Share

Chapter 6

"My God! What happened here?" Bulalas ni Valerie dahil sa nasaksihan. Sa paligid ay nagkalat ang basyo ng alak. Nakakalat din ang mga unan at kumot sa sahig. Nakasampay kung saan-saan ang ilang piraso ng damit. Ngunit tila hindi iyon alintana ni Rothus na nakasalampak sa sahig at patuloy sa pag-inom. Muli itong tumungga sa hawak niyang beer in can na tila 'di napasin ang mga bagong dating.

"Bakit nagkaganito ang anak ko?" Gustong maluha ni Valerie sa nakikitang hitsura ni Max Rothus. Hindi maayos ang pagkakabutones ng polo nitong suot pa niya noong nakaraang araw. Mukhang miserable. Kitang-kita ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito. Magulo ang buhok nito at nagsisimula nang tumubo ang bigote nito.

"Hay naku, Madam. Mula nang umalis si ma'am Taliyah ay halos araw-araw nang ganyan 'yan."

"Taliyah,"usal ni Rothus kasabay ng pagsandal ng kanyang ulo sa gilid ng kama. 

"Sa tuwing malalasing siya ay walang isang ibang bukambibig kundi si ma'am Taliyah. Hindi ko na rin alam kung ilang ulit ko na ba siyang sinabihan na iniwan na siya ng misis niya."

Buntong-hiningang lumapit si Valerie sa kanyang anak. Marahan nitong kinuha ang hawak nitong beer habang ito ay nakapikit. Naging dahilan naman iyon upang magmulat ng mata ang lalaki.

"Give that to me!" Suminok ito. Nagtangka itong agawin ang alak na hawak ng sopistikadang Ginang ngunit mabilis namang naiiwas iyon ni Valerie. Awtomatiko niya iyong iniabot sa katulong.

"C'mon son, please stop this. Fix yourself. This is not you anymore, Hijo."

Kumurap-kurap naman si Rothus at ilang sandaling tumitig sa kanyang kaharap na para bang kinikilala niya ito.

"Mom?"

"Yes, Hijo. It's me." 

Buntong-hininga namang bumalik sa pagkakasandal si Rothus.

"What are you doing here, mom?"

Ginagap naman ng Ginang ang pisngi ng kanyang anak. 

"You think I am not updated on what's happening here. I am your mother, Hijo. At kahit busy ako at nasa malayo, hindi ako magdadalawang-isip na puntahan ka. Especially now that your Dad is gone."

Muli na lamang napabuntong-hininga si Rothus. Marahan nitong inalis ang kamay ng kanyang ina sa kanyang pisngi. 

"Hindi ka na dapat nag-abala, mom."

"Hijo." Usal ng Ginang. Tila humapdi ang kanyang puso dahil ramdam niya ang malayong loob ng kanyang anak. Hindi naman niya ito masisi dahil nasanay siyang mas kasama ang ama nito. 

"You can go back to Australia, Mom. Don't worry about me, I can manage myself."

"Babalik lang ako, Hijo kapag inayos mo na ang sarili mo. At tama ba ako ng rinig kanina? Hinahanap mo si Taliyah. If you want your wife then get up and win her back, Hijo. Huwag mong ubusin ang oras mo sa paglalasing."

Hindi naman umimik si Rothus sa halip ay muli lamang itong kumuha ng panibagong beer.

"Please tama na ang inom, Hijo." Sinubukan agawin ni Valerie ang kanyang hawak ngunit hindi siya nagtagumpay nang iiwas ni Rothus ang kanyang kamay.

"Hay naku! Walang mangyayari kahit araw-araw kang uminom, anak. Hindi niyan magbabago ang katotohang mahigit isang buwan nang wala ang asawa mo rito sa bahay."

"Cedes is right, Hijo."

Nagbuga naman ng hangin si Rothus. 

"I just can't understand, mom. How can she do that so easy?"

Bago pa makaimik si Valerie ay nagsalita ang katulong.

