Share

Chapter 7

Author: KhioneNyx
last update Last Updated: 2022-05-29 17:31:06

Chapter 7

AYAW nang makita pa ni Marina si Sanchez hangga’t maari iyon na ang huli na nilang pagkikita, pero nang makita niya ang jacket ni Filan sa kanyang kabinet na bagong laba’y muli niyang naalala ang huling pagkikita nila nitong huling linggo lamang. Sino ba namang hindi makakalimot nu’n? Hindi naman inosente si Rina sa mga bagay, pero her first kiss was Filan, at ilang gabi siyang hindi makalimot sa pangyayari iyon, may Filan forget all that happened between us pero sa kanya, hindi.

Once in for all gustong matapos na ni Rina ang koneksyon sa kanilang dalawa ng binatang Sanchez na iyon, kinuha niya ang jacket na nakasabit sa closet saka siya bumaba habang nilalagay sa kanyang bag. Pagbaba niya sa dining area napansin niyang wala na ang parents niya.

“Na saan na pala sila?” tanong niya sa kanyang bunsong kapatid.

“Nauna na sila para sa isang ceremony and papa may importanteng lakad daw sa City, kumain ka na raw bago ka pumasok.”

Kinuha na lamang ni Rina ang kanyang sandwich sa plato at saka sinilip ang oras sa kanyang kaliwang wristwatch. ‘Mahaba pa ang vacant ko bago sa una kong klase, kung maihahatid ko ngayong umaga ito kay Mr. Sanchez tapos na ang lahat, tama!’

Sumulyap si Rina sa kanyang kapatid. “Mauna na ako may kailangan pa akong tapusin sa school, bye,” hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng kapatid nang makalabas na siya ng bahay nila. Nasa likod lang ng kanilang bahay ang bakod at malaking mansyon ng mga Sanchez, halos katapat nga lang ng silid niya ang hardin ng mga ito pero never siyang sumilip sa bintana sa takot na baka kung ano ang makita niya o kaya’y anong isipin ng mga Sanchez sa kanyang pagsilip.

Ilang beses pa nga niyang kinumbinsi na lumipat sila ng bahay ngunit wala siyang magagawa, hindi rin niya alam sa parents niya kung bakit ayaw din lumipat ng mga ito. Siguro’y sila ang nauna bago lumipat ang mga Sanchez sa subdivision nila limang taon na ang nakakalipas.

Imbes na sa unibersidad siya’y nakita na lamang niya ang kanyang sarili na nakatayo sa harapan ng munisipyo na may ilang kilometro lang ang layo sa kanilang subdivision na kailangan lang sumakay ng tricycle o kaya’y maglakad kung sisipagin ka. Huminga ng malalim si Rina bago siya tuluyang pumasok, may ilang baguhan na empleyado roon na hindi siya kilala kaya hindi siya napapansin ay may ilang nakakakilala kaya binabati siya lalo na’t anak siya ng vice mayor ng bayan.

Agad siyang umakyat sa may west wing ng four storey ng munisipyo, agad niyang nahanap ang opisina ni Filan na nasa pinakadulo ng pasilyo na iyon, may assistant siya sa labas na tumatanggap ng bisita bago tuluyang makita siya at makausap.

“Hi,” bati niya sa dalagang nagbabantay doon.

Nakasimangot na humarap sa kanya ang babae, nagtataka si Rina kung bakit lahat ng tao sa munisipyo’y masusungit at palaging mataray samantalang umaga naman at wala pang masyadong trabaho. Ang pagkakaalala ni Rina na sabi sa kanya ng mama niya na humaharap ito sa tao ng nakangiti kahit pa pagod, gutom o kaya’y hindi gustong kaharap ang ilan, pakita na lamang sa nakakaharap at maging mabait, pero nagtataka siya kung bakit hindi ganu’n ang mga tao sa munisipyo.

