Share

Chapter Thirty-two: Taming A Dragon

Kasalukuyan kaming nakatayo ni Acheron sa harap ng isang kwadra kasama si Mattheus. Mataas ang bakal na bakod nito at napapalibutan ng malalagong halaman. Gumawa si Mattheus ng susi na gawa sa yelo gamit ang kaniyang mana at pagkuwan ay binukasan na ang pinto ng kwadra.

"Pumili na kayo ng gagamitin niyo sa inyong paglalakbay," utos ni Mattheus.

Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar. Kumunot ang noo ko nang mapansing puro kabayo ang laman nito. I mean obviously kase nga kwadra ito pero 'yan ang sasakyan namin? Hindi ako marunong magpatakbo ng kabayo! And the last time I checked I hate riding horses. I feel like I can't entrust them with my life.

Lumingon ako kay Mattheus at tinignan siya ng nagpapaawa. "Wala bang kotse dito?" nakangusong tanong ko. Ghad! Baka hindi pa kami nakakarating sa pupuntahan namin ay lasog lasog na ang katawan ko. 'Yon nga lang umangkas ako kay Marchessa sa kabayo ay muntikan na akong mahulog eh

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status