.Ngunit walang magagawa ang pagmamakaawa ng ginang sa maaring mangyari sa kanilang mag-ina. Itinulak ang ginang ng b

  • Dangerous Love   Chapter 62

    Chapter 62Halos hindi makatulog si Filan nong gabing malaman niyang hindi siya totoong Sanchez, wala siyang kahit na anong koneksyon sa mga ito maliban sa kinuha siya sa bahay ampunan ng kinikilala niyang ina. Bumaba na siya sa kusina nang makapagtapos siyang mag-ayos sa sarili niya para sa araw na iyon, kailangan niyang magkunwari na para bang walang nangyari kagabi ngunit durog na durog ang kanyang puso na para bang gusto na niyang mawala.Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa o kailangan pa ba niyang hanapin ang totoo niyang mga magulang o saan siya nang galing? Pagdating niya sa dining room naroon na ang mga magulang niya, usual wala na naman si Francis na nasa labas palagi o kaya’y nasa malayo para sa mga laro nito bilang soccer player at wala pa ring ideya sa kung ano na ang nangyayari sa pamilya nila.Napaisip din siya na kung alam ba ni Francis na hindi sila totoong magkapatid?“Good morning, kailangan mong sumama sa akin ngayong araw? Huwag na muna natin isipin ang pr

  • Dangerous Love   Chapter 61

    Chapter 61“Walang tutulong sa atin, at sayo, kundi ako lang, tayo lang ang magtutulungan, na saan ba ang sinasabi mong Marina? Ayon! At hinayaan ka na!” bulyaw ng ama ni Filan sa kanya nang makauwi sila sa mansyon galing sa kulungan dahil sa kaso nito na siyang nadawit naman siya.Hindi na alam ni Filan kung anong nangyayari, kung ano ba ang tama at mali. Gulong-gulo na siya sa mga oras na ito at alam niyang tanging magpapakalma sa kanya ay si Marina, si Marina lang ang gusto niyang makita sa magulong oras na ito.Wala siyang pakialam kung hindi man siya maintindihan ni Rina pero gustong-gusto niyang mayakap ang dalaga, naiintindihan naman niya kung bakit sasama ang loob o worst magalit sa kanya ang kasintahan. Iniisip niya na dapat matagal na niyang tinama ang lahat, nalunod siya sa pag-aalala at takot sa iisipin ni Rina sa kanya, ngayon huli na ang lahat.Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang itulak siya ng ama na siyang kamuntik na niyang ikatumba, dahil nanghihina rin siya.

  • Dangerous Love   Chapter 60

    Chapter 60Hindi nagsalita si Filan at sinenyasan lang niya ang mga body guard niya na iwan ang mga bulaklak doon sa kinatatayuan nila, sumunod naman ang mga ito at pinapanood lang sila ng maraming estudyante roon. Hindi papayag si Marina na they will disrespect of her friend’s vigil, kinuha niya ang mga bulaklak ngunit isang korona lang ang kinaya niya.Agad na sumunod si Alfie kay Marina kung anong gagawin, paalis na sila Filan nang ibato niya ito sa direksyon nila Filan ngunit hindi akalain ni Marina na matatamaan sa likod ito sa pagkakabato niya, tumigil ang grupo nila Filan at kinagulat ito ni Rina habang nanunuyo ang luha sa kanyang mukha.Pero mabilis na nagbago ang mukha ni Rina, walang mas sasakit pa sa nararamdaman niya kesa sa sakit na natamo ni Filan sa pagkakabato niya sa mga bulaklak. Hindi humarap si Filan at hindi rin kumilos ang mga bodyguard nito.“Mas masahol pa kayo sa kriminal, nabubulok ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno!” all her hatred will never stop.Umalis n

  • Dangerous Love   Chapter 59

    Chapter 59Mas lalong lumakas ang ulan, hindi akalain ni Rina na sasalubungin niya ang bagong taon ng ganito. Hinatak si Rina ng mga bodyguard nila pabalik sa loob ng mansyon nila, lumuluha, nagmamanhid at walang maramdaman kundi ang pag-aalala niya kay Filan.Anong maaring mangyari kay Filan? Hindi na ito panaginip kay Rina, this is all in a reality na gusto niyang takasan, napakagulo at hindi niya alam kung paano niya hihilahin si Filan pabalik sa kanya, pabalik sa dating wala pa silang inaalala.“Hindi ka munang pwedeng lumabas hangga’t hindi naayos ang lahat ng ito, nainintindihan mo ba?”Tulala si Rina at walang pakialam kung basang-basang siya. Napansin ni Mrs. Hidalgo ang pagiging tulala ng dalaga dahil sa lamig, agad niyang nilapitan si Rina at saka hinawakan sa magkabilang balikat na saka lang siya napansin, hindi niya makilala ang anak sa pares ng mga mata nito na walang emosyon.“Marina, naiintindihan mo ba ako? Hindi ka pwedeng madamay sa nangyari ng mga Sanchez, dito ka n

  • Dangerous Love   Chapter 58

    After lunch sa mansyon ng mga Hidalgo ay sinamahan ni Rina si Filan hanggang gate, maghahating-gabi na rin at kailangan na nitong magpahinga. Ang dami pa ring gumugulong tanong sa isipan ni Rina hanggang sa mapansin ito ni Filan na para bang wala sa sarili si Marina.“Are you okay?”Dahan-dahan na tumingala si Rina kay Filan na nag-iisip pa rin.“Ikaw, okay ka lang ba?” hindi maiwasan ni Rina na mapakunot-noo, she always wanted the truth.Wala bang tiwala si Filan sa kanya? Hindi pa ba talagang lubos na kilala ni Rina si Filan? Bakit parang marami pa ring walang alam si Rina kay Filan?Isang ngiti ang iginawad ni Filan na para bang wala itong pinoproblema.“I’m fine, kung may problema ka magsabi ka agad sa akin para naman mapag-usapan natin.”Talaga bang ganu’n sila? Pero bakit pakiramdam ni Rina na ang layo-layo ni Filan ngayon kahit na ang lapit nito sa kanya, hindi na niya maintindihan ang realidad sa kanyang iniisip.“I’m looking forward to the New Year’s Eve, I will go here strai

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status