Share

Chapter 9

"Anong ginagawa niyo?" Ito ang naging bungad na tanong ni Marcus nung maabutan niya kami dito sa kusina.

"Wala, iniihipan ko lang yung mata niya nalagyan kase ng sabon." sabi ko dito.

Nakita ko naman ang pagtitig ni Marcus kay Levi. Pero hindi ko nalang ito pinansin at agad akong pumunta sa may cr para kumuha ng tabo. Matapos ko itong makuha ay bumalik ako sa kusina at naabutan ko sila na magkatitigan pa rin.

"Excuse." sabi ko kay marcus dahil hindi ako makadaan dahil nahaharangan niya yung daanan.

Naglagay ako ng tubig sa tabo at pinadilat ko doon ang mata ni Levi habang nakababad doon ang mata niya.

Naging okay din naman ang mata niya kaya pumunta na kaming tatlo sa sala. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala ang titigan nilang dalawa.

"Ah, Marcus si Levi, Levi si Marcus." pagpapakilala ko sa kanila sa isa't isa. Hanggang ngayon kase ay wala pa din nagsasalita sa kanilang dalawa.

"Marcus pare" pagpapakilala niya at inilahad niya ang kamay niya sa harap ni Levi para makipagkamay di
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status