Share

KABANATA 12

HUG 

Hindi ako makatulog ng pagkatapos kong maligo. Dahil siguro sa mahaba ang aking idlip kanina. 

Ako lang mag-isa dito sa napakalawak na bahay...I wonder if where is the other Mansion Manong Fredo is talking earlier. Wala kasi akong nakita sa dinaanan namin ni Bentley. 

I'm wondering if Kaixus will stay in the hotel? 

Lumabas ako sa may balcony at tinanaw ang dagat. May ilaw ang hagdan patungo roon. I don't know why I headed to shore. I just feel like watching the night wave. Umupo ako sa buhangin at tumanaw sa dagat. Napaka payapa at tanging tunog ng bulwak ng tubig ang maririnig. Nakakapanibago sa akin ang kapayapaan na ganito. Nasanay ang aking tainga sa maingay na gabi sa Manila at sa ibang bansa kung saan ako namalagi nitong mga nakaraang taon. 

Kung siguro may anak ako ay ganitong lugar ang gusto kong tirahan o hindi kaya ay gaya ng hacienda... 

Natawa ako sa aking naisip. Anak? Kailan ba ako nagkaroon ng interes sa bagay na iyon? Siguro kung tatanungin ako pitong nakaraan ay hindi ako magdadalawang isip na magsabi na gugustuhin kong magkaroon ng anak lalo na at napakasalan ako ng taong iniibig ko but now? It's cringe.

Parang may dumaang kirot sa aking dibdib.

Things aren't simple even before at siguradong walang nagbago.

What important now is for me to end the things that the young Yacinda crazily did. Hindi kailanman magkakasalubong ang lupa at ulap... 

I am happier with life now. I get to enjoy my time alone. Isapa I'm sure that it will be finished smoothly. Sana nga lang ay hindi matunugan ng media ang nangyari lalo na at malaking tao ang sangkot. I am still worried about those who saw me with Kaixus last night. By the idea, I checked my phone to see any news about what happened but there's nothing until one tweet caught my eye. 

"Blind item, who is this drunk girl seen with one of the elite bachelor in the country? The latter seems protective of this girl... It's been years since he was seen with a girl, is this a new story to look into?" 

Napahigpit ang hawak ko sa phone. Bigla akong nahihilo... 

Tumayo ako at pumasok na sa loob ng malaking bahay at pumasok na sa room. 

Umupo ako sa headboard ng bed at saka minessage si Samantha. 

Ako:

Sammy, please call me if you saw this message...

Tumunog ang aking telepono. It's from a new number. Sinagot ko ang tawag.

"It's me... I'm sorry Cindy, mag-eextend kami nina Dane dito until next week." 

"It's okay Sammy," sagot ko.

"Save this phone number, it's Silver's," aniya.

Ang walanghiya, kung kanino siya nakikitawag. Ano nalang ang sasabihin ni Silver kung makita niya ang pangalan ko sa cp niya?

"I know what you're thinking. Silver already knows. I said to him at saka para may alam kang tawagan in case of emergency in the future. Sinabihan ko na iyong unggoy at magkakilala naman na kayo kaya okay lang iyan... By the way... Did you saw a rumor? Isang araw lang akong nawala may pinagpipyestahan na ang mga buwakang na mga tsimosa. I'm just wondering who is that careless woman that dragged down a prominent bachelor with her carelessness? Maybe a low class prostitute and a politician again. Anyways, maraming salamat naman at tumigil ang pangalan ko na magbida bida sa rumors." 

Oh my goodness, Samantha. I am that careless drunk girl who are talking about!

I am not a prostitute and it's Kaixus whom I am with... 

Gusto kong isumbong sa aking kaibigan pero minabuting tumahimik. 

"I have to end this call already, Cindy. I will sleep na kasi may gagawin pa kami ni Tita ng maaga bukas. Good night, Dear. See you next week... Please do charge my phone," lintaya ni Sammy. 

"See you Sammy, Good night!" 

My friend ended the call already. 

This is bad! Paano kung biglang bigyan ng pangalan ang blind item? Siguradong maraming mga pilit mag-uungkat sa nakaraan. Paano kung pati ang bagay na iyon ay mag-uungkat nila? What will happen to me? 

