Dangerous Temptation

Dangerous Temptation

last updateLast Updated : 2022-08-19
By:  HestiaditeCompleted
Language: English
goodnovel16goodnovel
10
10 ratings. 10 reviews
74Chapters
8.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Silvester Creed is a lawyer who seeks revenge as to who killed his wife. Justice was on his side yet he was ready to do the injustice if he found out who was responsible. As twisted as it can get, fate led him to his answer. The woman he loved, Dianna Reeves, turned out to be the murderer. A woman part of a powerful syndicate. He was ready to put the past behind, to get the sweet revenge he was longing for. One pull of a trigger and he could kill her! But, she captivated him despite it being wrong. He should be happy to kill her, make her beg for mercy, and do the injustice to take revenge. Despite being controlled by anger, the dangerous woman can make him bend and beg. Dianna Reeves was his dangerous temptation.

View More

Chapter 1

Chapter 1 - Tragedy Struck

“Aray…”

Habang unti-unting bumabalik ang malay ni Maisie, tanging ang pumipintig lamang niyang ulo at masakit niyang katawan ang kaniyang nararamdaman, para bang nabangga siya ng sasakyan. Nagsalubong ang mga kilay niya sa sakit ngunit wala siyang lakas para labanan ito.

Halos hindi niya maaninag ang anino ng lalaking nasa dilim ngunit naamoy niya ang kakaiba nitong Gucci cologne, binabalot nito ang hangin sa paligid.

Nanatiling tahimik ang lalaki habang dinidikit nito ang katawan sa kaniya, hinahalikan at dinidilaan ang kaniyang makinis na leeg…

Kasabay nang bukang-liwayway, suminag na ang araw.

Biglang idinilat ni Maisie ang kaniyang mga mata. Nagulantang siya nang makita niya ang sariling nakahubad sa kama katabi ang isang taong hindi niya nakikilala. Nakatalikod ito sa kaniya.

Namutla ang mukha ni Maisie nang bumalik sa kaniya ang mga alaala mula kagabi. Hindi iyon panaginip lang!

Paano siya napunta rito?

Ang tanging naaalala lang ni Maise mula sa mga nangyari kagabi ay nagce-celebrate siya ng kaniyang birthday kasama ni Willow. Pagkatapos ng ilang tikim niya ng sangria na binigay sa kaniya ni Willow, nawalan na siya ng malay!

Mayroon bang nilagay sa inumin niya!?

Nagngangalit ang mga ipin niya nang umalis siya sa kama. Gamit ang natitira niyang lakas ng loob, sinubukan niyang manatiling mahinahon. Mabilis niyang isinuot ang mga damit niya kagabi, inayos niya ang kaniyang sarili at saka umalis. Kailangan niyang makauwi kaagad para makausap niya si Willow at malaman kung anong nangyari!

*****

Nang makauwi si Maisie, nakita niyang nakaupo sa sofa ang tatay niya, halatang hinihintay siya nito. Kalmado ang ekspresyon ni Stephen nang magtanong, “Nasaan ka kagabi?”

Tinikom ni Maisie ang kaniyang mga labi, inaalala muna niya ang mga pangyayari kagabi bago sumagot, “Nakatulog ako sa bahay ng kaibigan ko.”

‘Bam!’

Malakas na binagsak ni Stephen ang isang litrato sa mesa at sumigaw nang malakas, “Alam kong nasa hotel room ka kagabi kasama ng isang lalaki! Ang lakas ng loob mong magsinungaling sa akin?”

Nawala ang dugo sa mukha ni Maisie nang makita niya ang nasa litrato. Litrato ito ng isang lalaking hindi niya nakikilala habang tinutulungan siyang makapasok sa isang hotel room.

Mabilis na bumaba si WIllow sa hagdan habang suot-suot ang kaniyang high heels. “Dad, kumalma kayo.” Habang nagsasalita ay lumapit siya kay Maisie at sinermunan ito. “Zee, paano mo nagawang bigyan ng ganitong kahihiyan ang pamilya natin? Kahit na mahal mo ang lalaking iyon, alam mo dapat ang hindi mo dapat gawin hangga’t hindi ka pa kasal.”

Gulat na gulat si Maisie. Anong ibig niyang sabihin?

Wala siyang malay nang nangyari ang lahat ng iyon!

Katulad ng hinila niya, walang mabuting intensyon si Willow sa pagsama nito sa celebration ng birthday niya. Set-up lang ang lahat! Sinubukang ipaliwanag ni Maisie ang sarili, “Dad, makinig kayo, kasama ko si WIllow at nagce-celebrate kami ng birthday ko. Mayroong kung ano sa inumin na binigay sa akin ni WIllow—”

“Tama na!” Tumayo si Stephen, dinuro si Maisie at sumigaw, “Ate mo si Willow. Huwag mo siyang sisisihin sa mga ginawa mo!”

‘Ate?’

Habang nakikinig sa akusasyon sa kaniya ng ama, mahigpit na nakatikom ang mga kamao ni Maisie hanggang sa manginig ang mga ito. Nalaman dapat ng nanay niya na hindi matapat na lalaki ang kaniyang ama. Matagal na itong mayroong tinatagong kerida.

Sinong mag-aakalang matapos ang isang taon simula nang pumanaw ang kaniyang ina, agad-agad na magpapakasal ang ama niya kay Leila Scott? Mas lalo pang ikinagulat ni Maisie nang malaman niyang matagal ng mayroong anak ang dalawa!

Matagal ng alam ni Maisie na sinusubukang mapalapit ni WIllow sa kanilang ama. Iba ang ikinikilos nito sa harapan ng ama at iba rin kapag nakatalikod na ito. HIndi inakala ni Maisie na ipapahamak siya ni Willow sa araw mismo ng birthday niya!

