Share

Chapter.5 You're fired.

last update Last Updated: 2025-03-21 10:54:49

Chyrll Point of view

Nagtataka ang mga empleyado ko ng makita nila ako.

"Oh bakit, nagulat kayo saakin? Daig n'yo pa ang nakakita ng multo" Tanong sa ko sa kanila.

"Pasensya na po ma'am, Chyrll. Ang sabi po kasi sa amin ni ma'am Carlyn nagkaroon ka daw po ng bulutong sa katawan kaya hindi ka daw po nakakapunta dito." Hinging paumahin sa akin ni Clarisse at ng tatlo ko pang empleyado, gusti ko sanang magbawas ng isa, kaso naisip ko kawawa naman, dahil sa kanila lang umaasa ang kanilang pamilya.

"Okay, lang Clarisse. Hindi naman ako galit, at huwag kayong maniniwala sa ate kong yon, dahil may sayad yon sa utak. Kapag tumungo pa yon dito, hingan n'yo ng bayad, kahit na sino sa pamilya ko ang nagawi dito. Hindi na sila libre dito." Sabi ko sa limang empleyado ko.

"Masusunod po, ma'am Chyrll." Sabay-sabay nilang sagot sa akin.

Bumalik na sila sa trabaho nila, ako naman ay kinausap ko ang security guard ko.

"Hoy Kieran Santos." Tawag ko, si Daddy ang naglagay ng security dito sa shop ko, kaya alam kong na kay Daddy ang loyalty ng lalaking ito. Alam ko kung bakit naglagay ng security guard si Daddy dito dahil para bantayan ang bawat kilos ko.

"Yes senyorita." Sagot nito sa akin.

"Alam mo na seguro kung bakit ako nandito ngayon?" Tanong ko.

Ngumit naman ito sa akin. "Yes po senyorita." Sagot nito sa akin.

"Isa pang tawag mo sa akin ng senyorita mababatukan na kita." Sermon ko dito.

"Sorry ma'am." Nakangitit nanaman na sagot nito sa akin.

"Tsk... Kung ayaw mong tanggalin kita dito, sa akin na ang loyalty mo hindi na kay Daddy. Naiintindihan mo ba ako? Mataray na sabi ko dito.

"Naku, ma'am. Hindi po pwede 'yon. Si Big Boss po ang nagpapasweldo sa akin eh, kaya sa kanya parin po ang loyalty ko." Sagot nito sa akin, umiikot naman ang aking mata sa kanya.

"Oo nga pala, nakalimotan ko. Okay, you're fired." Sabi ko na lang, at tumalikod na ako.

"Senyorita, ay madam pala, sorry." Habol nito sa akin.

"Makakauwi kana, Kieran. Hindi na kita kailangan dito." Sagot ko, niloloko ko lang naman ito. Gusto ko lang marinig sa kanya na sa akin na ang loyalty nito kahit si Daddy ang nagpapasweldo dito. Sana nga lang ay hindi ito bawiin sa akin ni Daddy, dahil malaking tulong sa akin si Kieran. Magkasing edad lang kami nito, ito ang empleyado ko na makulit, pero mabait.

"Ma'am, huwag naman. Kailangan ko pa naman ng trabaho ngayon, dahil nasa hospital po si nanay." Pakiusap nito sa akin.

"Diba na kay Daddy ang loyalty mo, sa kanya kana magtrabaho total siya naman ang nagpapasahod saiyo, hindi ako." Sabi ko dito na nakataas ang aking kilay.

Napakamot naman ito ng kanyang ulo. "Ma'am, wala na pong bakante kay Big Boss. Kapag sinisante mo po ako, wala na akong trabaho." Sagot nito.

"Hindi ko na problema 'yan." Sagot ko sa kanya.

Napakamot naman ito ng kanyang ulo. "Ayaw ko naman po ma'am masira sa akin ang tiwala ni Big Boss. Pasensya na ma'am na kay Big Boss parin ang loyalty ko." Sabi nito sa akin at tumalikod na.

