Chyrll point of view.
"Saan ang punta mo Chyrll? Sinabi ko na saiyo na hindi ka aalis ng mansion na ito!" Nagagalit na sabi sa akin ni Daddy ng maabotan ako nito na palabas ng mansion. Napahinto ako sa aking paghakbang, hindi ko alam na gising na si Daddy ng ganitong oras. Humarap ako dito. "Hindi mo ako mapipigilan Daddy. Gusto mo akong maikasal sa lalaking hindi ko naman mahal, tapos hindi mo pa tinupad ang naging kasunduan natin, kaya ano pa ang ginagawa ko dito sa puder mo?" Sagot ko kay Daddy. Buo na ang desisyon ko, aalis ako ng mansion na ito. "Jace, huwag ninyong hahayaan na makalabas ng gate yang senyorita ninyo." Utos nito sa dalawang security guard na naka bantay sa gate. "Dad, pabayaan n'yo na ako sa buhay ko. Hindi na ako masaya dito na kasama kayo, palagi na lang impyerno ang buhay ko dito. Nagsasawa na ako, gusto ko ng piece of mind." Sagot ko kay Daddy. "Hindi... Jace, kunin mo ang maleta nv senyorita mo at ibalik mo sa silid niya." Utos parin ni Daddy. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang aking maleta, at kinuha ko ang laruang baril sa loob ng bag na dala ko. "Subukan mong hawakan ang maleta ko, kung ayaw mong pasabugin ko yang ulo mo!" Pagbabanta ko sa security guard ni Daddy. Nagulat naman sila sa inasta ko. Gulat na gulat sila sa pagtutok ko ng baril sa security guard. "Buksan mo ang gate!" Utos ko dito. "Saan nanggaling ang baril mo?" Nagtataka na tanong sa akin ni Daddy. "Wala ka na don, Daddy kung saan nanggaling ang baril ko.- Buksan mo ang gate!" Ulit ko pa na utos ng hindi sinunod ang inuutos ko. Tumingin naman ito sa aking ama, nagtatanong kung dapat ba nito buksan ang gate. Dahil sa hindi masyadong maliwanag dito sa aking puwesto ay hindi mahahalata na laruan ang hawak kong baril. "Buksan mo! Isa! Hindi ako nagbibiro, pasasabugin ko talaga yang ulo mo!" Galit na utos ko ulit. "Huminahon ka, Chyrll! Baka maiputok mo ang baril, sege na Jace, sundin mo na ang inuutos saiyo ng senyorita mo!" Sabi ni Daddy na hindi nagustuhan ang ginagawa ko. Sumunod agad ang security guard sa sabi ni Daddy. "Huwag kayong susunod, kundi sasabog lahat nang utak ninyo diyan sa semento." Pagbabanta ko sa kanila. "Kapag tinuloy mo yang pag-alis mo dito sa mansion Chyrll, itatakwil kita bilang anak ko!" Pananakot pa ni Daddy sa akin. "Mas mabuti pa nga Daddy, kaysa naman na tinuturing niyo nga akong anak, pero impyerno naman ang buhay ko sa puder mo, lalo na sa mag-ina mo! Mas gugustuhin ko pang mamuhay na mag-isa kaysa ang maging sunod-sunuran sa lahat ng gusto ninyo. Naturingan pa naman kayo na may mataas na katungkulan sa pulisya pero dito sa mansion ninyo ang pangit ng batas na pinapatulad mo, dahil ako lang ang palagi ang nakikita mong may ginagawang mali." Sagot ko kay Daddy. "Isarado na ninyo ang gate, dahil simula ngayong araw na ito ay wala na kayong kilalanin na Chyrll na anak ko. Huwag na huwag ninyo yang pagbubuksan ng gate kapag bumalik yan dito." Seryuso na sabi ni Daddy sa dalawang security guard. Bago isara ang gate ay nakita ko pa sina ate Carlyn at si Rochelle na humahangos ng takbo. Nakahinga ako ng maluwag ng tuloyan na magsara ang gate. Sa wakas malaya na ako, wala ng magdidikta sa buhay ko, kung ano ang dapat kong gawin. Maipagpapatuloy ko parin naman ang aking pag-aaral kahit wala na ako sa puder ni Daddy. Malaki na ang naiipon kong pera kaya tutuparin ko na lang ang pangarap ko na maging isang magaling na abogada. Ang pangarap ni Chyrll ay maging isang abogada, kaya't nagpasya siya na kunin ang kursong Bachelor of Laws (LL.B.) sa kolehiyo. Upang makatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong legal. Huminga ako ng malalim, at pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. Naiyak