Chapter 8
NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Rina habang napapalibutan siya ng mga political members ng mga Sanchez at ilang mga bisita galing sa media, yung mga galing sa kalapit na probinsya at ang Ms. Sorsogon. Hawak-hawak niya ang fishing rod at hindi naman niya alam kung anong gagawin. Pakiramdam niya napasubo siya sa isang bagay na hindi naman niya alam ang gagawin, gusto niyang tumakas pero naka-oo na siya kay Mr. Tan.
“Ms. Hidalgo, smile!”
Napalingon siya sa isang photographer ng tawagin siya kaya ngumiti na lamang siya. ‘This is not my life, sinabi ko na dati pa na ayokong sumali sa politika, ano na lang sasabihin nila mama sa oras na lumabas sa media ang picture ko kasama ang mga Sanchez?’ hindi rin mawala ang pag-aalala niya.
Imagine herself na para siyang natatae na iwan, bigla na lang dumating ang Ms. Sorsogon kaya pinagkaguluhan ito ng mga media at ng ilang mga bisita. Nakita na lamang ni Rina na lumapit si Filan at mga kasamahan nito sa bisita. May dala itong kwentas na gawa bulaklak bilang welcome, todo smile si Ms. Sorsogon na kumikinang pa ang mga mata nang makita si Filan.
‘Sinong hindi magkaka-crush kay Filan? Maitsura naman siya,’ bulong niya muli sa kanyang isipan.
Hindi nagtagal sa short welcome nang mag-umpisa ang activity, nagkukunwari na lamang na may alam siya sa ginagawa niya kahit na first time lamang niyang gawin it, habang naghihintay siya na makakuha ng isda hindi niya maiwasan na hindi mapasulyap sa paligid at aliwalas ng mismong lugar. Iniisip niyang babalik siya roon sa oras na mag-sem break sila or yayain niya ang mga kasama niya sa club…
Saka lang naalala ni Rina na kailangan niyang ma-cover ang nangyayari ngayon rito, iginilid niya ang hawak na fishing rod at kinuha ang lapis at papel. Isinulat niya agad kung sino ang mga taong naroon at kung anong nangyayari. Nakita niya ang kumpulan ng mga tao sa puwesto nila Ms. Sorsogon at kay Filan. Kitang-kita ng lahat kung paano alalayan ni Filan ang dalaga, lumapit na siya roon para makakuha rin siya ng litrato ng dalawa.
Paglapit niya nang madulas si Ms. Sorsogon pero mabuti na lamang at nasalo ito ni Filan para makabalik sa balanse.
“Sorry, and thank you,” tatawa-tawang wika ni Ms. Sorsogon.
‘Bakit naiirita ako sa kanya? Nadulas lang pinura na siya, porket maganda,’ bulong na naman niya habang kinukuhaan niya ng litrato ang dalawa.
“It’s alright, mag-iingat ka,” malambing na wika ni Filan.
‘Si Filan ba yon? Yak ah!’ hindi maiwasan na mapangiwi si Rina sa inis din sa binata.
Napababa ang tingin ni Rina sa kamay ng dalawa na magkahawak pa rin na para bang walang balak bumitaw sa isa’t isa. Hindi namalayan ni Rina na napansin na pala siya ng binata na seryosong nakatingin sa kanya, nang mapansin ni Filan na nakatitig pa rin siya sa kamay nila ay agad itong bumitaw kaya mabilis na napasulyap si Rina kay Filan, at bahagyang nagulat si Rina pero agad din siyang umiwas.
Hindi nagtagal nang maglabas ng mga seafood na may iba’t ibang luto, may garlic shrimp, grilled cheese scallops, may inihawa na pusit at isda, may ilang sinigang na bangus at kung ano-ano pa, naging maliit na pyestahan ang event. Unang kinuha ni Rina ang ilang hiniwang prutas doon lalo na’t hindi rin naman siya magtatagal, hindi niya namalayang may tumabi na pala siya.