Kinabahan ako bigla sa aking naiisip...

Pinilit kong matulog pagkatapos naming mag-usap ni Sammy pero pagulong-gulong lang ako sa bed. Hindi ako mapakali dahil sa nakita ko na Tweet. Ibig sabihin may nakakakilala sa kanya,. may nakakita sa amin habang paalis kami sa bar. Hindi ko masabi kay Samantha ang bagay na iyon at hanggang maaari ay ayokong malaman niya.

Muli akong lumabas at bumaba. Ngayon naman ay nagtungo ako sa sala ng Mansion. Umupo ako sa isa sa mga couch doon. Tunggalan na ng mga telang takip at nalinisan ang buong bahay. Napako ang aking mga mata sa maindoor ng Mansion.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig doon. Para bang inaasahang bubukas...

Hindi iyon uuwi sa'yo, Yacinda... Diba ayaw mo sa kanya? Bakit mo siya hinihintay? What are you doing? Being a caring wife? 

Tumayo na ako at pumanhik sa itaas.

I really tried to sleep again but I couldn't that's why the only option I think is to drink some wine, maybe if I will be drunk my mind will shutdown. 

Pumunta ako sa bar counter sa ibaba at saka nagbukas ng isang wine. Dalawang baso ang aking nainom pero wala paring Kaixus Sage na dumating. 

Hindi talaga siya uuwi? 

Huh! Bahala ka sa buhay mo! Isasara ko ang maindoor.

Naglakad nga ako papunta sa maindoor at ini-lock iyon sa loob at pumanhik na sa kwarto. 

Medyo inaantok na ako dahil sa nainom ko. Iniwan ko na sa counter yung wine glass na ginamit ko at bumalik ng kwarto. 

I can finally sleep because of the effect of the wine. 

Inihiga ko na ang aking sarili at pumikit... 

Makalipas ang isang sandali ay parang may gumigiba sa aking pintuan. Sinubukan kong tumayo at binuksan ang pinto kahit na antok na antok pa at parang lumulutang. 

Agad na yumakap sa akin si Sage at sinara ang pinto. He inspect me like there's something bad happened. 

"I'm glad you're okay. I saw the broken wine glass on the floor. Have you been drinking?" he asked. 

Nang marinig ko iyon ay pumiglas ako. Iyon lang ang pinunta mo tapos dinistorbo mo ang aking tulog, Sage?!

Seriously?! 

Umupo ako sa side ng kama ng makawala ako sa kanyang yakap. I also smell alcohol from him. 

Sumunod siya sa akin but he kneel down... 

"Don't mind the tweet. I'll take care of it..." aniya at saka tumayo. 

"Take care of it?! Sage, seryoso ka? Kung hindi mo sinundan ay hindi walang issue na ganito," paratang ko sa kanya.

Nakatayo na ako at biglang uminit ang aking ulo. Nawala na rin ang aking antok. 

Lumapit siya sa akin at tumitig sa aking mga mata, "They saw us dancing. People saw how you drunk dance on me..." tikhim niya.

Lumapit pa siya hanggang maghalos maglapat na ang aming mga labi. I can smell the scent of cigarette and alcohol when he breathes. 

"They saw how you snake your arms on my nape and how close our bodies are...Wife!" bulong niya sa aking tainga upang ipaalala na sa loob ng bar ay ako ang unang gumawa ng hindi kaaya-aya samantalang ang ginawa niya ay hinarangan ako sa mga tao. 

Umupo ako at nanghina. 

Tumingin ako sa kanya.

"I-I don't want them to feast over my name, Sage... I will go back to Manila first thing in the morning... What if nasundan tayo?" hindi ko napigilang sabihin. 

Pinatayo niya ako at saka ako yinakap. Hindi na ako pumalag. 

He hushed me like I am a crying baby.

"I won't let that happen..." Lambing niya.

Ang sarap pakinggan ng mga salitang namutawi sa kanyang bibig.

"And even if they will name us... We are husband and wife... It won't tarnish your name but maybe mine," aniya.

Naitulak ko siya sa kanyang sinabi. Husband and wife on papers only, and will be ex-husband and ex-wife, Sage. 

