Home / Romance / Deal of Love (Bastarda Series-Four / Chapter 6. Nakalaya na si Rasselle

Share

Chapter 6. Nakalaya na si Rasselle

last update Last Updated: 2025-03-22 13:52:59

Chyrll Point of view.

"Ma'am Chyrll! Ma'am Chyrll! Ang Daddy mo po nasa likod po ng coffee shop natin. Galit na galit po na pinapatawag kayo." Humahangos na sabi sa akin ni Clarisse.

Hindi na ako nagtaka, inaasahan ko na ito na susugod dito si Daddy. Natawa na lang ako ng lihim, don pa talaga sa likod, pwede naman siya sa tapat ng coffee shop ko mag-eskandalo.

"Huminga ka ng malalim, Charisse baka maisugod ka naman ng hospital," sabi ko dito ng kalmado at tinapik ko ang balikat nito.

"Hindi ka po natatakot sa Daddy mo?" Nagtataka nitong tanong sa akin.

"Hindi, bakit naman ako matatakot? Inaasahan ko na ito." Nakangiti ko pang sabi, bago ako nagseryuso nv expression ng mukha.

Napanganga naman ito ng bibig.

"Huwag na huwag ninyo sila bibigyan ng kahit na anong kape dito na hindi sila nagbabayad. Money down first, bago gawin ang order nila, pero sila lang ha. Hindi ang mga regular costumer natin dito." Sabi ko dito. Nakatingin lang ito sa akin, akala niya seguro kaninang umaga ay nagbibiro lang ako.

"Bumalik kana sa trabaho mo, tatapusin ko lang itong ginagawa ko. Hayaan mo si Daddy na maghihntay don sa labas." Utos ko na lang dito.

Tumango naman ito sa akin, na hindi makapaniwala. Nagtataka seguro king bakit ganito ako ngayon sa family ko. Nginitian ko lang ito, bago ito lumabas

"Muli kong binalik ang atensyon ko sa ginagawa ko, habang pinagmamasdan ko ang aking mga estratehiya sa online marketing ng aking negosyo sa social media. Kagat ko ang aking balpen ng biglang bumukas ang pinto ng aking opisina."

Pagtingin ko ay ang mukha ni Daddy ang nakita ko... Hindi ako nagpakita ng pagkagulat sa kaniyang pagpasok dito, kahit na gusto ng kumawala ang puso ko sa loob ng dibdib ko. Hindi naman ako mahilig magkape, pero nagiging magugulatin ako lately.

"Anong katangahan ang pumapasok diyan sa kukuti mo Chyrll? Bakit mo pinakulong si Lance na wala naman ginagawa saiyong masama?" Galit na sabi sa akin ni Daddy.

"Ma'am, pasensya na po. Nagpupumilit pong pumasok ang daddy mo, kahit hindi namin pinapayagan pumasok." Hinging paumanhin sa akin ni Clarisse na kinakabahan.

Bumuga mona ako ng hangin bago ako tumayo sa aking kinauupuan, at tumango lang ako kay Clarisse. "Dad, pu-

"Simula ngayon huwag mo na rin akong tinatawag na Daddy." Putol nito sa sasabihin ko. Hindi ako nagpahalata na nasaktan ang kalooban ko, dahil tuloyan na yata niya akong tinakwil.

"Okay, Mr. Araneta na lang... Mr. Wilson Araneta, pwede na seguro yan?" Sagot ko sa kanya.

"Pumunta ang gagong si Lance na yan dito at gusto akong kausapin. Tinanggihan ko dahil busy ako sa ginagawa ko, ganun naman diba? kapag busy ka sa trabaho, pwede kang tumanggi makipag harap lalo na't wala namang appointment na schedule sa akin. Hindi niya nagustuhan ang pagtanggi ko, nagbanta na manggugulo dito sa shop ko, kaya ayon inunahan ko na. Inutusan ko si Kieran na dalhin sa likod ng shop at turuan ng leksyon na ginawa naman niya. Tumawag ako ng pulis kaya nandon siya s presinto mo. Anong mali sa ginawa ko Mr. Araneta kung gayong ang shop ko lang naman ang iniingatan ko, at ang mga empleyado ko sa pagbabanta niyang manggulo." Paliwanag ko

"Sumama ka sa akin, at bawiin mo ang mga sinabi mo sa kanila!" Galit na sabi ulit i Daddy.

