3rd Person
"Ano'to?" Tanong ng kapatid ni Chyrll sa ama na si Carlyn ng ilapag nito ang isang papel sa tapat mismo ni Chyrll habang kumakain ito ng almusal. "Pwede ba kumakain ako." Wala sa mood na sagot ni Chyrll sa kanyang ate. "Kinakausap kita Chyrll, kaya huwag kang bastos! Ipaliwanag mo ang lahat ng 'yan sa amin?" Napipikon na sabi ni Carlyn sa kapatid. Sa inis ni Chyrll ay hinampas nito ang ibabaw ng lamesa kaya natapon ang mango juice sa ibabaw at sa sahig. "Hindi mo ba nakikita na kumakain ako? O talagang sinasadya mo lang na inisin ako ngayong umaga!?" Napipikon na pagsagot ni Chyrll sa kapatid nito na hindi na makapagtimpi sa ate Carlyn nito. "Tumigil na kayo! Hindi ba kayo nahihiya na magbangayan? Nasa harapan tayo ng pagkain, bigyan n'yo naman ito ng respeto." Pagsita ng kanilang ama sa dalawa pero hindi parin tumigil ang dalawa sa pagbabangayan. " Oh! Bakit ako nakasama? Ang pagsabihan mo lang ay 'yang paborito mong anak na nagmamagaling, nanahimik akong kumakain dito pero ginugulo niya ako." Pagsagot ni Chyrll sa kanyang ama. "Hindi kaba Daddy magagaliit, hahayaan mo na lang ba ang pagpapabaya ni Chyrll sa pag-aaral? Kung hindi pa ako nagtanong sa CRS hindi ko malalaman na bagsak na pala s'ya sa lahat ng subjects." Tanong nito sa kanilang ama. Napabuntong hininga na lamang ng malalim si General Wilson. Tumayo si Chyrll at napipikon na tumingin ito sa kanyang ate ng naka cross arm at nanunuyang mga mata na nakipagtitigan ito sa kanyang ate Carlyn. "Sino ba kase nag-utos saiyo na alamin mo ang mga result ng grado ko? Iyan bang nanay mo para may mahanap na dahilan para pagalitan at ikulong ulit ako ni Daddy dito ng isang buwan?" Galit na sabi nito kay Carlyn. "Ano Daddy, hito na ako? Simulan mo ng sermunan ako at pagbawalan lumabas. Diyan ka naman diba magaling, ang ikulong ako palagi? Sabi ni Chyrll sa kanyang ama na puno ng hinanakit. Tiningnan pa nito ang kanyang madrasta na si Rochelle ng masama. "Ganyan ba ang natutunan mo sa mga bago mong kaibigan na mga taga eskwater ha, Chyrll?" Tanong naman sa kanya ni Rochelle. Hindi narin ito nakatiis, at nakisali na ito sa pagtatalo ng dalawa. "Sinabing tumigil na kayo!" Saway muli ni General. Wilson, pero binaliwala ulit nila ito. Tumingin muli si Chyrll sa kanyang madrasta ng mapanuya. "Mga bago ko na namang kaibigan ang nakikita ninyo at sinisisi kung bakit ganito ang pag-uugali ko. Wala ba kayong salamin sa silid ninyo para hindi ninyo makita kung ano ba talaga ang tunay ninyong pag-uugali!? Hindi n'yo ba nakikita ang mga sungay na na tumubo diyan sa ulo ninyong mag-ina!? Huwag ninyo isisi sa mga kaibigan ko kung bakit ako naging ganito sainyo? Ang sisihin ninyo ay yang sarili ninyo! Huwag na kayo magmaang-maangan pa Rochelle. Ikaw naman Daddy, hanggang ngayon ay bulag parin sa katotohanan." Sabi ni Chyrll sa mag-ina at sa ama nito, at pabagsak na binitawan ang kutsara at tinidor sabay talikod sa kanilang lahat. "Bumalik ka dito Chyrll! Hindi kapa tapos kumain!" Tawag sa kanya ni Gen.Wilson. "Nawalan na po ako ng gana Daddy, dahil diyan sa pinakamamahal ninyong asawa at anak!" Puno ng Hinanakit na sagot ni Chyrll nito sa ama. Lumabas na ng mansion si Chyrll. Tinawag na nito ang driver nito na si kuya Arnolfo para magpahatid na sa University na pinapasukan nito. "Nag-away nanaman ba kayo ng Daddy mo?" Tanong ni kuya Arnolfo kay Chyrll. Naipikit naman ng mariin ni Chyrll ang mga mata nito bago ito sumagot kay Kuya Arnolfo... "Nabubwisit ako kay ate Carlyn. Ang aga-aga niyang sinisira ang araw ko." Sagot nito kay Kuya Arnolfo. "Huwag