Share

Republic Act No. 8353

“Rape is one of the most terrible crimes on earth and it happens every few minutes. The problem with groups who deal with rape is that they try to educate women about how to defend themselves. What really needs to be done is teaching men not to rape. Go to the source and start there.” - Kurt Cobain

“manahimik ka!” nagagalit na sabi ng katulong at sinampal sa mukha ang bata. Nilagyan nya ng packing tape ang bibig nito. Ang batang lalaking na nasa tabi ng batang mukhang manika ay napakuyom ang kamay sa galit ng masaksihan iyon. Nagpupumiglas sya ngunit balewala lamang dahil sa mahigpit na tali na nakapalibot sa kanyang katawan.

Naiiyak ang batang babae na nakatingin sa katulong, napaiwas sya ng mukha ng ambang sasampalin sya ulit, na hindi nangyari dahil bigla itong sipain ng kakambal nya. Napamaang ang katulong roon at sasabunutan nya sana ang batang lalaki bilang ganti ng mapatigil sya s amalakas na pagbukas ng pinto. 

“Master” natatakot na tawag nya sa lalaking dumating. Yumuko ang nasabing katulong rito bilang paggalang. Tila bigla itong naging isang maamong tupa, kaiba sa ugaling pinakita niya sa mga bata. 

Ngunit matatalim na tingin ang sumalubong sa kanya, nagaapoy ang malamig na kulay tansong mata ng lalaki. 

“Who told you to hurt them?” malamig na sambit nito na nagbigay kilabot sa lahat ng nasa loob. Ang batang lalaki ay kuryosong napatingin sa lalaking dumating bago mabilis na lumipat ang tingin sa kakabal ng lumingon ang lalaki sa kanya.  

“Master, amh-ahh wala po”

Ang umiiyak na batang babae ay napatigil ng maramdam nya ang maliliit na daliri ng kakambal na dahan-dahang sumakop sa maliit nyang kamay. Sa pagkakataong iyon, kahit na nasa gitna sila ng ganung sitwasyon ay nakaramdam sya ng kaginhawaan. 

“Leave them, the other kids are coming. Call your boss”

“Yes master” agarang sagot ng nasabing katulong. 

Sumenyas ang lalaki sa kanyang tauhan na agad naman nilang nakuha. Tinanggal nila ang tape na nakalagay sa bibig ng mga bata. Inalis rin nila ang tali na mahigpit na nakapalibot sa mga ito. Pagkatapos kanya-kanya silang pumunta sa apat na corner ng warehouse. Lumipas ang mga minutong nakatitig ang master sa kambal hanggang sa napagdesisyunan nitong tumalikod at maglaho na sa paningin ng mga bata. 

Agad na lumapit ang batang lalaki at niyakap ang kakambal. 

“Shin-shin, natatakot ako” nangangatog na mahinang bulong niya sa kakambal. Hinimas ni Shin ang likod ng batang babae para pakalmahin sya.

Hindi nila alam kung paanong ang mabait nilang katulong ay biglang naging ganun. Nakita na lamang ng kambal na pasekretong umakyat ang katulong sa 4th floor, kung saan naroroon ang kwarto ng mga magulang nila. Kaya naman nang isusumbong sana nila ito sa mga nakakatandang kapatid ay napigilan sila ng katulong. Ngayon nagising na lamang sila na nakatali sa gitna ng warehouse. 

Napabaling ang atensyon ng kambal sa harapan ng may mga nagpasukan na nakaitim na tauhan, katulad sila ng mga taong nagbabantay sa bawat haligi ng warehouse. May bitbit silang mga bata, karamihan ay walang malay, ang ilan ay tahimik na umiiyak at ang iba ay nagwawala, humahagulgol sa takot at tila nalilito sa mga nangyayari. 

“Hindi ba kayo tatahimik!?” sigaw ng isang kakapasok lang na lalaki. Mayroon din itong tansong mata pero kaibahan sa lalaking nauna. Wala itong takip sa bibig, kaya malayang nakikita ng mga bata ang kanyang mukha.

“Give me back to my family! You bad guy!” Singhal ng isang blonde na batang babae. Napalingon ang kambal roon at sinesenyasan itong tumahimik ngunit makulit ang bata.

“You’re going to prison! Just wait! The cops will find me!”

“Huh, bata… bago pa makarating yang sinasabi mo, naibenta na kita!”

“Huh? what are you talking about! speak English! I don’t understand you”

Napatampal ang batang mukhang manika sa noo nya ng marinig yun. Napapikit na lamang sila ng tumalsik ang blonde na batang babae sa malakas na sampal sa kanya ng lalaking bagong dating.

Kaya naman natahimik ang lahat at tanging pag-iyak ng batang blonde ang maririnig sa paligid. Ang iba ay pigil hiningang natatakot sa nasaksihan, tahimik na lumuluha at nagdadasal na sana maligtas sila ng kanilang mga magulang.

