LOGINDahil sa matinding pangangailangan, napilitan si Marriane Mercadejas na sumama sa kaibigan nito na magpunta sa isang high society exclusive bar para maghanap ng matandang mayaman. Kailangan niya ng pera para hindi sila paalisin ng nanay niya sa inuupahan nitong bahay, pero imbis na matandang mayaman ang makaharap ay nakaharap niya ang kilalang Casanova na si Timothy Axel Laxamana. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagkikita, na hahantong pa sa pisikalan dahil sa pagiging palaban ni Marriane. Akala nila ay hindi na mag kukrus ang landas nila, hanggang sa mainterview si Marriane sa kumpanyang inapplyan niya, at ang magiging boss niya? walang iba kundi ang lalaking kinaiinisan niya at kinaiinisan rin siya. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa kapag palagi silang nagkikita? mas titindi ba ang bangayan ng dalawa? o tulay ito para sa pagkahulog nila sa isa’t isa.
View MoreThey said a Laxamana could never survive away from the grid. But Timothy proved that his entire world was already standing right in front of him.Dalawang taon matapos ang kasal—at dalawang taon mula nang magpasya si Timothy na tuluyang talikuran ang malamig at ang walang katapusang takbo ng mga stocks, ang mga flash ng media, at ang ingay ng Dominion, ay naging mga malabong alingawngaw na lamang ng nakaraan.Nakatayo kami sa isang pribadong isla sa Batangas. Isang nakatagong paraiso na walang mararangas na hotel, walang semento, at higit sa lahat, walang maayos na signal ng telepono. Dito namin piniling magtayo ng isang simpleng beachfront villa. Dito namin piniling mabuhay, malayo sa mga anino ng mga Del Rio at sa lahat ng sugat ng pitong taong digmaan na tuluyan nang natunaw sa bawat segundong lumilipas.Lumabas ako sa terrace ng aming bahay, suot ang isang simpleng puting linen dress na sumasabay sa marahang ihip ng hangin na may amoy ng asin at kalayaan. Doon ko sila nakita.Nakas
Ang unang liwanag ng sikat ng araw ay marahang sumilip sa pagitan ng mga puting kurtina ng villa, nag-iiwan ng mahahabang guhit ng ginto sa ibabaw ng malambot na kama. Kasabay nito ang banayad na simoy ng hangin mula sa dalampasigan na may dalang amoy ng sea salt, pamilyar at payapa.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, sinalubong ng bahagyang hilo mula sa matinding pagod at emosyon ng nagdaang araw. Ngunit bago pa man tuluyang magproseso ang aking isip, naramdaman ko ang isang mabigat ngunit kumportableng braso na nakapulupot sa aking baywang, humihila sa akin pabalik sa isang mainit na dibdib.Napatitig ako sa lalaking katabi ko.Si Timothy. Ang aking asawa.Wala ang kaniyang karaniwang selyo ng buhok na naka-brush back; ang ilang hibla nito ay gulo-gulong nakalagay sa kaniyang noo, na nagpamukha sa kaniya na mas bata at malayo sa malamig na CEO na kinatatakutan sa boardroom. Ang kaniyang panga ay relaks, ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakabukas, at ang mabagal na pag-n
Ang ingay ng labas ng katedral ay tila isang malabong humming sa aking pandinig habang naglalakad kami ni Timothy palabas, sinalubong ng ulan ng mga puting petals at ng nakakasilaw na flash ng mga kamera ng media. Ang kaniyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa aking baywang, isang protektibong gawi na ngayon ay wala nang itinatagong takot—kundi purong pag-aari at kalayaan.Ang reception sa grand ballroom ng The Peninsula Manila ay naging isang obra maestra ng kontradiksyon. Sa isang banda, nandoon ang pormalidad ng alta lipunan: ang mga matatayog na kristal na chandelier, ang tunog ng banayad na jazz, at ang mga naglalakihang pangalan sa mundo ng negosyo. Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, ang aming lamesa ay puno ng init na kailanman ay hindi mabibili ng pera."Isang baso pa nga ng champagne, Trevor," natatawang utos ni Kacely habang nakasandal sa upuan, bahagyang namumula ang mga pisngi dahil sa nakatutuwang pagod ng buong araw. "Grabe, feeling ko ako 'yung ikinasal sa tindi ng kaba
They said a Laxamana wedding would always be a merger of empires. But Timothy made sure it was only a union of two souls.Ang Manila Cathedral ay binalot ng kakaibang antas ng elegansa na ngayon lang nakita ng alta lipunan. Walang mararahas na dekorasyon, walang nagtutunggaliang mga kulay.Ang buong dambana ay pinaligiran ng libu-libong buhay na white lisianthus, phalaenopsis orchids, at mga sariwang eucalyptus na nagpabango sa malamig na hangin sa loob ng simbahan. Ang dulo ng bawat upuan ay may nakasabit na mga kristal na may nakasinding kandila, lumilikha ng isang tila panaginip na liwanag na sumasayaw sa lumang arkitektura ng katedral.Ang tunog ng mga violin mula sa isang full orchestra ang dahan-dahang bumasag sa bulong ng mga piling bisita nang bumukas ang dambuhalang pinto ng simbahan.Napatayo ang lahat. Ngunit ang aking paningin ay nakatutok lang sa dulo ng mahabang karpet—kung saan nakatayo ang isang Timothy Axel Laxamana.He was wearing a bespoke, midnight-blue velvet tuxe
Masakit ang ulo kong bumangon sa higaan, buti na lang pag uwi ko kagabi ay tulog na si Mamay, kung hindi ay malilintikan talaga ako pag naamoy niya akong amoy alak. Pag labas ko ng kuwarto ko ay naabutan ko si Mamay na nagluluto ng sinangag, may nakalapag na rin sa hapag na piniritong itlog at lon
“Ano sama ka na sakin? maraming matandang mayaman doon. Makakapasok naman tayo dahil kilala na ako doon. Isang gabi lang naman, kesa naman paalisin kayo ni Tita Nelda sa inuupahan niyo” pangungulit ni Kacely sakin, matalik kong kaibigan. Naikwento ko kasi sakaniya na kailangan na kailangan ko ng
Naging tahimik lang si Tukmol habang inaasikaso ko ang schedule niya na alam kong puro mga babae lang naman ang tatargetin niya bukod sa pakikipagdeal ng kung ano anong projects. Mabilis na lumipas ang oras at lunch break na, hindi ako tumayo sa upuan ko bagkus ay inilabas ko ang baonan ko sa bag
P.uro na ako mura sa utak ko habang nasa loob ng elevator, ni hindi pa ako nakakapagpahinga tapos uutusan niya ulit akong bumaba para lang sa kape niya?! Kung kaya niyang man trip, pwes ako rin!“Ahh, Miss… sure ka ba na with sugar iyang kay Mr. Laxamana?” tanong ng barista sakin pagkabigay niya ng












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews