Share

Kabanata 5

Author: Gailines
last update Last Updated: 2022-12-21 13:24:02

Inabot na kami ng gabi dahil sa kaniya. Sinamahan ko pa kasi siya mamili ng mga kagamitan daw na kailangan niya. Ngayon ay nandito kami ngayon sa labas ng bahay namin dahil nagpumilit siya na ihatid ako.

"Dito ba ang bahay niyo?" tanong nito saakin.

"Mm.. maliit lang ito pero masaya na kami ni mama sa bahay na ito." Nakangiti na sabi ko. Sa totoo lang ay kung papapiliin ako kung itong bahay na ito o ang bahay na tinitirahan namin noon ang pipiliin ko pa din ay ang bahay na ito.

Maliit man ay madalas kaming magkita ni mama sa bahay, madali lamang para saamin hagilapin ang isa't-isa pero kung sa dati namin na bahay parin kami nakatira ay isa sa isang linggo lamang kami kung magkita na pamilya.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko dito at naglakad na patungo sa pinto ng bahay. Hinintay niya ako hanggang sa makapasok ako dito sa loob bago siya umalis.

"Classmate mo ang naghatid sayo anak?" halos mapatalon ako sa gulat dahil kay mama, bigla bigla nalang nagsasalita sa likod ko.

"Opo ma, tinulungan din po niya ako na maghanap ng trabaho. I mean kasama ko po siya sa magiging trabaho ko if matatanggap po kami." ito ang naging tugon ko sa kaniyang katanungan.

"Aba napakabait naman pala niyang bata. Sana ay inaya mo muna na sumabay na kumain dito sa'tin." Parang pagalit pa ito dahil hindi ko inaya si Levi na kumain dito.

Katulad ng palaging nangyayare tuwing gabi ay pagkatapos namin kumain ay naghuhugas ako ng plato habang si mama naman ay nagpapahinga dahil sa kaniyang trabaho.

Ang trabaho ngayon ni mama ay ang paglalaba kung minsan naman ay may raket siya. Simula nung mawala si papa ay grabe na din ang naging hirap ni mama dahil sa mga raket nito. Wala pa siyang permanent na trabaho and sana magkaroon na siya para hindi siya masiyadong hirap araw-araw.

Sa makalipas na araw ay hindi pumalya si Levi na inisin ako at ngayon ngang araw ay ang araw kung saan kami pupunta sa coffee shop para sa interview. Napag-usapan pala namin na susunduin niya ako ngayon dahil manghihiram daw siya ng sasakyan sa kaibigan niya para hindi kami mahirapan sa pagbabyahe.

Tinignan ko ang aking relo para makita kung anong oras na, late na si Levi. Tirik ngayon ang araw dahil ang schedule namin ay 1 pm pero dapat 12:30 palang ay makaalis na kami dito pero 12:43 na ay wala pa din siya dito.

"Hello Miss, sorry late na may banggaan kase na naganap sa dinaanan ko." Paliwanag niya saakin. Pagkababa niya sa sasakyan ay pumunta siya sa pinto ng passenger seat.

Ngayon ko lang napansin na ang dala niyang sasakyan ay ferrari, what the heck? Ang alam ko ay ito ang pinaka-latest na sports car ng ferrari and ngayon ay dinadrive niya lang ito? Sino ang matinong kaibigan ang magpapahiram ng ganito na sasakyan?

"Sure ka na hiniram mo lamang ito?"

Hindi agad siya nakasagot saakin at parang natigilan ito. Ngumiti lamang siya at nagstart na paandarin ang sasakyan. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nung mapatingin siya sa akin at natigilan na para bang may narealized siya. Iginilid niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada ang tumingin sa akin.

"Bakit?" tanong ko rito.

Hindi siya sumagot bagkus ay inilapit niya ang katawan niya sa akin na para bang may inaabot siya. Doon ko lang napansin na seatbelt pala ang inaabot nito at hindi ko pala ito suot!

Medyo awkward ang pwesto namin dahil sa hanggang ngayon ay malapit pa din siya saakin. Sa sobrang lapit ay naaamoy ko ang kaniyang pabango.

"You forgot." sabi niya bago ulit umayos ng upo at nag-umpisa na ulit magdrive.

Naging madali naman ang byahe at saktong 12:50 ay nakarating na sila sa coffee shop. Ang suot ngayon ni Levi ay para siyang isang professional na abogado dahil sa mamahalin niyang suot na tuxedo. Habang ako ay 'yong luma na dress ang suot ko na kulay black, ito nalang ang natitira ko na chanel dahil ang iba ay ibinenta ko na.

Tumuloy na kami sa pagpasok. Ang ilan na costumer ay napatingin saamin dahil sa magagara naming suot. Mag-aapply ba kami ng trabaho o fashioned show ang dinayo namin?

"Wow, super pretty and gwapo naman." Bungad na compliment saamin nung manager.

Hindi din nagtagal ay nag-umpisa na ang interview, pina-una si Levi bago ako. Hindi din naman nagtagal ang naging interview sa kaniya dahil tumagal lamang ito ng 3 minutes.

"Bakit mo naisipan na magtrabaho?" Ito na ang last na tanong saakin bago matapos ang interview.

Matagal pa akong nag-isip bago ako sumagot sa tanong.

"Ang pinaka-reason kung bakit ako nag-apply dito ay dahil gusto kong tulungan ang aking ina sa pagtustos ng aking pangangailangan. Hindi man lingid sa kaalaman ng lahat ay lumaki ako na may pera, I mean hindi problema saamin ang pera noon. Pero nung biglaan na ma-hospital ang aking ama ay doon na nagsimulang mawala ang lahat saamin. Namatay si papa ng hindi man lang niya nasasabi saakin na mahal niya ako."

Masyado na pala akong nadala at nag-open up na ako sa manager.

"Well ang main reason talaga ay para sa gastusin sa bahay at school and also alam ko naman na nahihirapan na si mama sa lahat ng gastusin dahil ngayon ay wala pa siyang permanent na trabaho."

Doon na natapos ang aking interview. Pagkalabas ko ay nakita ko Levi na naghihintay sa akin at deretso na nakatingin saakin.

"Tara kumain, libre ko." sabi niya at hindi na hinintay pa ang magiging sagot ko at basta nalang akong hinila.

"Sure ka ba na nangangailangan ka ng pera? Sa sasakyan na ito palang ay mahal na. At may pera ka din na panlibre." pagpansin ko sa kaniya.

"Hiniram ko lamang ito sa kaibigan at may ipon ako." ngumiti nalang siya saakin ng pilit, feeling ko talaga may tinatago ito.

"What is love, for you?" he suddenly asked.

"Bakit mo naman natanong?"

"Curious lang ako."

"May iba't ibang ibig sabihin ang pagmamahal para saakin, love sa family, friends, people and the love of your life. I can understand everything but the last is hindi ko maexplain dahil hindi ko pa naman ito mararanasan."

"Tingin mo bakit ang daming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig?" tanong niya ulit.

"Maybe because nagbabaka sakali sila. Alam mo halos lahat tayo ay may baka sakali moments, pero iba yung baka sakali pagdating sa pag-ibig. Masiyado itong masakit if ever naman na hindi natupad ang baka sakali mo." sagot ko dito.

"You think kaya mong sumugal sa taong mahal mo?"

"Yes, even if alam kong matatalo ako sa sugal ng pagmamahal pero hindi naman masamang magbaka sakali." ngumiti ako dito.

"Kaya gusto kita e."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dating the Billionaire's Son   EPILOGUE

    "Oo nga po pala mom, meron po pala kaming family day sa monday." Pagiinform sa akin ni Lev.Nasa sala kami ng bahay ni Duke, nanonood kami ng favorite na movie ni Lev. Nagkatinginan naman kami ni Duke.Normally pagfamily day ay kami na dalawa ni Duke ang pumupunta. Ayaw din ni Duke na mabully si Lev dahil wala itong tatay kaya ang alam ng mga kaklase niya ay tatay ni Lev si Duke."Tatawagan ko lang yung secretary ko para icancel lahat ng meetings." Tatayo na sana si Duke nung mapigilan ko siya at napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya."Huwag mo na gawin yan sa anak ko." Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama ako tinignan ko din siya ng masama.Aba nagpupumilit pa ang hinayupak."Tigilan mo ako sa katigasan tuktok mo!" Nakita ko naman ang pagsuko sa kaniyang expression.Ilang araw din ang lumipas naging busy kami pareho ni Duke. Ngunit kahit gaano pa kadami ang aming ginagawa ay hindi kami nawalan ng oras kay Lev.Dumating na nga ang araw ng family day sa sch

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 62

    "Anak, eat your veggies." I told him. Tinignan niya muna ako na para bang sinasabi niya sa akin na ayaw niya itong kainin."Anak kainin mo na sige na para maging healthy ang baby ko." Kiniss ko pa siya sa noo para suportahan ang pagkain niya. Habang lumalaki si Lev ay may lalo niya na gusto na magkalapit kami. Kaya hanggat kaya ko ay ginagawan ko ng paraan na magkaroon ng time sa kaniya."Hi baby Lev, tignan mo ko oh." Pinakita ni Duke ang kaniyang kutsara na punong puno ng gulay at sabay na sinubo. Umarte pa ito na sarap na sarap sa kaniyang kinakain.Agad naman nagliwanag ang mukha ng anak ko at agad na ginaya ang ginawa ni Duke. Ginulo naman ni Duke ang buhok ng anak ko para sabihin na good boy ito.Matapos namin kumain ay tinulungan ko na si Lev na mag-ayos ng gamit niya sa school. Pumapasok na kase ang anak ko at palagi din ako nakakatanggap ng tawag mula sa teacher niya para sabihin na napakahusay ng anak ko at pati ang ibang teacher ay ganon ang kanilang sinasabi.Naabutan ko

