Share

CHAPTER 03

Author: Paupau
last update publish date: 2026-09-15 20:47:51

THAT STUPID LEON ALASTAIR!

Bakit ko nga ba niyaya ang lalaking ’yon na pakasalan ako?! Ah oo nga pala, kailangan ko sya para mawala sa landas ko ang Alessandro Vitale na 'yon na isa pang bwisit! Anyway, mukhang maitataboy ko nga si Alessandro, pero nagkaroon naman ako ng asawang mukhang isa pang sakit sa ulo.

Kapag hindi siya tumino, hindi ko sya sasahuran!

"Ma'am, excuse me po..." My brows furrowed as I looked back to the receptionist in the information lobby. Mabilis ako na nag lakad at lalampasan na lang sana siya dahil wala na talaga ako sa mood. "Ma'am may tagos ka."

Bigla akong natigilan at muling lumingon sa kanya. "What did you say?"

Nahihiya namang tinuro ng receptionist ang pang-upo ko. "M-may tagos po kayo, Hindi naman ganoon karami, pero halata po kasi gray ang slacks nyo."

Bigla akong pinagpawisan ng malapot. Irregular ako, pero handa naman ako palagi. Puwera lang ngayon dahil sa gigil ko sa Alessandro na 'yon! Ang hindi ko lang inaasahan ay para bang bigla kong naramdaman ang paglakas ng menstruation kahit kung tutuusin ay first day pa lang ngayon. Pag timaan nga naman talaga ng kamalasan. Siguro lumakas dahil pinakulo ng dalawang abnormal na lalaki sa VIP Room ang dugo ko.

Where could I buy a napkin? Halos fifteen minutes na lakaran mula rito hanggang sa cottage na inuupahan ko kung lalakarin. Nakakahiya pa dahil bukod sa katanghaliang tapat, napakarami na ring tao sa labas. Should I ask for help? Pero kanino?

Gumilid ako sa tabi ng nakasarang p***o na may nakasulat na 'restricted area'. Sakto namang bumukas ang p***o ng elevator. Namilog ang mga mata ko nang makita ko na ang matangkad na lalaking lumabas doon ay walang iba kundi si Leon!

Hindi niya ako nakita dahil abala siya sa pagtitipa sa cellphone niya na para bang nakasalalay doon ang buong buhay niya. Huminto siya saglit at baliwalang sinuksok ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang uniform. Maglalakad na sana siya paalis nang sitsitan ko siya. Napalingon-lingon siya sa paligid, pero wala siyang makita. Sumitsit ulit ako.

"Pst! Leon!" Nilakasan ko na ang sitsit ko, sabay tawag narin sa pangalan niya. Doon na siya napalingon sa gawi ko.

OA na napahimas siya sa kanyang dibdib sa gulat nang makitang nakasilip ang mukha ko sa gilid na katabi ng p***o. "Tangina naman! Bakit ka ba nanggugulat at anong ginagawa mo riyan?"

"I need your help!"

Napalapit siya. "Umpisa na ba ng trabaho ko bilang contract husband mo?"

"Hindi pa naman, pero parang ganoon na nga!" gigil na tanggi ko. Seryoso ba siya na itanong iyon sa akin sa sitwasyon ko ngayon?!

Napakamot siya ng daliri sa kanyang pisngi. "E ano?"

"Uhm, ano, e..." Should I tell him ba? What if pagtawanan niya ako? "Come here, quick!"

Lumapit pa siya sa akin at ikinalang ang isang kamay niya sa p***o. "Ano nga? Bilisan mo dahil tanghali na at nagugutom na ako. Hindi rin ako puwedeng ma-late sa trabaho. Malulungkot iyong mga katrabaho ko pag wala ako at baka di na ganahang magsipasok. Kawawa naman, wala silang sasahurin."

"May tagos ako!" bigla kong sabi bago pa siya mapikon at iwanan ako.

Kumiling naman ang ulo niya. "Tagos? Ano iyon?"

"Stain!"

"Stain?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Mantiya? Mukha namang malinis yang damit mo ah."

"Oh, my! Why are you so bobo!"

"Guwapo naman, tsaka may abs kaya di ka na lugi!"

Gusto ko na siyang sabunutan kung hindi lang ako nagtatago rito sa gilid ng p***o. Kinalma ko ang sarili dahil mas kailangan ko siya ngayon, lalo na't dumarami na ang naglalabas-pasok sa hotel. Hindi ko siya dapat awayin. Later na lang pag na-solve na ang problema ko. "May pera ka ba riyan?"

