Share

Chapter 10

Kaybilis lumipas ng panahon. Hindi na rin mawari ng kanilang puso kung paano nila ipinagpatuloy ang buhay na magkalayo.

Buntong-hiningang humakbang si Rothus sa sementeryo. Hindi niya naiwasan ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata kasabay ng kanyang paghakbang patungo sa loob ng musoleo.

Ngunit natigil siya sa pahakbang nang mabungaran niya sa loob ang isang babaeng nakatayo sa harap ng puntod ng kanyang ama. Nakasuot ito ng kulay dark blue na bestidang hapit na hapit sa makurba nitong pangangatawan.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mapagsino niya iyon. Kahit nakatalikod ay natitiyak niyang hindi siya nagkakamali. Kahit pa halatang nagbago na ang istilo ng pananamit nito. Nasisiguro niyang ito ay walang iba kundi ang babaeng dati siyang minahal, si Taliyah Cosme-Villaron.

"Taliyah?" Mahina niyang sambit.

Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ng babae. Agad naman itong napalingon sa kanyang gawi.

At hindi nga siya nagkamali. Sa sandaling humarap ito at nakumpir
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status