Share

Chapter 8: Still Loving Him

One month later…

Maayos na nakuha ni Glory ang lahat ng pera at ari arian ni Enrico. Bagama't galit ang pamilya nito sa kanya ay wala silang nagawa dahil siya pa rin ang legal na asawa ni Enrico.

Napunta din kay Glory ang bahay nila ngunit ibinenta niya ito dahil mahihirapan lang siya lalo kapag dito siya tumira. Kahit saang sulok kasi ng bahay ay maalala niya lang si Enrico pati na ang mga pagmamaltratong ginawa nito sa kanya noon.

Nabenta niya ang bahay at inilagay sa bangko ang pera. Hindi niya nakakalimutan ang sinabi sa kanya ni Siobeh kung kaya't itinransfer niya na rin ang hinihingi nitong kalahati ng pera ni Enrico kapalit ng pananahimik nito. Maayos ang naging kasunduan nila.

Magaling na rin si Ralph at naka recover na. Nang gumaling ito ay mas lalo itong naging abala sa kumpanya at sa nalalapit na pinaplano nitong kasal nila ni Luz kung kaya’t kahit ganon ay mas pinili niya na lang na manahimik at wag ng ipaalam kay Ralph ang kanyang tunay na sitwasyon.

Anim na buwan na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anna Mernilo
talaga ngang Tadhana n ilapit kayo n Ralph glory ...️
goodnovel comment avatar
maldita ko
sign na yan Glory na kailangan mona ipaalam kay Ralph ang ugnayan nyo. Thank you po sa update Ms D
goodnovel comment avatar
Brenda Polido
haLA wla pa rin maalala c ralph...thank u po sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status