MasukWHAT IF...
It might sound crazy but it was real. I am now Mrs. Alastair and married to Leon Alastair. Halos isang oras lang kaming nagpalitan ng personal profile. Wala pa nga roon ang background namin. Ngayon, heto, hindi pa rin ako makapaniwalang may asawa na ako... sa papel nga lang. In fact, hindi pa nga rin pormal na nasumite ang papel namin. Wala man lang karesi-resibo na puwedeng magpatunay na ikinasal kami ngayon dito sa Vitale Hotel and Resort.
But what if... It's a prank lang pala ang lahat? What if after ng first salary niya ay maglaho na lang siya na parang bula? Or what if, after three months... ma-realize niya na ang ganda ko at sayang naman kung hindi ako ang endgame niya?
Oh well, kung hindi ako... ano naman ang pakialam ko?
Tsaka, sorry na lang, pero mukhang malabong matupad ang pangarap niya, lalo na kung ako pala ang papangarapin niyang abutin. Turo ng Mommy at Daddy ko sa amin ni Avi dati na importante raw ang pagpili sa kakaibiganin at mamahalin. Kaya choose wisely.
Mom said, "Pumili ka ng mabait na kaibigan at sa kanya ka magsasama palagi, dahil nakakahawa ang ugali. Imbes na bad influence kayo sa isa't isa, ay mas okay ang good influence kayo, at hilahin niyo ang isa't isa pataas." Mas maganda ang stress-free na buhay. Hindi ka papangit; hindi rin ikaw ang magiging dahilan ng kanilang pagiging pangit!
Tama naman si Mommy, kaya isinapuso at isip namin 'yon ni Avi. Kaya ayon... wala kaming naging kaibigan kundi ang isa't isa lang. Sisters by blood, friends by choice. Nakasalalay sa sasamahan mo kung ano ang kapupuntahan mo. And for me, ito ay 90% true.
While Dad said, "Choosing someone to love and to be with, was like investing in a business, it required careful consideration. You must invest wisely. Do not waste your precious time on people who would only drain you. Instead, be with people who are good for your mind, health, soul, and especially your heart."
Dahil sa mga pangaral na 'yon ni Daddy dati ay bigla akong napa-explain. "Well, Dad, just an FYI... hindi ko naman mahal si Leon. So siguro naman ay exempted pa ako sa mga pangaral mo ngayon. Alam kong magagalit ka at baka bumaba mula sa heaven kapag nalaman mong nanghila ako ng lalaki para pakasalan. Sorry na agad, nagipit lang."
Para rin naman sa kanila kung bakit ko ginagawa 'to. Para makamit namin ang hustisya sa pagkawala nila ng maaga.
I was in deep thought nang biglang may tumabi sa akin sa countertop. Naupo siya sa mismong countertop sa tabi ko at inabot sa akin ang isang brown paper bag. Isang lalaking naka-white T-shirt. Nakapalupot na kasi sa baywang niya ang kalahati ng uniform niya, kaya naman nakalitaw na ang panloob niyang white T-shirt. Habang ang bimpo niyang puti rin ay nakasampay pa rin sa kanyang balikat. May silver na hikaw sa gilid ng matangos na ilong; may silver din na hikaw sa magkabilang tainga.
"Kung hindi lang nakakunot 'yang kilay mo, iisipin kong guwapong-guwapo ka sa akin!" Nakangising asar niya sa akin. Medyo napatagal pala ang pagtitig ko sa kanya. Kasi naman, nakapagtataka talaga na he looks so fresh kahit na basa ng pawis.
Inirapan ko siya. "Eww! Gagong-gago, pwede pa!"
"Ayan na napkins mo. Maligo ka na at naamoy na kita!"
Gusto ko pa sana siyang singhalan, but I chose to remain silent. Mauubos lang ang lakas ko kapag nakipagtalo pa ako sa kanya.
Tamang thank you na lang ang sinabi ko bago tumalikod. Pero ilang hakbang pa lang ay muli akong bumalik at tinanong ko siya.