"Hay naku! Kasi naman lumabis nang husto sa pananakit mo sa kanya. Aba eh, ginugulpi mo na nga, nambababae ka pa. Kung mayroon ka mang dapat sisisihin sa pag-iwan niya sa'yo, iyon ay walang iba kundi ang sarili mo."

Napabuntong-hininga naman si Valerie. 

"Nasabi sa'kin ni Marcus ang ginagawa mo, Hijo. I'm sorry but I'll agree again with Cedes. You know what, hindi tama na tratuhin mo ng gano'n si Taliyah."

Tila problemado namang sinapo ni Rothus ang kanyang ulo.

"Yeah right. Kasalanan ko."

Muling bumalik sa pagkakasandal si Rothus. Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang mapigilan ang sarili sa pagluha. Ngunit sa kanyang pagpikit ay dumaloy sa isip niya ang isang alaala. Alaalang nangyari tatlong buwan bago siya ikasal.

"Wear your clothes, Althea." Napaawang ang labi ng babae sa tinuran nito. Natigil ito sa tuluyan niyang paghubad ng kanyang suot.

"Are you rejecting me, Max?" Gumuhit ang pagkapahiya sa mukha nito. 

Sa halip naman na umimik si Rothus ay lumapit siya sa babae. Iniayos nito ang damit ng babae. Lalong napakahiya si Althea nang itaas ng lalaki ang zipper ng kanyang bestida.

"Hindi mo kailangang ibaba ng ganyan ang sarili mo, Althea."

Napakasopistikada nito sa suot nitong kulay pulang bestida na mayroong slit. Luwa din ang malusog nitong dibdib sa plunging V neck na disenyo ng damit. Ngunit tila nagmukha lamang siyang ordinaryong babae sa paningin ni Rothus.

"Ikaw ang may gusto na pakasalan ako tapos hihiyain mo ako ng ganito?" Nagpupuyos nitong wika.

"Correction, it's your father who insisted."

Totoo naman iyon. Nang ipagkasundo siya ng kanyang ama ng kasal ay pinapili niya ito sa dalawang anak ng kanyang kumpadre. Nagkataon naman na hindi siya nahirapang pumili dahil naging school mate niya ang dalawa noong nag-aaral siya ng kolehiyo. At walang alinlangan niyang pinili si Taliyah. Larawan ito ng simpleng babae. Ang bilugan nitong mga mata na tila punong-puno ng kainosentehan. Saktong lang ang tangos ng ilong nito at ang makipot na mala-rosas nitong labi. Natural na ganda ang taglay ni Taliyah. Ngunit ipinagpilitan naman ni Gordon Cosme na si Althea ang dapat niyang pakasalan. Every detailed of the wedding is planned. Ngunit hindi siya papayag na hindi niya pakasalan ang gusto niyang bride. 

"What?" Namula ang mukha ni Althea. Mukhang lalong itong napahiya sa kanyang tinuran.

"Hindi talaga ikaw ang dapat kong pakakasalan kundi ang kapatid mo, Althea. She's far better than you. Mas bagay niyang maging ina ng mga anak ko. Mas bagay sa kanya ang apelyidong Villaron."

Mariing nagdikit ang labi ni Althea na pulang-pulang dahilan lipstick.

"How dare you, Max!" Gigil nitong wika.

"I am just stating fact, Althea."

"And do you think, ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa sa'yo, Max?" Tumikwas ang plakado nitong kilay. "No way! Baka nga wala kang alam sa kama. You want Taliyah? Sige! Pakasalan mo siya! I*****k mo siya sa baga mo!" Nagmartsa ito paalis at pabalibag na isinara ang pinto. Nang sandaling sumara ang pinto ay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Aniya, nagtagumpay siya sa gusto niyang gawin. Pakakasalan niya ang babaeng hindi itinago ang paghanga sa kanya noong sila ay nag-aaral pa. Walang iba kundi si Taliyah Cosme.