ako sa sobrang katuwaan, masakit sa aking kalooban ang ginawa kong pag-alis sa mansion ni Daddy, pero kailangan ko itong gawin upang tigilan nila ako sa pag control nila sa buhay ko. Patutunayan ko sa kanya na kaya kong abotin ang mga pangarap ko na hindi sa kanya lumalapit para humingi ng tulong. Dahil nasa exclusive subdivision kami nakatira kaya maglalakad ako palabas ng subdivision. Walang taxi na dumadaan dito, dahil ang lahat ng taong nakatira dito ay mayayaman. Medyo madilim pa naman ang daan dito kaya hindi nakakahiyang maglakad. Pero bago pa man ako magsimulang maglakad, nilongon kong muli ang aming mansion. "Malaya na ako! Malaya na ako!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ko. Hindi na ako parang ibon na Loro na nakakulong sa madilim na kulongan. Sa Shop mona ako ngayon titira pansamantala hangga't hindi pa ako nakakapag-ipon ng pambili ko ng sarili kong condo. Nagbago na ang isip ko na lumapit kay mommy dahil kapag nalaman niya ito. Malamang gulo ito, kaya sa shop na mona ako dahil may sekretong silid naman kami don ng kaibigan ko. Saka ko na lang pupuntahan si Rasselle sa mansion nila, ayaw ko ng dagdagan pa ang kasalan nito kay Tito Winston, kapag sinabi ko sa kanya kung paano ako nakalabas ng mansion ni Daddy ay gayahin pa ako nito, loka-loka pa naman ang isang 'yon. Tapusin na lang niya ang isang buwan na parusa, total dalawang linggo nalang, saka ko na lang sa kanya sabihin ang lahat. May dumaan na itim na kotse sa aking harapan, at tumigil ito sa aking unahan. Hindi ko ito pinansin, hindi ako nagpahalata na nakakaramdam ako ng takot, hindi ko pa naman naisisilid ang laruang baril sa aking bag. Ito muli ang gagamitin kong panakot kung sakaling may gawin itong masama sa akin. Bumaba ang lalaking nasa driver seat, kaya naging alerto ako. Narinig ko pang tumikhim ito, bago nagsalita. "Uhm. Excuse me." Sabi nito. Kunwari hindi ko siya narinig, dahil alam kong ako naman ang tinatawag nito. "Excuse me, Miss." Ulit nito, tumigil na ako sa aking paghakbang, at lumingon ako sa kanya. Hindi ako nagsasalita, nakatingin lamang ako sa kanya. Hanggang siya na ang nagsalita ulit. "Uhm, gusto ko lang sabihin saiyo na, pwede kitang isabay hanggang sa labasan ng subdivision na ito upang hindi ka maglakad ng malayo." Sabi ng lalaki. "Pasensya na, hindi kita kilala." Sabi ko na lang dito, sabay talikod ko. Hindi ko masyado makita ang mukha nito dahil medyo madilim pa, pero sa tingin ko gwapo ito at matanggad. Hindi ko ugali na basta-basta nagtitiwala sa ibang tao, lalo pa at uso ngayon ang kidnapping at rapist dito ngayon sa bansa. Tumalikod na ako, at naglakad muli. "Hindi ako masamang tao, gusto lang kitang tulongan para hindi ka mapagod sa paglalakad." Sabi nito. Hindi mo ito pinansin. "Red Simon Marcos ang pangalan ko, kahit tingnan mo pa sa social- "Mister, kahit sabihin mo pa sa akin na kapatid mo ang pangulo ng bansa natin o anak ka ng pinakamayamang tao dito sa buong mundo. Hindi parin ako sasakay diyan sa kotse mo, salamat na lang sa pagmamagandang loob mo sa akin, pagpalain ka sana." Putol ko sa sinasabi nito. "Ang ganda mo pa naman, marami pa namang mga siraulong lasing na pagala-gala dito kung minsan." Sabi ulit nito. "Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko, sa mga katulad nilang sira-ulo." Sagot ko dito, pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Hindi ko na ito narinig na magsalita, nakita ko na lamang na nakasunod ang sasakyan nito sa akin. "Sasabayan na lang kita sa paglalakad mo, para naman hindi ka maboring." Sabi nito sa akin. "Stupid Monkey." Bulong ko. Sinabayan nga ako nito hanggang sa makarating ako ng labasan. Hindi ko parin ito pinansin kahit tinatanong