Nakonsensya naman ako. "Pasaway, oo na. Hindi kana sisante, pero ayusin mo, kapag nirereport mo pa kay Daddy ang mga ginagawa ko bubuhusan kita ng isang drum na kapeng barako na mainit." Sabi ko dito.

Ang laki naman ng pagkaka ngiti nito. "Yes po ma'am.

"Doon kana sa Entrance, magbilang kana ng tao don." Utos ko na lang dito.

Tuwang-tuwa naman itong bumalik sa kaniyang pwesto.

Pumasok na ako sa office namin ni Rasselle, upang tingnan ang mga sales namin nitong mga nagdaan na mga araw na hindi kami, nakapunta dito dahil kinulong naman kami sa mansion.

Naupo ako sa upuan ko, at nagsimula ng basahin ang sales.

Ang laki ng aking pagkakangiti, dahil mas lalong lumaki ang benta namin kahit wala kami dito ni Rasselle.

Habang binabasa ko ang benta namin ngayong buwan ay may kumatok.

"Pasok." Sabi ko.

Bumukas ang pinto at niluwa nito si Clarisse ng nakangitin. Masayahin talaga ang babaeng ito kahit inaasar ni Kieran.

"Ma'am pasensya na po sa abala. May naghahanap po sainyo." Sabi nito sa akin.

Kumunot naman ang noo ko dahil wala naman akong maalala na may bisita akong darating dito. "Ano daw ang pangalan niya?" Nagtataka kong tanong.

"Lance Morales po ang pangalan ma'am." Sabi ni Clarisse.

Bigla naman umasim ang mukha ko. Ano naman ang ginagawa ng kumag na 'yon dito? At paano nito nalaman na may coffee shop ako.

"Pakisabi sa kanya Clarisse na busy ako ngayon, wala akong oras makipag-usap sa taong hindi ko naman kilala." Utos ko.

"Yes po ma'am." Magalang na sagot nito sa akin, at sinara na ang pintuan ng opisina ko.

Pinagpatuloy ko parin ang pagbabasa ng benta namin.

Sana mas mas dumami pang dumating na customer namin dito. Kailangan kong ilako sa social media ang coffee shop para mas makilala ito at dayuhin.

Wala pang limang minuto ay may kumatok muli.

"Pasok." Sabi kong muli.

Si Clarisse ulit ang nasa pinto. Halatang nangunngunsumi.

Tumingin ako ako sa kanya. "Ma'am, kapag hindi ka daw po sa kanya nakipag-usap mangugulo daw po siya sa loob ng shop natin." Sabi ni Clarisse.

Napabuntong hininga naman ako.

"Utusan mo si Kieran, na dalhin sa likod ang lalaking nang iistorbo sa trabaho ko, at sabihan mo na bigyan niya ng isang suntok sa mukha o kaya ay gulpihin niya ng umalis na dito." Seryuso kong sabi. Hindi naman nakakilos agad si Clarisse dahil sa sinabi ko.

"Ano?

"Seryuso ka po ma'am? Hindi makapaniwala nitong tanong sa akin.

"Ano sa tingin mo Clarisse, mukha ba akong nagbibiro?" Balik tanong ko naman sa kanya.

"Hindi po ma'am, pasensya na po, sege po sabihin ko." Sagot na lang nito sa akin.

Tumango naman ako ng ulo dito. At umalis na ulit ito.

Alam kong kaya 'yon ni Kieran. Sayang naman ang laki ng katawan niya kung hindi nito mapapatulog ang Lance na 'yon. Hindi lang basta security guard si Kieran . Kilala ko si Daddy hindi ito basta kumukuha ng magiging tauhan nito sa mga pipitsuging Agency, gusto nito ay mga highly trained.

Napahinto ako sa binabasa ko. Si Carlyn seguro ang nagsabi sa lalaking yon kung nasaan ako ngayon.