Ang kamay ng batang babae ay mahigpit na napahawak sa braso ng kanyang kakambal. Umiiyak na rin ang batang lalaki sa nasaksihan. Hindi nila alam kung anong mangyayari sa kanila, pero isang salita lang ang nasa isip nila ngayon. 

‘Help’

Napabalikwas ako ng bangon sa panaginip kong iyon.

Sampung taon na ang nakakalipas at sa unang pagkakataon, napanaginipan ko ang nangyari sa nakaraan. Hinilamos ko ang aking kamay sa mukha at nakaramdam ng pagkahilo. Unti-unti luminaw ang aking isipan at naalala ang nangyari kanina lamang. 

Office. Ivory. Parking lot. Car. 

Napalingon-lingon ako sa paligid habang binabalikan ng isipan ko ang lahat ng nangyari kanina. Ngunit dahil sa hilo at kakaunting ilaw na hatid ng lamp shade sa aking gilid hindi gaanong malinaw ang aking paningin. 

Where am I?

Nagsisimula ng manukob ang takot sa aking dibdib. 

Tatayo na sana ako ng may narinig akong kumalansing. Binasag nito ang katahimikang namumukod sa loob ng madilim na kwarto. I look at my feet. A chain on my ankle locked me in the bed. I release a shaky breath in fear. Who will do this to me!? Why?

Napakagat ako ng labi para pigilan ang luhang gustong kumalawa sa aking mga mata, nang bigla akong mapapitlag sa tunog ng pagbukas ng pinto. 

“Y-you?” I asked angrily. Tama nga ako ng hinala. 

“How are you my beautiful student?” he dangerously asked and smirk. Slowly walking towards me while undressing himself. Napaatras ako sa higaan at nagaapoy ang mga matang tumitig dito. 

“What do you want from me?” matigas kong tanong sa kanya at lalong napaatras ng pumatong ito sa kama. Pagapang na lumalapit sa akin. 

“Easy, to destroy you” bigla itong umibabaw sakin at mahigpit na hinawakan ang aking magkabilang braso. Nagpupumiglas ako, sumisigaw ng saklolo at nagmamakaawa na tigilan nya ang kahangalang ito, ngunit tila bingi sya sa lahat ng hinaing ko. Tumatawang hinalikan ako ng lalaki sa leeg. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata sa takot. 

“Get off me! AHhh!! You old man!” I shouted and struggle with his hold. Napasinghap ako at sandaling natahimik ng suntukin ako muli nito sa tsyan. Napaubo ako. Iniinda ang sakit. 

Nanlaki ang mga mata ko ng may makitang dugo na umaagos sa hita ko. Takot na napalingon ako sa kanya, ngunit tanging pagtawa lamang ang nakuha ko sa lalaki. Monster....

Napakagat ako ng labi at napakuyom ng palad.

"What did you do? My--my" isa-isahang naglaglagan ang mga luha sa aking mga mata. 

No... this is not happening. I-I didn't even know.

Hilam na sa luha at nanginginig ang katawan sa takot. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa aking balat. Kaya naman pilit na kumakawala ako pero tila ang lakas na mayroon ay napupundi na. 

"You taste so divine. Ah... dapat pala matagal ko ng ginawa ito" bulong nya sa tenga ko na nagbigay kilabot sakin. Tila lasing na ang kanyang mga mata ng salubungin ko ito.

“Stop please, stop…” I hear myself beg. It sounds distance on my ears. I couldn’t recognize the mighty perfectionist Irishka anymore. 

Ang mukha nyang nalalasing sa kalibugan ay nawala. Bumalik ang galit nitong ekspresyon at matatalim na mga mata na tila nais akong patayin. “Beg me more Irishka. Damhin mo ang sakit at hirap na dinanas ng anak ko sa kapatid mo. Beg! Beg!!!” Mahigpit nitong hinawakan ang aking mukha at pinisil sa galit. 

“You—will forever be a-alone” I mocked. 

Kahit nanghihina na ako ay nasambit ko parin ang mga salitang alam kong tila patalim sa kanya. 

Galit na pabalya nyang binitawan ang mukha ko at pasabunot na hinila ang aking buhok papalapit para subukang halikan ako. Gamit ang natitirang lakas nagpupumiglas ako, iniiwas ang mukha ko sa kanya. Habang tikom ang mga labi ko.

Hanggang sa narinig ko nalang ang malakas na pagbasag ng vase at mga dugong dahan-dahang tumulo mula sa kanyang ulo, dahilan kung bakit nawalan sya ng malay at tumumba sa akin.  Gamit ang natitirang lakas, nandidiri kong itinulak ang katawan ng lalaki paalis sa ibabaw ko.

Lumingon ako sa maliit na babaeng sinususian ang chain sa aking paa.

I sighed in relief and close my eyes in prayers. Luhuan, nalilito at nagagalak. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Iminulat ko aking mga mata matapos magsabi ng pasasalamat at tumingin sa kamay nyang nakalahad sa akin.

Gamit ang nanginginig kong kamay, inabot ko ito.

“Ate, kailangan na po nating umalis dito”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status