Share

Kabanata 7: "How To Be A Master?"

Tulala si Miles nang makita niya ang mga kagamitan na pag-aaralan niya. Pinapili siya ni Mizuno ng isa sa mga baril. Pinili niya ang kulay itim na baril.

"German GSR Granite. Maganda ang napili mo Master." Pinulot ni Mizuno ang baril at nilagyan ng bala ang magazine.

Limampung metro ang layo sa kanya ng target at kailangan niyang barilin ng sunod sunod ang mga ito.

"Kailangan masanay ka sa paghawak ng baril Master." Napalunok si Miles ng ibigay ni Mizuno ang baril sa kanya.

"Bakit kailangan kong matutunan ito?" Naging tanong niya kay Mizuno habang nakatutok ang baril sa kanyang target.

"Self-defense Master, isang pambihirang babae si Lady K at marami ang gustong pumatay sa kanya dahil sa yaman niya. Kailangan mong maging maingat at alerto sa lahat ng oras." Bumuntong hininga siya at kinasa ang baril.

Sunod sunod ang pagbaril na ginawa niya. Napangiwi naman si Mizuno ng walang tinamaan si Miles.

"Ayoko na, hindi ko kaya." Sa tatlong beses niyang pagsubok ay wala siyang matamaan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status