"No, Mr. Araneta. Wala akong babawiin sa sinabi ko sa mga pulis na hawak mo. Kung gusto ninyong makalabas ang Lance na yon sa kulongan, bakit hindi mo gamitin yang power na posisyon mo bilang isang General Police ng makalabas sya don?" Sagot ko kay Daddy.

"Sumosubra na talaga yang pag-uugali mo Chyrll! Ang tigas ng ulo mo!" Galit na sabi nito sa akin.

"Kung ang pinunta mo lang dito ang sermunan ako, makakaalis na kayo dahil marami pa akong gagawin." Sabi ko na lamang. Dahil ayaw ko ng dagdagan pa ang pagsagot-sagot ko sa kanya. Dahil kahit pagbalik-baliktarinan man ang mundo, siya parin ang ama ko kahit tinakwil na niya ako bilang anak niya.

Isang masamang tingin ang pinukol niya niya sa akin, bago ito lumabas ng aking opisina.

Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim ng pabalibag na sinarado ni Daddy ang pinto.

Tinapos ko kaagad ang ginagawa ko dito sa loob ng aking opisina. Pagkatapos ko ay lumabas ako, Pumunta ako sa garden. Kumuha ako ng isang stick ng sigarliyo at sinindihan ko ito.

Isang hits ang ginawa ko, at binuga ko ito sa hangin. Natuto akong manigarilyo, matapos ang dalawang buwan na maaksidente ako sa America. Galit na galit sa akin non si Daddy ng bumalik ako dito sa Pilipinas. Nagka amnesia lang daw ako ay, natuto na akong magyosi.

Isang hits muli ang ginawa ko. Kailangan ko pang asikasuhin ang pag-enroll ko sa kolehiyo. Kailangan ko pang maghanap ng hindi kamahalan na maningil ng tuition f*e.

Pagkatapos kong manigarilyo, ito namang garden ang inasikaso ko, mahilig talaga ako sa mga halaman kaya naisipan kong magpalagay nito dito sa likuran ng coffee shop ko. Hindi naman ito kalakihan, at mayroon din akong fish pond dito na pinagawa. Itong lugar na ito minsan ang puntahan ng mga sikat na blogger, natutuwa sila kapag marami silang nahuhuling isda. Makakapamingwit lamang dito ng libre kung ang nàgastos sa pagkape dito sa coffee shop ko ay nasa halagang 2000 pesos.

Inubos ko lamang ang isang stick ng sigarliyo, pagkatapos ay sa secret room na ako tumuloy. Nanlalagkit ang aking katawan kaya naligo mona ako.

__________✍️

Dalawang linggo ang lumipas, nakalaya na si Rasselle sa pagkakakulong nito sa Mansion nila tito.

"Ang tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay saiyo dito." Reklamo ko ng makasakay ang kaibigan ko sa kotse na nabili ko ng secondhand.

"Si Daddy eh, ang dami pang sinabi sa akin bago ako payagan na sumama saiyo." Nakangiti nitong sabi sa akin. "Pero teka, bakit ngayon ka lang pumunta dito? Nakaraan dalawang linggo kapa nakalaya sa mansion ni Tito Wilson. Akala mo hindi ko alam ang pagtatalo ninyo ni Tito." Sabi pa nito na may halong himig na pagtatampo.

"Kung pumunta ako dito, eh di mas lalo tayong nalintikan. Baka gumaya ka pa gaya-gaya puto maya ka pa naman kung minsan." Sagot ko dito habang minamane-obra ko ang kotse ko.

"Saan ba lakad natin?" Tanong na lang nito sa akin.

"Maghahanap tayo ng murayta na university. Alam mo naman, tinakwil na ako ng tuloyan ng ama ko." Sagot ko.

Bigla naman nalungkot ang kaibigan ko. "Eh di tuwang-tuwa ang mag-inang impakta dahil wala kana sa puder nila?

