NAGISING si Lyxelle dahil sa pakiramdam niyang may nakatingin sa kaniya. May hula siya kung sino ang nakatitig sa kaniya. It comforted her knowing that someone was worried about her even when she doesn't remember anything from her life. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Sinalubong siya ng nag-aalalang mukha ni Raziel. “Lyxelle, ayos ka na ba?” Marahang tumango siya at bumangon. Kaagad itong tumayo upang tulungan siya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga unan sa kaniyang likod. “Ano’ng nangyari?” tanong niya rito. Ang huli niyang naaalala ay umiikot ang kaniyang paningin. “Bigla ka na lang hinimatay. Hindi namin alam kung bakit.” Naalala niyang sumakit ang ulo niya at parang may naalala siya mula sa kaniyang nakaraan pero nakalimutan na rin niya kung ano iyon. Sinubukan niyang alalahanin kung ano iyon pero blanko lang ang kaniyang utak. “M-May naalala lang ako.” “Ano?” tila nasasabik na tanong nito pero may pakiramdam siyang may halong nerbiyos ang tanong na iyon. Kinakaba
“TRY this on.” May ibinigay ulit itong damit sa kaniya para isukat niya. Hanggang sa nagsunod-sunod na iyon. Hindi pa rin siya makapaniwalang alam nito ang sukat niya dahil wala itong ibinibigay na damit na masikip o maluwang sa kaniya. Naa-appreciate niya ang atensiyong ibinibigay sa kaniya ni Raziel subalik hindi siya komportable sa mamahaling lugar na pinagdalhan nito sa kaniiya. Nakahinga siya ng maluwang nang lumabas sila sa boutique na walang bitbit kahit na isang paper bag. Dudugo yata ang mga mata niya sa presyo ng bawat damit na ipinasukat nito sa kaniya. Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na sukatan ng mga damit ay hinila naman siya ni Raziel sa boutique ng mga lingerie. Halos lumuwa ang mga mata niya nang makapasok sila roon. “Oh, my god. Raziel, hindi na natin kailangang pumunta pa rito.” Siya ang nahihiya sa pagpasok nila roon. Hanggang sa mga panloob ba ay tutulungan siya nitong mamili? Hindi ba pwedeng siya lang mag-isa ang mamili? At saka, Raziel seems so out of p
NANG makarating na sila sa bahay, dumeretso na si Lyxelle sa kusina upang magluto ng hapunan nila ni Raziel. Pagkarating kasi nila ay dumeretso ito ng higa sa sofa. Mas napagod pa ito sa kaniya. Kuwento kasi ito nang kuwento. Hindi naman siya nagrereklamo dahil nakakatawa itong magkuwento. Lalo na at sinasabayan pa nito iyon ng mga facial expressions. Nae-enjoy siya panahong magkasama sila. Komportable rin siya na yari bang wala siyang dapat alalahanin kapag kasama niya ito. May munting boses na bumubulong sa kaniya na dapat siyang mag-ingat dahil kahit anong palagay pa ng loob niya kay Raziel ay estranghero pa rin ito. Subalit mas pinili niyang huwag pansinin ang maliit na boses na iyon. Hindi niya hahayaang masira ang araw na iyon. Maliit lang ang pagluluto kumpara sa tulong na ibinigay nito sa kaniya. Kaya kahit medyo pagod rin siya, ginawa na niya. Iyon ang unang pagkakataon na tumapak siya sa likod ng counter top. Simula kasi nang magising siya mula sa aksidente ay palagi na la
HINDI man gustong aminin ni Raziel, hindi maipagkakailang masaya at payapa ang naging dinner nila kasama si Alexiel. Perpekto na sana ang gabing iyon kung hindi lang dumating ang asungot niyang kapatid. Makakaporma na sana siya kay Lyxelle. Umaayon sa kaniya ang mga nangyayari ngayon. Kailangan lamang niyang akitin si Lyxelle at paibiging muli. Para kapag nagbalik na ang mga alaala nito ay muli siya nitong tanggapin sa buhay nito. Sa pagkakakilala niya kay Lyxelle, kung hindi nawala ang alaala nito nang gabing muli silang maglandas at iniligtas niya ito, magpapasalamat ang dalaga sa kaniya. Subalit hanggang doon na lamang iyon. Pagkatapos nitong magpasalamat ay puputulin nito ang kanilang ugnayan ng tuluyan. May pagkamatigas din kasi ang ulo nito kapag nakapagdesis’yon ito. Hindi rin naman siya sigurado sa kaniyang desis’yon na itago rito ang tunay nilang ugnayan. Kapag kasi bumalik ang alaala ni Lyxelle, dalawa lang ang puwedeng mangyari, mahal na siya nitong muli at hindi na nito
