Share

Chapter 11

Raven's POV

NAGAWA ko na ang kape para kay Vander. Bumalik na ako sa silid at inilapag ko ang kape sa kanyang desk habang siya naman ay subsob sa trabaho.

Kung alam ko lang na ganito ka boring dito, sana dinala ko na lang ang aking laptop. Natapos pa sana trabaho ko.

Umupo na lang ako at nakita ko naman na uminom ito ng kape at hindi naman nagreklamo. Wala akong ginagawa at sa palagay ko ay makakatulog na ako dahil sa antok. Kaya tumayo na lamang ako at tumingin tingin ako sa mga shelves doon.

May mga libro naman kasi doon. Shakespeare? Mahilig si Vander magbasa ng mga ito? Wala sa itsura niya na nagbabasa siya ng mga ganito.

Nabasa ko na lahat ng libro ni Shakespeare kaya naghanap ako ng ibang libro. Lahat ng nandoon ay nabasa ko na noon pa. Kaya kumuha na lang ako ng encyclopedia. Magbabasa na lang ako, sakaling may mga bagay pa akong hindi alam.

Bumalik na ako sa sofa dala ang encyclopedia at binuksan yun. Kung anu-ano ang mga nabasa ko doon na alam ko na din. Kaya papakli pakli na
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status