“Binabalak ko sanang ipasa sa iyo ang Vaenna Jewelry kapag nasa tamang edad ka na, pero…. HIndi ko inakalang dudungisan mo ang pangalan ng pamilya natin! Ayaw ko na ulit makita ang pagmumukha mo! Mas ikakabuti ng Vanderbilt na mawala ang isang nakakahiyang anak na katulad mo!”

Nautal si Maisie, “Dad, pina…pinapalayas niyo ba ako?”

Binato ni Stephen sa sahig ang hawak niyang tasa. “Lumayas ka rito!”

HIndi niya mapigilan ang panginginig, nasulyapan niya ang pag-ngisi ni WIllow sa kaniya pati na rin ang pagkadismaya sa mukha ng kaniyang ama. Nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang puso.

Habang hinihila ni Maisie ang kaniyang bagahe palabas ng kanilang bakuran, lumapit sa kaniya si WIllow. Nagkukunwaring mabait at inalok pang tulungan siya sa kaniyang bagahe. Hinampas naman ni Maisie ang kamay nito. “Lumayo ka sa akin.”

Nang makita ang masamang trato sa kaniya ni Maisie, pinakita na rin ni WIllow ang totoo niyang kulay. “Tatapatin na kita. Mayroon nga akong kaunting nilagay sa inumin mo kagabi. Ang sama siguro ng loob mo dahil nadungisan ka ng isang lalaki.”

Sa labis na pagkadismaya, kinagat ni Maisie ang kaniyang mga labi. “Nakuha na ninyo ni Leila ang gusto niyo simula nang lumitaw kayo sa bahay namin. Ano pa bang gusto niyo?”

“Ang status mo ang gusto ko!” Hinarap siya ni WIllow at matalim siyang tiningnan sa mga mata. “Bakit ako ang anak sa labas at ikaw ang crown jewel ng mga Vanderbilts? Pinanganak kang mayaman at nirerespeto, hindi ba? Ngayon, isa ka na lang maduming babae. Alam mo na dapat ngayon kung saan ka lulugar. Umalis ka na lang.”

Tuwang-tuwang tinapat ni WIllow ang phone niya sa mukha ni Maisie.

“Kung ayaw mong kumalat sa media ang video na ito at tuluyang masira ang buhay mo, umalis ka na.”

“At huwag na huwag ka nang babalik!”

Nakatulala si Maisie. Nawalan na ng lakas ang mga kamao niya. Habang walang emosyon ang mukha ay hinila niya ang kaniyang maleta at dumiresto sa kaniyang sasakyan. HIndi na siya lumingon pa.

Pinanood ni Willow ang unti-unting paglayo ng sasakyan. Malawak ang ngiti sa kaniyang mukha. HIndi lang Vaenna Jewelry ang sa kaniya na ngayon, sa kaniya na rin lahat ng nasa ilalim ng mga Vanderbilt!

Pabalik na sana siya nang isang Rolls-Royce ang huminto sa harapan ng kanilang pinto. Apat na mga naka-itim na bodyguards ang lumabas sa sasakyan at pumila sa tabi nito. Isang mahabang binti ang lumabas kasunod ng isang lalaki. Matangkad ito at parang atleta ang hubog ng katawan. Nakasuot ito ng itim na striped suit, elegante at simple, ngunit halatang mamahalin.

Nanigas si WIllow sa kaniyang kinatatayuan, ‘HIndi ba’t…. Si Nolan Goldmann iyon, ang tagapagmana ng pamilya Goldmann mula sa royal capital ng Bassburgh?’

Ang CEO Ng Blackgold Corp, kilala rin bilang pinakabatang hari ng business at commerce sa patriarch ng Zlokova. Daan-daang milyon ang net worth ni Nolan Goldmann. Napaka-makapangyarihan rin nito sa loob ng royal capital!

Anong ginagawa niya rito sa bahay ng mga Vanderbilt?

Dumapo sa kaniya ang walang emosyong mga mata ni Nolan Goldmann. Walang emosyon itong nagsalita, “Ikaw ba si WIllow Vanderbilt?”

Bumilis ang tibok ng puso ni WIllow. Kilala siya nito!

Masaya siyang tumango at sumagot, “Oo, ako nga.”

“Ikaw ba iyong babaeng kasama ko kagabi sa Empyrean Hotel, Room 6228?”

Nagbago ang ekspresyon ni WIllow.

Empyrean Hotel, Room 6228!

Ang kwartong pina-reserve niya para sa bruhang iyon? Posible bang ang lalaking kasama ni Maisie kagabi ay hindi ang matandang kasama sa plano niya? Kung hindi ay si Nolan Goldmann!

‘Bwisit na babaeng iyon! Hindi ako makapaniwalang sinuwerte siya!

‘Kahit na kay Maisie pa ang lahat ng swerte sa mundo, ano naman? Sa huli, isa lang siyang stepping stone sa mga plano niya. Oh Nolan, sinong matinong tao ang tatanggi sa pagkakataong maging karelasyon mo?’

Nakangising tumango si WIllow. “Bakit? Tama ka. Ako nga ang babaeng kasama mo kagabi.”
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

reviewsMore

Kimmystarlight
Kimmystarlight
beautiful ... keep up the good work ...
2022-09-08 19:29:57
1
0
valadhiel
valadhiel
great work po ......
2022-08-31 09:49:50
1
0
Rona Doctorr
Rona Doctorr
love thissss
2022-07-31 19:01:51
1
0
Ms.aries@17
Ms.aries@17
recommended story... good job, author. keep it up!
2022-07-31 14:17:42
1
0
Leanna_Avys
Leanna_Avys
I love it! keep it up
2022-07-30 10:37:32
1
0
74 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status