"I want to sleep, Sage..." paalam ko sa kanya.

Umayos na ako sa bed. Nakatayo parin siya at ngayon ay nakapamaywang. 

"Close the door when you leave..." 

Pinikit ko na ang mga ko at sinubukang matulog muli pero nagulat ako ng lumubog ang kanang bahagi ng bed. 

Napaupo ako.

"What are you doing?!" 

I panicked. 

Bakit ka nakikihiga sa kama ko, Kaixus Sage?! 

Hindi parin ito gumalaw sa pagkakahiga niya. 

"Sleeping... I'm sleepy too, wife... Just go back to sleep..." 

Hindi ko napigilang palakihan ng mga mata. 

"Bakit dito ka matutulog? This is my room!"

I emphasized the last words for him. 

"Just a minute or two... please..." 

Lumunok ako. Ayokong kasama siya sa iisang kwarto. Paano ako makakatulog lalo na't tumabi pa siya sa akin?

Bababa na sana ako ng bed pero hinawakan niya ako sa bewang at saka inilagay ang kanyang baba sa aking balikat...

"If you don't want me here, just let me hug you fo a minute, then..." 

Naiinis ako sa lambing ng kanyang boses... I didn't get hold of my tears. Sunod-sunod iyong nagsilaglagan mula sa aking mga mata. 

Kaixus scooped me towards him. Sumandal siya sa headboard ng bed at saka niya ako pina-upo sa kanyang matigas na tiyan. Pinunasan niya ang aking mga luha at saka ako muling yinakap. 

"Shhhhh... I hate seeing you crying, it feels like I failed you... I don't like it," aniya at humalik sa aking buhok. "If you really want to be back in Manila, Let's go back tomorrow night. I'll just finished some paperworks tomorrow, Okay?" 

Hindi ko siya sinagot... Parang biglang ayoko pang umuwi. I don't have any schedule pa naman at wala din si Samantha. Wala akong kasama sa condo hangang next week. I don't know. I feel like I wanted to be taken care of by someone even just a day. Parang napagod ako na palaging nag-aalala sa aking sarili. 

I don't know what does Sage have that makes my mind be at peace and so, I closed my eyes. This is the second time I am this close to him.

There's nothing wrong, right? after all we are husband and wife like he wants to share to the public. 

Nakatulog ako at tinanghali na nagising. There's no Sage on my side as he promised. Hindi ko alam kung hanggang anong oras siya nagtagal sa kwarto. The last time I remember is that, he is hugging me and drawing circles on my back while I lay down on his belly. We are just like that without saying any words. Just enjoying the moment being close to each other. 

Naalala kong sinabi niyang ihahatid niya ako mamayang gabi sa Manila. Inayos ko ang higaan at saka naligo. I wear a white tshirt and paired a maong shorts. There's a sandal with my size from one of the boxes that's why I used it na. 

Naabutan kong may mga naglilinis sa sala. Mga parehong naka uniporme ng puti at may mga suot na apron. Tumingin ang ilan sa akin at nagpatuloy sa pag-aayos ng sala. Hindi ko nakita ang anino ni Nanay Guada maging sa kusina kaya minabuti kong nagtanong sa isa sa mga tagalinis. 

"Excuse me, Miss... Nasaan si Nanay Guada?" 

"Ay nasa garden po Ma'am kausap ni Madam Czarida. Tawagin ko po ba? May kailangan po ba kayo sa kanya?" 

"Hindi na ako na ang maghahanap sa kanya. Saan ba iyong garden, Miss?" 

Tanong ko dahil wala akong nakitang garden simula kahapon ng narito ako. 

"Sa may rooftop ng Mansion daan po kayo sa hagdan na iyan tapos diretsuhin ninyo ang hallway may hagdanan sa kaliwa doon po ang papunta sa rooftop Ma'am. Saka Nilda nalang po." 

I take note of what she instructed. 

"Maraming salamat, Nilda."

Sinunod ko ang sinabi ng kasambahay hangang sa marating ko ang rooftop. May narinig akong dalawang boses ng hindi sinasadya. 

