Share

Chapter 5

Chapter 5

NAPASUBSOB si Marina kay Filan itinungkod niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ng binata kaya nagtama ang mga mata nila ni Filan. “Sorry,” sabay alis niya nang hindi niya magawang tumagal sa mga titig nito sa kanya. Agad siyang umiwas at sinara ang pinto ng kotse sa tabi niya.

Dahan-dahan naman naupo si Filan sa tabi niya. “Pakikuha ng first aid kit at ice box sa likod,” utos ng binata.

Agad na lumuhod si Marina sa upuan saka inabot ang kailangan ni Filan sa likuran at agad na inabot sa binata. Nagtaka siya nang makitang may mga gamit na ganu’n sa likod pati damit ng binata na para bang handa ito sa mangyayari ngayon. Hindi na siya nagtanong pa.

Namilog ang mga mata niya nang isa-isa inaalis ni Filan ang butones ng damit kaya napaiwas ng tingin si Marina.

“Anong ginagawa mo? Hoy!” mas lalong kinakabahan ang dalaga lalo na’t silang dalawa lamang ang naroon.

“I need to do this, paano ko magagamot ang sugat ko,” nanghihinang wika ng binata.

Dahan-dahan siyang bumalik nang tingin sa gawi ni Filan pero hangga’t maari’y sa mukha lang ng binata siya nakatingin, nabigla na lang siya nang mahiga si Filan sa tabi niya habang nakaunan sa hita niya ang ulo nito at nakatingala sa kanya.

“Give me the needle the ice,” utos ni Filan.

Parang robot na sumusunod lang si Marina sa binata saktong may ice pack doon at iyon ang binigay sa binata. Pikit-matang dinampi ni Filan ang ice pack sa sugat niya, hindi maiwasan ni Marina na mapatitig sa mukha ng binata na rumirehisto na nasasaktan ito kaya mas lalong nadagdagan ang awa niya at pag-aalala.

“A-ako na,” agad niyang binawi ang ice pack sa kamay ng binata at siya na mismo ang nagdampi ng dahan-dahan.

Doon niya napagmasdan na may perpektong hubog ng pangangatawan ang binata. ‘Nag-gym kaya siya?’ tanong niya sa kanyang sarili.

Nakatitig naman sa kanya si Filan habang ginagawa niya iyon.

Marina feels the awkwardness kaya pakiramdam niya napakasikip ng paligid nila.

“Kumusta na pala ang pusa mo?” pagbabasag niya ng katahimikan sa kanilang dalawa.

“Oreo, he’s fine.”

“Good.”

“Actually, hindi mahilig makipagkaibigan sa kahit na sinong tao maliban sa akin, but it’s quite surprised na hindi siya nailang sa ‘yo.”

Napabalik ang tingin niya sa binata. “Talaga?”

“Yeah, pihikan siya sa tao.”

“Mukha naman siyang mabait, nakatulog pa nga siya sa bag ko habang nasa class ko.”

“Maligalig siya minsan kaya ilang beses na siyang nawala.”

Tumango-tango si Marina.

Nang makaramdam siya ng pagmamanhid sa sugat niya ay agad siyang nagsalita. “Enough, kumuha ka ng alcohol tapos cotton.”

Binalik ni Marina ang ice pack sa lalagyan nito saka sinunod ang utos ni Filan. Para bang siya na mismo ang naging nurse nito, nilinis niya ang paligid ng sugat gamit ang cotton na may alcohol ngunit bahagya siyang nakakaramdam ng pagkahapdi.

Nagulat si Marina nang mapahawak ang isang kamay ni Filan sa kaliwa niyang bewan, napangiwi si Marina pero hinayaan lang niya ang binata dahil alam niya naman kung ano ang sitwasyon nito.

Dahil may ideya na si Marina tungkol sa first aid siya na mismo ang nagpatuloy na wala nang utos ni Filan, sinunod niya ang betadine, kukunin na sana niya ang benda at bulak para matakpan ang sugat nang magsalita si Filan.

“Stitch it?”

Napabalik siya ng tingin kay Filan, napataas ang isa niyang kilay. “Sure ka?”

“Marunong ka bang magtahi?”

“Oo, pero I’m not-”

“Okay lang, basta tahiin mo katulad ng nagtatahi ka ng punit or butas sa damit.”

Napahinga ng malalim si Marina dahil ayaw pa rin niyang gawin. “Ayoko, wala tayong anaesthesia.”

“Its fine, basta tahiin mo lang bago mo takpan.”

Napalunok si Marina at napakaga-labi but how Filan looking at her na para bang nagmamakaawa napaiwas siya ng tingin.