nito sa akin kung ano daw ang pangalan ko. Hanggang sa umalis na ito na hindi ko parin nililingon. Hindi ko naman sa kanya sinabi na sabayan niya ako sa paglalakad, nagmukha tuloy siyang body guard ko. Inalis ko ang hoodie na suot ko sa aking ulo. Saka ako naupo sa maleta ko upang maghinga saglit. Ang sakit ng talampakan ko, hinubad ko mona ang suot ko na rubber shoes, tiningnan ko kung may paltos ba ang aking mga paa. Halos trenta minuto ang nilakad ko mula bahay hanggang dito sa guard house ng subdivision. Nag stretching ako ng aking kamay. Naglakad akong muli patungo naman ng waiting shed, don ako mag-aabang ng taxi. May dumaan na taxi, agad ko itong pumara, at nagpahatid sa coffee shop ko. Pagkababa ko ng tax, diretso kaagad ako sa secret room namin ni Rasselle. Basta ko na lang nilapag ang aking mga dalang gamit sa lapag. Bagsak ang aking katawan sa kama, dahil dala ng pagod ay nakatulog agad ako. Naalipungatan ako, pagtingin ko sa orasan ay alas-otso na ng umaga. Dalawang oras pala ang naitulog ko. Bumangon ako, dahil nagugutom na ako, tiningnan ko kung may stock pa ba kaming mga pagkain dito sa Kabinet. Pagbukas ko, may nakita akong de lata ng spam. Napagpasyahan kong magluto na lang, kasya ang umorder ng pagkain sa restaurant. Kailangan ko pa naman magtipid ngayon dahil wala na ako sa mansion ni Daddy.Hello, everyone.... Kumusta kayo, sana magustuhan ninyo itong sunod kong isusulat, ang Deal of Love..
Chyrll "Chyrll! "Kapatid! Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko na tinawag ako ng mga pamilyar na boses sa aking pandinig. "Rasselle! Marian! Aria! Szarina! Isadora!" Gulat kong bigkas sa mga pangalan ng aking mga kaibigan. Nandito din sila para sa concert ng mga asawa nila! Malalaki ang hakbang ko, kulang na lang ay takbuhin ko sila. At ganun din ang ginagawa nila papunta sa aking direksyon! Bakit hindi ko alam na nandito sila ngayon? Wala naman akong nababasa sa group chat namin! Ano ito? Surpresa! Hi naku! mga kaibigan ko talaga sila, nahahawa na sa kanilangga asawa, pwera lang dito sa dalawa kong kaibigan na galit yata ngayon sa mundo. "Asawa ko, dahan dahan naman! Baka madapa ka!" Nag-aalala na sabi sa akin ni Red. Wow ha! Concerned ang damuho! "Anong ginagawa ninyo dito!?" Tanong ko agad sa kanila habang naka group hug kaming anim. Sobra ko silang namiss! "Concert yata ng mga asawa natin! Malamang nandito kami upang suportahan sila!" Natatawang sagot sa akin ni Is
"Ehem!" Rinig kong tikhim sa aking likuran. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Red Simon. Hindi ko napansin ang prisensya ng dumating ito. "Hi! Nandito kana pala, kanina kapa ba?" Nakangiti kong tanong, ngunit ang nakalukot ang mukha nito. Natawa naman ako ng lihim dahil alam kong nagseselos ito. "Oo, kanina pa. Kitang-kita nga ng dalawa kong malinaw na mga mata kung gaano kalaki yang mga ngiti mo sa labi habang kausap ang paksiw na ito. "Bye, Sir. Alis na po kami ng sundo ko." Paalam ko sa law professor namin na half pinoy pala. Lalo naman nag alburoto na parang bata si Red Simon dahil sa aking sinabi na SUNDO."Ano ba ang nangyayari saiyo ha? Para kang bata na inagawan ng candy." Naiinis na sabi ko dito."Tinatanong mo pa talaga ako? Sa kaniya ang laki ng ngiti mo. Samantala ako, sa tuwing magkausap tayo hindi ka manlang ngumingiti at palagi ka pang nakabulyaw sa akin. Nasaan naman ang hustisya don, asawa ko? Tapos, ang paalam mo pa sa mukhang paksiw na professor