"Ano pa nga ba? Baka nga nagpaparty party ang mga baliw na yon sa pag-alis ko.

"Bakit kase hindi kana lang pumayag sa gusto nila na pakasalan ang lalaking gusto nilang mapangasawa mo?

"Sira kaba? Bakit ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal? Saka mukhang gago ang lalaking yon kahit gwapo kaya hindi nakapasa sa akin.

"Ang taas talaga ng standard na hanap mo pagdating sa lalaki, baka naman sa kakahanap mo ng matino at maginoong lalaki eh sa manyakis at babae ka pa mapunta.

"Gaga, tumahimik kana nga lang. Magtingin kana lang sa website ng murang school sa kolehiyo ng may maitulong ka sa akin. Kailangan kong magtipid ngayon dahil sa coffee shop nalang natin ako umaasa ng pera na kailangan ko.

"Ito na nga, maghahanap na senyorita Chyrll. Hindi kana nga pala senyorita ngayon noh, dahil isa kanang pobre." Nang-aasar pa na sabi sa akin ni Rasselle at tumawa pa ito.

"Gaga.

Maghapon kaming naghanap ng university na may kurso na tungkol sa abogasya. Mabuti na lamang dito sa huling pinuntahan namin ay mayroon kaming nakita, at dito lang mismo sa tapat mismo ng Chyselle Coffee Shop namin ni Rasselle.

"Nagpakalayo pa tayo, at nagpakapakapagod sa paghahanap, dito lang pala ang mas murayta ang mag-aral." Sabi ko sa kaibigan ko.

"Ikaw, kase. Ilan beses ko na saiyo na sinabing unahin natin ang tapat mismo ng shop natin, nagpakapagod pa tayo. Dito lang din pala ang bagsak natin.

"Nagbakasakali lang naman ako sa iba, baka mas mura don, malay ko ba na mas mura lang pala dito.

"Yan ba talaga ang gusto mo ang maging abogada? Walong taon kang mag-aaral, nakakabagot yan." Tanong ni Rasselle habang nakaupo kami dito sa bench ng university.

"Oo, ito ang pangarap ko mula pa noong bata ako, gusto kong ipagtanggol ang mga bata na nakakaranas ng kalupitan sa kanilang pamilya, lalo na sa kanilang magulang." Sagot ko sa aking kaibigan.

"Hindi mo pa talaga nakakalimotan ang ginawa saiyo ng mag-inang yon, noh? Sabagay kahit seguro sa akin mangyari 'yon, hinding hindi ko makakalimotan ang ginawa nilang pagmamaltrato sa akin, baka nga dalhin ko pa sa kabilang buhay ang galit ko sa kanila." Sabi ulit nito sa akin. "Pero kapatid, wala kaba talagang naalala sa nangyari saiyo sa america, kung bakit ka nahulog sa hagdanan ng bahay ninyo doon?" Tanong ulit nito sa akin.

"Wala eh, ang sabi lang sa akin ni Daddy, nahulog lang ako dahil natakot daw ako sa pusang itim na dumaan. Pinaniwalaan ko na lang kahit minsan paiba-iba sila ng kwento sa akin." Sagot ko.

"Kahit 'yong dahilan ng pagpunta mo don, hindi mo ba maalala? Isang taon ka kayang hindi nagparamdam sa akin noon. Nagparamadam ka lang sa akin nong gusto mong magtayo tayong dalawa ng negosyo." Tanong pa nito sa akin na may himig sa huli na pagtatampo.

"Wala talaga eh, sumasakit ang ulo ko kapag pilit kong inaalala, kaya hindi kona iniisip pa kung ano ang nangyari sa akin pagkatapos natin mag-aral noon sa highschool." Sagot ko.

Ilang minuto pa ang inilagi namin dito sa Don Bosco Technical College ay umalis narin kami. Plano naming pumunta ng mall nila Rasselle, upang bumili ng kakailanganin namin sa pag-aaral.

J.C.E CLEOPATRA

Nakalaya na si Rasselle. Gimik ulit kayo, ng makulong na kayo ng tuloyan sa Isla Del Rama.

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cynthia Fernandez
ahehehh comedy drama pla itong story mo miz A
goodnovel comment avatar
Raselle david
more ud po Ms.a
goodnovel comment avatar
Chyrll Dumulot
kakalaya lang makukulong ulit
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 120. Special chapter.

    Makalipas ang anim na buwan. "Red! Ang tiyan ko, sumasakit. Ah!" Tawag ko sa aking asawa ng maramdaman kong sumasakit na ang tiyan ko. "Shit! Anong gagawin ko?" Natatarantang tanong ni Red. "Dalhin mo ako sa hospital! Tawagan mo si Szarina sa trabaho niya!" Utos ko. "Paano?" "Red! Ginoo ko! Alalayan mo ako, tapos kunin mo ang cellphone ko sa ibabaw ng center table pagkatapos tawagan mo ang kaibigan ko! Dahil manganganak na ako!" Natapik ko ang aking nuo dahil natataranta talaga ang aking asawa. "Diyos ko naman Red! Magaling ka lang gumapang sa gabi!" Sabi ko pa. "Sorry asawa ko! Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam mo naman na bago lang ito sa akin. Saka ang paggapang ko lang saiyo gabi gabi ang maitutulong ko." Katwiran pa nito sa akin. "Ewan ko saiyo! Ah! aray ko Red! sumasakit na talaga ng tiyan ko, manganganak na talaga ako! "Teka, asawa ko. Pigilan mo mona! Baby! Huwag ka monang lumabas, nagtataranta si papa eh! Baka mahimatay ako!" Bulong pa nito sa aking tiya

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 119. Finally

    "Dude! Tama na ang pag-iyak mo! Daig mo pa ang bakla. Nasa harapan mona, umiiyak kapa rin! Bakla kaba?" Sigaw ni Eutanes ng pabiro. Hindi pinansin ni Red ang pabirong sigaw ni Eutanes sa kanya. Umiiyak siya dahil sa labis na saya na nararamdaman niya. "Misis ko!" Panimula ni Red sa kanyang weeding vow sa kaniyang kabiyak. "Hindi ko akalain na darating tayo sa ganito. Akala ko hindi na ito matutupad pa." Aniko pa na umiiyak at halos tumulo na ang sipon ko. "Napakapalad ko, misis ko dahil ikaw ang binigay sa akin ni Lord. Hindi parin ako makapaniwala kung saan tayo dinala ng tadhana mula sa aksidente nating pagkakilala. Dito misis ko sa harap ng dambana, pinapangako ko sa lahat ng nandito, sa magulang mo at sa magulang ko,mga kaibigan natin, mga mahal natin sa buhay, at lalong lalo na saiyo, -higit sa lahat kay Lord na hinding hindi ka magsisisi na binigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon na patunayan saiyo na mahal kita, at hindi lang basta mahal. -Mahal na mahal kita, Mrs Chyrll

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 118. Itigil ang kasal! buntis ako!

    Ito na. Ito na ang araw na hinihintay namin ni Red. Ang maikasal kami sa simbahan. Tumingala ako sa kalangitan, at pumikit ako. Napakasaya ngayon ng aking puso, dahil natupad na ang pangarap kong maikasal sa lalaki na mahal na mahal ko. Minulat kong muli ang aking mga mata. "Sa Wakas. Nagsimula na akong ihakbang ang aking mga paa patungo sa ilang baitang ng hagdanan ng simbahan ng Quiapo. Labas pa lang, talagang pinaghandaang mabuti ni Red. Ng nasa huling baitang na ako. Kumakabog na ang puso, kabog sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. Samantala, ang mga taong naghihintay sa pagdating ni Chyrll ay masayang nag-aabang, pwera lamang kay Red Simon na kanina pang umiiyak. Iniisip kasi nito na hindi siya sisiputin ni Chyrll. Ito na ba daw ang karma niya sa kaniyang ginawang trip noon kay Fucklers ng kinasal ito sa kaniyang kapatid na si Aria. "Dude, ano kaba? Kanina ka pa umiiyak diyan na parang baka! Natutulig na ang tainga ko saiyo. Ang sarap mong ihagis sa labas!" Pabirong