mo na lang pansinin ang ate mo, iniisip lang nila ang ikakabuti mo-, "Ikakabuti ko, nagpapatawa kaba, kuya Arnolfo? Hindi mo ba napapansin na naiinggit sa akin si Ate Carlyn dahil ang buong atensyon ni Daddy ay nasa akin buong buhay ko? Kaya lahat ginagawa niya para siraan ako kay Daddy para pagalitan ako nito." Putol ni Chyrll sa sinasabi ni Arnolfo. "Alam mo kuya Arnolfo, nakakasawa na ang magpanggap sa ibang tao na masaya ang pagsasama ng pamilya namin. Mas gusto ko na lang ng tahimik na buhay, gusto ko na lang ulit ang bumukod ng bahay, iyong malayo sa kanila, bakit ba kase ako bumalik sa mansion ni Daddy? Lalo lamang gumulo ang buhay ko." Ani pa nito. Hindi na nagsalita pa si Kuya Arnolfo, nagpatuloy na lamang ito sa pagmamaneho ng sasakyan. "Kuya Arnolfo sa likod na lang ng coffee shop namin ni Rasselle mo ako ibaba. Hindi muna ako papasok, wala din naman ang mga kaibigan ko." Utos ni Chyrll. "Bakit? Nasaan ang mga kaibigan mo?" Nagtataka na tanong ni kuya Arnolfo kay Chyrll. "Tatlong buwan ng nakidnap ang kaibigan kong si Isadora ng hindi kilalang mga tao, tapos ang dalawa ko pang kaibigan na sina Aria at Szarina ay bigla na lang namin hindi naramdaman, naglaho na lang na parang bula." Kwento ni Chyrll. "Kawawa naman pala ang kaibigan mo, pero teka baka mapagalitan nanaman ako ng Daddy mo, kapag nalaman niya na hindi ka nanaman pumapasok." Nangungunsumi na sabi ni kuya Arnolfo sa huli. "Hindi naman niya malalaman kung hindi ka magsusumbong, diba?" Katwiran ni Chyrll. Napakamot na lang ng ulo si kuya Arnolfo dahil sa katwiran ng alaga nito. Inihatid nga nito si Chyrll sa likod ng coffee shop nila ni Rasselle. Pagkababa ni Chyrll ng sasakyan ay pumasok ito sa sekretong kwarto ng dalawa. Nilapag nito ang kanyang bag na Chanel sa kanyang table. Lumabas ito upang mamingwit ng isda sa fishpond nila. Habang namimingwit si Chyrll ay kumakanta ito ng kanyang paboritong kanta, ang On the wings of Love. Ganito siya kapag may pagtatalo na nagaganap sa mansion nila, dito siya nagpapalipas ng inis. Hindi narin nito iniistalk si Red Simon, napagod narin ito sa kakahabol at pagpapansin sa binata... Dahil sa binata kaya bumabagsak ito sa pagsusulit, wala itong ginawa kundi ang sundan ng sundan si Red kahit saan man ito magpunta. "Ang lalim naman ng iniisip mo diyan? Boses pa lamang ay kilala na agad ni Chyrll kung sino ang dumating. Boses ni Marian. "Bakit nandito kayong dalawa? Mapagalitan pa kayo kapag nalaman ni Tito Winston at ni Kuya Eutz kapag hindi kayo pumasok." Tanong nito kina Marian at Rasselle habang hindi ito nakatingin sa dalawa. "Boring don eh, hindi na kase tayo kumpleto." Sabi naman ni Rasselle. "Saka hindi naman malalaman nila kung walang magsusumbong." Ani pa ni Marian. Kapag ka ganito talaga, iisa lang ang katwiran nilang magkakaibigan, hindi nila malalaman kung walang magsusumbong. "Total nandito narin naman tayo, bakit hindi na lang tayo mag picnic sa garden. Marami narin naman akong nahuling isda. Isipin nalang natin na nasa parke tayo o kaya ay na tabi ng batis." Sabi ni Chyrll sa dalawa.. "Magandang idea yan kapatid, kahit kulang tayo ng tatlo ay maging masaya parin tayo. Hindi naman seguro masama ang magsaya kahit papaano, diba? Hindi naman ibig sabihin nito ay wala na tayong pakialam sa mga kaibigan natin na nawawala." Sabi naman ni Marian. "At kahit binasted tayo ng mga lalaking gusto natin ay maging masaya parin tayo, kahit papaano." Sabi naman ni Rasselle, na hindi parin maka move on kay Rage. "Bakit hindi mo na lang sagotin yang manliligaw mong taga