Muling may kumatok, at pinapasok ko ito.

"Ma'am, segurado po kayo sa pinag-uutos mo sa akin?Uupakan ko ang lalaking 'yon na wala namang ginagawa sa akin?" Nagtataka na tanong nito sa akin.

Tumango naman ako sa kanya. "Hindi mo ba kaya?" Balik ko naman na tanong kay Kieran.

"Ma'am, hindi naman po sa ganun, ang dami pong tauhan sa labas na nakabantay, mag-isa lang po ako.

Natawa naman ako sa sinabi ni Kieran.

"Eh di magtawag ka ng magiging kakampi mo. Alam ko na marami kang kaibigan Kieran, at alam ko din ang organization ninyo ni Daddy. Para hindi ka naman buweltahan nila, sa mga kaibigan mo ipabogbog ng hindi ka nila balikan." Sabi ko na lang.

Napakamot naman ito ng kaniyang ulo. "Grabe ka ma'am ang lakas ng trip mo, pwede mo naman kausapin na lang ang lalaking 'yon.

"Gusto mo bang malaman kung bakit ayaw kong kausapin ang lalaking 'yon?" Sabi ko.

Tumango naman ito mg kaniyang ulo.

"Siya lang naman ang lalaking gusto akong maging asawa. Hindi ko siya gusto at hindi ko mahal. Tumanggi ako, nagtalo kami ni Daddy kaya ako umalis ng mansion namin." Sabi ko.

"Sira-ulo pala 'yon ma'am. Teka ma'am ako na ang babasag ng mukha ng lalaking 'yon.

"Kaya, mo? Hindi mona tatawagin ang mga kaibigan mo?

"Naku, ma'am. Ang totoo niyan ay kulang pa ang bilang nila para sa akin. Bigyan ko pa sila ng partida, isang kamay lang ang gamitin ko at nakapikit pa

isa kong mata. Uuwi ang mga yan ng mamsion nila na gumagapang." Pagyayabang naman nito.

"Ang init dito kanina, pero ngayon lumalamig na. May nakapasok pa yata na taong mahangin.

Natawa naman ito sa biro ko. "Gawin mo na ang pinag-uutos ko Kieran, marami pa akong dapat basahin." Naiiling na utos ko dito.

Umalis na nga ito.

Tumayo naman ako upang tingnan sa CCTV camera kung susundin nga ba ni Kieran ang pinag-uutos ko.

Ilang sandali pa ay, nasa likod na sila. Nakasuot naman ng ski mask si Kieran, takot din pala ang lalaking ito.

Nakita ko na nag-uusap sila at maya-maya ay binigwasan ito ni Kian ng isang malakas na suntok sa mukha.

Napapalakpak naman ako ng aking kamay, na bumagsak si Kian sa bermuda grass na walang malay, kaya dali-dali akong lumabas ng aking opisina at tumungo sa likuran.

"Wow, Kieran ang galing mo, napatulog mo ang pangit na yan? Mahinang nilalang pala yan." Tuwang-tuwa na sabi ko.

"Syempre ma'am, si Kieran Santos yata ito." Pagmamalaki pa nito.

"Ano na po ang gagawin natin sa lalaking ito ma'am?" Tanong naman nito sa akin.

May naisip naman ako.

"Tatawag ako ng pulis, ipapakulong ko ang lalaking yan." Nakangiti na sabi ko.

"Seryuso ka ma'am? Baka mas lalong magalit yan sa atin, pinatulog kona gamit ang kamao ko, tapos ipapakulong mo pa.

"Si Daddy na ang bahala sa kanya.

Tumawag na ako sa Police Station. Mga ilang minuto dumating ang mga Pulis, dito sa likod ng shop ko, at sinakay na nila ang tulog na si Lance sa Patrol car nila..

J.C.E CLEOPATRA

Kawawang Lance, sa kulongan magigising pagkatapos bigyan ng isang suntok sa mukha ni Kieran.