Nang muling magmulat ng mga mata si Rothus ay nahulog ang kanyang luha.

"I was dissapointed, Mom."

"Hijo." Gumuhit ang awa sa mga mata ng Ginang. Agad nitong pinunas ang luha ng kanyang anak. 

"Nadisappoint ako dahil mali ako ng pagkakakilala kay Taliyah. Nakilala ko siya bilang babaeng pinapangalandakan na mahal niya ako pero kahit kailan hindi nag-first move. Tingin ko sa kanya, isang babaeng disente. Pero sa isang iglap nasira ang tiwala ko sa kanya."

"Pero hindi iyon sapat para mamuhi ka sa kanya nang labis, Hijo."

"Hindi lang naman kasi gano'n iyon, mom. I was hurt. I felt like I was betrayed. Akala ko ba ako ang first love niya? Pero bakit iba ang nakauna sa kanya?"

"Hijo, we are already in the modern days."

"Mom! It matters to me!"

"Alright. Virginity is very important. Pero kasi Hijo, hindi naman iyon ang sukatan ng pag-ibig. Love is about acceptance, Hijo. Gaya nang kung paano ako tinanggap ng Daddy mo. I was a battered wife before. Your Dad saved me from misery. Tinanggap niya ako kahit hindi siya ang una sa buhay ko. Tinanggap niya ako at tinulungang magsimula ng mas magandang simula."

Nang hindi umimik si Rothus ay nagpatuloy si Valerie.

"Hindi rin sapat na dissapointed ka para lang saktan mo si Taliyah. Coz for so many times, I also dissapointed your Dad. Hindi ko nagampanan ang role bilang isang mabuting asawa at ina sa'yo. Naging abala ako sa pag-abot ng tagumpay. Pero kahit kailan ay wala akong marinig sa Dad mo. Kahit kailan ay hindi niya ako sinaktan."

"Because I thought, it's the best way to show an authority over her, mom. Akala ko kapag takot siya sa'kin, matatakot siyang iwan ako at ipagpalit sa iba."

Nangunot ang noo ng Gianng.

"Ipagpalit sa iba? Bakit? May kapalit ka na ba, Hijo?"

"I saw Marcus with her, mom."

"At hahayaan mo bang mahuli ang lahat? Susuko ka na lang ba?"

Muling tumungga ng alak si Rothus. Gumuhit rin ang sakit sa mga mata nito kasabay nang pagbitaw niya ng salita.

"They look happy, mom. I never saw Taliyah smiling like that."

Napabuntong-hininga naman si Cedes na abala sa pag-aayos sa loob ng silid.

"Mawalang-galang na pero sasabat ako, Madam."

Awtomatiko namang napabaling ang mag-ina sa kanya. 

"Alam mo, 'nak, hindi mo talaga siya makikitang ngumiti dahil wala ka nang ibang ginawa kundi saktan siya. Kahit man lang sana magpakaama sa anak ninyo ay hindi mo ginawa."

Hindi na lamang kumibo si Rothus. Aniya sa sarili, mas maigi na rin sigurong limitado ang alam ng matandang katulong.

"Pero hindi pa huli ang lahat. Bawiin mo ang mag-ina mo at ayusin mo ang dapat ayusin. Right, Cedes?"

Tumango naman ang katulong bilang tugon.

"No, Mom. If I'll do that, for sure, Marcus will laugh at me."

"Hay naku! Ang pride nga naman." Naiiling na nagpatuloy si Cedes sa kanyang ginagawa.

Napabuntong-hininga na lamang si Valerie.

"You know what, I believe na mas maigi nga sigurong hayaan mo na lang siya." Tuluyan itong tumayo sa pagkakaupo. Dismayado siyang napailing dahil sa taas ng pride ng kanyang anak. "For sure, your cousin will take care and love them truly."

Ngunit tila naman hindi natibag ang puso ni Rothus.

"Yes, mom. Siya ang umalis! Siya rin ang babalik!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status