"Pasensiya na rin po Madam, hindi ko rin alam... Basta lamang akong pinatawag ni Señorito ng gabing gabi na linisan ang bahay at darating siya... Umuwi rin kami agad. Kinabukasan na ako nakabalik at nagulat na may bisita siya. Ito ang unang beses na nagdala siya ng babae dito. Galing siya sa San Gabriel kaya baka mahalaga siyang bisita ng Senorito?..." 

Galing iyon sa boses ng matandang tagapangalaga ng Mansion. 

"Hindi naman siguro mag-uutos ang pinsan ko ng dis-oras ng gabi kung basta basta lang ang bisita niya. Kilala ko si Kaixus. Sa akin siya lumaki. Kung may bisita siya ay dapat sa Mansion niya dinala pero bakit biglang dito? At saka kagabi ay hiniram niya si Fredo, maybe someone dear. Ang paalam niya lang ay kahapon ng umaga siya darating dahil sa meeting niya kahapon ng hapon pero noong isang gabi pala siya nandito. Isa rin ang aking anak na hindi nagsasabi... Kaya tinanong ko si Fredo kagabi kung saan talaga siya galing ng gabing gabi na at ayun nga sinabing may inihatid siya rito. Pinilit ko pang magsalita si Kaixus kanina, pero ang sabi lang niya ay may mahalaga siyang bisita at dito niya dinala dahil gabing gabi na..." saad ng boses ng medyo mas bata. 

Alam kong ang mga nangyari ang pinag-uusapan ng dalawa. Naglakas loob akong magpakita sa mga ito kahit medyo nakakahiya. 

Hindi na nagulat si Nanay Guada pero ang isang babae na nasa 50's ay medyo nagulat ng makita ako pero agad niyang inayos ang expression ng kanyang mukha. 

"Hija, magandang tanghali... May kailangan kaba?" 

Tumingin ako sa kasama ng matanda at saka nagsalita, bahala na...

"Magandang tanghali po. Pasensiya na po, itatanong ko lang po sana kung pwede pong magamit iyong kusina... Magpapainit lang po sana ako ng tubig inumin..." pagpapaalam ko sa mayordoma. 

Ang sumagot ay ang kasama ni Nanay Guada. Siya siguro siya ang Czarida na tinutukoy ng kasambahay kanina. 

"Sure hija, why not... You can use the kitchen as you wish... Sorry for late welcoming you." 

Lumapit sa akin ang babae at nag-alok ng kamay. Inabot ko naman iyon. 

"I'm Czarida Javonillo-Kim. Pinsan ko si Kaixus." 

Agad akong nagpakilala sa ate ni Kaixus. 

"It's a pleasure to meet you Madame. I'm Yacinda Sy." 

Hanggang doon lang pagpapakilala ko. Alangang sabihin ko na asawa ako ng pinsan niya sa papel lang?! That's very awkward, right? 

Tumingin sa akin si Miss Czarida Javonillo, at saka tumango-tango at ngumiti ng abot tainga, 

"Don't be too formal hija, I feel awkward if you'll call me Madame. Tita Czarida or Ate Sarih is fine enough for me... By the way... Are you an international model? I saw you in one of the billboards of a Italian luxury brand..." 

"Ah... yes po. I lived in Europe for several years and worked there as a model," buking ko sa kanya.

Tumango siya at nag pout saka muling nagsalita, "Pasensiya na hija ha, nagdala na ako ng maglilinis sa buong Mansion para naman komportable ka dito... That Kaixus kasi, ni hindi manlang niya ako sinabihan na may bisita siya at nang nalinisan ang bahay ng mas maaga. Sabi sa akin ni Nanay Guada ay maliit na room ang naihanda niya para sa'yo, nakakahiya naman hija."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, mas ako pa dapat ang mahiya dahil uninvited guest ako rito. 

"Okay lang naman po sa akin iyon, walang anuman po..." 

"No, hija, you transfer to one of the biggest room mamaya pagkatapos malinisan ha, so that you won't be uncomfortable. Also, I'll let two kasambahay to attend you dahil umuuwi si Nanay Guada tuwing gabi... Hindi talaga ako makapaniwala that Kaixus let you stay alone here especially at night. Pagagalitan ko iyon pagpunta ko sa Playa!" 

