Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View
“Ma’am Katherine,” tawag sa akin ng katulong nang ako ay makalabas sa kuwarto. Simula nang pirmahan ko ang kontrata kahapon, hindi na ako pinayagan ng lalaking ‘yon na lumabas sa mansion niya. Hindi ko rin siya nakikita magmula nang magkita kami sa office niya, pero alam kong busy ‘yon sa pagtatrabaho. “Kain na po kayo,” sambit ng katulong. Alas otso na nang umaga. Paniguradong wala na siya ngayon sa mansion niya. ‘Yon ay kung tama ang aking hinala. “Nasaan siya?” tanong ko para lang makasiguro. “Sino po?” tangkang tanong ng katulong. Umigting naman ang aking panga, dahil sa kaniyang naging tanong sa akin. Kung makapagtanong kasi siya, parang hindi niya kilala ang boss niya. Inilihis ko ang aking mga mata, at nagsimulang maglakad nang mabagal. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin, pero hindi ko na masiyadong pinagtuunan nang pansin. “Sino ba ang boss mo?” malamig na tanong ko sa kaniya. “Kung si Sir Rinzivillo po ang tinutukoy mo, nasa trabaho na po siya.” Apelyido niya ba ang Rinzivillo? Very Italian kasi. Hence, I don’t care. Bahala na lang siya, dahil wala naman akong balak na kausapin siya kung magkita kami. Habang naglalakad ako pababa ng hagdan, isang may edad na lalaki naman ang sumalubong sa akin. Parang hinihintay talaga ang aking paglabas sa kuwarto. Tumango naman siya sa maid na nasa likod ko nang mapansin na tumigil ako, habang ang sumundo naman sa aking katulong ay mabilis na umalis. “Ma’am Katherine,” bungad ng lalaki nang tumigil ako sa may hindi kalayuan sa kaniya. “Good morning po.” “Good morning,” tipid na sambit ko, dahil hindi ko talaga alam ang dapat kong sabihin. Kaysa naman magmukhang suplada, binati ko na lang siya pabalik. Ayaw ko rin naman kasing maging bastos, dahil nasa mansion ako mismo ng lalaking mapapangasawa ko. “Bilin po ni sir na maghanda raw po kayo sa mga susunod na araw, dahil pagpaplanuhan niyo na raw po ang kasal,” paliwanag niya na ikinaangat ng aking kilay. Kaagad? Ni hindi pa nga umaabot nang ilang linggo ang pagkakikilala namin para umabot kami sa ganitong klase ng buhay, eh. Alam ko naman na nagawa kong pirmahan ang kontrata, at wala ring nasabing araw kung kailan kami ikakasal, pero ang bilis yata. Preparation na kaagad ng kasal namin. “Bakit ang bilis?” nalilitong tanong ko, pero nginitian lang ako ng lalaki, at kaagad na iginaya papunta sa dining area. Hanggang ako ay matapos kumain, nanatili lang akong tahimik, at pilit pinoproseso ang tungkol sa sinabi niya sa akin. Ang weird lang kung tutuusin. Agad-agad kaming magpaplano? Hindi man lang niya muna ako kikilalanin? Bumuga ako ng hangin, habang nakaupo sa upuan, at humihigop nang mainit na kape. Nakatitig lang ako sa magandang tanawin dito mismo sa balcony. Naririnig ko ang iilang huni ng ibon, at kung tutuusin ay miss na miss ko na ang pagbabakasyon. “Ma’am Katherine,” aniya ng lalaking may katandaan. Feel ko ay isa siyang butler. Hindi nga lang ako sigurado sa bagay na ‘yon. Hindi ako nagsalita, pero alam kong alam niyang narinig ko siya. “Ang sabi ni sir ay pupunta raw kayo sa office niya,” paliwanag niya na ikinatigil ko. “Pupunta ako sa office niya?” nalilitong tanong ko, dahil hindi naman ako sigurado kung tama ba ang pangdinig ko. “Saang office?” “Sa company po niya,” sagot naman kaagad sa akin ng butler na nagpasinghap sa akin. Wala akong masiyadong damit na magarbo. ‘Yon bang formal kung sakali na pupunta ako sa kaniyang office? Hindi ko naman kasi inaasahan na rito na ako matutulog. Nagbigay man sila ng damit, eksakto lang ‘yon para sa isang linggo. Kaya ano ang susuotin ko kung pupunta ako roon? “Hindi ba puwedeng kausapin na lang niya ako thru call?” umaasang tanong ko, kahit alam ko naman na imposible. “Saglit lang naman daw po, saka may mga damit na po sa kuwarto niyo kung sakaling kulang po ang damit niyo, at wala kayong matipuhan na suotin,” paliwanag niya na para bang alam na kaagad kung ano ang aking problema. “Thank you.” Nang makarating ako sa company niya, mabilis akong hinatid ng mga bodyguard papunta sa elevator. Nakipag-usap na rin ang isang bodyguard sa front desk, dahil ramdam ko ang paglingon nila sa akin. Para bang nagtataka sila kung bakit dire-diretso ako sa paglalakad. Well, sinusundan ko lang naman ang bodyguard ko. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating din kami sa isang magarbong pinto, at sa tabi ng pinto ay isang lalaki. Paniguradong secretary niya ‘to. “Miss Von Schmitt?” Tumango naman ako, at ngumiti. “Yes.” “Pasok na po kayo sa loob ng office ni sir,” saad niya, at sinamahan pa nang ngiti. Tumango naman ang bodyguard, habang ako naman ay nagpasalamat sa kaniya. Kaya nang buksan ng bodyguard ang pinto ng office ng lalaking mapapangasawa ko, nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko. Makikita ko na naman kasi siya pagkatapos nang mahaba-habang oras na hindi ko siya nasisilayan. Kinakailangan ko tuloy pakalmahin ang puso ko, dahil nakararamdam ako nang nerbyos. Pagpasok ko, hindi ko napansin ang interior ng kaniyang office, dahil kaagad kong nahanap ang kaniyang mga malalamig na mata na nakatingin sa akin. Halatang inaabangan ang aking pagdating. Hindi sumunod sa akin ang mga bodyguard ko, kaya naman nagseryoso ako, at kaagad na nagpunta sa bakanteng upuan na nasa harapan ng kaniyang desk. Nakatingin lang siya sa akin, at parehas kaming hindi nagsasalita. Kaya medyo ang awkward, dahil pinapanood niya ang paggalaw ko, hanggang sa makaupo ako. “Pinapatawag mo raw ako,” bulong ko, at sapat na ‘yon para marinig niya. “Yes, Miss Von Schmitt,” pormal nitong wika. Kaya napalingon ako sa kaniya, at wala sa sariling naging pormal din. “What is this all about, mister?” He smirked. “I haven’t introduce myself to you, Victoria.” I stiffened when he called me by my name. Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon ko, pero sigurado ako na kumakabog nang malakas ang puso ko, at nabibingi ako. “I’m Saverio Niccolo Rinzivillo.”Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewWala sa sarili kong naibaba ang aking mga mata sa pizza na nasa harapan ko. Tinamaan kasi ako nang hiya. Aminado akong mali talaga ang ginawa ni Saverio kung gayon na puwede namang siya ang mag-take over ng business ko para hindi lumala ang mga nangyayari.Ngunit tutuusin naman, hindi ko alam na ibinenta ako ni Daddy sa isang drug lord, at hindi rin naman nila alam ang bagay na ‘yon.“We don’t have any idea what was happening before. Now that we had the information we need, it’s time for us to make a move.”Napatingin ako kay Saverio nang sabihin niya ‘yon, at dahil katabi ko lang naman siya, napasulyap siya sa aking gawi. Siguro ay naramdaman niya ang aking mga mata, pero ang problema lang ay bumaba ang kaniyang tingin sa pizza na nasa aking harapan.Kumunot ang kaniyang noo, at parang nakalimutang nasa meeting siya. Maging ako rin ay parang hindi ko naramdaman ang mga presensya ng aming mga kasama ngayon.“How many slice of pizza have y
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Actually, I saw the laser. It was a bit weak, but still noticeable, because it was already dark. It was about two kilometers away from our headquarters. I wasn’t sure where did they point the sniper, so I tried to observe until the laser remained on the same spot,” Saverio said.Nasa isang emergency meeting kami ngayon. Since gusto ni Saverio na pag-usapan ang nangyari kanina, nagpunta kami sa isang conference room.“That’s when I realize that they point the sniper in my room,” Saverio added.Tumahimik ang paligid matapos niyang ikuwento ang nangyari. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na ganoon ang mangyayari sa akin. Imagine, gusto ko lang naman na panoorin ang city lights, pero ganoon na kaagad ang nangyari?Idagdag pa ‘tong nakauwi na pala si Saverio, at hindi man lang nagpakita muna sa akin. Talagang hinintay muna niyang may mangyaring masama akin bago niya gawin ‘yon.“Our glass windows are bullet-resistant, and I’m also sure t
