Share

Chapter 35

Nanigas siya sa kinatatayuan niya ng marinig ang boses ni Xavier. Kanina pa ba ito roon? Bakit hindi niya man lang napansin? Bakit hindi niya narinig ang paglapit nito? Narinig niya kaya ang pinag-usapan nila ni Very?

Kinakabahan siyang humarap dito at napatitig sa mukha nito.

"Sino ang kausap mo?" Muli nitong tanong sa kaniya.

"Ah... Ahm, kasi..." Wala siyang mahagilap na tamang sasabihin dito. Nag-iisip pa siya ng kasinungalingang isasagot niya sa tanong nito. "W-Wala... si a-ano, ahm-"

"Why would you wire some money to her bank account?" Lumapit ito sa kaniya at nagtataka. "Kung hindi ako nagkamali ng dinig... ang kausap mo ay babae. Tama ba?" Nanunuri na ang tingin ni Xavier sa kaniya sa pagkakataong ito. "At paano mo gagawin 'yon? Wala ka namang pera."

Napalunok siya at hindi kayang salubungin ang mapanuring titig nito sa kaniya. "Ah a-ano, wala 'yon. N-Nagkamali ka lang siguro ng pagkakarinig."

"Really?" Anito, hindi naniniwala sa sinasabi niya. "Nagkamali nga ba ako ng dinig?"
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status