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 117 Tahong ni Karla(Chyrll)

    "Hindi ako makapaniwala na bilyon ang halaga ng wedding gown mo, kapatid. Katulad ng sa akin noong kinasal kami ni Eutanes." Masayang ani ni Isadora. "Gusto ko nga sanang ebenta ito kay Rasselle pagkatapos ng kasal namin, kaso ayaw ni Red, magagalit daw siya. Kaya, itatabi ko na lang ito."Ani ni Chyrll. "Ha? Tama ba ang narinig ko. Balak mong ibenta sa akin yang wedding gown mo? Nababaliw kanaba? Wala akong balak na magpakasal, may plano na akong pumasok sa simbahan upang maging postulant." Saad ni Rasselle. Tumawa naman ang magkakaibigan dahil sa tinuran ni Rasselle sa huling sinabi nito. "Seryuso ka? Paano si Rage?" Tumatawang tanong ni Marian. "Naku! Maraming babae pa naman ang patay gutom sa lalaki, tiyak ako na maraming pipila sa Rage mo." Turan naman ni Szarina. Kibit-balikat lang ang tinugon ni Rasselle. Huling dumating si Aria sa dressing room ni Chyrll. Tuwang-tuwa ito ng makita si Chyrll. "Napaka ganda mo talaga kapatid!" Puri ulit ni Rasselle na siya sanang m

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 116. Bridal shower

    "Yaya Sherely! Marunong kaba maglinis ng kuko?" Tanong ni Aria kay Yaya. "Medyo ma'am Aria. Bakit mo po natanong? "Gusto sana namin magpalinis ng kuko. Kung sa salon pa kasi tinatamad na kami. -Pero huwag kang mag-alala babayaran ka naman namin at bibigyan pa namin ng tip. Okay ba yon?" Si Szarina na ang nagsalita. "Sege, mga madam. Tamang-tama kailangan kong makapag ipon ng pera ngayon. Malapit na din kasi ako magpaalam kay Senyorita Chyrll." Tuwang-tuwa na sabi ni Sherely. Lahat nga sila ay nakahilirang nakaupo sa sofa. "Sherely, e footspa mo muna ako bago mo ako linisan ng kuko." Utos naman ni Marian. "Ako din Sherely, kumakapal na din kasi ang kalyo ko sa paa, kasing kapal na ng kalyo ng mukha ni Marian." Saad naman ni Szarina. "Kapal talaga ng mukha mo unanong badjao! Gandang ganda ka talaga sa akin noh! Ang mukha ko na lang ang palagi mong nakikita. "Magpapalinis ba kayong dalawa o magbabangayan na lang? Mga paa n'yo na lang ang lilinisan ko." Reklamo ni Sherely.

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 115. Sa silong ni Kaka

    "Mama, ang baho naman po ng kinakain mo! Ano po ba 'yan?" Tanong sa akin ni Nicolas. "Bugok, anak ko! Masarap ito. Gusto mo bang tikman? "Ayaw ko po, ang baho po eh. Amoy bulok!" Naduduwal pa na sabi ng anak ko. Natawa naman ako dahil nababahuan talaga siya. At hindi pa maipinta ang kaniyang mukha. "Masarap ito anak, tikman mo kahit kaunti lang." Pamimilit ko pa. "Ayaw ko po talaga mama. Hindi ko po kaya ang amoy, baka po sumakit lang ang tiyan ko. "Sege, anak. Kung ayaw mo hindi na kita pipilitin. "Sina Tita Aria po, at tita Isadora, tita Rasselle, tita Marian at tita Szarina, anong oras po sila pupunta dito? Ang init na po kasi, masakit na po sa balat!" Reklamo na ng anak ko. Kadarating lang namin dito sa Pilipinas, dalawang araw na ang nakalipas. Tapos narin ang isang taon na pag-aaral ng law, may dalawang taon na lang ang bubunuin ko makakapagtapos na ako ng Master of law's. Matutupas narin ang pangarap ko na makabilang sa ICC International Criminal Court. At magigi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status