“Did you took photo of us holding hands?”
Napasulyap siya agad sa kanan niya nang makita si Filan, agad niyang binaba ang pinya na isusubo sana sa bibig.
“At bakit ka naman nagtatanong bigla?” napasulyap siya Rina sa grupo ni Ms. Sorsogon at saka kay Filan. “Bakit wala ka roon? Kukuhaan mo ba ng pagkain si Ms. Sorsogon?”
“Walang meron sa amin ni Ms. Sorsogon, okay?”
Nagtataka si Rina and all of a sudden biglang nagpapaliwanag si Filan sa kanya na hindi naman niya kailangan. “Okay ka lang, hindi naman ako nagtatanong, ano naman kung meron kayong thingy or wala?” sabay tawa ni Rina.
“Baka maglabas ka ng kahit na anong article from us sa school ninyo, malay ko ba.”
Napataas ang isang kilay ni Rina. “Are you accusing me?”
Natigilan si Filan and thinking something na magiging palusot niya nang may masabi siyang mali pero pinagpatuloy pa rin niya. He crossed arm standing in front of Rina. “Sometimes ganu’n naman talaga ang ginagawa ninyong mga journalist para may maisulat kayo, kaya I’m warning you ngayon pa lang.”
“What?” naibaba ni Rina ang plato niya sa lamesa. Hindi niya maiwasang hindi mainis sa binata. “Never kung sinira ang integrity ng pagiging aspiring journalist ko, who are you to talk to me like that at sa course ko? Sinabi ko na nga ba, dapat hindi na ako pumayag dito in the first place, kasi hindi ako katulad ninyo, ang aga-aga pinili mong mang-inis.”
Tumalikod na si Rina at handang umalis nang matigilan siya sa biglang pagdating ng grupo sa loob ng palaisdaan. Biglang nagkagulo at nagkaroon ng ingay habang may mga bitbit na placard ang mga ito na may mga salitang nakasulat na: ITIGIL ANG PAGNANAKAW NG ISDA SA AMIN! SANCHEZ PATALSIKIN! MAGNANAKAW! MAHAL LANG ANG SARILI AT HINDI ANG BAYAN!
Katulad sa placard ganu’n din ang sinisigaw nila, biglang nagkagulo ang media at nasa kanila na nakatuon ang atensyon ng mga ito.
“Walang isang salita ang mga Sanchez! Ninakaw pa nila ang palaisdaan na ito sa amin at ngayon ay ipinagmamalaki sa ibang probinsya na sila ang gumawa, andito kami para bawiin ito!” sigaw ng babaeng may hawak na megaphone.
Hindi alam ni Rina kung bakit biglang may nakapasok na protesta, pero ibig sabihin lang nu’n may ginawa na namang hindi maganda ang mga Sanchez at sa pagkakataon na ito ay tungkol naman sa mga mangingisda. Kailangan nang umalis ni Rina sa lugar na iyon bago pa man mag-umpisa ang gulo dahil ayaw niyang madamay at mabalitaan pa ng mga magulang niyang naroon siya.
Hindi alam ni Rina kung saan siya pupunta nang unti-unti nang nagkakagulo dahil din sa pagharang nga mga body guard ni Filan para na rin sa siguridad ng lahat, may kung sino na lang humatak sa kanya para mapalayo sa gulo. Hindi nagtagal nakita na lamang ni Rina ang kanyang sarili sa maliit na kwarto sa palaisdaan habang hingal na hingal.
“Are you alright?”
Napasulyap siya kay Filan na nagdala sa kanya roon pero rinig pa rin niya ang ingay sa labas. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nakatanaw sa binata, but suddenly frustration and disappointment clear in her face na kitang-kita ng binata mula sa kanya.
“Are you judging me?”
Hindi masagot ni Rina ang tanong na iyon, Sanchez ang binata imposibleng walang alam ito sa ginagawa ng ama nito.
“Aalis na ako kailangan ko nang pumasok.”
“Kailangan mong maghintay hanggang sa ma-clear ang entrance and beside may gulo pa sa labas.”
Tumalikod si Rina ayaw niyang makita at maisip na nagagawa niyang makalapit sa kaaway ng pamilya niya. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa, nakatingin pa rin si Filan sa kanya. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili na para bang na iinis siya na kahit pa paano sa maikling pagkikita at pakikipag-usap niya sa binatang Sanchez ay nagtiwala siya.
“I don’t know what’s happening, wala akong alam dito.”
But Rina don’t know kung magtitiwala ba siya kay Filan, iniisip niya na tama ang mga magulang niya magaling sa salita ang mga Sanchez.
Chapter 63“Ang anak lang po niya at ang asawa lang po ang nakita namin, patay na po ang asawa,” wika ng lalaking katabi ng batang konsehal na si Alfonso Sanchez.Nanginginig ang kamay ni Alfonso habang tinatapos ang trabaho na inuutos sa kanya ng kanyang ama na ngayo’y mayor na ng Castilla na siyang bayang kinalakihan niya. Gulong-gulo ang mansyon na pinuntahan nila, hindi rin alam ni Alfonso kung bakit siya napapayag ng ama ngunit gusto niya ang kapalit ang posisyon at kayamanan na ipagkakaloob sa kanya.“Ano na pong gagawin namin sa kanya?” tanong muli sa kanya.“Dalhin ninyo sila sa akin.”Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng iyak na papalapit galing sa itaas na bahagi ng mansyon. Nagmamakaawa, natanaw niya ang ginang na hindi nalalayo ang edad sa kanya.“Huwag ninyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo, ako na lang! Huwag lang ang anak ko!” hagulgol nito.Ngunit walang magagawa ang pagmamakaawa ng ginang sa maaring mangyari sa kanilang mag-ina. Itinulak ang ginang ng b
Chapter 62Halos hindi makatulog si Filan nong gabing malaman niyang hindi siya totoong Sanchez, wala siyang kahit na anong koneksyon sa mga ito maliban sa kinuha siya sa bahay ampunan ng kinikilala niyang ina. Bumaba na siya sa kusina nang makapagtapos siyang mag-ayos sa sarili niya para sa araw na iyon, kailangan niyang magkunwari na para bang walang nangyari kagabi ngunit durog na durog ang kanyang puso na para bang gusto na niyang mawala.Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa o kailangan pa ba niyang hanapin ang totoo niyang mga magulang o saan siya nang galing? Pagdating niya sa dining room naroon na ang mga magulang niya, usual wala na naman si Francis na nasa labas palagi o kaya’y nasa malayo para sa mga laro nito bilang soccer player at wala pa ring ideya sa kung ano na ang nangyayari sa pamilya nila.Napaisip din siya na kung alam ba ni Francis na hindi sila totoong magkapatid?“Good morning, kailangan mong sumama sa akin ngayong araw? Huwag na muna natin isipin ang pr
Chapter 61“Walang tutulong sa atin, at sayo, kundi ako lang, tayo lang ang magtutulungan, na saan ba ang sinasabi mong Marina? Ayon! At hinayaan ka na!” bulyaw ng ama ni Filan sa kanya nang makauwi sila sa mansyon galing sa kulungan dahil sa kaso nito na siyang nadawit naman siya.Hindi na alam ni Filan kung anong nangyayari, kung ano ba ang tama at mali. Gulong-gulo na siya sa mga oras na ito at alam niyang tanging magpapakalma sa kanya ay si Marina, si Marina lang ang gusto niyang makita sa magulong oras na ito.Wala siyang pakialam kung hindi man siya maintindihan ni Rina pero gustong-gusto niyang mayakap ang dalaga, naiintindihan naman niya kung bakit sasama ang loob o worst magalit sa kanya ang kasintahan. Iniisip niya na dapat matagal na niyang tinama ang lahat, nalunod siya sa pag-aalala at takot sa iisipin ni Rina sa kanya, ngayon huli na ang lahat.Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang itulak siya ng ama na siyang kamuntik na niyang ikatumba, dahil nanghihina rin siya.