“KUYA, may bulate ka ba sa p’wet?” Masama ang tinging ipinukol ni Raziel kay Alexiel. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagkaaliw sa pagiging hindi niya komportable. Sarap tuloy tusukin ng mat anito. Bumuntunghininga siya. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali. Ilang araw na siyang ganoon pero mas malala ang araw na iyon. Ni ayaw na nga niyang lumabas ng bahay. Kung hindi lang dahil sa medical examination ni Lyxelle, magkukulong talaga siya sa bahay ng araw na iyon. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Lyxelle. Nginitian niya ito kahit pilit. “Yes, I’m fine. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagkakaganito ako ngayon.” “Ang mabuti pa siguro umuwi na lang tayo. Para makapagpahinga ka.” Umiling siya. Hindi niya kailangan ng pahinga. Mas ito pa nga ang kailangan niyon dahil kagagaling pa lang nito sa isang malubhang aksidente. Isa pa, ayaw din naman niyang ikulong na lang ito sa bahay. Kailangan din nitong gumala paminsan-minsan para hindi ito makaramdam ng pagkabil
NARIRINIG ni Lyxelle ang malakas na tibok ng kaniyang puso habang nakatingin kay Aldin, ayon na rin sa pagpapakilala nito. Dala siguro ng pagkagalak at kaba na rin kaya ganoon na lamang kabilis ang tibok ng puso niya. Sa wakas ay may malalaman na rin siya tungkol sa kaniyang nakaraan. Kung saan siya nakatira at kung may pamilya bang nag-aantay sa kaniya. Inaasahan niyang may maramdaman siyang kaunting pagkakilanlan pero wala siyang makapang kahit na ano. Wala siyang maramdamang koneksiyon dito. Mas may nararamdaman pa nga siya sa estrangherong si Raziel. Speaking of whom, nilingon niya ito. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanila. Nagkasalubong ang kanilang mga paningin pero wala siyang mabasang emosiyon sa mukha nito. Nakatingin lang ito sa kaniya ng hindi gumagalaw sa puwesto nito. “Lyxelle?” Nag-iwas siya ng tingin kay Raziel. Nakokonsensiya siya sa sinabi niya rito kanina. Hindi niya dapat sinabi iyon. Ito ang tumulong sa kaniya noong nangangailangan talaga siya ng
NARIRINIG ni Lyxelle ang malakas na tibok ng kaniyang puso habang nakatingin kay Aldin, ayon na rin sa pagpapakilala nito. Dala siguro ng pagkagalak at kaba na rin kaya ganoon na lamang kabilis ang tibok ng puso niya. Sa wakas ay may malalaman na rin siya tungkol sa kaniyang nakaraan. Kung saan siya nakatira at kung may pamilya bang nag-aantay sa kaniya.Inaasahan niyang may maramdaman siyang kaunting pagkakilanlan pero wala siyang makapang kahit na ano.Wala siyang maramdamang koneksiyon dito. Mas may nararamdaman pa nga siya sa estrangherong si Raziel. Speaking of whom, nilingon niya ito. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanila.Nagkasalubong ang kanilang mga paningin pero wala siyang mabasang emosiyon sa mukha nito. Nakatingin lang ito sa kaniya ng hindi gumagalaw sa puwesto nito.“Lyxelle?”Nag-iwas siya ng tingin kay Raziel. Nakokonsensiya siya sa sinabi niya rito kanina. Hindi niya dapat sinabi iyon. Ito ang tumulong sa kaniya noong nangangailangan talaga siya ng tulo
"MAY ganitong lugar pa pala sa Pilipinas?” “Kung gusto mo nang umuwi at mag-bathtub, feel free to go home. At saan kaba nakatirang abnoy ka? Likas sa yaman ang Pilipinas.” “Seneryoso mo naman kaagad. Ouch!” Napamura si Raziel nang tumama sa mukha niya ang sanga ng punong kahoy. “Tumingin-tingin din kasi sa dinadaanan `pag may time.” Itulak kaya niya itong CL na `to? Mukhang sinasadya nitong dumaan sa masukal na daanan para lang pahirapan siya. Kanina pa sila nagpaikot-ikot sa lugar na iyon subalit puro pa rin mga puno ang nakikita niya. “Malayo pa ba tayo?” naiiritang tanong niya. Nagsisimula ng mangati ang katawan niya. Gusto na niyang maligo. Pero hindi naman niya hahayaang hindi makita ang lugar na pinagdalhan ng mga hayop ng kidnappers ni Lyxelle. “Malapit na.” Umuklo ito at hinawi ang sangang punong-puno ng mga dahon. Ewan kung ano ang pangalan ng punong iyon. Sinenyasan siya nito. Kaagad naman siyang lumapit at umuklo rin. May itinuro ito, ang kuwebang nabanggit nito. T