"Nasaan ang bathroom? And also, can I borrow a shirt from you? 'Yong malinis at mabango sana, kahit hindi bago." Nginitian ko na lang siya ng napakalawak para maitago ang hiyang nararamdaman ko.
Kaagad naman siyang bumaba mula sa countertop at tinour ako sa kanyang bahay.
"Yong lugar natin kanina, doon ang kusina at sala na. Mga sampung hakbang lang, tapos turn left, ito na ang bathroom na hinahanap mo." Binuksan niya ang puting p***o at ipinakita sa akin ang loob ng banyo.
Hindi man sobrang laki, kompleto naman sa gamit at importante na malinis. May maliit din na bathtub at shower. And in all fairness, may hot and cold shower din.
"Limang hakbang mula sa banyo ay matutumbok mo na ang master's bedroom kung saan nangyayari ang mga bagay na hindi mo alam." Ganado siya sa pagto-tour na akala mo ay sinaniban ni G****e Maps!
"Bakit? Anong nagaganap sa master's bedroom?" Curious kong tanong.
"Secret! Hindi mo nga alam, di ba!" Nakangising sagot niya. Ang sarap niyang bigwasan sa noo, sa totoo lang "Tapos 'yong kuwarto doon sa dulo... restricted area 'yon. Huwag kang papasok doon kung ayaw mong masira ang buhay mo."
Ang kaninang pilyong ngiti niya sa labi ay nawala at napalitan ng pagiging seryoso. Para ring may madilim na aura na biglang bumalot sa kanya. Ewan ko ba, guni-guni ko lang yata pero para siyang nagmukhang kakain ng tao.
"Got it!" sagot ko na lang para matapos na dahil akoy lagkit na lagkit na. "Puwede na ba akong mag-shower?"
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mag sa-shower ka? Teka, may bra ka ba? Mapapahiram kita ng T-shirt at boxer, binili rin kita ng panty... pero wala akong bra."
Nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman ini-expect na bibilhan niya rin pala ako ng underwear. Pero ang walanghiyang lalaki, panty talaga!
"Never mind! Puwede ko namang ulitin na isuot ang bra ko. Sige na, ipaghanda mo na lang ako ng damit at malinis na towel."
"May malinis na towel na ho sa banyo, mahal na prinsesa!" pabalang na sagot niya. "Ano pa ho ba ang maipaglilingkod ko sa inyo, at mukha kasing nakakahiya naman na hindi kita paglingkuran gayong naririto ka sa pamamahay ko."
I smile sweetly. "Salamat mahal kong alipin! Don't worry, ipagluluto kita later."
Natulala siya at para bang may dumaan na demonyo sa harap niya. Mga 20 seconds bago siya tumingin sa akin. "Anong tawag mo sa akin?" lutang pa ring tanong niya.
"Alin? Alipin?" nagtatakang sagot ko naman.
"No, before that." Natutop niya ang kanyang bibig. "Putek! Napa-english tuloy ako!"
Wala na talagang pag-asa ang lalaking ito. Tanggap ko na kahit poor lang siya. In fact, ay tinanggap ko na nga rin na kahit papaano ay friends na kami at contract husband ko na siya. And so what if he was employed as maintenance here at Vitale Resort? At least, marangal naman ang trabaho niya, and he was not like the other guys na irresponsible and tambay lang.
Kaya lang, 'yong pagiging mulala niya talaga ang hinding-hindi ko matatanggap!
"You know what, kulang ka siguro sa bakuna noong bata ka." Ginaya ko ang pagsuri niya sa akin kanina. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "You're tall, not so dark... sakto lang-"
"And handsome?" putol niya naman sa akin.
"Sino naman ang nagsabi na handsome ka?" balik-tanong ko. "Pero, ayon nga... mulala ka! Wala talagang niluto si Lord na perpekto."
"Hoy, maraming nagsasabi na saksakan ako ng guwapo. Saksakan ng macho. Saksakan ng sex appeal-"
"E kung saksakin kaya kita ngayon!" Nilampasan ko na siya at lumakad na pabalik sa banyo.
Hindi matatapos ang walang kuwentang diskusyon sa pagitan namin ni Leon kung hindi pa ako magkukusang mag-walk out! Hindi rin kasi siya papatalo at lagi rin may pangontra sa lahat ng sasabihin ko.
Pero bago ako tuluyang pumasok sa banyo ay muli ko siyang nilingon. "Leon!"
Walang pakialam na humarap naman siya sa akin, "O?"
"Thank you ulit sa napkin ha, di bale, babayaran naman kita." I pouted my lips. "Unang araw pa lang ng trabaho mo, napasabak ka kaagad sa problema ko. Paano pa kapag tunay na problema na?"
"Eh, anong ginagawa ko? Display?"
I didn't expect that he would say that. Ang mga labi ko ay napaawang sa kanya.
But then, biglang nakakaloko na nginisihan niya ako.
"Alangan naman pabayaan kita, e mag-asawa tayo."
*******
Tumayo na ako at naghanap ng damit na pamalit. Hindi ko magets kung bakit binigyan niya ako ng tuwalya. Samantalang naligo naman na ako kanina, tapos mag-swimming daw kami. So? Anong use ng tuwalyang ito, aber?Napagpasyahan kong ang kulay purple kong pajama at medyo light purple na maluwang na sando na lang ang aking isusuot. Wala akong balak na mag-swimming. Isa pa, may mangilan-ngilan pang naliligo at tila nagde-date sa beach. After I changed my clothes, I borrowed Leon's spare slipper and went outside. Iniwan ko na ang towel na inabot niya kanina. Tutal, malapit lang naman sa beach ang bahay niya.Habang naglalakad ako palapit sa tila nakahigang coconut tree kung saan nakaupo si Leon, ay damang-dama ko ang lamig ng ihip ng hangin. Ang payapa ng isla. Wala akong ibang naririnig kundi ang masayang kantahan ng magkakaibigan o pamilya sa mga cottage. Halakhak ng mga kabataan at magkasintahan na naghahabulan sa pinong buhangin. At ang payapang hampas ng mga alon sa batuhan.I inhaled
ANG INIT NG PALAD NIYA.Ang haba rin ng mga daliri na nakakapit sa akingpulso. Malakandila, natalo pa ang mga daliri ko kahit na nga ba maintenance siya sa resort na ito. Kung may magagamit lang talaga ako, hindi ako papayag na hindi ko siya malalagyan ng nail polish kahit one time lang. Ang cute siguro ng nails niya lalo na kung may design na heart and star.Habang naglalakad kami, este, kinakaladkad niya ako, ay pinagtitinginan kami ng lahat. Pati mga empleyado at maging mga turista na nadaanan namin ay humahabol sa amin ng tingin. Paano ba naman kasi, mukha akong batang pinapauwi ng nakatatandang kapatid sa bahay. Sinubukan ko namang hilahin iyong kamay ko mula sa pagkakahawak niya, kaso sa isip nga lang. Mahirap na, seryoso ang sugar daddy ko at mukhang wala sa mood. Baka ako na naman ang mapagbuntunan ng stress niya. Subukan niya lang talaga!Saka niya lang binitiwan ang kamay ko nang nasa mismong lobby na kami ng hotel, kung saan naroon si Gema. Ang receptionist na ngayon ay t
"Kinilig ka naman!"Kung kanina ay medyo naguguluhan at nagulat pa ako sa mga sinasabi niya, ngayon ay napalitan na ito ng inis. Makakatikim talaga ng mag-asawang black eye sa akin ang lintek na lalaking 'to!Mabilis akong kumandong sa kandungan niya at humarap sa kanya. Sinakal ko na rin ang leeg niya ng manahimik na pareho ang buhay naming dalawa."Alam mo, ikaw, kung hindi lang kita kailangan, matagal na kitang ginilitan ng leeg!" Mas diniinan ko ang pagkakasakal sa leeg niya, pero parang baliwala lang sa kanya.Sa halip na mainis ang baliw na lalaki ay nginisihan pa ako. Mariin niya ring hinawakan ang magkabila kong baywang at pilit akong pinipigilan."Don't move!" aniya, na ngayon ay medyo seryoso na. Namumula na rin ang mukha niya, kaya naman bahagya kong niluwagan ang kamay kong nakasakal sa leeg niya. Baka kasi matuluyan, kargo ko pa."Ano? Suko ka na?" Baliwalang singhal ko naman."I said don't move, or else you'll be sorry!"My brows furrowed and look at the thing he was sta