I waved my hands to say that I'm okay with the room that Nanay Guada prepared and that I won't be here this night onwards...

"Okay na po ako sa silid na inihanda ni Nanay Guada..." 

Nagsalita si Nanay Guada at kinampihan ang amo. "Mas maganda kung sa mas malaking silid ka hija." Tumingin ito sa kasama namin at nagpaalam, "Maiwan ko na kayo at titignan ko iyong mga nasa baba."

"Sige Nay, huwag na ho kayong makilinis para hindi kayo mapagod. Ipahatid ko kay Fredo pagkatapos nating magmeryenda." 

Bumaba na si Nanay Guada at naiwan kaming dalawa ng ate ni Kaixus. She told me to take a seat. Umupo siya sa isang couch kaya umupo ako sa sofa na nakaharap sa kanya. 

"You grew up in San Gabriel, hija? I haven't seen you during Avikah's wedding and also during the times na pumapasyal ako doon," aniya ng may pagtataka. 

"Opo, I am already in Europe during Miss Avikah's wedding. Baka po nasa bahay ako noong mga panahong napasyal kayo doon."

"Maybe, I remembered your name na, not as a model, but as a little girl that Tiya Diana's always talking about... You're Cindy, right?" 

Nababanggit ako ng Donya sa Pamangkin niya? 

"Tiya Diana is so fond of you noon, naalala ko na merong time na tumawag siya sa akin dahil akala ko ay magrereklamo na naman siya sa hindi pag-uwi ni Kaixus pero mukhang hindi siya malungkot dahil busy daw siya at may pasok kana sa school... She even said that, after so many years she is finally feeling of having a daughter, alam mo naman na sa Manila pinanganak at lumaki si Avikah," daldal pa niya ulit.  

Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. Biglang gusto kong kumustahin ang Donya. Iniiwasan kong makibalita talaga sa ganap sa Catalina. Even my friends... I abandoned them during that night... Just for me to escape the guilt that I have because of what happened to my grandmother not because I wanted to escape the punishment of what they are accusing me that I did. Kumusta na kaya silang lahat doon? 

I stopped thinking when Miss Czarida speaks again.

"This past years, Tiya Diana's health degraded, she even tried to woo Kaixus to get married and start a family already because she is worried that she might not be able to see her grandchildren with Kaixus pero mukhang may hinihintay ata si Kaixus... Anyways that's another topic to talk about." 

I inhaled sharply to what she said. I closed my eyes to calm myself. 

"Mabuti naman at nagkita kayo ni Kaixus. Akala ko kung sino ang babaeng inihatid niya na tinutukoy ni Fredo talaga. Akala ko pa naman ay matutupad na hiling ni tiya." 

Tumawa ang kasama ko habang sinasabi ang mga iyon. Ngumiti lang ako sa kanya. 

"Nasa Playa ngayon ang isang iyon dahil may meeting mamayang hapon. I will attend too kaya inagahan ko ng pumunta at saka nagdala na ako ng maglilinis dito. I am the one maintaining this Mansion pero bihira lang magkaroon ng bisita dito. Most of the visitors from my cousins, nieces and nephews always stay at the house kaya nagtataka akong dito ka ginustong dalhin ni Kaixus. Sabagay mas malapit ang Playa dito kesa sa bahay at gabi na rin kayo dumating. Nagdala ako ng mga bagong halaman na inilagay dito... How was it? Does the garden look like a blooming lady already?" 

Napatingin ako sa bawat sulok ng sky garden. It looks alive at parang araw-araw na maraming tao sa Mansion. 

"Yes, po..." 

Czarida heaved a long sigh.

"Kaixus lives here when he's younger before he takes over the hacienda in San Gabriel but it doesn't last." 

I see... So this is where he lives alone all those years? 

Nagpatuloy sa pagsasalita ang nasa aking harapan. 

"My sons also choose to be with their tito here kaya spoiled ang dalawang iyon at naalagaan itong bahay... Kaya lang tinakpan ang mga gamit at medyo hindi na naasikaso dito ay medyo busy kami nitong nakaraang mga buwan. Kaixus comes here often pero sa Playa nalang siya natutulog dahil sa sobrang busy niya rin sa trabaho pero pinapalinisan ko parin dito once a week... Iyon nga lang itong garden ay medyo napabayaan na. Now it feels like the house is occupied again," tumingin siya sa akin. "With you here," ngiti pa niya.

Nagkwento ng mga bagay-bagay si ate Czarida. Some are about Kaixus. 

"Kaixus is a timid guy. Napakatahimik niya, hindi alam kung ano ang nararamdaman niya hanggang hindi niya sabihin pero I'm used to it and besides he runs the same blood as me. Kabisado ko siya at wala iyong maitatago sa akin. Sayang lang at sabi niya noon na gusto niya ng magpakasal kaya nagulat ako na parang nag-iba siya simula noong nawala si Sabby... She is Kaixus' girlfriend. A daughter of a friend," aniya. "Ako actually ang nagpakilala sa kanilang dalawa. I told you nagulat ako ng sabihin sa akin ng aking amiga na boyfriend ng anak niya ang pinsan kong pihikan at napakatahimik." 

Napaluha ako sa sinabi niya. Parang nabulunan. May tinik sa lalamunan. Pinagpapawisan ang aking mga kamay at medyo nahihilo. Hindi naman iyon dahil sa init ng panahon dahil mahangin dito sa rooftop. 

"Okay ka lang ba hija? You aren't fairing well, let's go back sa dining. You might be hungry na..." 

Naputol ang topic na iyon dahil tumayo na ang aking kasama at pumunta sa akin. She inspect me. I felt uncomfortable kaya sinabi kong okay lang ako. 

"I'm okay, ate... Thank you po." 

"Halika ka na hij, might be because you didn't had breakfast... Let's go to the dining and have meryenda... Magpapaluto rin ako ng pananghalian mo."

We go down to the dining room and as she promised, ate Czarida personally prepared meryenda for me instead of mag-utos. Nag-aalala ito hanggang noong nasa van paalis papunta ng Playa para sa meeting na sinasabi niya kanina. 

Nang kumain ako ng tanghalian tinawag ko ang mga naglinis upang makisabay sa akin. Kanina ay umuwi na si Nanay Guada dahil may mahalaga raw itong gagawin pero nagpaluto siya ng tanghalian bago umuwi. 

"Kain na tayo... Saluhan ninyo ako rito," alok ko. Tinanggihan ako ng mga ito pero nagpumilit ako kaya sumama sila akin sa hapag sa huli.

"Mamaya niyo na ipagpatuloy ang paglilinis... Kain muna tayo. Hindi ako kakain hangang hindi niyo ako saluhan." 

"Naku si Ma'am. Nakakahiya naman po. Mamaya na ho kami," ani ng pinakahead ng mga ito. 

"Huwag na kayong mahiya," pilit ko.

Napilitan ata ang mga ito at nakulitan kaya nagsihugas ng mga kamay at sinamahan na ako sa hapag-kainan. 

Kumain kami ng tahimik hanggang sa matapos. 

Nagsalita ang isa sa mga kasama ko sa hapag. "Ako na ang maghuhugas Ma'am..." 

Wala na akong nagawa kaya bumalik ako sa rooftop at nilibang ko ang aking sarili sa pag surf sa net. 

May bagong article na lumabas na nagsasabing ang blind item isang anak ng Senador at tama si Sammy. The girl is a prostitute that's why it alerted the whole media because the police suspected that there's an illegal prostitution and human trafficking involved in the case. 

Bigla akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa nabasa. Is Sage involved here? He did what he promised last night. Akala ko ay kami iyon. Thank goodness it's not us. 

I am wondering now if Sage doesn't know my whereabouts all the years, because if he is involved with this case in a short time, that means that his influence is not just a joke... 

Don't think too much, Yacinda. Mas isipin mo kung paano ka makabalik sa buhay mo sa Manila at makawala sa kamay niya... 

I made up my mind to settle the glitch between the two of us. Sasabihin ko sa kanya na madaliin ang pag-asikaso sa aming divorce papers bago matapos ang buwan at bago pa ulit may hindi kaaya-ayang pangyayaring maganap sa pagitan namin. Lalo na sa parte ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status