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cynthia Fernandez
nice story miz A..thank u
goodnovel comment avatar
Chyrll Dumulot
ahaha mahinang nilalangahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 106. Doctor recommended

    Chyrll Maaga akong nagising, ngunit pakiramdam ko ay bigat na bigat ang katawan ko. Tinatamad akong bumangon, ganito talaga seguro kapag buntis. Nakaramdam ako ng pangangasim ng sikmura, nagmamadali akong bumangon at tumungo sa banyo. Duwal ako ng duwal na wala namang lumalabas na kinain namin kagabi. Naramdaman ko na lamang ang paghagod ng kamay ni Red sa aking likuran. "Okay ka lang ba misis ko?" Nag-aalala na tanong sa akin ni Red, naramdaman pala niya ang pagbangon ko sa kama. Matamlay akong tumango sa kaniya ng aking ulo. "Segurado kaba? Gusto mong dalhin kita sa hospital?"Tanong pang muli nito? Umiling naman ako ng aking ulo. "Sabi ng doctor, normal lang na makaramdam ako ng ganitong sintomas sa umaga. Nahihilo lang ako at gusto ko ulit matulog, pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko." Sambit ko. Bigla namang umiwalas ang mukha nito. "Baka namimiss ng kabibe mo ang sea lion ko?" Nakangiti pa nitong sabi sa akin. "Red! Ang manyak mo talaga, masama na nga ang pakira

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 105 Kakapunin.

    Red. "Congratulations! Mr Marcos. Five weeks pregnant na po ang asawa mo." Nakangiting wika ng babaeng pinay na doctor sa ob-gyn na pinuntahan nila ni Chyrll dito sa Cambridge Massachusetts ng makasalubong niya ito sa hallway ng Ob-gyn ng may dala dalang isang botle mineral water. Halos lumundag sa tuwa si Red namg kumpirmahin ng doctor na buntis nga ang kaniyang asawa. Tuwang-tuwa din naman ang babaeng doctor, at pinuring muli si Red bago ito pumasok sa loob ng room kung saan naghihintay din si Chyrll na nagpahinga ng saglit dahil nakaramdam ito ng kaunting hilo. Halos magkasunod lang na pumasok si Red at ang doktora. Masaya ding binalita ng doctor ang result kay Chyrll. Pinahigang muli ng doctor si Chyrll sa patient bed, upang iparinig sa mag-asawa ang pintig ng puso ng baby sa ultrasound machine. Kinuha ng doctor ang fetal doppler pagkatapos nitong pahiran ng gel ang tiyan ni Chyrll. Hindi maipaliwanag ng dalawa ang kasiyahan na nararamdaman nilang pareho ng marinig at ma

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 104. Tahong na pula.

    Chyrll. "Totoo po mama, magkakaroon na po kami ng little brother o little sister?" Masayang tanong ng aking bunsong anak. "Hindi pa ako segurado anak ko. Pupunta pa lamang kami ng iyong papa sa ob-gyne para magpa check up." Naka ngiti kong paliwanag, ginulo ko ang malago nitong buhok na kulot. Maagang nagising ang mga bata, at maaga din akong kinukulit ng mga ito dahil sa kanilang ama na maaga ding nagising upang ipamalita na nagdadalang tao ako, kahit hindi pa kami segurado. Pumasok din si mommy dito sa loob ng aking silid na sobrang saya din. "Mabuti naman anak, at okay na kayo ni Red Simon? Napakasaya ko na malaman at makita na nagkakamabutihan na kayo ngayon, na tinanggap mo na siya d'yan sa puso mo. At muling nanumbalik ang pagkagusto mo sa kanya." Ani ni mommy. Nangunot naman ang aking noo, dahil nagiging madrama ngayon si mommy. "Wala lang po akong choice mommy, kundi ang tanggapin na siya sa buhay ko. Kung hindi sa mga bata at sa paparating pang blessing kung saka

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 103. Elephant 🐘 Style.