“Gusto ko sanang makausap si Mr. Sanchez, mahalaga lang.”

“May appointment ka ba sa kanya ngayong araw?” wala sa mood na tanong ng babae sa kanya habang nagtitipa pa rin sa keyboard nito.

“Wala.”

“Wala naman pala eh, mas maganda magpa-schedule ka na muna sa baba bago ka bumalik.”

“Pero importante ito, sabihin mo muna na andito ako, bangitin mo lang yung pangalan ko Rina-” hindi natuloy ang sasabihin ni Rina nang bumukas ang pinto at sabay silang napasulyap ng babae sa lalaking lumabas doon.

Kahit din si Filan ay hindi naitago ang gulat na rumehistro sa kanyang mukha nang makita si Rina pero mabilis na nakabawi ito at naging seryoso katulad ng usual na mukha nito.

“Bakit hindi mo pa pinapapasok si Ms. Hidalgo?”

Ang nagulat naman ang babae ay napaharap kay Rina na mimilog ang mga mata. “Pero wala po siyang appointment sa araw na ito, sir,” nahihiyang wika nito.

“Hindi niya kailangan ng appointment schedule sa akin dahil anak siya ng vice mayor, ang mga importanteng tao ay hindi pinaghihintay.”

“Paumanhin po,” saka napayuko sa hiya ang sekretarya.

Naawa naman si Rina sa babae dahil napagalitan pa ito nang dahila sa kanya.

“Pasok na.”

Saka lang natauhan si Rina. “Ah oo.”

Mabilis na sumunod si Rina at pumasok sa loob. Si Filan ang nagsara ng pinto para sa kanila.

“Anong kailangan mo at narito ka?” tanong ni Filan sa kanya nang humarap ito sa direksyon niya.

Hindi nagsalita si Rina at mabilis na nilabas ang jacket ng binata mula sa kanyang bag. Inabot nang ipakita niya ang jacket, nakatingin lang si Filan sa jacket na para bang nag-iisip at saka tumingin sa mukha ni Rina.

“Anong gagawin ko dyan?” sarkastikong tanong ng binata.

“Jacket mo ‘to, hindi mo kukunin? Ay wag na nga,” lumapit siya kay Filan, kinuha ang kamay nito at saka pinahawak ang jacket sa binata. “Salamat, aalis na ako.”

Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ni Filan nang lumabas na siya ng silid, ni hindi nga niya sinulyapan ang sekretarya sa lamesa nito na alam niyang sinusundan siya ng tingin. Hindi nagtagal bago pa man siya makababa sa hagdan agad niyang nakasalubong si Mr. Tan na officer ng municipality sa agriculture at environment sa kanilang lugar.

“Good morning, Ms. Hidalgo, hindi ko alam na andito ka pala, pinuntahan mo ba ang mama mo?”

Bigla na lang kinabahan si Rina at saka umiling. “May iba po akong ginawa, assignment sa isa kong subjects kaya ako napadaan para sa interview.”

Tumango-tango ang matandang lalaki na may hawak na clip board. “Actually, tamang-tama ang dating mo baka pwedeng ikaw na muna ang pumalit sa mama mo para sa aquaculture ceremony sa fishpond, bibisita kasi ang Ms. Sorsogon na kasali sa Binibining Pilipinas, abala ang mama mo sa meeting kaya baka ikaw ang pwedeng pumalit sa kanya, kung okay lang sayo.”

Naisip ni Rina na wala pa naman siyang klase at hindi naman siguro tatagal ang ceremony, magandang cover na rin ito sa susunod na issue ng newspaper nila sa unibersidad kung makikita niya ang Ms. Sorsogon.

“Sige po, pwede naman po ako ngayon.”

“Mabuti at hindi mag-iisa si Mr. Filan.”

Tila nawala ang ngiti sa mukha ni Rina nang malaman niyang makakasama niya ang binatang iniiwasan niya. Napalingon siya sa kanan niya nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya, namilog pa ang mga mata niya nang makitang suot ang jacket nitong sinauli.