"Akala ko ba mayaman ka? Bakit sa akin ka ngayon naghahanap ng pera?"

"What the hell Leon! I'm asking you if you have money right now because I need you to buy me napkins! Gets mo?! Oh, gusto mong tagalugin ko pa, but I bet if you understand, dahil kahit Tagalog, hirap na hirap ka, letche!"

Nilabas niya ang wallet niya. Pagbukas niya ay bukod sa mga bills, ay meron pa akong natanaw na mga cards sa loob. Meron ding dollar yata. Now I wonder, magkano kaya ang sinasahod niya rito? Pero sabi niya ay mas mataas ang offer ko.

Kinuha niya ang isang buong five hundred at inabot sa akin.

Napailing agad ako. "I don't need your money! Ang kailangan ko talaga ay ibili mo ako ng napkin. Medyo malayo ang cottage ko, ayaw kong lumabas ng ganito."

"Anong bibilhin ulit?" Wala man lang siyang violent reaction na uutusan ko siya.

"Ahm… napkin," nahihiyang sagot ko.

"Napkin? Iyong pamunas? Bibili ka pa niyon? Ang arte mo naman!" Kinuha niya ang puting bimpo niya na nakasampay sa balikat niya at inabot sa akin. "O, ito na lang. Malinis naman to."

Nag-init na naman ang mukha ko dahil sa pinagsama-samang hiya, inis at sa katangahan niya. "Napkin! Sanitary napkins! Sanitary pads! For menstruation! Yon ang kailangan ko, hindi bimpo!"

"Aw..." Naitakip niya bigla iyong panyo niya sa kanyang bibig. "Patingin nga, tumalikod ka."

Naipadyak ko na ang paa ko sa sobrang frustration. My God! Ngayon lang ako nakatagpo ng lalaking ubod ng mulala! Hiyang-hiya na nga ako, hindi pa siya makahalata!

"Talikod na, ’wag ka ng mahiya! Mag-asawa naman na tayo!" giit niya pa.

No choice na tumalikod na lang ako kahit pakiramdam ko ay umakyat na ang dugo sa mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Shit! Kasing laki ng sampung piso!" Pinihit niya na ako paharap at siya naman ang pumunta sa gawing likuran ko. "Lakad na, doon na lang muna tayo sa bahay ko."

"Huh?" Tama ba ang dinig ko? Sa bahay niya? At palalakarin niya ako ng may tagos?! "Alam mo nagkamali ako ng lalaking nahila-"

"Dali na kasi, huwag ka ng maraming salita! Tatakpan ko naman, tsaka takot lang nila sa akin!" baliwalang sabi niya bago niya ako patulak na pinalakad. "Malapit lang ang bahay ko. Paglabas natin ng hotel, mga sampung kembot lang, nandoon na tayo."

Inaalalayan niya akong maglakad kahit na nga ba nasa likuran ko siya. Hanggang sa paglabas namin ng hotel ay wala namang taong tumitingin sa amin na para bang may malisya. Nang lingunin ko si Leon ay seryoso lang ang mukha niya habang diretso lang ang tingin.

Mga ilang minuto ay nakarating na nga kami sa bahay niya. Parang tiny modern house na gawa sa semento at glass panel. Isang palapag lang, pero mula sa labas ay kitang-kita na ang ganda at linis ng loob ng bahay. Mas marami ang gawa sa glass panel, kaya mas muka siyang glass house kung susuriin.

"Bahay mo to? Magkano bang suweldo mo rito sa Vitale Resort? Bakit ang ganda ng bahay mo?" sunod-sunod na tanong ko.

"Ah… ano kasi, pag matagal ka ng empleyado sa resort, may libre silang pabahay. Isa ako sa mga mapapalad na nakatanggap ng ganoong benepisyo, kaya naman welcome to my humble home… wifey."

Muntik na akong madapa dahil natisod ako sa sarili kong paa dahil sa itinawag niya sa akin. Mabuti na lang ay naagapan ako ni Leon sa baywang, kung hindi ay mas lalo akong naging katatawanan. Napatingala ako sa kanya at ganoon na lang ang paglunok ko nang magtama ang aming mga mata. Hindi na siya mukhang buwiset. Malamlam na ang mga titig niya, at kahit pawisan siya ay mukha pa rin siyang fresh. At sige na, aaminin ko nang mabango talaga siya kahit pawisan at talagang guwapo sa malapitan.