Colombia. Gwapo naman yon kaysa kay Rage mong hambog." Sabi naman ni Chyrll. "Oo nga noh, ang galing mo talagang magpayo kapatid, maganda na mabait pa. Subukan ko kayang pagselosin ang lalaking 'yon." Nakangiti na sabi ni Rasselle. "Syempre, dapat hindi tayo maging tanga sa pag-ibig noh. Gayahin mo ako, hindi na ako tanga na sunod ng sunod kay Red kahit saan man ito magpunta." Sagot ni Chyrll na may ngisi sa labi nito. "At.... Ipakita natin sa kanila na hindi lang sila ang lalaki sa mundo, kaya ano pa ang hinihintay mo, pagselosin mo yang si papa Rage mo, ewan lang natin kung hindi pa umusok ang bunbunan non dahil sa selos, halata naman sa mga sulyap niya saiyo na may pagtingin din siya saiyo pero todo deny pa." Pagsang-ayon naman ni Marian. Tuwang-tuwa naman ang tatlo dahil sa napagkasunduan nila na pagselosin si Rage, at ang biglaan na picnic dito sa garden. Tinawag ni Chyrll ang taga bantay nila dito sa Fish pond. Inutusan niya itong ibili sila sa palengke ng mga kailangan nilang gamitin sa pag pipicnic nilang tatlo sa garden. Habang wala pa ang gagamitin nila ay pumasok muna sila sa loob ng coffee shop nila. Binati sila ng mga empleyado ng dalawa. Umorder sila ng kape, umupo muna sila habang hinihintay nila ang kape. "Chyrll, nakkikita mo ba ang nakikita ko?" Tanong ni Marian. Sinagot naman ito ni Chyrll ng pabalang. "Hindi. Paano ko makikita eh, nakapikit ako. Natawa naman si Rasselle sa sagot ni Chyrll kay Marian. "Loka-loka ka talaga. Tumingin ka sa entrance, nakatayo si Red kausap ang security guard ninyo." Bulong ni Marian na may pag-irap pa. Lumingon nga si Chyrll sa entrance ng Coffee Shop nila kung si Red nga ba iyon. Eksaktong paglingon ni Chyrll ay nagtama ang kanilang mga mata. Lumapit si Red sa tatlong dalaga. "Anong ginagawa ninyo dito? Bakit hindi kayo pumasok?" Tanong kaagad ni Red sa tatlo. "Wala kami sa mood, ikaw anong gigagawa ng isang Red Simon Marcos dito sa coffee shop namin?" Mataray na sagot ni Rasselle. "Napadaan lang ako, gusto kong magkape kaya nandito ako. Bawal ba?" Sabi naman nito habang nakatingin kay Chyrll na hindi naman siya pinapansin. "Hindi naman, pero don ka maupo sa kabila, hanggang tatlo lang pwede dito sa pwesto namin." Pagtataray ni Marian. Wala namang nagawa pa si Red, kundi ang maupo sa kabilang upuan na malapit lang sa tatlong dalaga. Dumating ang kanilang order. "Tara na sa Garden, don na lang tayo maupo. Bigla kaseng pumangit ang view dito." Bulong ni Chyrll sa dalawa. "Oo nga." Sabay na pagsang-ayon ng dalawa. Iniwan nila si Red na hindi pinapansin kahit tinatanong sila kung saan sila pupunta. Bumalik na lang sa upuan si Red, at hinintay na lang nitong dumating ang kanyang inorder na kape. Pero ang totoo niyan ay kaya pumunta si Red sa coffee shop ng dalawang dalaga ay naninibago siya sa kinikilos ni Chyrll. Alam niyang napasobra ang masasakit na sinabi niya dito kaya isang buwan na itong hindi siya iniistalk. Gusto nitong humingi ng tawad sa kanyang mga sinabing masasakit na salita kay Chyrll, ngunit ang dalaga ay lumalayo na sa binata. Ng dumating ang inorder nitong kape ay umalis narin ang binata sa coffee shop ng dalawa. Sumakay na ito ng kanyang sasakyan at dumiritso na sa kanyang kumpanya. Marami itong dapat tapusin na trabaho ngayon, dahil natambakan ito ng mga papeles na dapat nitong permahan dahil sa pagtulong nito sa kaibigan nitong si Eutanes sa paghahanap sa kasintahan nito. Sumabay din sa problema ang dalawa pa nitong kaibigan kaya hindi na nito malaman kung alin sa tatlo ang una nitong tutulongan sa paghahanap sa tatlong