Chapter 60Hindi nagsalita si Filan at sinenyasan lang niya ang mga body guard niya na iwan ang mga bulaklak doon sa kinatatayuan nila, sumunod naman ang mga ito at pinapanood lang sila ng maraming estudyante roon. Hindi papayag si Marina na they will disrespect of her friend’s vigil, kinuha niya ang mga bulaklak ngunit isang korona lang ang kinaya niya.Agad na sumunod si Alfie kay Marina kung anong gagawin, paalis na sila Filan nang ibato niya ito sa direksyon nila Filan ngunit hindi akalain ni Marina na matatamaan sa likod ito sa pagkakabato niya, tumigil ang grupo nila Filan at kinagulat ito ni Rina habang nanunuyo ang luha sa kanyang mukha.Pero mabilis na nagbago ang mukha ni Rina, walang mas sasakit pa sa nararamdaman niya kesa sa sakit na natamo ni Filan sa pagkakabato niya sa mga bulaklak. Hindi humarap si Filan at hindi rin kumilos ang mga bodyguard nito.“Mas masahol pa kayo sa kriminal, nabubulok ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno!” all her hatred will never stop.Umalis n
Chapter 59Mas lalong lumakas ang ulan, hindi akalain ni Rina na sasalubungin niya ang bagong taon ng ganito. Hinatak si Rina ng mga bodyguard nila pabalik sa loob ng mansyon nila, lumuluha, nagmamanhid at walang maramdaman kundi ang pag-aalala niya kay Filan.Anong maaring mangyari kay Filan? Hindi na ito panaginip kay Rina, this is all in a reality na gusto niyang takasan, napakagulo at hindi niya alam kung paano niya hihilahin si Filan pabalik sa kanya, pabalik sa dating wala pa silang inaalala.“Hindi ka munang pwedeng lumabas hangga’t hindi naayos ang lahat ng ito, nainintindihan mo ba?”Tulala si Rina at walang pakialam kung basang-basang siya. Napansin ni Mrs. Hidalgo ang pagiging tulala ng dalaga dahil sa lamig, agad niyang nilapitan si Rina at saka hinawakan sa magkabilang balikat na saka lang siya napansin, hindi niya makilala ang anak sa pares ng mga mata nito na walang emosyon.“Marina, naiintindihan mo ba ako? Hindi ka pwedeng madamay sa nangyari ng mga Sanchez, dito ka n
After lunch sa mansyon ng mga Hidalgo ay sinamahan ni Rina si Filan hanggang gate, maghahating-gabi na rin at kailangan na nitong magpahinga. Ang dami pa ring gumugulong tanong sa isipan ni Rina hanggang sa mapansin ito ni Filan na para bang wala sa sarili si Marina.“Are you okay?”Dahan-dahan na tumingala si Rina kay Filan na nag-iisip pa rin.“Ikaw, okay ka lang ba?” hindi maiwasan ni Rina na mapakunot-noo, she always wanted the truth.Wala bang tiwala si Filan sa kanya? Hindi pa ba talagang lubos na kilala ni Rina si Filan? Bakit parang marami pa ring walang alam si Rina kay Filan?Isang ngiti ang iginawad ni Filan na para bang wala itong pinoproblema.“I’m fine, kung may problema ka magsabi ka agad sa akin para naman mapag-usapan natin.”Talaga bang ganu’n sila? Pero bakit pakiramdam ni Rina na ang layo-layo ni Filan ngayon kahit na ang lapit nito sa kanya, hindi na niya maintindihan ang realidad sa kanyang iniisip.“I’m looking forward to the New Year’s Eve, I will go here strai