“I have high pain tolerance, so do it.”

“Pero huwag mo kong sisisihin pag nahimatay ka sasakit.”

Nanginginig na kinuha ni Marina ang sinulid at karayom. Lahat ng kailangan niya’y naroon, gusto pa niyang magtanong sa binata pero hindi na niya ginawa. Kinuha ni Filan ang small towel saka tinupi at kinagat ito.

Tumango si Filan kay Marina nagsasabing ipagpatuloy ito. Huminga ng malalim si Marina saka inumpisahan na tahiin ang sugat ni Filan, mas lalong lumalim ang paghinga ni Filan at napapaungol sa sakit ng pagtahi niya. Ramdam ni Marina na habang tumatagal mas lalong napapahigpit ang pagkakahawak sa kanyang bewang ng binata na para bang ginawang suporta habang nakapikit ang mga mata nito.

Pati si Marina ay pinagpapawisan na rin, hindi niya alam kung ilang minuto ang tinakbo ng oras bago niya natapos ang pagtahi at saka lang nakahinga ng malalim nang malagyan na ni Marina nong benda para matakpan ang sugat.

Nakahinga rin ng maluwag si Marina basta inaalala lang niya kung paano iyon ginagawa sa madalas na pinapanood na video ng kapatid niyang doctor noong nasa bahay pa nila ito nakatira. Tinignan si Filan na punong-puno ng pawis, kinuha niya ang towel na kagat nito saka binaliktad para mapunasan ang luha nito.

“Okay ka lang ba? Saan mo kasi nakuha ‘yon?”

Hindi sinagot ng binata ang tanong na iyon saka umalis sa pagkakahiga sa kanya at naupo sa tabi niya. Tahimik lang na kinuha ni Filan ang damit nitong nakatabi sa likod.

“Ako na,” wika ni Marina nang mapansin niyang nasasaktan pa si Filan at hindi makakilos ng maayos.

Lumapit siya ng bahagya sa binata.

“Baka need mo ng tulong?”

Sandali lang siyang tinignan ni Filan. “Go on.”

Mas lalo pa siyang lumapit para maingat na alisin ang suot nito kanina na puno na ng dugo, pagkalapit niya hindi niya maiwasang hindi maamoy ang kumakapit na pabango ng binata kahit pa pawisan na ito.

‘Pabango ba yon? Hindi naman matapang, natural scent niya, ang bango ah,’ sa isip-isip niya nang tuluyan niyang nahubad ang damit, kinuha naman niya sunod ang pang bihis nitong black turtleneck.

Maingat niyang binihisan ang binata at tinupi ang long-sleeve nito hanggang siko. Kinuha niya ang wipes para punasan ang kamay ng binata na may natuyong dugo. Napasulyap naman si Filan sa tagiliran niya nang may mapansin ito.

“You have stained,” sabay nguso sa kanan niyang niyang parte sa bewang.

Napalingon siya at namilog ang mga mata niya.

“Here, gamitin mo muna,” saka hinila ni Filan ang itim na jacket saka inabot sa kanya. “Gamitin mo muna baka mapansin ng parents mo at magtaka sa dugo riyan.”

Saka lang napagtanto ni Marina na kanina pa siya wala roon.

“OMG! Baka hinahanap na ako sa amin,” bumalik ang kaba ni Marina.

“You can go, ako nang bahala rito, thank you for this but…pwede bang secret lang nating dalawa ‘to?”

Agad na tumango si Marina. “Oo naman, mas maganda nga,” dahil alam din niya kung anong masasabi ng mga magulang niya sa oras na malaman ito. “Aalis na ako,” hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng binata nang hinatak niya palabas ang jacket na inabot sa kanya saka sinuot ito.

Malapit na siya nang makasalubong niya si Hendrix.

“Oh, saan ka galing?”

Natigilan si Marina at bigla na lang kumalabog ang dibdib niya saka napakapit ng mahigpit sa suot niyang itim na jacket na may kalakihan sa kanya. Napansin niyang lumagpas ang tingin ni Hendrix sa likod niya kaya sinundan niya ito.

Namilog ang mga mata niya nang ngayon lang niya napansin na nakasunod pala si Filan sa kanya, walang emosyon ang mukha nito na para bang walang nangyari.

“Good evening, Mr. Sanchez,” bati ni Hendrix kay Filan.

Napalunok siyang napasulyap muli kay Hendrix saka pekeng ngumiti. Napansin ni Marina ang makahulugang titig ni Hendrix sa kanila ni Filan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status