Pagkatapos kumain ay tumulong ako sa paglilinis ng mesa. Siya ang naghuhugas ng mga pinagkainan habang ako ang nagpapatuyo at naglalagay ng mga plato, kubyertos, at baso sa lalagyan. Nang makatapos siya sa lababo ay pinanood niya ako sa ginagawa ko.Pilit ko siyang ini-ignore, kaya lang ang hirap. Nang tingalain ko siya para sawayin ay nagulat ako nang bigla naman siyang yumuko para bigyan ng mabilis na halik ang aking nakaawang na mga labi. Natulala ako."Sorry, ngayon lang ako nakakuha ng tamang tiyempo. Nawala na kasi sa isip ko yung 'you may now kiss the bride' noong kinasal tayo."Nang makabawi ay inirapan ko siya. "Quits na tayo. Isang halik katumbas ng isang buwan mong suweldo! Tsaka ikaw na ang tumapos nito, tutal ikaw lang naman ang kumain!"Binitiwan ko ang malinis na basahan. Kinuha naman niya iyon at ngingiti-ngiti pa rin nang ituloy ang aking iniwang ginagawa. "Huwag ka munang umalis. Hintayin mo ako. Para naglalambing lang, ang KJ mo naman!"Umismid ako pero hindi naman
CASH ADVANCE?Kunot ang noong nakatitig ako sa kanya. Never pa akong nakakita ng lalaking talagang nakalahad pa ang kamay at humihingi ng cash advance sa akin. Meron man, yon ay tanging si Leon lang. Siya lang yata talaga ang lalaking namumukod-tangi at saksakan ng kapal ng mukha! Tigas din talaga ng panga!"Alam mo ba kung anong oras na?" tanong ko sa kanya. Nagpipigil ng galit at napapabuntong-hininga."Alas dose pasado ng tanghali," walang pakialam namang sagot niya. "Wrong!" Sinipat niya ang kanyang relo bago muling tumingin sa akin ng nagtataka. "Oras na para gilitan ka ng leeg at manahimik ka ng lintek ka! Ang aga-aga, pera agad ang ibubungad mo sa akin. Nakakamalas sa buhay ang magpalabas ng pera sa umaga!"I was about to punch him but he grabbed my wrist and immediately pushed me to the door. "Alam mo, ikaw, ang liit-liit mong tao pero napakatapang mo!" He pinned my arms at the top of my head and lowered his face toward me. "Kung patayin kaya kita sa halik ngayon… may magaga
"Where are we going?!"Matapos ang eksenang yakapan at pag-iiskandalo ko kanina sa Information ay halos kaladkarin ako ni Leon papasok sa elevator. He pressed the 3rd floor and patiently waited for the door to open. Dahil siguro matagal na siyang nagtatrabaho rito sa Vitale Resort ay alam na alam niya ang pasikot-sikot sa hotel at may access din siya kahit sa mga restricted area."Hey! Saan tayo pupunta?" muli kong tanong ng hindi niya ako pinansin kanina."Magpapakasal," baliwalang sagot naman niya at muli akong hinawakan sa aking pulsuhan bago hinila palabas ng walang ka-care-care ng bumukas ang elevator."Teka sandali!" Marahas kong ipinigkas ang kamay kong hawak niya at itinuro ang nakasarang pinto na may nakalagay na VIP Room. Alam na alam ko ang silid na 'yon! "Are you nuts?! Magpapakasal tayo riyan sa VIP Room na 'yan? I've been inside that freaking VIP Room before and got interviewed by that COO, who failed me without the blink of an eye! Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang







