Share

Chapter 12

SA NAKALIPAS NA ARAW ay naging abala sa paghahanda si Avi para sa Art Exhibit na dadaluhan niya. Napaaga rin ang byahe niya patungong Spain dahil may dinaluhan siyang auction. Hindi niya naman 'yon pinanghinayangan dahil nakuha niya ang isa sa obra ni Millais na The Twins.

Bahagya niyang hinaplos ang painting na bagama't kababakasan na ng pagkaluma ay buhay na buhay pa rin kung titignan. 'Yon ang isa sa ipanagtataka niya kaya naman napukaw ang interes niya sa pagiging pintor.

Gusto niya sanang maging modelo, pero dahil maikli ang pasensya niya ay hindi na siya tumuloy pa. Baka imbes na simpleng interview lang ay makipag bardagulan pa siya sakali mang hindi niya magustuhan ang ibabatong tsismis patungkol sa kaniya.

"Beautiful," usal niya habang hinahaplos ang bawat sulok ng kuwadradong obra.

Bukas na ang exhibit, handa naman na ang obrang dadalhin niya para roon kaya lang ay nagbago ang plano niya.

Maingat na binaba niya ang obrang hawak niya sa kama bago humarap sa salamin. Suot ang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status