Share

Chapter 38

"Who's Avi?"

Parang naputol ang dila niya at hindi kaagad nakapagsalita. Nanatili lang siyang nakatitig kay Xavier na para bang nasa mukha nito ang kasagutan sa tanong nito. Pati ang luha sa mga mata niya ay tila nahiya at hindi na muling dumaloy pa ng dahil sa pagkabigla.

"Sino si Avi?" muling tanong ni Xavier habang nakatitig sa kaniya.

Parang binabasa nito ang emosyon sa mga mata niya, pero alam niyang wala itong mababasa dahil pinanatili niyang walang kung ano mang emosyon sa kaniyang mukha.

"Hindi mo na naman ba ako sasagutin? Gaano ba kahirap ang mga tanong ko para hindi mo masagot?" sunod-sunod pang tanong nito bago hinawakan ang mukha niya upang mapatitig dito.

Inalis niya ang kamay ni Xavier na nakasapo sa mukha niya at pilit na kinakalma ang sarili dahil sa kaba.

"I will ask you again, Very. Who is Avi?"

Sa pagkakataong ito ay diterminado na ang makikitang emosyon sa mga mata nito. Hindi rin talaga ito titigil hanggat hindi siya sumasagot. Pero ano ba ang isasagot niya? Ano
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status