babae. Ng dumating ito sa kanyang kumpanya, pagkapasok pa lamang nito sa opisina ay tumunog na agad ang cellphone nito. Tumatawag ang ama nito, naging maayos narin ang pagsasama ng dalawa. Pero mas pinili nito na sa lolo nito, muna ito tumira. "Hello, dad." Sagot nito sa ama na nasa kabilang linya. Sinabi dito ng ama na malapit ng mahanap ang nawawala nitong kapatid sa ama. "Dad, hindi naman sa ganun. Gusto ko lang makaseguro na kung kapatid ko ba talaga siya, ayaw ko ng maulit na umaasa lang ako sa wala. Sa ngayon, ayaw ko monang umasa hangga't walang patunay na siya nga ang matagal ko ng kapatid na nawawala. Baka kagaya lang yan ng iba na mapagsamantala. Dahil lang sa pera, pinipeke ang resulta ng DNA test mapatunayan lang na sila nga ang kapatid ko." Sagot nito sa kanyang ama na si Don Juanito. Hindi narin naman nagtagal ang pag-uusap ng mag-ama. Inumpisahan na nito ang pagbabasa ng mga nakatambak na dokumento. Sumapit na ang gabi, ay nasa opisina parin ang binata. Pilit nitong tinatapos ang naka binbin nitong mga trabaho. Pinauwi narin ng binata ang sekretarya nito, pagkatapos nitong utusan na umorder ng pagkain sa restaurant.Chyrll Maaga akong nagising, ngunit pakiramdam ko ay bigat na bigat ang katawan ko. Tinatamad akong bumangon, ganito talaga seguro kapag buntis. Nakaramdam ako ng pangangasim ng sikmura, nagmamadali akong bumangon at tumungo sa banyo. Duwal ako ng duwal na wala namang lumalabas na kinain namin kagabi. Naramdaman ko na lamang ang paghagod ng kamay ni Red sa aking likuran. "Okay ka lang ba misis ko?" Nag-aalala na tanong sa akin ni Red, naramdaman pala niya ang pagbangon ko sa kama. Matamlay akong tumango sa kaniya ng aking ulo. "Segurado kaba? Gusto mong dalhin kita sa hospital?"Tanong pang muli nito? Umiling naman ako ng aking ulo. "Sabi ng doctor, normal lang na makaramdam ako ng ganitong sintomas sa umaga. Nahihilo lang ako at gusto ko ulit matulog, pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko." Sambit ko. Bigla namang umiwalas ang mukha nito. "Baka namimiss ng kabibe mo ang sea lion ko?" Nakangiti pa nitong sabi sa akin. "Red! Ang manyak mo talaga, masama na nga ang pakira
Red. "Congratulations! Mr Marcos. Five weeks pregnant na po ang asawa mo." Nakangiting wika ng babaeng pinay na doctor sa ob-gyn na pinuntahan nila ni Chyrll dito sa Cambridge Massachusetts ng makasalubong niya ito sa hallway ng Ob-gyn ng may dala dalang isang botle mineral water. Halos lumundag sa tuwa si Red namg kumpirmahin ng doctor na buntis nga ang kaniyang asawa. Tuwang-tuwa din naman ang babaeng doctor, at pinuring muli si Red bago ito pumasok sa loob ng room kung saan naghihintay din si Chyrll na nagpahinga ng saglit dahil nakaramdam ito ng kaunting hilo. Halos magkasunod lang na pumasok si Red at ang doktora. Masaya ding binalita ng doctor ang result kay Chyrll. Pinahigang muli ng doctor si Chyrll sa patient bed, upang iparinig sa mag-asawa ang pintig ng puso ng baby sa ultrasound machine. Kinuha ng doctor ang fetal doppler pagkatapos nitong pahiran ng gel ang tiyan ni Chyrll. Hindi maipaliwanag ng dalawa ang kasiyahan na nararamdaman nilang pareho ng marinig at ma