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 61 - After 5 years

    Celestine Calli POV.Sa mga nakalipas na taon ay wala akong ginawa kung hindi tuparin lahat ng pangarap ng aking nanay para sa akin.Pero na huli lamang ako ng isang taon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Sa unang taon ay hirap na hirap ako dahil sa wala na sa tabi ko si nanay. At higit sa lahat ay nahirapan ako sa pagbubuntis ko.Tama kayo ng nabasa. Sa dami ng pinagdaanan ko ay dito ako nahirapan ng sobra. I was suffering with mental issues tapos malalaman ko na buntis ako.5 Months na akong buntis nung malaman ko na buntis nga ako. Hindi ganon kalakihan ang tiyan ko nung 5 months ako pero sabi ng doctor ay normal lamang ito at may ganon din talaga na nagbubuntis.Tinulungan ako ng parents ni Duke, hinayaan nila akong manirahan sa kanila. Hindi din ako iniwan ni Duke lalo na pag sinusubukan ko na saktan ang sarili ko.Ang dami kong naiisip at tingin ko ay may hinanakit ako na nararamdaman lalo na sa bata. Naiisip ko palang ang nangyare sa akin nung gabi nagahasa ako. Natatakot ak

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 60

    Simula nung gabi na iyon ay nagising nalang ako kinabukasan na nasa hospital na ulit. Tulala at tahimik.Sa buong isang linggo ay wala akong mailabas na salita. Pero ang isip ko ay punong puno ng tanong.Akala ko nung gabi na iyon ay makakasama ko na ulit nanay at tatay pero kahit ano sigurong gawin ko ay hindi ako tatanggapin sa taas."Ano na Celes, inggit ka ba sa boses ko?" Walang araw na hindi ako dinadalaw dito ni Duke. Madalas niya akong asarin dahil sa nawala ko na boses pero tingin ko kaya din niya ginagawa ito ay para mapasaya ako.'Letche ka talaga.' Gusto kong sabihin ang mga salitang ito pero siguro iipunin ko nalang muna ito sa isip ko para pagbumalik na ang boses ko ay mamura ko siya ng malutong.Nung araw na iyon ay hindi ako hinabol ni Levi. Siguro nga ay hanggang dito nalang din talaga ang love story namin."H-hayop k-ka." Medyo paos ang boses ko pero sapat na para marinig ni Duke.Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin."Kaya mo naman pala magsalita e." Gusto ko n

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 59

    Pangatlong araw na ngayon ni nanay na nakaburol. Tatlong araw na din akong hindi makausap ng kahit na sino at tatlong araw na din akong nakatulala katabi ng kabaong ni nanay.Hindi ko siya iniwan sa tatlong araw na 'yon kahit halos lahat ng tao sa bahay ay pinipilit ako na kumain o matulog man lang saglit.Nung pangalawang araw ni nanay ay dumating ang ate ni Duke kasama ang kanilang mga magulang. Kinakausap nila ako pero wala silang narinig na kahit na ano na tugon sa akin.Laking pasasalamat ko din kay Duke dahil simula nung araw na yon ay hindi niya ako iniwan. Tinitignan niya lang ako sa malayo habang inaasikaso ang mga bisita ni nanay.Walang araw na lumipas na hindi ko kinakausap si mama. Tuwing gabi ay doon ko lamang naiiyak ang lahat ng sakit. Sinusubukan kong magpakatatag dahil sa kaniya pero ngayong wala na siya ay saan na ako kukuha ng lakas.Naaalala ko pa din at malinaw pa din sa isip ko ang ngiti sa labi ni mama. Kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Hindi k

  • Dating the Billionaire's Son   Chapter 58

    [WARNING ⚠️: Suicide]Namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa harap ng aming bahay. Simula nung ibaba nila ako dito ay hindi ako gumagalaw ng kahit isang hakbang.Nakatitig lamang ako sa bahay namin habang malalim ang iniisip. Hindi ko lubos na maisip na hinayaan lamang ako ni Levi.Naiisip ko tuloy kung napanood niya na ba ang video kaya ganon niya ako tratuhin? At kung oo, bakit mas pinapaniwalaan niya ang video na iyon kesa sa akin.Halos matawa ako nung maalala ko ulit ang video. Sa bibig ko pala mismong nang galing ang mga masasakit na salita na iyon.Humakbang ako ng dahan dahan sa bahay pero bago pa man ako kumatok ay pinahidan ko muna ang gilid ng aking mga mata. Kinuha ko din ang cellphone na nasa bulsa ko at inopen ang camera nito para tignan ang aking itsura.Biglang nagflash sa screen ang isang name na hindi ko inaasahan na tatawag ngayon. Si Duke.Sinagot ko ito ng walang pag-aalinlangan."Nakauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin."Wala man lamang hello?" pang-aasar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status