공유

Chapter 15

Pinatay ni Ella Jane ang music sa kaniyang cellphone at hinablot ang earphone sa kaniyang tainga. Alas dose ng tanghali ay binalak niyang matulog na lang muna at alisin sa utak ang mga problema niya sa buhay. Isama na rin ang lalaking gusto siyang paglaruan.

Buwesit na lalaking ‘yon, aniya sa isip at pumikit na lang. Kapag naiisip niya talagang gusto lang nitong maglaro ay umiinit ang ulo niya. Nakulangan yata ito sa Physical Education noong nasa High School palang ito hanggang College. Kaya gustong makipaglaro sa kaniya.

“Bakit ba kasi gusto niyang maglaro?” aniya at muli na namang nagdilat tapos sinapo pa ang noo. “Bakit ako pa ang paglalaruan? Hindi naman ako mukhang barbie doll.”

“Hindi nga, mukha ka kasing doll na tinutusok sa karayom. Alam mo ba ‘yon?”

Kung totoo ‘yong feeling na parang gusto na lang niyang kainin ng lupa, iyon ang nararamdaman niya ngayon. Hindi sa nahihiya siya pero gusto na lang niyang kainin siya ng lupa para maiwasan ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob.
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status