"Very..." usal niya.

"B-bakit?" usal ko rin.

"Bati na tayo." Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niyang malamlam. "Hindi ako sanay makipag-away sa babae, lalo na kung asawa ko pa. Okay lang ba?"

Muli akong napalunok bago mahinang nagsalita. "S-sige... bati na tayo."

Ngumiti siya. Iyong ngiti na tila nakakaalis ng pangangalay mula sa matagal naming pagkakatayo sa labas ng p***o ng bahay niya.

Pagkabukas niya ng p***o ay kaagad niya akong pinapasok. "Feel at home. Bibili lang ako ng napkin mo." Okay na sana, kaso may pahabol pa siya. "Edi sayang pala, hindi mo ako matitikman sa unang gabi natin bilang husband and wife kasi may dalaw ka. Pero keri lang naman, marunong naman akong maghintay."

Nagusot ang mukha ko. "Kababati lang natin, gusto mo na naman ba ng away? Pagbibigyan kita!"

"Joke lang! Sige na, hindi na." Natatawang ginulo niya ang buhok ko. "Huwag ka nang sumimangot. Sige ka, lalo kang papangit niyan!"

Aawayin ko na talaga siya ulit nang mauna na siyang lumabas. Naiwan naman akong nakatayo lang sa p***o at nakatanaw sa kanya.

Bahagya pa akong nagulat nang lingunin niya ako. "Pumasok ka na sa loob para hindi ka mainitan, baka mangitim ka, kutis nalang nga ang asset mo baka mabawasan pa!"

Umirap ako. "Salamat sa advice ha, na touch ako!Pagbutihan mo namang bumili ng napkin para di ka masyadong mapaghalataan na tatanga-tanga."

Napangiwi siya, subalit ngumiti. "Salamat sa concern. 'Wag kang mag-alala, isasapuso ko iyan." Nang malayo-layo na siya ay lumingon siya ulit at sumaludo sa akin. Ngumiti naman ako at kumaway sa kanya.

Hindi ko man nakita at nakausap si Alessandro ngayong araw na ito ay hindi naman ako nadismaya masyado. Although, kanina ay halos pumatay na ako, ngayon medyo nakapag-isip-isip na. At kahit papaano ay masaya ako dahil sa tingin ko, nakatagpo ako bigla ng isang bagong kaibigan.

Yes, I am welcoming a newfound friend-slash-contract husband into my life. Kahit na nga ba hindi ako sure kung magwo-work ba ‘to o mas mapapasama lalo.

But anyway yes, it's my hubby kuno... Leon Alastair.

********

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dark Secret Series 4: My Bad Romance   CHAPTER 04

    WHAT IF...It might sound crazy but it was real. I am now Mrs. Alastair and married to Leon Alastair. Halos isang oras lang kaming nagpalitan ng personal profile. Wala pa nga roon ang background namin. Ngayon, heto, hindi pa rin ako makapaniwalang may asawa na ako... sa papel nga lang. In fact, hindi pa nga rin pormal na nasumite ang papel namin. Wala man lang karesi-resibo na puwedeng magpatunay na ikinasal kami ngayon dito sa Vitale Hotel and Resort.But what if... It's a prank lang pala ang lahat? What if after ng first salary niya ay maglaho na lang siya na parang bula? Or what if, after three months... ma-realize niya na ang ganda ko at sayang naman kung hindi ako ang endgame niya?Oh well, kung hindi ako... ano naman ang pakialam ko?Tsaka, sorry na lang, pero mukhang malabong matupad ang pangarap niya, lalo na kung ako pala ang papangarapin niyang abutin. Turo ng Mommy at Daddy ko sa amin ni Avi dati na importante raw ang pagpili sa kakaibiganin at mamahalin. Kaya choose wisely