    Hindi ako pinapansin ni Chyrll, tanging mga kaibigan kong hudas ang kinakausap nito, na tuwang-tuwa naman. At ako pa ang nautusan na ilaga ang balot. "Matagal paba 'yan maluto?" Tanong sa akin ni Chyrll ng pumasok ito sa kusina. "Saglit na lang ito misis ko. Limang minuto na lang maluluto na ito." Sagot kong nakangiti. "Kahit ngumiti kapa diyan, mukhang kanduli kapa rin sa paningin ko." Pagtataray parin nito sa akin. Hindi ko na nagugustuhan ang pagsusungit nito sa akin, kailangan ko na itong parusahan. Kinabig ko ito, at sinakop ng aking labi, ang labi nito. Pilit akong tinutulak nito sa dibdib, pero dahil ako si Red Simon Marcos. Hindi ako nagpatinag. "Oohh." Isang ngiti ang sumilay sa aking labi ng marinig ko ang ungol nito. Pinasok ko ang palad ko sa suot nitong pantulog, at sinalat ko ang hiyas nito. Hindi naman seguro papasok ang mga hudas dito sa kusina. At wala naman cctv dito. Gumapang pa ang isa kong kamay sa loob ng damit nito, habang magkasugpong parin ang labi namin

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 102. Mukhang kanduli.

    Red. Walang pagsidlan ang aking labis na nadarama ngayon. -Ngayon, hawak ko na ang isang basket na balot na inorder ng mga matatalik kong kaibigan sa online para sa aking pinakamamahal na asawa. Sana nga ay tama ang kutob nila na buntis na si Chyrll. Talagang ako na ang pinaka masayang lalaki sa balat ng lupa. "Dude, baka naman mapunit na yang bibig mo sa sobrang laki ng pagkakangiti mo." Turan ni Eutanes. Lalo naman lumaki ang aking pagkakangiti. " Ganito pala ang pakiramdam na malaman mo na buntis ang asawa, kahit hindi ko pa kumpirmado kung buntis nga siya." Sagot ko. "100%, dude. Buntis ang asawa mo. Hindi yan maghahanap ng werdong balot na lalaki ang sisiw kung hindi yang buntis," Ani naman ni Fucklers, nakikinig pala siya sa amin ni Eutanes. Tumango tango naman ako ng ulo sa kanila habang malaki ang aking pagkakangiti. "Kahit balot pa ng dragon ang ipahanap niya sa akin at bakla ang inakay nito ay maghahanap talaga ako, kahit libotin ko pa ang buong mundo, mapagbigyan k

  • Deal of Love (Bastarda Series-Four   Chapter 101. Balot, sisiw na lalaki.

    "Anak, okay ka lang ba? Namumutla!" Nag-aalala na tanong sa akin ni mommy. "Puyat lang po ako mommy, nagreview po kasi ako ng mga kaso na kailangan namin ipasa sa monday." Sagot ko kay mommy. "Ganun ba, nak. Sege kumain kana, para naman makapagpahinga ng maaga. "Mommy, may gusto akong kainin ngayon. Natatakam ako sa balot. Gusto kong kumain ng balot na lalaki ang sisiw." Sabi ko kay mommy habang ang bibig ko ay parang naglalaway. Nagtataka naman si mommy na tumingin sa akin. "Anak, segurado kaba sa sinabi mo? Balot na lalaki ang sisiw! Meron ba non, anak?" Hindi makapaniwala na tanong ni mommy sa akin, kaya napaisip din ako. "Meron ba non?" Bulong ng isip ko, pero gusto ko talagang kumain ng balot na lalaki ang sisiw nito. "Meron po non, mommy. Alam po 'yon ng nagtitinda ng balot." Sagot ko na lang. "Ang weird mo anak. -Saglit puntahan ko lang si Red sa garahe, tamang-tama may bagong bili siyang motorsiklo, pasasaglitin ko siya sa supermarket." Saad ni mommy. Tumango nama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status