Chyrll. "Totoo po mama, magkakaroon na po kami ng little brother o little sister?" Masayang tanong ng aking bunsong anak. "Hindi pa ako segurado anak ko. Pupunta pa lamang kami ng iyong papa sa ob-gyne para magpa check up." Naka ngiti kong paliwanag, ginulo ko ang malago nitong buhok na kulot. Maagang nagising ang mga bata, at maaga din akong kinukulit ng mga ito dahil sa kanilang ama na maaga ding nagising upang ipamalita na nagdadalang tao ako, kahit hindi pa kami segurado. Pumasok din si mommy dito sa loob ng aking silid na sobrang saya din. "Mabuti naman anak, at okay na kayo ni Red Simon? Napakasaya ko na malaman at makita na nagkakamabutihan na kayo ngayon, na tinanggap mo na siya d'yan sa puso mo. At muling nanumbalik ang pagkagusto mo sa kanya." Ani ni mommy. Nangunot naman ang aking noo, dahil nagiging madrama ngayon si mommy. "Wala lang po akong choice mommy, kundi ang tanggapin na siya sa buhay ko. Kung hindi sa mga bata at sa paparating pang blessing kung saka
Hindi ako pinapansin ni Chyrll, tanging mga kaibigan kong hudas ang kinakausap nito, na tuwang-tuwa naman. At ako pa ang nautusan na ilaga ang balot. "Matagal paba 'yan maluto?" Tanong sa akin ni Chyrll ng pumasok ito sa kusina. "Saglit na lang ito misis ko. Limang minuto na lang maluluto na ito." Sagot kong nakangiti. "Kahit ngumiti kapa diyan, mukhang kanduli kapa rin sa paningin ko." Pagtataray parin nito sa akin. Hindi ko na nagugustuhan ang pagsusungit nito sa akin, kailangan ko na itong parusahan. Kinabig ko ito, at sinakop ng aking labi, ang labi nito. Pilit akong tinutulak nito sa dibdib, pero dahil ako si Red Simon Marcos. Hindi ako nagpatinag. "Oohh." Isang ngiti ang sumilay sa aking labi ng marinig ko ang ungol nito. Pinasok ko ang palad ko sa suot nitong pantulog, at sinalat ko ang hiyas nito. Hindi naman seguro papasok ang mga hudas dito sa kusina. At wala naman cctv dito. Gumapang pa ang isa kong kamay sa loob ng damit nito, habang magkasugpong parin ang labi namin
Red. Walang pagsidlan ang aking labis na nadarama ngayon. -Ngayon, hawak ko na ang isang basket na balot na inorder ng mga matatalik kong kaibigan sa online para sa aking pinakamamahal na asawa. Sana nga ay tama ang kutob nila na buntis na si Chyrll. Talagang ako na ang pinaka masayang lalaki sa balat ng lupa. "Dude, baka naman mapunit na yang bibig mo sa sobrang laki ng pagkakangiti mo." Turan ni Eutanes. Lalo naman lumaki ang aking pagkakangiti. " Ganito pala ang pakiramdam na malaman mo na buntis ang asawa, kahit hindi ko pa kumpirmado kung buntis nga siya." Sagot ko. "100%, dude. Buntis ang asawa mo. Hindi yan maghahanap ng werdong balot na lalaki ang sisiw kung hindi yang buntis," Ani naman ni Fucklers, nakikinig pala siya sa amin ni Eutanes. Tumango tango naman ako ng ulo sa kanila habang malaki ang aking pagkakangiti. "Kahit balot pa ng dragon ang ipahanap niya sa akin at bakla ang inakay nito ay maghahanap talaga ako, kahit libotin ko pa ang buong mundo, mapagbigyan k
"Anak, okay ka lang ba? Namumutla!" Nag-aalala na tanong sa akin ni mommy. "Puyat lang po ako mommy, nagreview po kasi ako ng mga kaso na kailangan namin ipasa sa monday." Sagot ko kay mommy. "Ganun ba, nak. Sege kumain kana, para naman makapagpahinga ng maaga. "Mommy, may gusto akong kainin ngayon. Natatakam ako sa balot. Gusto kong kumain ng balot na lalaki ang sisiw." Sabi ko kay mommy habang ang bibig ko ay parang naglalaway. Nagtataka naman si mommy na tumingin sa akin. "Anak, segurado kaba sa sinabi mo? Balot na lalaki ang sisiw! Meron ba non, anak?" Hindi makapaniwala na tanong ni mommy sa akin, kaya napaisip din ako. "Meron ba non?" Bulong ng isip ko, pero gusto ko talagang kumain ng balot na lalaki ang sisiw nito. "Meron po non, mommy. Alam po 'yon ng nagtitinda ng balot." Sagot ko na lang. "Ang weird mo anak. -Saglit puntahan ko lang si Red sa garahe, tamang-tama may bagong bili siyang motorsiklo, pasasaglitin ko siya sa supermarket." Saad ni mommy. Tumango nama