  • Dark Secret Series 4: My Bad Romance   CHAPTER 03

    THAT STUPID LEON ALASTAIR!Bakit ko nga ba niyaya ang lalaking ’yon na pakasalan ako?! Ah oo nga pala, kailangan ko sya para mawala sa landas ko ang Alessandro Vitale na 'yon na isa pang bwisit! Anyway, mukhang maitataboy ko nga si Alessandro, pero nagkaroon naman ako ng asawang mukhang isa pang sakit sa ulo.Kapag hindi siya tumino, hindi ko sya sasahuran!"Ma'am, excuse me po..." My brows furrowed as I looked back to the receptionist in the information lobby. Mabilis ako na nag lakad at lalampasan na lang sana siya dahil wala na talaga ako sa mood. "Ma'am may tagos ka."Bigla akong natigilan at muling lumingon sa kanya. "What did you say?"Nahihiya namang tinuro ng receptionist ang pang-upo ko. "M-may tagos po kayo, Hindi naman ganoon karami, pero halata po kasi gray ang slacks nyo."Bigla akong pinagpawisan ng malapot. Irregular ako, pero handa naman ako palagi. Puwera lang ngayon dahil sa gigil ko sa Alessandro na 'yon! Ang hindi ko lang inaasahan ay para bang bigla kong naramdama

  • Dark Secret Series 4: My Bad Romance   CHAPTER 02

    Vitale Resort Information: That freaking Alessandro Vitale! Anong tingin niya sa sarili niya? Gold?! Neknek niya! Kahit i-announce niya pa sa universe na engage na kaming dalawa, at may isang anak na naghihintay na bumalik kuno ako sa kanilang mag-ama... abay manigas siya! Ni ang first chukchak nga ay hindi ko na halos maalala, anak pa kaya! Never pa akong nag luwal ng sanggol kaya naman nahihibang na ang Alessandro na 'yon sa chismis na ikinakalat niya! Lalo lang nadagdagan ang rason ko upang pabagsakin ang mga Vitale dahil sa mga bali-balitang sinabi sa akin ni Avi. At kung akala nila ay madali nila akong maitataboy, puwes nagkakamali sila! Tulad nga ng sabi ko sa Red Aragon na 'yon, na isa pa ring bwisit sa buhay ay hindi pa ako tapos! Hanggang ngayon ay nag-iinit parin ang ulo ko. Nag-iinit ang puso ko, at nagdidilim na rin ang paningin ko sa kanilang lahat. Para bang paulit-ulit ko paring naririnig ang boses ni Avi nang tawagan niya ako kaninang umaga... [Since when a

  • Dark Secret Series 4: My Bad Romance   CHAPTER 01

    [[PRESENT…]]"WHY SHOULD I HIRE YOU?"“Because you’re hiring?” My brows furrowed. “And why not? I’m smart and willing to work 24/7—yes, even on weekends and holidays. I can be an asset to this resort… and I promise I don’t even complain that much. So? Take it or leave it—though fair warning, I’m a catch, and don’t take too long, I’ve got options.” The gorgeous man in front of me, who sat calmly and composed on his swivel chair, raised one of his thick dark brows at my response.He was like a living Ken in a Barbie world—only slightly darker. His face seemed harmless, like my handsome golden retriever named Buddy, yet his aura exuded confidence and authority. Even his baritone voice, although calm, carried an air of coldness. Now I wonder, paano kaya siya magalit? Nangangagat din kaya siya katulad ni Buddy? O baka naman naninira ng sapatos at ngumangatngat ng tela?Yumuko lang siya saglit, mukhang binasa lang ang pangalan ko saka muling nagtaas ng tingin sa akin. Kahit sandaling nagul

  • Dark Secret Series 4: My Bad Romance   La Tigra Hotel / Florida

    "ALONE?"Baliwalang tanong niya sa babaeng halos palibutan na ng mga kalalakihan sa dance floor. She was swaying her hips seductively and dancing to the beat of wild music. Marami rin namang kababaihan ang nagsisipag sayaw at halos ipagduldulan na ang katawan sa mga kalalakihan, pero iba ang babaeng nasa harap niya ngayon. Nakakadagdag pa sa karakter nito ang pagiging misteryosa dahil sa suot nitong itim na maskara na tumatakip sa kanyang mga mata.Even though she's wearing a black lace masquerade mask that hides her eyes, she still looks exquisite. Her eyes carry an innocence wrapped in mystery, yet tinged with loneliness. Or perhaps he's only imagining it—hallucinations because of alcohol and desire."Yes, why?" sagot naman nito bago huminto sa pagsayaw at iniyakap ang braso sa batok niya. "Want to dance with me? I'm lonely you know. My parents died in that fucking plane crash and I hate my freaking husband! So yeah, can you make me happy tonight?" muli pa nitong tanong.Namumungay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status