Chyrll Maaga akong nagising, ngunit pakiramdam ko ay bigat na bigat ang katawan ko. Tinatamad akong bumangon, ganito talaga seguro kapag buntis. Nakaramdam ako ng pangangasim ng sikmura, nagmamadali akong bumangon at tumungo sa banyo. Duwal ako ng duwal na wala namang lumalabas na kinain namin kagabi. Naramdaman ko na lamang ang paghagod ng kamay ni Red sa aking likuran. "Okay ka lang ba misis ko?" Nag-aalala na tanong sa akin ni Red, naramdaman pala niya ang pagbangon ko sa kama. Matamlay akong tumango sa kaniya ng aking ulo. "Segurado kaba? Gusto mong dalhin kita sa hospital?"Tanong pang muli nito? Umiling naman ako ng aking ulo. "Sabi ng doctor, normal lang na makaramdam ako ng ganitong sintomas sa umaga. Nahihilo lang ako at gusto ko ulit matulog, pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko." Sambit ko. Bigla namang umiwalas ang mukha nito. "Baka namimiss ng kabibe mo ang sea lion ko?" Nakangiti pa nitong sabi sa akin. "Red! Ang manyak mo talaga, masama na nga ang pakira
Red. "Congratulations! Mr Marcos. Five weeks pregnant na po ang asawa mo." Nakangiting wika ng babaeng pinay na doctor sa ob-gyn na pinuntahan nila ni Chyrll dito sa Cambridge Massachusetts ng makasalubong niya ito sa hallway ng Ob-gyn ng may dala dalang isang botle mineral water. Halos lumundag sa tuwa si Red namg kumpirmahin ng doctor na buntis nga ang kaniyang asawa. Tuwang-tuwa din naman ang babaeng doctor, at pinuring muli si Red bago ito pumasok sa loob ng room kung saan naghihintay din si Chyrll na nagpahinga ng saglit dahil nakaramdam ito ng kaunting hilo. Halos magkasunod lang na pumasok si Red at ang doktora. Masaya ding binalita ng doctor ang result kay Chyrll. Pinahigang muli ng doctor si Chyrll sa patient bed, upang iparinig sa mag-asawa ang pintig ng puso ng baby sa ultrasound machine. Kinuha ng doctor ang fetal doppler pagkatapos nitong pahiran ng gel ang tiyan ni Chyrll. Hindi maipaliwanag ng dalawa ang kasiyahan na nararamdaman nilang pareho ng marinig at ma
Chyrll. "Totoo po mama, magkakaroon na po kami ng little brother o little sister?" Masayang tanong ng aking bunsong anak. "Hindi pa ako segurado anak ko. Pupunta pa lamang kami ng iyong papa sa ob-gyne para magpa check up." Naka ngiti kong paliwanag, ginulo ko ang malago nitong buhok na kulot. Maagang nagising ang mga bata, at maaga din akong kinukulit ng mga ito dahil sa kanilang ama na maaga ding nagising upang ipamalita na nagdadalang tao ako, kahit hindi pa kami segurado. Pumasok din si mommy dito sa loob ng aking silid na sobrang saya din. "Mabuti naman anak, at okay na kayo ni Red Simon? Napakasaya ko na malaman at makita na nagkakamabutihan na kayo ngayon, na tinanggap mo na siya d'yan sa puso mo. At muling nanumbalik ang pagkagusto mo sa kanya." Ani ni mommy. Nangunot naman ang aking noo, dahil nagiging madrama ngayon si mommy. "Wala lang po akong choice mommy, kundi ang tanggapin na siya sa buhay ko. Kung hindi sa mga bata at sa paparating pang blessing kung saka
Hindi ako pinapansin ni Chyrll, tanging mga kaibigan kong hudas ang kinakausap nito, na tuwang-tuwa naman. At ako pa ang nautusan na ilaga ang balot. "Matagal paba 'yan maluto?" Tanong sa akin ni Chyrll ng pumasok ito sa kusina. "Saglit na lang ito misis ko. Limang minuto na lang maluluto na ito." Sagot kong nakangiti. "Kahit ngumiti kapa diyan, mukhang kanduli kapa rin sa paningin ko." Pagtataray parin nito sa akin. Hindi ko na nagugustuhan ang pagsusungit nito sa akin, kailangan ko na itong parusahan. Kinabig ko ito, at sinakop ng aking labi, ang labi nito. Pilit akong tinutulak nito sa dibdib, pero dahil ako si Red Simon Marcos. Hindi ako nagpatinag. "Oohh." Isang ngiti ang sumilay sa aking labi ng marinig ko ang ungol nito. Pinasok ko ang palad ko sa suot nitong pantulog, at sinalat ko ang hiyas nito. Hindi naman seguro papasok ang mga hudas dito sa kusina. At wala naman cctv dito. Gumapang pa ang isa kong kamay sa loob ng damit nito, habang magkasugpong parin ang labi namin