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewNakatitig lamang ako sa magandang tanawin na makikita bintana, habang sumisimsim ng kape. Ganito na ang nakagawian ko sa ilang linggo ang lumipas since hindi naman puwedeng umalis. Mahigpit pa rin sila sa akin, dahil hinihintay nila ang pagbabalik ni Saverio.Kapag kasi nandito siya, hindi nila kaya kami kayang atakehin. Marahil ay takot sila kay Saverio, o hindi kaya ay humahanap lang talaga sila ng tiyempo. Kaagad ko namang nilingon ang earpiece na nasa ibabaw pa rin ng mini drawer na malapit sa kama. Huling pag-uusap namin ni Saverio ay no’ng kararating lang niya roon. Hindi na kailanman nasundan. Gusto ko nga sana siyang kausapin, pero ano ang sasabihin ko? Wala naman akong problema masiyado rito kung hindi ay ang pagka-bored lamang. Wala akong makausap, eh. Lahat naman sila ay busy, at hindi rin naman kami close para guluhin ko.Kung si Saverio naman ang kauusapin ko, baka makaistorbo pa ako. Business trip ang ipinunta niya, pero
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Bakit wala na silang natagpuan doon?” tanong ko kay Francesco.Nagkaroon kami ng kaunting kamustahan ni Persephone. Napag-alaman ko rin na busy si Nohaira. Kaya nga hindi ko siya nakausap, pero nag-reply naman siya sa message ko.Medyo may katagalan nga lang ang pag-uusap namin ni Persephone, dahil may mga itinanong lang ako tungkol sa business ko. Wala kasi akong masiyadong balita, pero thankfully, chini-check ni Persephone ang business ko kahit na busy naman siya sa sarili niyang business.“Ito ba ‘yong sinasabi mo sa akin na naayos na nila kaagad?” tanong ko sa kaniya.Nakatingin na siya ngayon sa akin, at madilim ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero hindi ako natatakot. Sanay na ako kay Saverio knowing na siya pa ang General nila, eh.“Yes,” sagot naman nito kaagad, at bigla na lang tumayo.Nakapamulsa siya, at nakatitig sa akin nang malamig. Ni hindi ko man lang mabasa sa kaniyang mga mata ang mga emosyon d
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Organization ba ang brotherhood niyo?” tanong ko kay Francesco.Nasa office ako ngayon ni Saverio, at kung gutom man ako, may nagbibigay naman ng pagkain. Hinahatid pa nga mismo rito sa office ni Saverio, eh.“Sort of.”Kumunot ang aking noo sa kaniyang naging sagot. Hindi ba siya sigurado?“Since we’re a large member group, yes.”“Bakit niyo ‘to binuo?” tanong ko sa kaniya.I honestly had an idea about it, pero hindi ako sigurado, at gusto kong marinig mismo sa kaniya ang bagay na ‘to. I know I shouldn’t be digging for information. Kung ayaw niyang sabihin sa akin, maiintindihan ko naman. It’s just that, hindi ko na kasi talaga mapigilang magtanong sa kaniya, dahil naguguluhan na ako.Ilang araw na akong nandito, at hindi na kami umaalis pa, dahil baka mamaya ay sugurin na naman daw ako. Mas mabuti raw na nandito ako sa headquarters nila para wala silang maging rason para sugurin ako lalo na ngayon na wala si Saverio.Kinailangan nilang
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewTumagal ang meeting nang apat na oras. Doon na rin kami kumain ng dinner, at wala ni isa sa amin ang lumabas.Balak ko na nga sanang matulog, dahil hindi talaga kaya ng utak kong i-process ang lahat ng nangyayari, eh. Puno na kasi ‘yong utak ko ng mga impormasyon, pero ang tumatak talaga sa isipan ko ay ang flight attendant.Kaya pala mabilis lang siyang nakapasok roon, at hindi sila aware na may nakapasok na kalaban. ‘Yon pala, nagpadadala sila ng mga agent.Napahawak ako sa aking sintido nang mapalingon ako sa earpiece ko. Nakapatong ‘yon sa mini drawer na nasa tabi lamang ng kama ni Saverio.Dito raw kasi ako matutulog since fiancé ko naman na raw siya—sa kuwarto ng office niya. At first, ayaw ko sang magpunta rito, dahil dito nga namin nagawa ni Saverio ‘yon.Akala ko kasi ay biglang babalik sa utak ko ang mga nangyari, pero hindi. Mali ako. Puro problema lang ang pumapasok sa utak ko ngayon. Magmula sa hinabol kami, hanggang sa nalam