“May makakasama ka na, Mr. Sanchez, si Marina.”

Napalingon si Sanchez kay Rina at ganun din si Rina kay Sanchez.

KhioneNyx

Let me know if you want this chapter and what's your thoughts about this story? Happy reading!

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Erlyn Secretaria
Ganda Po ng story .........kilig much
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Dangerous Love   Chapter 63

    Chapter 63“Ang anak lang po niya at ang asawa lang po ang nakita namin, patay na po ang asawa,” wika ng lalaking katabi ng batang konsehal na si Alfonso Sanchez.Nanginginig ang kamay ni Alfonso habang tinatapos ang trabaho na inuutos sa kanya ng kanyang ama na ngayo’y mayor na ng Castilla na siyang bayang kinalakihan niya. Gulong-gulo ang mansyon na pinuntahan nila, hindi rin alam ni Alfonso kung bakit siya napapayag ng ama ngunit gusto niya ang kapalit ang posisyon at kayamanan na ipagkakaloob sa kanya.“Ano na pong gagawin namin sa kanya?” tanong muli sa kanya.“Dalhin ninyo sila sa akin.”Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng iyak na papalapit galing sa itaas na bahagi ng mansyon. Nagmamakaawa, natanaw niya ang ginang na hindi nalalayo ang edad sa kanya.“Huwag ninyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo, ako na lang! Huwag lang ang anak ko!” hagulgol nito.Ngunit walang magagawa ang pagmamakaawa ng ginang sa maaring mangyari sa kanilang mag-ina. Itinulak ang ginang ng b

  • Dangerous Love   Chapter 62

    Chapter 62Halos hindi makatulog si Filan nong gabing malaman niyang hindi siya totoong Sanchez, wala siyang kahit na anong koneksyon sa mga ito maliban sa kinuha siya sa bahay ampunan ng kinikilala niyang ina. Bumaba na siya sa kusina nang makapagtapos siyang mag-ayos sa sarili niya para sa araw na iyon, kailangan niyang magkunwari na para bang walang nangyari kagabi ngunit durog na durog ang kanyang puso na para bang gusto na niyang mawala.Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa o kailangan pa ba niyang hanapin ang totoo niyang mga magulang o saan siya nang galing? Pagdating niya sa dining room naroon na ang mga magulang niya, usual wala na naman si Francis na nasa labas palagi o kaya’y nasa malayo para sa mga laro nito bilang soccer player at wala pa ring ideya sa kung ano na ang nangyayari sa pamilya nila.Napaisip din siya na kung alam ba ni Francis na hindi sila totoong magkapatid?“Good morning, kailangan mong sumama sa akin ngayong araw? Huwag na muna natin isipin ang pr

  • Dangerous Love   Chapter 61

    Chapter 61“Walang tutulong sa atin, at sayo, kundi ako lang, tayo lang ang magtutulungan, na saan ba ang sinasabi mong Marina? Ayon! At hinayaan ka na!” bulyaw ng ama ni Filan sa kanya nang makauwi sila sa mansyon galing sa kulungan dahil sa kaso nito na siyang nadawit naman siya.Hindi na alam ni Filan kung anong nangyayari, kung ano ba ang tama at mali. Gulong-gulo na siya sa mga oras na ito at alam niyang tanging magpapakalma sa kanya ay si Marina, si Marina lang ang gusto niyang makita sa magulong oras na ito.Wala siyang pakialam kung hindi man siya maintindihan ni Rina pero gustong-gusto niyang mayakap ang dalaga, naiintindihan naman niya kung bakit sasama ang loob o worst magalit sa kanya ang kasintahan. Iniisip niya na dapat matagal na niyang tinama ang lahat, nalunod siya sa pag-aalala at takot sa iisipin ni Rina sa kanya, ngayon huli na ang lahat.Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang itulak siya ng ama na siyang kamuntik na niyang ikatumba, dahil nanghihina rin siya.

  • Dangerous Love   Chapter 60

    Chapter 60Hindi nagsalita si Filan at sinenyasan lang niya ang mga body guard niya na iwan ang mga bulaklak doon sa kinatatayuan nila, sumunod naman ang mga ito at pinapanood lang sila ng maraming estudyante roon. Hindi papayag si Marina na they will disrespect of her friend’s vigil, kinuha niya ang mga bulaklak ngunit isang korona lang ang kinaya niya.Agad na sumunod si Alfie kay Marina kung anong gagawin, paalis na sila Filan nang ibato niya ito sa direksyon nila Filan ngunit hindi akalain ni Marina na matatamaan sa likod ito sa pagkakabato niya, tumigil ang grupo nila Filan at kinagulat ito ni Rina habang nanunuyo ang luha sa kanyang mukha.Pero mabilis na nagbago ang mukha ni Rina, walang mas sasakit pa sa nararamdaman niya kesa sa sakit na natamo ni Filan sa pagkakabato niya sa mga bulaklak. Hindi humarap si Filan at hindi rin kumilos ang mga bodyguard nito.“Mas masahol pa kayo sa kriminal, nabubulok ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno!” all her hatred will never stop.Umalis n

  • Dangerous Love   Chapter 59

    Chapter 59Mas lalong lumakas ang ulan, hindi akalain ni Rina na sasalubungin niya ang bagong taon ng ganito. Hinatak si Rina ng mga bodyguard nila pabalik sa loob ng mansyon nila, lumuluha, nagmamanhid at walang maramdaman kundi ang pag-aalala niya kay Filan.Anong maaring mangyari kay Filan? Hindi na ito panaginip kay Rina, this is all in a reality na gusto niyang takasan, napakagulo at hindi niya alam kung paano niya hihilahin si Filan pabalik sa kanya, pabalik sa dating wala pa silang inaalala.“Hindi ka munang pwedeng lumabas hangga’t hindi naayos ang lahat ng ito, nainintindihan mo ba?”Tulala si Rina at walang pakialam kung basang-basang siya. Napansin ni Mrs. Hidalgo ang pagiging tulala ng dalaga dahil sa lamig, agad niyang nilapitan si Rina at saka hinawakan sa magkabilang balikat na saka lang siya napansin, hindi niya makilala ang anak sa pares ng mga mata nito na walang emosyon.“Marina, naiintindihan mo ba ako? Hindi ka pwedeng madamay sa nangyari ng mga Sanchez, dito ka n

  • Dangerous Love   Chapter 58

    After lunch sa mansyon ng mga Hidalgo ay sinamahan ni Rina si Filan hanggang gate, maghahating-gabi na rin at kailangan na nitong magpahinga. Ang dami pa ring gumugulong tanong sa isipan ni Rina hanggang sa mapansin ito ni Filan na para bang wala sa sarili si Marina.“Are you okay?”Dahan-dahan na tumingala si Rina kay Filan na nag-iisip pa rin.“Ikaw, okay ka lang ba?” hindi maiwasan ni Rina na mapakunot-noo, she always wanted the truth.Wala bang tiwala si Filan sa kanya? Hindi pa ba talagang lubos na kilala ni Rina si Filan? Bakit parang marami pa ring walang alam si Rina kay Filan?Isang ngiti ang iginawad ni Filan na para bang wala itong pinoproblema.“I’m fine, kung may problema ka magsabi ka agad sa akin para naman mapag-usapan natin.”Talaga bang ganu’n sila? Pero bakit pakiramdam ni Rina na ang layo-layo ni Filan ngayon kahit na ang lapit nito sa kanya, hindi na niya maintindihan ang realidad sa kanyang iniisip.“I’m looking forward to the New Year’s Eve, I will go here strai

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status